ALLYS POV
"Congratulations, your one month pregnant," masayang balita sa akin ng doctor.
Nilingon ko si Daniel na nasa aking tabi. Nakatitig lamang siya sa akin na para bang tinitimbang niya ang magiging reaksiyon ko.
Kahapon nang sinabi niya sa akin na buntis ako ay hindi kaagad ako naniwala. Kaya heto ako ngayon at talagang lumapit na sa isang obgyn para masigurado ko na buntis talaga ako. Sinamahan naman ako ni Daniel sa pagpunta ko dito ngayon dahil kakilala lang naman niya itong doctor