Home / Romance / Rewriting Us / KABANATA 2

Share

KABANATA 2

Author: AMCN
last update Last Updated: 2025-06-04 17:58:11

PANGATLONG beses na ang kapeng hawak ni Kila ngayong gabi pero hindi pa rin siya makapagfocus sa kaniyang ipinipinta. Sa hindi kasi niya malamang dahilan, mukha ng lalaking nag-alok sa kaniya ng kontrata noong isang araw ang kanina pa pumapasok sa isip niya. 

Hindi niya nga alam man lang ang pangalan nito maliban sa mukha nitong nuknukan ng kagwapuhan at katawan nitong mala-adonis. 

“Tanggapin ko na lang kaya?” bulong niya sa sarili, nakapatong pa ang dalawang kamay sa ulo na para bang napakadelikadong desisyon ang kailangan niyang pag-isipan. 

Paano ba naman kasing hindi niya ikokonsidera ito gayong ilang beses na silang nag-away ng kaniyang ama. Pilit kasi nitong ipinagduduldulan kay Kila na wala siyang mapapala sa kaniyang pagpipinta at mas mabuti kung matrabaho na lang siya sa kumpanya nito. 

“Wala naman sigurong mawawala? Isa pa, bukod sa magagawa ko ang gusto ko, kawalan ang ganoong klase ng itsura. Perfect dream, perfect man!” dagdag niya pa habang hawak ang mug ng kape niya. 

Ilang segundo pang pumikit si Kila at nang idilat niyang muli ang kaniyang mga mata, isang malaking ngiti ang pumaskil sa kaniyang labi. 

“Let’s do it!”

Iyon agad ang bungad ni Kila kay Zane nang maabutan niya ang lalaki na nakasandal sa sasakyan nito. 

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Zane sa biglaang pagdating ni Kila. Sa totoo lang ay hindi niya talaga inaasahan na pupunta ito at papayag sa inalok niyang kontrata kaya ganoon na lamang ang pagkabigla niya sa pagsulpot ng babae. 

“Kila, are you sure about that?” tanong ni Zane. 

Bagamat nagtaka si Kila kung paano nito nalaman ang kaniyang pangalan, hindi na niya ito napagtuunan ng pansin. Tila kasi hindi siya pinagkakatiwalaan ng lalaki dahil sa naging reaksyon nito, “Pinagdududahan mo ‘ko? Ito na nga ako sa harapan mo oh!” 

“No… Hindi lang ako makapaniwala - I mean, you were so against about it just a few days ago,” sagot ng lalaki.

May point siya. Pagkatapos ng pagmamaldita ni Kila sa lalaki, malamang sa malamang at hindi ito agad maniniwalang pumapayag siya sa gusto nito. 

But then, I guess he’s still hoping that I would? Ngumisi si Kila sa naisip. Bakit hindi kung nasa harapan niya ngayon itong lalaki.

“Ha…” nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Zane nang hindi na sumagot si Kila at imbis ay tumitig na lang sa kaniya habang nakapaskil ang malawak na ngiti sa labi. Natutukso siyang higitin ang babae at halikan sa mapupula nitong mga labi ngunit pinipigilan niya ang sarili.

“Okay. Okay. But let’s go to the nearest Café first,” pagsuko ni Zane at mabilis na umiwas ng tingin upang pigilan ang matawa nang makita si Kila na napasuntok sa ere at tila ba nakatama sa lotto. 

Nang makarating sa Café malapit sa Art Gallery, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Zane at mabilis na ipinaliwanag ang nilalaman ng kontrata.

“Kailangan ba talaga natin magpakasal?” singkit ang matang tanong ni Kila nang matapos ipaliwanag ni Zane ang lahat.

“Yes. Like what I’ve said, hindi ko matatakasan ang arrange marriage ng family ko kung hindi ko itatali ang sarili ko sa kasal. That’s what they wanted from the start,” labas sa ilong na pagsisinungaling ni Zane sa babae. 

Napatango-tango si Kila sa isinagot sa kaniya ni Zane, “Well, I’ll have my freedom too once I marry you. Not bad.”

Bahagyang napangiti si Zane sa narinig mula kay Kila. Lahat ng plano niya ay paunti-unti nang natutupad. He’ll definitely be the best husband so Kila wouldn’t think of leaving him. 

“Pero ano nga ang pangalan mo? Thinking about it, we never introduce ourselves. But I guess you knew mine,” wika ni Kila sa naeengganyong tono. 

Zane’s heart suddenly reacted to the way Kila acted. Parang nagningning ang babae sa paningin niya at hindi inaasahang nabanggit ang salitang madalas niyang itawag sa dating nobya, “Baby…”

Nang marinig iyon ni Kila, mabilis niyang tinakpan ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang tawa, “Oh… hahaha…. mpp… sorry!” 

Ngunit sa huli ay hindi niya na rin ito napigilan. Dito lang bumalik sa wisyo ang lalaki nang mapagtanto kung ano ang sinabi. Mabilis na umakyat ang dugo ni Zane sa ulo sa kahihiyan na naranasan sa harap ni Kila.

“N-no! I just mean we should start by pretending to use c-callsign! And my name is Zane, not b-baby,” nauutal na paliwanag ni Zane, pinipilit isalba ang imahe na gumuho sa harapan ng babae. 

Kahit hindi pa rin makamove-on sa pagkakamali ni Zane, pinilit na lamang ni Kila na kalmahin ang sarili. Sa lagay kasi ng lalaki ngayon ay baka bigla na lamang nito bawiin ang napagkasunduan nilang dalawa. 

“Ahem. Yes. I understand. So, what’s next?” pagbabago ni Kila sa usapan. 

“Our wedding.”

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na naproseso ni Kila ang lahat. Natagpuan na lamang niya ang sarili sa harap ng altar matapos ang naging pag-uusap nila ni Zane ilang araw lang ang nakalilipas. 

“H-hey! Hindi ba sobrang bilis ng lahat ng ito? And how did you manage to make my parents accept all of this?” naguguluhang bulong ni Kila kay Zane na siyang katabi niya habang nanenermon ang Pari. 

“Skills,” maikli at nakangising tugon ni Zane. 

Halos lumitaw ang litid ng ugat sa leeg ni Kila sa sagot ng lalaki. Pigil na pigil niya ang inis sa sobrang kalmado ng naging tugon nito sa kaniya habang siya itong walang kaalam-alam sa kung paano nagkasundo ang dalawang pamilya. 

“You may now kiss the bride,” pag-anunsyo  ng Pari kasabay ng malakas na palakpakan ng mga guest sa kanilang kasal.

“Ihanda mo ang explanation mo pagkatapos talaga ng kasal na ‘to,” pagbabanta ni Kila kay Zane na tinugunan lang ng lalaki ng isang malaking ngiti bago siya nito halikan sa kaniyang labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rewriting Us   KABANATA 6

    Sa mga sandaling iyon, parang wala nang ibang importanteng bagay pa sa paligid nila. Nablanko na ang isip ni Kila habang pigil-pigil niya ang hininga sa bawat paggalaw ng labi ng lalaki. Naguguluhan siya kung bakit hinahayaan niya si Zane na angkinin ang kaniyang mga labi. Tila siya ang lasing sa mga oras na iyon at hindi na maproseso ang mga nangyayari. "Baby..." mahinang sambit ni Zane nang sa wakas ay maghiwalay na ang kanilang mga labi. Nakakulong sa palad nito ang magkabilang pisngi ni Kila at nakahilig ang noo niya sa noo ng babae. Para bang ayaw na nitong ilayo ang sarili sa dating nobya. Samantala, habol ang hiningang nakatitig si Kila kay Zane na parang hindi ito makapaniwala sa mainit na kaganapan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang salita upang kausapin ang lalaki. "I'm not that woman..." tanging namutawi na lang sa mga bibig ni Kila. Sa pagkakataong ito, lumandas ang takas na luha sa mata ni Kila. A

  • Rewriting Us   KABANATA 5

    “I’ve spent my life chasing knowledge, ideas, and answers. But loving you, that’s the only thing I’ve ever been absolutely sure of. And I’m sure that I want to grow old with you. So, Kila Lorenze, will you make this official—forever, just us two?” Kila felt warmth bloom in her chest, the words wrapping around her like a comforting embrace. But just as she was about to respond, the world around her began to blur—colors dissolving, the man’s presence slipping away like sand through her fingers. Then, suddenly, Kila woke up with tears streaming down her face, her heartbeat thundered in her ears as reality crashed back in. Habol-habol niya ang kaniyang hininga habang hawak-hawak ang dibdib. Her heart aching for something she couldn’t quite understand. Sa panaginip niya, may lalaking yakap siya nang mahigpit—his voice soft, full of love—but his face was blurred. Hindi niya alam kung sino ito. "Are you okay?" tanong ni Zane, bakas ang boses na may halong pag-aalala. Kila sniffled an

  • Rewriting Us   KABANATA 4

    UMUULAN nang umagang iyon habang magkatabi sa sofa si Kila at Zane. Simula kasi nang iminungkahi ni Kila ang planong naisip niya upang maging kapani-paniwala ang pagiging mag-asawa nila, halos araw-araw na nilang ginagawa ang magtabi upang masanay sa presensya ng isa’t isa. But unbeknownst to Kila, even without her suggestion, Zane would still love her the same as a real husband.“Gusto mo bang sumama sa art exhibition this weekend?” tanong ni Zane habang pinupunasan ang kanyang salamin.“Exhibition? Sounds fun!” ngumiti si Kila, sabay sandal sa sofa, “Saan 'yan?”“Sa gallery ng College of Fine Arts. I co-curated some of the works. Actually, I'll be more than happy if you join me. Mas may alam ka sa art pieces kumpara sa akin," tugon ni Zane at nagpakawala ng maliit na ngiti sa labi.“Then I’ll be there,” sagot ni Kila nang walang pagaalinlangan, “Supportive wife role, diba?”But deep inside, Kila was surprised. Akala niya ay may kung anong ibig-sabihin na rito ang lalaki. There was a

  • Rewriting Us   KABANATA 3

    “That was exhausting,” bulaslas ni Kila nang sa wakas ay makarating sila sa kanilang bahay bilang ganap na mag-asawa. Napaupo na lang ang babae sa malambot na sofa sa kanilang living room dahil sa sobrang pagod matapos ang buong araw na pangyayari sa kanilang kasal.“And where’s your explanation, my dear husband?” nakataas ang kilay na pamumulis ni Kila kay Zane. Tila natuod naman sa kinatatayuan niya ang lalaki sa biglaang pagkompronta sa kaniya ni Kila. Hindi niya inasahan na matatandaan niya pa ito. Ang buong akala niya ay makakalimutan na ito ng babae kung kaya hindi na siya nag-abalang mag-isip pa ng idadahilan. “I guess I still have things I didn’t knew about you,” bulong ni Zane sa sarili. Nagpakawala pa ng malalim na buntong hininga si Zane bago siya tuluyang humarap kay Kila na ngayon ay nakapangalumbabang nakadapa sa sofa. “Didn’t you know that our family are friends?” panimula ng lalaki. Kung titignan ay parang minamanipula lamang ni Zane ang lahat upang hindi na mapa

  • Rewriting Us   KABANATA 2

    PANGATLONG beses na ang kapeng hawak ni Kila ngayong gabi pero hindi pa rin siya makapagfocus sa kaniyang ipinipinta. Sa hindi kasi niya malamang dahilan, mukha ng lalaking nag-alok sa kaniya ng kontrata noong isang araw ang kanina pa pumapasok sa isip niya. Hindi niya nga alam man lang ang pangalan nito maliban sa mukha nitong nuknukan ng kagwapuhan at katawan nitong mala-adonis. “Tanggapin ko na lang kaya?” bulong niya sa sarili, nakapatong pa ang dalawang kamay sa ulo na para bang napakadelikadong desisyon ang kailangan niyang pag-isipan. Paano ba naman kasing hindi niya ikokonsidera ito gayong ilang beses na silang nag-away ng kaniyang ama. Pilit kasi nitong ipinagduduldulan kay Kila na wala siyang mapapala sa kaniyang pagpipinta at mas mabuti kung matrabaho na lang siya sa kumpanya nito. “Wala naman sigurong mawawala? Isa pa, bukod sa magagawa ko ang gusto ko, kawalan ang ganoong klase ng itsura. Perfect dream, perfect man!” dagdag niya pa habang hawak ang mug ng kape niya.

  • Rewriting Us   KABANATA 1

    “Sir, clock out lang nang maaga,” paalam ni Zane sa kaniyang co-professor mula sa pinapasukang University habang bitbit ang isang bouquet ng bulaklak.Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang aksidenteng nagpabago sa kanilang buhay ni Kila. It was the most painful experience for them… but it was the worst for Zane. Because the woman he loves lost all her memories of him. Yet, it wasn’t enough reason for Zane to just give up so easily. Tulad ngayon, pagkatapos lang ng isang lecture class niya sa Unibersidad, dumiretso na agad siya sa Art Gallery. Naabutan niya roon si Kila na tumitingin-tingin sa bawat painting na nakadisplay sa loob. Ito na ang pang labing isang Art Gallery na binibisita ng babae, ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi talaga niya malaman ang dahilan kung bakit ayaw ng mga itong tanggapin ang kaniyang mga pinta. When in fact, they were all singing praises of her works. “Haist,” malalim na pagbuntong hininga ni Kila. Napansin ito ni Zane na b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status