“That was exhausting,” bulaslas ni Kila nang sa wakas ay makarating sila sa kanilang bahay bilang ganap na mag-asawa.
Napaupo na lang ang babae sa malambot na sofa sa kanilang living room dahil sa sobrang pagod matapos ang buong araw na pangyayari sa kanilang kasal. “And where’s your explanation, my dear husband?” nakataas ang kilay na pamumulis ni Kila kay Zane. Tila natuod naman sa kinatatayuan niya ang lalaki sa biglaang pagkompronta sa kaniya ni Kila. Hindi niya inasahan na matatandaan niya pa ito. Ang buong akala niya ay makakalimutan na ito ng babae kung kaya hindi na siya nag-abalang mag-isip pa ng idadahilan. “I guess I still have things I didn’t knew about you,” bulong ni Zane sa sarili. Nagpakawala pa ng malalim na buntong hininga si Zane bago siya tuluyang humarap kay Kila na ngayon ay nakapangalumbabang nakadapa sa sofa. “Didn’t you know that our family are friends?” panimula ng lalaki. Kung titignan ay parang minamanipula lamang ni Zane ang lahat upang hindi na mapahaba pa ang usapan, ngunit para sa lalaki, sinusubukan niya ang pagkakataon na ito sa pagbabakasakaling kahit katiting ay may maalala si Kila sa kanilang naging relasyon. “Ah, hindi ko ba nasabi sa iyo na nainvolve ako last month sa isang aksidente? Hmm, no, you wouldn't be asking that if you knew about it hahaha,” tumatawang sagot ni Kila na para bang wala lang ito sa kaniya, “Anyway, to make the story short, they said I had amnesia. May mga bagay na hindi ko naaalala. Siguro ay isa ‘yan sa mga bagay na ‘yon.” Kaya siguro kilala niya ako. Ito na lang ang pumasok sa isip ni Kila at ipinagsawalang bahala na lamang ang suspetsyang nararamdaman sa lalaki. “By the way, you really are an owner gallery, no? Sa tingin ko parehas tayo ng taste. You even have this work of that famous painter. Did you know that I love this painting?” nakangiting dagdag ni Kila nang magsimula na siyang libutin ang buong bahay. Bawat parte ng bahay ay may iba’t ibang nakadisplay na piraso ng sining. At kung sinusuwerte nga naman, lahat ng ito ay isa sa mga paborito ni Kila. “Of course. Bakit ko naman kakalimutan ang plinano natin nang matagal? You’re the one who picked them all,” mahinang sambit ni Zane habang pinapanood ang babaeng hindi maitago ang kaniyang saya sa lahat ng nakikita. Bakit nga ba naman hindi niya ito matatandaan? It’s the fruit of their love and dreams. Bilang magkasintahan na nangakong bubuo ng kanilang sariling pamilya. “Babe, I want a house full of my favorite art pieces that our kids can appreciate as they grow up,” Kila said out of nowhere. Napangiti si Zane sa sinabi ng kaniyang nobya habang parehas silang nakatanaw sa papalubog na araw. “Should I inherit my parent’s business? I need to work hard from now on,” tugon ng lalaki at bahagyang pinisil ang pisngi ni Kila. “Hello, I’m also here? Hindi ako lumpo para hindi magtrabaho ano! Just give me your genes,” Kila chuckled. Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi ni Zane. At nang sandaling sumandal sa kaniyang balikat si Kila, dito na niya inilabas ang singsing sa kaniyang bulsa, “Let’s get married first.” “I’ll wait until you remember me, baby,” Zane’s mumbled. Ilang oras din ang pag-iikot ni Kila sa buong bahay hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na siya sa tabi ni Zane nang gabi ding iyon. “Goodmorning,” humihikab na pagbati ni Kila kay Zane na naglalagay ng plato sa lamesa. Kagigising lang niya at mataas na ang sikat ng araw. Madalas naman ay maaga siyang gumising ngunit dahil sa ginawa niyang home tour kagabi, mukhang napasarap ang kaniyang naging pahinga. Hindi nga lang niya inaasahan na aabutan niyang nagluluto ng umagahan si Zane. “You too. Sakto, eat your breakfast na rin. Nakapagluto na ako,” tugon ng lalaki habang suot-suot pa ang apron na ginamit nito. Wala sa wisyong napahawak si Kila sa kaniyang dibdib. Tila kasi may kung anong kumurot doon habang tinitignan niya ang likuran ng lalaki. Hindi niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit parang mabigat sa dibdib niya ang makitang masaya itong ipinaghahanda siya ng umagahan. “Nasobrahan ata ako ng tulog,” bulaslas ni Kila sa sarili na siyang narinig pa rin ni Zane. “Sorry, I intentionally didn’t wake you up. I assumed you’re still tired from yesterday,” maagap na paliwanag ng lalaki habang mahihimigan pa sa tono nito ang panic at pagkadismaya. Agad naman itong inaksyunan ni Kila. Mabilis siyang lumapit kay Zane at tinulungan sa paglalagay ng pagkain sa mesa, “Don’t apologize. Anong masama sa ginawa mo? You’re only being kind!” Sa isip-isip ni Kila ay gusto na niyang panggigilan ang lalaki. Akala niya ay stiff at awkward itong tao ngunit tila may itinatago din itong kacute-an paminsan-minsan. Lumipas pa ang mga araw na ganoon ang kanilang sitwasyon. Madalas na gumigising si Zane nang maaga upang ipagluto ng almusal si Kila, habang napupuyat naman ang babae sa pagpipinta. Ang problema nga lang, para silang boardmate at hindi mag-asawa. “Zane, let’s talk,” sambit ni Kila isang gabi nang abutan niya si Zane galing trabaho. Sinadya niya talaga ang abangan ang lalaki upang kausapin ito. Lalo pa nang bumisita ang magulang ni Zane at naabutang magka-iba pa sila ng tinutulugang kwarto. Sa loob-loob ni Kila, mabuti na lamang at tinuring iyon ng mga magulang ni Zane bilang away mag-asawa, dahil kung hindi ay baka nabuko na ang bahay-bahayan nila. “Let’s change our plan. Hindi pwedeng matapos nang ganon-ganon lang ang kontrata natin!” walang paligoy-ligoy na sabi ni Kila kay Zane, hindi pa man ito nakapapagpalit ng kaniyang damit. “Did my parents pressured you in some way?” bakas ang pag-aalalang tanong ni Zane. Mabilis namang umiling si Kila upang linawin ito, bago lakas loob na binitbit ang unan niya papunta sa kwarto ni Zane na nakasunod lang sa kaniyang likuran, “Remember how we almost get caught the other day? Zane, kailangan natin ipakita sa kanila na we’re really inlove!” “So what’s your plan?” patay-malisyang tugon ng lalaki. Sa pagkakataong ito, lumitaw ang ngisi sa labi ni Kila na tila ba katuwa-tuwa ang isusuhestiyon niya. “Let’s sleep together!”Sa mga sandaling iyon, parang wala nang ibang importanteng bagay pa sa paligid nila. Nablanko na ang isip ni Kila habang pigil-pigil niya ang hininga sa bawat paggalaw ng labi ng lalaki. Naguguluhan siya kung bakit hinahayaan niya si Zane na angkinin ang kaniyang mga labi. Tila siya ang lasing sa mga oras na iyon at hindi na maproseso ang mga nangyayari. "Baby..." mahinang sambit ni Zane nang sa wakas ay maghiwalay na ang kanilang mga labi. Nakakulong sa palad nito ang magkabilang pisngi ni Kila at nakahilig ang noo niya sa noo ng babae. Para bang ayaw na nitong ilayo ang sarili sa dating nobya. Samantala, habol ang hiningang nakatitig si Kila kay Zane na parang hindi ito makapaniwala sa mainit na kaganapan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang salita upang kausapin ang lalaki. "I'm not that woman..." tanging namutawi na lang sa mga bibig ni Kila. Sa pagkakataong ito, lumandas ang takas na luha sa mata ni Kila. A
“I’ve spent my life chasing knowledge, ideas, and answers. But loving you, that’s the only thing I’ve ever been absolutely sure of. And I’m sure that I want to grow old with you. So, Kila Lorenze, will you make this official—forever, just us two?” Kila felt warmth bloom in her chest, the words wrapping around her like a comforting embrace. But just as she was about to respond, the world around her began to blur—colors dissolving, the man’s presence slipping away like sand through her fingers. Then, suddenly, Kila woke up with tears streaming down her face, her heartbeat thundered in her ears as reality crashed back in. Habol-habol niya ang kaniyang hininga habang hawak-hawak ang dibdib. Her heart aching for something she couldn’t quite understand. Sa panaginip niya, may lalaking yakap siya nang mahigpit—his voice soft, full of love—but his face was blurred. Hindi niya alam kung sino ito. "Are you okay?" tanong ni Zane, bakas ang boses na may halong pag-aalala. Kila sniffled an
UMUULAN nang umagang iyon habang magkatabi sa sofa si Kila at Zane. Simula kasi nang iminungkahi ni Kila ang planong naisip niya upang maging kapani-paniwala ang pagiging mag-asawa nila, halos araw-araw na nilang ginagawa ang magtabi upang masanay sa presensya ng isa’t isa. But unbeknownst to Kila, even without her suggestion, Zane would still love her the same as a real husband.“Gusto mo bang sumama sa art exhibition this weekend?” tanong ni Zane habang pinupunasan ang kanyang salamin.“Exhibition? Sounds fun!” ngumiti si Kila, sabay sandal sa sofa, “Saan 'yan?”“Sa gallery ng College of Fine Arts. I co-curated some of the works. Actually, I'll be more than happy if you join me. Mas may alam ka sa art pieces kumpara sa akin," tugon ni Zane at nagpakawala ng maliit na ngiti sa labi.“Then I’ll be there,” sagot ni Kila nang walang pagaalinlangan, “Supportive wife role, diba?”But deep inside, Kila was surprised. Akala niya ay may kung anong ibig-sabihin na rito ang lalaki. There was a
“That was exhausting,” bulaslas ni Kila nang sa wakas ay makarating sila sa kanilang bahay bilang ganap na mag-asawa. Napaupo na lang ang babae sa malambot na sofa sa kanilang living room dahil sa sobrang pagod matapos ang buong araw na pangyayari sa kanilang kasal.“And where’s your explanation, my dear husband?” nakataas ang kilay na pamumulis ni Kila kay Zane. Tila natuod naman sa kinatatayuan niya ang lalaki sa biglaang pagkompronta sa kaniya ni Kila. Hindi niya inasahan na matatandaan niya pa ito. Ang buong akala niya ay makakalimutan na ito ng babae kung kaya hindi na siya nag-abalang mag-isip pa ng idadahilan. “I guess I still have things I didn’t knew about you,” bulong ni Zane sa sarili. Nagpakawala pa ng malalim na buntong hininga si Zane bago siya tuluyang humarap kay Kila na ngayon ay nakapangalumbabang nakadapa sa sofa. “Didn’t you know that our family are friends?” panimula ng lalaki. Kung titignan ay parang minamanipula lamang ni Zane ang lahat upang hindi na mapa
PANGATLONG beses na ang kapeng hawak ni Kila ngayong gabi pero hindi pa rin siya makapagfocus sa kaniyang ipinipinta. Sa hindi kasi niya malamang dahilan, mukha ng lalaking nag-alok sa kaniya ng kontrata noong isang araw ang kanina pa pumapasok sa isip niya. Hindi niya nga alam man lang ang pangalan nito maliban sa mukha nitong nuknukan ng kagwapuhan at katawan nitong mala-adonis. “Tanggapin ko na lang kaya?” bulong niya sa sarili, nakapatong pa ang dalawang kamay sa ulo na para bang napakadelikadong desisyon ang kailangan niyang pag-isipan. Paano ba naman kasing hindi niya ikokonsidera ito gayong ilang beses na silang nag-away ng kaniyang ama. Pilit kasi nitong ipinagduduldulan kay Kila na wala siyang mapapala sa kaniyang pagpipinta at mas mabuti kung matrabaho na lang siya sa kumpanya nito. “Wala naman sigurong mawawala? Isa pa, bukod sa magagawa ko ang gusto ko, kawalan ang ganoong klase ng itsura. Perfect dream, perfect man!” dagdag niya pa habang hawak ang mug ng kape niya.
“Sir, clock out lang nang maaga,” paalam ni Zane sa kaniyang co-professor mula sa pinapasukang University habang bitbit ang isang bouquet ng bulaklak.Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang aksidenteng nagpabago sa kanilang buhay ni Kila. It was the most painful experience for them… but it was the worst for Zane. Because the woman he loves lost all her memories of him. Yet, it wasn’t enough reason for Zane to just give up so easily. Tulad ngayon, pagkatapos lang ng isang lecture class niya sa Unibersidad, dumiretso na agad siya sa Art Gallery. Naabutan niya roon si Kila na tumitingin-tingin sa bawat painting na nakadisplay sa loob. Ito na ang pang labing isang Art Gallery na binibisita ng babae, ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi talaga niya malaman ang dahilan kung bakit ayaw ng mga itong tanggapin ang kaniyang mga pinta. When in fact, they were all singing praises of her works. “Haist,” malalim na pagbuntong hininga ni Kila. Napansin ito ni Zane na b