تسجيل الدخولNext month pa po ako magdodouble update dito ha. Slow update muna tayo this month. Thank you.
Tuluyan ng bumuhos ang kanyangga luha habang binabasa ang mensahe nito para sa kanya. It was just short but the handwriting made her realized how hard it is for him to lift a finger as a coma patient and yet he still does write.Those words... Those words he used to call her everytime even in times of fights and arguments. Ngayon niya mas napagtanto kung gaano siya nangungulila sa lalaki.Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang dibdib. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. If Nicolo had just woke up at that time. Those times when she had Neo in her arms while still wondering where did Nicolo go. Habang abala siya sa pagluluksa sa ibang bansa ay narito lang pala ang lalaki at nagtitiis din sa hirap?Napahagulhol siya ng iyak. The world is too cruel for them. Wala naman silang tinapakan na tao noon. They are just young lovers dreaming to tie a knot one day. But just as when they have decided to get married, hindi naman nakauwi si Nicolo sa piling niya.And now...And now he married
Naghanap siya ng mga bagay na pwedeng makapagsabi sa kanya na si Nicolo nga ang gumagamit ng laboratory na natuklasan niya but she saw no sign of him. Sinimulan na niyang halungkatin ang bawat drawers na nakita niya but there's no other sign of medical papers left. The drawers were all empty. Only those old equipments.Nagpakawala si Autumn ng isang malalim na buntong hininga. Ito na ba ang sinasabi ni Elara sa kanya? What is she going to do with these things? Pagod siyang naupo sa lumang kama at pinunasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo. Maybe she should just go back. At hinding-hindi na siya makikinig pa sa kung anupaman ang sasabihin ng Elara na iyon sa kanya sa hinaharap!She took a deep breath and stood up. Akmang lalabas na siya nang mapansin niya ang isang makapal at puting kurtina na nakasabit sa isang sulok. Of all the walls, iyon lang ang may kurtina.Her curiosity kicks in. May bintana ba sa underground na iyon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo doon at mataman iyong
Ilang sandali pa siyang nanatili sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa malungkot na simbahan. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Seeing the church and the atmosphere makes her heart ache for no reason."Ayaw niyo na bang tumuloy, Doc? Nakakatakot no? Baka may multo nga talaga diyan," nanginginig ang boses na wika ni Lando.Huminga ng malalim si Autumn bago umiling. "Papasok ako sa loob, Lando."Nais niyang makita kung ano ang nais na ipahiwatig ni Elara sa kanya. Gusto niyang malaman kung totoo ba ang sinasabi nito o pinaglalaruan lang siya ng babae."Kung ganun, pwede bang dito nalang ako sa labas, Doc? Hindi ko kasi talaga kayang pumasok eh. Nangangatog ang tuhod ko Doc. Baka maihi po ako sa takot."Sa kabila ng samu't-saring emosyon na nararamdaman niya, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi nj Lando sa kanya. Humugot siya ng hangin bago tumango. "Okay. Dito ka nalang. Ako na ang pagpasok. Magmasid ka nalang muna sa paligid at baka may nakasunod sa atin."Tumango naman si
Maingat si Autumn sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa likuran ng barangay hall. Agad naman siyang namataan ni Lando na nakatalungko at mukhang kanina pa naghihintay sa kanya."Doc! Nandito na pala kayo—"Agad niyang tinakpan ang bibig ng binatilyo para hindi ito makagawa ng anumang ingay. Sinenyasan din niya ang lalaki na manahimik. Napatango-tango naman ito ay nagpeace sign sa kanya."Alis na po tayo, Doc?" Mahina nitong tanong.Tumango siya bilang tugon. Palinga-linga pa sila sa paligid bago sila sumuot sa madamong parte ng lugar. Nauna si Lando sa kanya habang nakasunod naman siya sa lalaki. Masukal ang mga damo at maliit lang ang daanan. Saka mukhang bihira lang na may magawi doon dahil walang halos bakas na palaging may dumadaan."Bakit niyo nga pala naisipan na pumunta doon sa lumang simbahan, Doc? Hindi po ba kayo natatakot?" Tanong nito nang makalayo na sila sa barangay."May kailangan lang akong tingnan, Lando," sagot niya sa lalaki.Napatingala siya sa kalan
Dahan-dahang itinuon ni Autumn ang kanyang tuhod sa hamba ng bintana. Ang sikat ng araw ay unti-unti nang nagiging kahel, nagbibigay ng mahahabang anino sa paligid ng bahay ni Kagawad."Doc, bilis na po... baka may makakita sa inyo," pabulong na himig ni Melba habang nakabantay sa pinto ng silid.Saktong nakatapak na ang isang paa ni Autumn sa sanga ng puno ng bayabas na nasa labas nang biglang bumukas ang pinto sa kabilang kwarto—ang quarters ng mga guards.Blag!Agad na napatigil si Autumn. Nanigas ang kanyang katawan sa gitna ng pag-akyat. Mula sa kanyang posisyon, nakita niya ang isa sa mga tauhan ni Benedict na lumabas sa beranda para mag-inat at magsindi ng sigarilyo. Ilang metro lang ang layo nito mula sa bintana ni Autumn."Ang init dito, nakakabagot magbantay sa gitna ng bukid," reklamo ng guard habang inililibot ang tingin sa bakuran."Wala tayong magagawa. Utos ni Sir Benedict na hindi pwedeng malingat ang mga mata natin sa fiance niya," sagot ng isa pang lalaki na marahil
Napatitig sa larawan na kanyang pinakita ang Kapitan ng lugar. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nag-angat ng tingin."Meron namang ganyan na simbahan dito pero medyo malayo yan, Doc. Naroon yan sa magubat na parte nitong La Paz at walang ng pumupunta doon gawa ng maraming sabi-sabi dito sa amin na may mga multong nananahan sa simbahan nayan."Mga ilang kilometro po kaya ang layo mula dito sa barangay?" Muli niyang tanong."Mga siguro isa o higit pang kilometro, Doc.""May pwede daanan po ba patungo doon?" Tanong pa niya sa ikatlong pagkakataon."Meron naman po, Doc pero medyo masukal po. Bakit niyo nga po pala naitanong?" May bahid ng pagtatakang sambit ni Lumen.Tanging ang mga matatanda lang sa kanila ang nakapunta sa simbahang iyon. Pero matagal na panahon na iyong abandonado at malayo din naman sa kanila. Hindi rin sila sigurado kung ano ang meron sa loob ng simbahang iyon ngayon. Basta ang tanging alam niya, isang massacre ang naganap doon noong unang panahon dahilan para wa
Bago paman makapagsalita si Adela, nagmartsa na si Autumn paakyat sa kanyang silid subalit bago paman siya tuluyang makapasok, nakita niya ang paglabas ng kanyang Daddy mula sa opisina nito. Hindi siya sigurado kung narinig nito ang pagtatalo nila ng kanyang ina pero wala siyang pakialam. Ang nais
"Aalis ka na ba, Benedict?" Tanong ni Adela nang makita niya ang lalaki na lumabas mula sa opisina ng kanyang asawa."Ah, opo. May gagawin pa po kasi ako sa opisina eh," sagot ni Benedict at masuyong ngumiti sa ginang."Ganun ba? Sayang naman. Nais pa naman sana kitang makakwentuhan," nakanguso nit
"Bakit kasama mo ang anak at apo ko?" May diin na bigkas ni Rodolfo nang silang dalawa nalang ni Benedict ang magkaharap. Subalit sa kabila ng galit biya, nanatiling kalmado ang ekspresyon ng huli. "Why? May problema ba kung kasama ko sila?" "You still have the nerve to ask me that question?!" Nan
Pagkatapos ng kanilang tanghalian, nagpresinta pa si Benedict na ihatid sila pauwi. At dahil wala pa naman ang driver nila at inaantok na si Neo, wala na siyang nagawa pa kundi ang paunlakan ang ang alok nito."Maraming salamat sa paghahatid mo sa amin, Benedict," ani Autumn nang makarating na sila







