Share

Chapter 3

Penulis: Rhod Selda
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-10 21:58:03

“VAL? May lemon ka ba?” tanong ni Ezekiel na pumukaw sa diwa ni Valerie.

Napakislot pa siya sa pagkagulat. “O-Oo, nasa ref,” aniya pero nakatitig pa rin sa mensahe ng kan’yang ina sa cellphone. “Lalabas muna ako, Ezekiel,” pagkuwan ay paalam niya sa binata.

“Okay. Ako na ang bahala rito.”

Nang makalabas siya ng bahay ay saka lamang nangilid ang maninipis niyang luha sa pisngi. Tinawagan niya ang kan’yang ina. Kaagad naman itong sumagot.

“Bakit, Mom? Ano’ng nangyari kay Vanessa?” gumaralgal ang tinig niyang tanong sa ina.

Hagulgol nito ang una niyang narinig. “May brain tumor pala si Vanessa at cancerous. Ooperahan na sana siya bukas pero hindi umabot. She just passed away an hour ago,” batid ng ginang.

Humagulgol na siya at napasandal sa dingding. Mahigit limang taon din silang hindi nagkita ng kakambal niya. Kahit hindi sila ganon ka-close, mahal niya ang kapatid.

“Uuwi pa lang sana ako next month para sa birthday namin ni Vanessa. She didn’t dare to call me,” humihikbing wika niya.

“I know, but Vanessa asked me to talk to you, but you didn’t answer my calls. Pinagbawal kasi sa kan’ya na humawak ng cellphone,” wika ng kan’yang ina.

Nilamon na siya ng guilt. “I’m sorry, Mom. I ignored your calls because I thought I was not important.”

“Please, stop saying that, Valerie. Vanessa asked me to give what she had to you. At may pabor siyang hiningi.”

“Anong pabor?”

“Pumayag na si Vanessa na magpakasal sa anak ng business partner ng daddy mo. At nakatakda na ang kasal next month. Nangako si Vanessa sa daddy mo na siya ang sasalba sa kompanya. And getting married is the only way to deal with the problem. Nasa Singapore kami ngayon, at dito namatay ang kapatid mo. Ipapa-cremete namin siya pero hihintayin ka namin.”

“Teka, paano ang kasal ni Vanessa?”

“We’ve already decided, Valerie. Ito rin ang gusto ni Vanessa para raw mabuhay ka sa pangarap mo na maging siya. Magpanggap kang si Vanessa, Anak. Ituloy mo ang mga pangarap niya at pangako. Ito lang ang huling kahilingan ng kapatid mo.”

Natigilan siya at hindi malaman ang isasagot. Ilang sandali siyang napaisip. Matagal nga naman niyang pinangarap na maging si Vanessa. Inggit na inggit siya rito lalo na’t napakatalino nito at minamahal ng lahat ng tao. While she is always her twin sister’s shadow.

Alang-alang sa kan’yang pamilya ay nabuo ang kan’yang pasya. “Okay, I will do Vanessa’s favor, Mom,” pagkuwan ay sabi niya sa ina.

“Thank you, Valerie. Hihintayin ka namin dito sa Singapore until Teusdayy. Magpapadala ako ng perang pambili mo ng ticket,” wika ng kan’yang ina.

Tumango siya kahit hindi nakikita ang kausap.

Nang maputol ang linya ay inayos niya ang kan’yang sarili upang hindi mahalata ni Ezekiel na umiyak siya. Pagkuwan ay bumalik siya sa kan’yang unit at pumasok ng kusina.

“Okay ka lang ba, Val?” mayamaya ay tanong ni Ezekiel.

“Oo,” paos niyang tugon habang naghihimay ng broccoli.

“May sagot na ba sa hinihingi kong pabor, Val?” palala nito sa huling napag-usapan nila.

Sinipat niya ang ang binata. Binababad na nito sa hebs at species ang karne ng manok. Bigla namang ginupo ng hindi mawaring kirot ang kan’yang puso. Maisasakripisyo kasi niya ang relasyon nila ni Ezekiel dahil sa pagtanggap niya sa huling kahilingan ng kan’yang kakambal. Ngunit ms mahalaga ang kan’yang pamilya sa mga sandaling iyon.

“It’s too early for us to proceed to a serious relationship, Ezekiel,” sabi lamang niya.

“Pero hindi mo pa ba ako kayang mahalin, Val? Alam ko nagsimula tayo sa s*xual relationship, pero hindi ko mapigil ang sarili ko na mag-asam ng mas malalim pa sa kung anong nasimulan natin.”

“I like you, but not to the point that I will give all to you. I’m thankful that I met you at the moment when I needed company. Maybe it’s not the right time for us, Ezekiel,” aniya sa kabila ng paninikip ng kan’yang dibdib.

“Are you refusing me, Val?” may pait sa tinig na tanong nito.

“No. I’m just not ready for a serious relationship.” Hindi niya makuhang tingnan ang binata kahit ramdam niya ang titig nito sa kan’ya.

“May problema ka ba?” pagkuwan ay tanong nito sa garalgal na tinig.

Mariin siyang umiling. “Wala. Pagod lang ako sa trabaho.”

Natatakot siyang sabihin kay Ezekiel ang totoo dahil ayaw niyang tuluyan itong mawala o magalit sa kan’ya. Naniniwala pa rin siya na kung sila ang itinakda ay darating ang tamang panahon para sa kanila.

“I will accept your rejection, Val, but please don’t change. Magiging okay pa rin naman tayo ‘di ba? Matutuloy pa rin ang ganitong relasyon natin ‘di ba? We'll still be friends with benefits, right?”

Sa pagkakataong iyon ay tinitigan niya ang binata pero pilit siyang ngumiti. Hindi niya napigil ang paglaya ng butil ng luha mula sa kan’yang mga mata.

“Why are you crying, huh?” nag-aalalang tanong nito, akmang lalapitan siya pero dagli siyang umiwas.

“Wala ‘to. Naluha lang ako dahil sa hinihiwa mong sibuyas,” palusot niya.

“Hindi naman masyadong matapang ang sibuyas, ah,” anito.

“Sa ‘yo hindi matapang pero kasi sensitive ang mga mata ko.”

“Sorry na. Iluluto ko na ang ulam natin.”

Ngumiti lamang siya.

LUNES ng umaga ay nagpahatid si Valerie sa pinsan niya sa airport. Ito ang titira sa kan’yang condo unit dahil malabo na siyang makababalik doon. Wala siyang iniwang mensahe kay Ezekiel, basta sinabi lang niya na uuwi siya ng Pilipinas dahil may emergency.

Pagdating niya ng Singapore ay napahagulgol siya sa walang buhay na katawan ng kan’yang kakambal. Nakahanda na ito para sa cremetion.

“Bukas na tayo uuwi ng Pilipinas, Anak,” sabi ni Lorene, ang kan’yang ina. Panay ang hagod ng kamay nito sa kan’yang likod.

“Sorry, Mom. Sinadya kong ignorahin ang mga tawag n’yo,” humihikbing wika niya at napayakap sa ina.

Lumapit din ang kan’yang ama at niyakap siya.

“We will talk later, hija,” ani Victor, ang kan’yang ama.

Lumakas pa ang kan’yang hagulgol nang isasalang na sa cremetion ang kan’yang kapatid. Nag-iyakan na silang mag-anak. Iyon na kasi ang huling pagkakataon na masisilayan nila si Vanessa.

Kinabukasan na ng gabi bumiyahe ang mag-anak pabalik ng Pilipinas. Nakatulog sa biyahe si Valerie at mugto na ang mga mata. Pagdating sa kanilang bahay sa Pasig City at muli siyang natulog.

Umaga na ulit siyang nagising at pinuntahan sa silid sa ground floor ang kan’yang mga magulang. Doon inilagak ang abo ng kan’yang kapatid. Tinabihan niya sa bench ang mag-asawa.

“Ano na po ang mangyayari, Dad, Mom?” tanong niya sa mga ito.

“Bukas ng gabi ang engagement party ni Vanessa at Edmund. Pero pina-cancel ko at pumayag naman si Edmund na diretso kasal na. Pero magkakaroon tayo ng family dinner bukas,” ani Victor.

“Hindi ba alam ng fiance ni Vanessa na may sakit ang kapatid ko?”

“Hindi, at late na rin naming natuklasan ang sakit ng kapatid mo. Once kasi sasabihin ko kay Edmund na namatay si Vanessa, malalagay sa alanganin ang kompanya natin at malabo ng mabayaran ang two billion na utang dahil wala ng kasal na magaganap. Ikaw na lang ang pag-asa namin, Anak.”

Masakit man pero buo na ang pasya ni Valerie. “Para sa pangarap ni Vanessa at sa pamilya natin, aakuin ko po ang responsibilidad,” aniya.

Napayakap sa kan’ya si Victor at humagulgol. “Salamat, Anak. And sorry if I underestimated you before. Masyado akong naka-focus kay Vanessa at nakaligtaan ko na nariyan ka pa,” anito.

“I didn’t blame you, Dad. Matigas naman talaga ang ulo ko. Hayaan n’yo rin akong bumawi.”

“Huwag kang mag-alala. Natitiyak ko naman sa ‘yo na mabuting tao si Edmund. He’s professional and a good businessman. Siya ang nagpalago sa negosyo ng pamilya nila kaya sila ang nangunguna ngayon sa stock market.”

Tumango lamang siya.

Sa halip na magmukmok sa kabiguan ay nagpakaabala si Valerie sa pag-aaral na maging si Vanessa. Inaral niya ang ugali nito, kilos, maging pananalita. Maging penmanship nito at pirma ay ginaya niya.

Kinabukasan ng gabi ay kabadong hinarap ni Valerie ang pamilya ng fiance ni Vanessa. Nasorpresa siya nang makaharap nang personal si Edmund, ang fiance ni Vanessa. Guwapo ito, matangkad, matikas, at magalang. Pero may anggulo ng mukha nito na pamilyar sa kan’ya.

“Nice to meet you again, Vanessa!” nakangiting bati ni Edmund matapos gawaran ng halik ang likod ng kan’yang kamay.

Ginupo siya ng kaba nang mapagtanto na nagkita na pala sina Vanessa at Edmund noon, at malamang ay marami ng alam ang lalaki sa personality ng kan’yang kapatid.

“I’m happy to see you again, too, Edmund,” nakangiting turan niya.

Hindi nalalayo ang boses nila ni Vanessa, pero mas mahinhin lang magsalita ang kan’yang kapatid. Mahinhin din itong kumilos.

Magkatabi sila ni Edmund sa silya at hinayaang mag-usap ang mga magulang nila. Minadali ng mga ito ang kasal at sagot na ng pamilya ni Edmund ang gastos.

Na-distract si Valerie nang sunud-sunod ang pasok ng mensahe sa kan’yang inbox na nagmula kay Ezekiel. Ang haba ng mga sinabi nito, galit na galit. Binasa niya lahat kahit halos sasabog na ang kan’yang puso. Alam na ng binata ang dahilan bakit siya biglang umuwi, at napilit nito ang kan’yang pinsan na magsalita. Batid nito na namatay ang kan’yang kakambal.

Tanging sorry lamang ang kan’yang tugon at na-block na ang lalaki sa kan’yang social media account. Iyon ay upang maiwasang magulo ang kan’yang isip na maaring makasira sa kan’yang desisyon.

“Okay ka na ba, Vanessa?” mayamaya ay tanong ni Edmund.

“Oo naman. Bakit?” aniya.

“Noong huli kasi tayong nagkita sa office ko ay matamlay ka at may lagnat.”

“Ah, nakapagpahinga na ako. Malakas na ako.”

“So, are you ready for our marriage?”

“Oo naman!” confident niyang sagot.

“Good. Hindi mo na kailangang ma-pressure kasi si Mommy na ang bahala sa wedding gown mo at ibang kailangan.”

Tumango lamang siya at tipid na ngumiti.

HABANG papalapit ang kasal ni Valerie kay Edmund ay tila lalo lamang siyang nahihirapang labanan ang pagdisgusto ng kan’yang puso sa kan’yang desisyon. Ilang gabing sumasagi sa kan’yang isip si Ezekiel.

At sa araw nga ng kan’yang kasal ay pilit niyang ituon ang atensiyon sa sitwasyon. Ang ganda pa ng gown na pinatahi ni Elena, ang ina ni Edmund. Maging ang venue ng kasal ay bongga, sa isang five star hotel. Sa kilalang simbahan naman gaganapin ang seremonya.

After lunch ang seremonya ng kasal at habang nakaharap sa altar ay hindi maalis sa isip ni Valerie si Ezekiel, na tila ba sumpa na inuusig siya. Hanggang sa matapos ang mga aktibidad ay lutang ang kan’yang isip, ni hindi niya ramdam ang paghalik sa kan’ya ni Edmund.

“Congratulations!” panabay na bati ng mga tao sa kanila.

Dumiretso na sila sa venue ng party at dumagsa ang mga tao. Nakilala rin niya ang kamag-anak ni Edmund, na mga negosyante rin.

“Dumating na ba ang kapatid mo, Edmund?” tanong ni Arthur, ang ama ni Edmund.

Nakatayo pa sila sa harap ng five layer cake at nagpa-picture.

Nawindang si Valerie nang malamang may kapatid pa pala si Edmund.

“Dumating na raw, Dad. Baka papunta na rito,” ani Edmund.

“M-May kapatid ka pala, Edmund?” tanong niya sa lalaki.

“Yes, pero half-brother lang. Anak kasi siya ni Daddy sa babaeng nabuntis niya pero namatay na ‘yong babae. Bata pa lang ay kinupkopi na ni Mommy ang kapatid ko. He’s four years younger than me, and is currently residing in the US.”

“Ah, mabuti tinanggap siya ng mommy mo.”

“Noong una hindi, pero napamahal na sa kan’ya si Mommy. Pinagsisihan naman ni Daddy ang pagkakamali niya. American ang nanay ng kapatid ko at sa US sila nagkita ni Dad.”

“I see.”

Mayamaya ay nabaling ang atensiyon ng lahat sa kararating na lalaking nakasuot ng itim na suit.

“Nariyan na ang kapatid mo, Edmund! Sa kan’ya ata ang regalong malaki kasi galing US,” excited na sabi naman ni Elena.

Nabaling ang atensiyon ni Valerie sa lalaking palapit sa kanila. Nawindang siya nang makita ang mukha ng sinasabing kapatid ni Edmund. Iginiit niya na nagmamalikmata lamang siya at nakikita sa kan’yang harapan si Ezekiel.

“Welcome back, Ezekiel! Salamat sa regalo!” ani Edmund, sinalubong ang kapatid at saglit na niyakap.

Nilamon na ng kaba ang buong pagkatao ni Valerie. Hindi pala siya nagmamalikmata dahil totoong si Ezekiel ang kapatid ni Edmund!

“Congrats, bro! I hope you will love my gift,” kaswal na sabi ni Ezekiel. Pagkuwan ay nabaling ang atensiyon nito sa kan’ya, bigla siyang nilapitan habang matalim ang titig sa kan’ya.

“She’s Vanessa, my wife,” ani Edmund, pinakilala siya sa kapatid nito.

“Vanessa? Hindi ba Valerie ang pangalan niya?” may sarkasmong saad ni Ezekiel habang pilyo ang ngiti. Lumapit pa ito sa kan’ya at biglang hinawakan ang kan’yang kanang kamay. “Nice to meet you, my fake sister-in-law,” pabulong nitong sabi sa kan’ya.

Nang halikan nito ang likod ng kan’yang kamay ay napapiksi siya at umatras.

“Mukhang takot sa multo ang asawa mo, Kuya,” amuse na sabi ni Ezekiel.

Nilapitan naman siya ni Edmund at inakbayan. “What’s wrong, Vanessa?” tanong nito.

Nahimasmasan din siya at naalala na nagpapanggap pala siya. “Uh, nothing,” aniya at sinipat si Ezekiel.

Nakangiti ito sa kan’ya ngunit nababasa niya ang himagsik sa mga mata nito.

“Congrats again, guys! I wish you two will have a happy ending,” ani Ezekiel.

Humarap na lamang sa cake si Valerie at pilit pinapakalma ang sarili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 3

    “VAL? May lemon ka ba?” tanong ni Ezekiel na pumukaw sa diwa ni Valerie.Napakislot pa siya sa pagkagulat. “O-Oo, nasa ref,” aniya pero nakatitig pa rin sa mensahe ng kan’yang ina sa cellphone. “Lalabas muna ako, Ezekiel,” pagkuwan ay paalam niya sa binata.“Okay. Ako na ang bahala rito.”Nang makalabas siya ng bahay ay saka lamang nangilid ang maninipis niyang luha sa pisngi. Tinawagan niya ang kan’yang ina. Kaagad naman itong sumagot.“Bakit, Mom? Ano’ng nangyari kay Vanessa?” gumaralgal ang tinig niyang tanong sa ina.Hagulgol nito ang una niyang narinig. “May brain tumor pala si Vanessa at cancerous. Ooperahan na sana siya bukas pero hindi umabot. She just passed away an hour ago,” batid ng ginang.Humagulgol na siya at napasandal sa dingding. Mahigit limang taon din silang hindi nagkita ng kakambal niya. Kahit hindi sila ganon ka-close, mahal niya ang kapatid.“Uuwi pa lang sana ako next month para sa birthday namin ni Vanessa. She didn’t dare to call me,” humihikbing wika niya.

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 2

    ILANG sandaling tulala si Valerie habang nakatitig sa guwapong mukha ni Ezekiel. Ginupo siya ng hindi mawaring galak nang muling makita ang binata. She missed him already.“E-Ezekiel?” bulalas niya.“Yes, it’s me. Sorry if I didn’t call you. Na-busy lang kasi start na ang regular job ko sa maritime company,” nakangiting wika ng binata.Napangiti na rin siya. “Okay lang. Pero bakit ka narito? Dito ka rin ba nag-aaral?”“No. Graduate na ako pero sa ibang school. May pinsan lang akong nag-aaral dito.”“Graduating din ba ang pinsan mo at ikaw ang dadalo?”“Hm, no. I’m here for you.”Nawindang siya. “What? Are you serious?” amuse niyang saad.“Yes. I read your social media status and feel sorry for your sad graduation day because your parents will not be here.”Tumabang ang kan’yang ngiti. “Oo, busy ang parents ko. Tanggap ko na hindi talaga ako ang magiging priority nila.”“Marami ka bang kapatid na mas priority nila?”“Actually, dalawa lang kaming magkapatid, and we’re identical twin.”“

  • Romancing My Fake Sister-in-law    Chapter 1

    “DRINK more, Valerie! Forget about the guy who doesn’t deserve you,” Alexa said while pouring a whisky in Valerie’s goblet.“It would be the last drink, and I’ll go home,” she said.Inisang lagok niya ang laman ng kan’yang baso habang mahinhin na sumasayaw kasabay ng malamyos na musikang tinutugtog sa bar na kinaroroonan nila. Alexa is her American classmate at the university in New York. They are both soon to graduate from a business management course.Nang maubos ang kan’yang inumin ay nagpaalam siya sa mga kasama ngunit ginupo siya ng pagkahilo. Napakapit siya sa braso ng amerikanong lalaki. Pero sa halip na tulungan siya ay hinipuan pa siya nito sa hita.“Hey! Bastard! Let go of me!” asik niya, pilit tinutulak sa dibdib ang lalaki.Ayaw pa rin siya nitong bitawan at akmang hahalikan ngunit may humila rito palayo. Lasing na rin ito. Nagulat siya nang makitang bumulagta sa sahig ang bastos na lalaki.Nabaling ang kan’yang tingin sa matangkad na lalaking sumuntok sa bastos na lalaki.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status