"Bili na mga suki! Sariwang-sariwa ang mga isda! Fresh from the ocean!"
"Kamatis kayo diyan! Bagsak presyo na!""Ate, magkano po ang isang kilo nito?"Maingay. Malansa. Magulo.Ganun ang araw-araw na buhay ni Jillian sa palengke. Dapat ay nag-aaral pa siya pero dahil sa hirap ng buhay ay tumigil na siya at nagpasya na lang na tulungan ang ina niya sa paghahanap buhay.Hanggang third year college lang ang inabot niya sa kursong Business Management. Magtatapos na sana siya noong nakaraang taon ngunit heto siya at nagkikilo ng mga gulay na binibili ng mga mamimili. Wala naman siyang ibang pagpipilian. Kailangan ng ina niya ng makakasama dito sa pwesto dahil mahina na ang katawan nito. Kailangan nito ng katulong sa paglalako.Binalingan ni Jillian ang ina nang marinig ang pag-ubo nito. Kasalukuyan nitong pinaghihiwalay ang mga gulay na hindi na pwedeng ibenta pa.Kumuha siya ng mineral water at ibinigay dito. "Ako na diyan mamaya, ma. Umupo na lang kayo.""Kaya ko naman ito, anak. Hindi naman masyadong mabigat."Aalma pa sana si Jillian pero may costumer na sa tapat nila."Ineng, magkano itong sayote?""40 po isang kilo.""Mas mababa dito sa inyo ng sampong piso ah. Bigyan mo nga ako ng dalawang kilo, ineng."Tipid lang na ngumiti si Jillian habang nagkikilo ng sayote. Kung hindi nila bababaan ang presyo ng kanilang mga paninda ay mas lalong wala silang kikitain. Matumal ngayon ang benta. Kaysa sa masira lang ang mga ito ay bababaan na lang nila ang presyo. Okay lang kahit kaunti na lang ang matubo nila.Kahit na kumakain sila ng tanghalian ay sige pa rin sa paglalako. Nagbabaon sila. Mas tipid kasi iyon kaysa sa bumili pa sila."Umuwi na lang kaya kayo siguro, ma? Kaya ko naman na dito," aniya nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo ng kanyang ina.Umiling si Carmela. "Ano ka ba. Ayos lang ako. Mas lalong sasama ang pakiramdam ko kapag nandoon lang ako sa bahay at walang ginagawa."Mariin na itinikom ni Jillian any kanyang bibig. Ilang beses na niyang iminungkahi sa ina na magpacheck-up sila ngunit mariin itong tumatanggi. Sayang lang daw ang pera. Ilang linggo na itong inuubo na siyang lubos na ipinag-aalala ni Jillian. Ayaw din nitong magpahinga at sige lang sa trabaho. Ayaw naman niyang magpilit dahil baka iyon pa ang pag-awayan nila. May sakit kasi ito sa puso. Hindi pwede sa ina ang mataas na emosyon."Patuloy po ba kayong umiinom ng maintenance niyo?""Oo naman.""Wala naman po kayong ibang nararamdaman?" dagdag pa niya.Nag-iwas ito ng tingin. "Wala, anak. Ayos lang ako."Naningkit ang ma mata ni Jillian ngunit hindi na nagsalita pa. Buong araw ay busy si Jillian at ang ina nito sa paglalako. Alas sais y media ng gabi nang makauwi sila.Pagkapasok nila ng bahay ay naabutan ni Jillian ang nakakatanda niyang kapatid at si Mara na kinakasama nito. Nanunuod ang mga ito ng pelikula sa may sala. Tumatawa pa ang mga ito na parang walang problema sa buhay. May mga chichirya at coke din sa lamesa, pinapapak ng mga ito habang nanunuod.May kung anong kumulo sa loob ni Jillian dahil sa naabutan na eksena. Ngunit imbes na magsalita ay tahimik na lang niyang nilagpasan ang mga ito.Nang makita ni Ruben si Carmela ay dali-dali itong tumayo at nagmano. "Gusto niyo ba ng soft drinks, ma? Meron ding chichirya."Umikot ang mga mata ni Jillian sa narinig. Alam na ngang bawal sa kanilang ina ang mga ganoong klase ng pagkain pero parang tanga na inalok pa ito. Sinulyapan ulit ni Jillian ang lamesa na kahirap ng mga ito. Ang daming junk foods. Hindi tuloy niya maiwasan na isipin na sinasadya ng mga ito na ganun ang bilhin upang ang mga ito lang ang kumain. Dahil kung gusto talaga nilang bigyan ang kanilang ina ay bumili sana ang mga ito ng pagkain na makakain ng kanilang ina."Alam mo namang bawal sa akin ang mga ganyan, Ruben," sagot ni Carmela at sinamahan ang mga ito sa panunuod upang magpahinga.Lalo pa siyang nainis nang makitang hindi man lang binati o tinapunan man lang ng isang tingin ni Mara ang kanyang ina.Kaya bago pa magwala si Jillian ay nagtungo na siya sa kusina upang maghanda ng hapunan. Sobrang napagod siya ngayong araw at gusto na niya agad magpahinga. Ngunit pagbukas ni Jillian ng kaldero ay wala man lang itong kalaman-laman! Sunod niyang binuksan ang rice cooker dahil nagbabakasakali siyang nandoon ang kanin.Kinalma ni Jillian ang kanyang sarili nang wala talaga siyang makitang kanin doon.Wala man lang nagsaing!Nagmartsa si Jillian papuntang sala upang kausapin ang kuya Ruben niya."Bakit hindi man lang kayo nagsaing, kuya? Kayo itong naiwan dito sa bahay. Nagluto lang naman sana kayo.""Walang bigas eh," sagot naman nito.Nangunot ang noo niya. "Eh diba ay sweldo mo ngayon? Hindi ka man lang bumili ng bigas na kakainin natin?""Naubos na eh."Hilaw na tumawa si Jillian. "Ubos na? Kakasahod mo pa lang, ubos na agad?"Doon na bumaling sa kanya si Mara. "Pinangbili ko ng bagong cellphone. Luma na kasi kaya kailangan nang palitan. May problema ka ba doon?" mataray nitong tanong.Umawang ang labi ni Jillian at binalingan ang kuya Ruben niya."Kuya?" aniya dito, umaasa na nagbibiro lang si Mara.Nag-iwas ng tingin si Ruben kay Jillian. "Kailangan ng ate Mara mo ng bagong cellphone eh.""Seryoso ba kayo? Mas importante ba ang cellphone na iyan kaysa sa bigas na kakainin natin??" Tumaas na ang boses niya.Galit naman siyang hinarap ng kapatid. "Huwag na huwag kang magtataas ng boses sa akin, Jillian! Kuya mo pa rin ako!""Kuya nga pero wala namang pinagkatandaan!""Anong sinabi mo?!"Sumingit na si Carmela sa pagitan ng mga nag-aaway na anak. "Ano ba kayo. Itigil niyo na nga iyan. Nakakahiya sa mga kapitbahay natin.""Iyang anak mong 'yan ang pagsabihan mo, ma! Akala mo naman kung sinong makapagsalita!"Sasagot pa sana si Jillian ngunit hinawakan ng ina ang kanyang kamay at malumanay na nagsalita. "Jillian." Umiling ito. "Huwag mo nang sagutin ang kuya mo. Ayaw kong nag-aaway kayong dalawa."Nagngingitngit ang ngipin niya dahil hindi na siya makapalag kapag ang nanay na nila ang nagsalita. Ngali-ngali pa niyang hilahin ang buhok ni Mara nang makita ang pagngisi nito sa kanya."Kumain na ba kayo, Ruben? May inuwi kami na ulam," baling ni Carmela sa panganay na anak."Tapos na kami, ma," sagot naman ni Ruben na lalong ikinagalit ni Jillian.Tapos na? Kumain na naman ang mga ito sa labas pero wala man lang iniuwi para sa kanila! Anong kabalbalan ito?!Bumalik sa kusina si Jillian sa mga mabibigat na hakbang. Sumunod naman si Carmela sa anak.Padaskol siyang umupo sa isang silya at sinapo ang buong mukha. Gusto niyang umiyak at magwala sa matinding inis. Sobrang makasarili ng dalawang iyon! Hindi naman ganun ang kuya Ruben niya pero nang makilala nito si Mara ay para na itong naging tuta! Kumakawag ang buntot kapag ang babaeng iyon na ang nagsalita!"Nakakainis si kuya, ma! Kakapiranggot na nga lang ang kinikita niya, sa mga hindi importanteng bagay pa niya ito pinagbibili! Masyado na siyang makasarili! Palayasin mo na kasi ang babaeng 'yan dito sa bahay natin!"Hinaplos ni Carmela ang likod ni Jillian. "Hayaan mo na. Pasasaan ba at matatauhan din ang kapatid mo."At kailan iyon mangyayari?Sa construction nagtatrabaho ang kuya Ruben niya. Hindi pa full time. Kapag wala itong trabaho ay kung saan-saan ito nagbubulakbol kasama si Mara. Ang laki-laki ng katawan nito pero hindi naman alam kung paano gamitin! Kung tutuusin ay umaasa pa ito sa kanilang ina para kumain at mabuhay!"Saan ka pupunta?""Bibili lang ako ng bigas diyan sa may kanto. Maligo na kayo at magbihis, ma. Tatawagin ko na lang kayo kapag handa na ang kanin.""Teka," pigil nito sa kanya at dumukot sa bulsa. "Oh heto, pambili mo.""Huwag na, ma. Itabi mo na lang iyan. May natira pa naman sa ipon ko. Iyon na lang ang ipambibili ko ng bigas."Noong nag-aaral pa kasi siya ay nagbebenta siya ng mga kakanin sa kanilang paaralan. Pandagdag din sa mga bayarin niya noon.Pagdating ni Jillian sa kanto ay naabutan niya ang kaibigan niyang si Barbie na naghihintay ng masasakyan papunta sa trabaho nito. Makapal ang suot nitong make-up. Sobrang iksi at fitted din ang suot nitong dress. Malayo pa siya pero amoy na amoy na niya ang halimuyak ng pabango nito. Nangingiti at napapailing si Jillian habang pinagmamasdan ang kaibigan."Huy." Siniko niya kay Barbie upang kunin ang atensyon nito."Uy Jillian!" ngisi nito nang makita siya. "Anong bibilhin mo?"Sumimangot siya. "Bigas. Kainis kasi si kuya at ang Mara na iyon." Ikwinento niya sa kaibigan ang mga nangyari na siyang ikinasama ng timplada ng mukha nito."Ewan ko ba kasi diyan sa kuya Ruben mo! Ang gwapo naman niya pero pumatol pa sa mukhang kuhol! Ang malala pa doon ay pabigat pa! Dagdag palamunin!"Tumango si Jillian upang sang-ayunan ang sinabi ng kaibigan. Mahirap na nga na tatatlo sila pero may dumagdag pang isa. Ang lakas pa namang kumain ng isang iyon lalo na kapag masarap ang ulam."Bestie, bakit hindi ka na lang pumasok sa pinagtatrabahuan ko? Sinasabi ko na sa iyo, malaki ang kita doon.""Sa club?""Oo! Malaki rin na mag-tip ang mga customers doon lalo na ang mga regulars at VIP!" suhol pa ni Barbie.Matagal na nag-isip si Jillian. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya."Natagalan ka ata sa pagbili kanina, Jillian," ani Carmela sa anak habang kumakain ang mga ito."Nagkwentuhan lang kami saglit ni Barbie, ma.""Si Barbie?" tanong ulit nito na siyang tinanguan lang niya."Alam kong mabait na bata si Barbie pero huwag na huwag mong tutularan ang trabahong meron siya. Gipit man tayo sa buhay pero hindi iyon sapat upang ipagbili mo ang dignidad mo," pangaral nito sa kanya."Nagkakaintindihan ba tayo, Jillian?" untag pa nito nang hindi agad siya sumagot."Opo, ma," sagot na lang niya. Ilang beses na niyang iniisip na subukan din niya ang magtrabaho sa club dahil gaya nga ng sinabi ni Barbie ay malaki ang kikitain doon. Gabi rin ang trabaho. Hindi maaapektuhan ang pagtulong niya sa palengke kapag nagkataon."Mabuti kung ganun, anak. Kahit kailan ay hinding-hindi mababayaran ng salapi ang dignidad ng isang tao. Lagi mo sanang tatandaan iyan."Tahimik na ipinagpatuloy ni Jillian ang pagkain. Ito ang laging pumipigil sa kanya na pumasok sa club. Sisingilin la
"Black Market?" pag-uulit ni Jillian.Tumango ito. "Iyon lang ang nakikita kong paraan upang makahanap ng agarang donor."Hindi agad nakakibo si Jillian. Black Market. Lugar kung saan talamak ang mga illegal na bentahan. Droga, mga baril, smuggled items. Lahat-lahat na mga walang permiso galing sa gobyerno ay nandoon na. Kaya ba niyang isangkot ang sarili sa ganung klaseng mundo?Kumuyom ang mga kamao niya at muling hinarap ang lalaki na mataman na nakatingin sa kanya. "May auction ba? Kailan ako pupunta?" puno ng determinasyon na tanong niya. Hindi dapat siya mag-alinlangan sa mga bagay na ganito. Buhay ng ina niya nang nakataya dito. Hindi na importante ang mag-alangan at magduda. Akala niya kanina ay wala ng pag-asa pero nandito ang doctor na ito na handang tumulong sa kanila."You don't need to go by yourself. Ako na ang bahala sa lahat. It's dangerous for you who don't know anything about illegal business to go there. I'll use my connections. I'l just update you in case na maka
"Ito ba ang sinasabi mo na kaibigan mo, Barbie? Aba'y maganda nga! Anong pangalan mo?" "Jillian po," sagot niya at tipid na ngumiti kay madam Lucille.Lumingkis sa kanya si Barbie. "Oh diba, momshie? Sabi ko na sa iyo na maganda siya."Tumango-tango si Madam Lucille. "Halika, upo ka. Madaming trabaho dito sa club. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang i-table ka nila at makipaglandian sa mga customers? O di kaya ay dancer? Oo, dancer! Maganda ang hubog ng katawan mo. Gusto mo bang sumayaw? Gumiling-giling sa gitna ng stage at hahagisan ng lilibuhing pera? Ito ang suotin mo oh. Bagay ito—"Naiilang na inawat ni Jillian si Madam Lucille. Bahagya rin siyang napangiwi dahil sa agresibo nitong pananalita. "Waiter lang po, madam. Waiter po ang gusto kong pasukan," pagtatama niya dito.Biglang nawala ang malawak na pagkakangiti nito dahil sa sinabi niya. "Waiter? Oh eto ang suotin mo," anito saka basta na lang inihagis sa kanya ang isang piraso ng damit. "Ayusin mo yang trabaho mo ha? Ayaw ko
Nagising si Jillian dahil sa matinding sakit ng ulo. Napaungol pa siya habang sapo iyon. Ano ba ang nangyari? Bakit parang minartilyo ang ulo niya sa sobrang sakit nun? Nahihilo rin siya.Bumangon siya mula sa pagkakaupo dahilan ng pagkakatanggal ng malambot na kumot na nakatakip sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at parang lumobo ang ulo niya sa tumambad sa kanya.Nakahubad siya! As in na walang damit ni isa! Hubot hubad!Oh my...Sisigaw na sana siya sa matinding pagkasindak nang may gumalaw sa tabi niya!Doon lang niya napansin ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama kasama niya. Natutop niya ang bibig habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso.Sino ito? Sino ang lalaking ito?? At bakit sila magkasama sa iisang kama?!Dahil sa pagkakataranta ni Jillian ay nahulog siya sa kama. At mula sa sahig ay nakita niya doon ang mga damit niya na nagkalat. Naluluha siyang tumakbo papunta sa bathroom at doon nag-iiyak. Hindi siya tanga upang hindi maanalisa kung ano a
"Bakla ka! Saan ka ba nagpunta kagabi at bigla kang nawala? Hinintay pa naman kita upang sabay tayong umuwi." Bungad sa kanya ni Barbie nang maabutan niya ito sa may kanto. Kakauwi lang kasi niya galing sa pag-uusap nila ni doc Lance.Pagod siyang umupo sa tabi nitong bangko. Nunca niyang sasabihin dito ang nangyari sa kanya kagabi."Pasensya na. Umuwi kasi agad ako eh.""Hindi ka papasok ngayon?"Umiling si Jillian. "Pass muna ako ngayong gabi. Masama kasi ang pakiramdam ko."Hindi na nagkaroon pa ng lakas ng loob si Jillian na bumalik sa club. Natatakot siya na baka makita niya muli doon ang lalaki."Oo nga pala," anito saka nagkalkal sa dala na bag. "Eto, pinapaabot ni Madam Lucille. Bigay daw ng customer mo sa VIP kagabi."Kinuha niya ang makapal na sobre na inaabot ni Barbie sa kanya. "P-Pera?""Buksan mo kaya?"Tumambad nga kay Jillian ang isang makapal na bungkos ng malulutong na tig-iisang libo. Napalunok siya at tiningnan si Barbie na nakatingin sa kanya. "Para sa akin ito?"
Malakas na umalingawngaw ang tawa ni Madison sa loob ng sasakyan. Mariin lang na itinikom ni Jillian ang kanyang labi habang pinapanuod ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya sa sinabing presyo. Masyadong bang malaki ang hinihingi niya? Kailangan ba niyang bawasan?Natatawang pinunasan nu Madison ang luha niyo saka nagsalita. "A hundred million? Sure then. We have a deal."Nagulat naman si Jillian dahil hindi niya inaasahan na papayag ito ng ganun-ganun lang. Hindi man lang ito humingi ng tawad o ano."Sigurado ka?" paniniyak pa niya. Ang kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakikinig."Of course. Sa tingin mo bay ay wala akong ganung kalaking pera?" Tumaas ang kilay nito na para bang nainsulto."Hindi naman sa ganun..."Humalukipkip si Madison. "I will give you the money that you're asking pero ito ang tatandaan mo, kapag pumalpak ka sa ipinapatrabaho ko, sisingilin kita ng doble. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napalunok si Jillian saka wala sa sarili na tumango.Hindi na imp
Abot-abot ang kaba ni Jillian habang pauwi siya. Matapos ng pag-uusap nila ni Madison ay umalis ito agad dahil asikasuhin daw nito ang mga dadalhin sa pagpunta nila sa England. Sa hospital din agad ang diretso niya matapos nun habang bitbit ang pera upang ibigay kay doc Lance. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang itsura nito pagkakita sa ibinigay niya. Para itong imbestigador sa dami ng mga tinanong. Nagalit pa ito dahil hindi naman daw siya nito sinisingil at ito na ang bahala sa lahat. Ang ginawa na lang niya kanina ay tinakasan ito. Pero ang lokong doctor ay hinabol din siya! Ang labas tuloy ay naghabulan sila sa corridor ng hospital.Napailing si Jillian at huminga nang malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Mabuti na lang at wala siyang naabutan na tao sa kanilang bahay. Walang dapat makaalam kung saan siya pupunta ngayong gabi. Isa iyon sa mga kabilin-bilinan ni Madison kanina.Ang tanging bag lang na meron siya ay ang bag niya noong college siya. Matibay iyon dahil g
Matapos ang pagsigaw na iyon ni Jillian ay biglang tumahimik ang buong paligid. Yung tahimik na parang may dumaan na anghel na sinasabi ng karamihan.A-Anong nangyari?..Hindi na nakayanan pa ni Jillian ang nakakabingi na katahimikan kaya nagmulat na siya ng mga mata. Napalunok siya ng laway nang makitang nakatutok sa kanya ang mata ng lahat. Well.. ano pa nga bang inaasahan niya?"Excuse me but who are you?" mahinhin at malamyos ang boses na tanong sa kanya ng bride.Lumipad ang tingin ni Jillian dito at halos umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ito. Kulang ang salitang dyosa upang ilarawan kung gaano ito kaganda. Ang kulay tsokolate nitong buhok, ang malakrema nitong kutis.. saang planeta galing ang mga ganitong klaseng tao?Hindi namalayan ni Jillian na nahulog na siya sa ganda ng bride. Eh kung lalaki siya aba'y, talagang papakasalan niya rin ito! Saka lang siya natauhan nang may lalaking humawak sa braso niya at pilit siyang kinaladkad palabas ng cathedral."W-Wait.. W