Share

Kabanata 28

Author: blackbunny
last update Last Updated: 2025-08-02 15:32:37

BUHAT-BUHAT ni Easton si Lovi hanggang sa makarating sila sa kotse. Pagkarating nila sa sinasabing bahay ni Easton, hindi rin niya hinayaang maglakad si Lovi papasok sa loob. Buhat-buhat nito si Lovi hanggang sa makapasok sila sa loob ng magandang bahay nito.

Pumasok sila ni Easton sa isang kuwartong may malaking pinto at dahan-dahan siya nitong inilapag sa kama.

“Thank you,” nahihiyang sambit ni Lovi.

Akmang tatayo na sana si Lovi nang bigla siyang pinigilan ni Easton. “Where are you going? Let me carry you there.” saad nito.

Agad na umiling si Lovi. “Hindi na, kaya ko naman. Saan pala ang banyo mo rito?” tanong niya.

Tinuro naman ni Easton ang banyo sa may dulo.

“Huy!” Napahiyaw si Lovi sa gulat nang bigla siyang buhatin ni Easton.

Dinala siya ni Easton papunta sa banyo at dahan-dahan siya nitong pinaupo sa maliit na puting upuan sa loob ng banyo.

“I’ll get you some clothes to wear. Feel free to use my towel and my robe.” tinalikuran na siya nito at lumabas na ito nang banyo. Bago i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 107

    Lumingon si Lovi upang tingnan ang lalaking humarang sa pintuan ng elevator. Dahan-dahang siyang tumayo kahit iniinda pa niya ang sakit ng kanyang likod at ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito, ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan ay tuluyang bumuhos pababa sa kanyang mga pisngi.“Andito ka na… a-akala ko ‘di ka na darating,” umiiyak na bulong niya.Mahigpit siyang niyakap ni Easton, pinapakalma nito ang nararamdamang takot niya habang nasa mga bisig siya ng lalaki.“I’m sorry… I-I’m always late,” sabi niya sa banayad ngunit mabigat na tinig.“H-Hindi… ayos lang. Ang importante nandito ka na,” sagot ni Lovi habang nanginginig pa rin ang kanyang buong katawan at lalo siyang kumapit sa kanyang asawa.Mabilis na tumingin si Easton sa tatlong bodyguard na nasa tabi nila, abala ang mga ito sa pagbugbog kay Andrew.“Kayo na ang bahala sa kanya. You know what to do,” mahina ngunit may diin na utos niya.Pagkasabi noon ay yumuko siya at marahang binuhat si Lovi. Mabilis na yumakap si

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 106

    “Hindi ba, hindi naman tayo close? Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo, Mr. Santiago?” tugon ni Lovi na may halong pangungutya. “Ano bang bagay ang hindi mo kayang ayusin na kailangan mo pa akong hingan ng tulong?”“Narinig kong ginagawa ka raw ni Easton na… kabit? Is that—” Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya, sinampal na siya kaagad ni Lovi, malakas at walang pag-aalinlangan.Nanginig ang kamay niya, ramdam niya ang hapdi ng palad, pero sa isip niya, hindi pa sapat ang sampal na iyon. Hindi na siya nagsalita pa at dali-daling naglakad palayo.“Lovi, wait!” hawak-hawak ni Lary ang mukha niya habang humahabol kay Lovi. “Pakinggan mo lang ako, hindi pa ako tapos sa sasabihin ko.”Saglit na tumigil si Lovi. Gusto niyang marinig kung ano pa ang mas nakakainsultong sasabihin nito.“Subukan mo pang magsalita ng ganyan, sasampalin kita ulit,” malamig niyang babala sa lalaki.“Tutulungan kitang gumanti kay Andrew, pero may hihilingin din sana ako sa’yo. Ikaw at si Mr. Dela Vega… m

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 105

    Pagkaalis na pagkaalis ng ama ni Easton, agad na nakahinga nang maluwag ang lahat.Unti-unting kumalma ang tensiyon na kanina pa nakabitin sa ere.“Hindi mo ba talaga kilala ang magiging biyenan mo?” biro ni Lisa, sabay kindat sa kanya.Lulong-lumo ang itsura ni Lovi, para bang nawalan na siya ng pag-asa sa mundo.“Nagmamadali kasi siyang kumuha ng marriage certificate—wala man lang tuloy kaming naimbitahang ibang tao,” paliwanag niya, halatang nahihiya.Agad namang sumingit si Assistant Ren at sinabi, “Sinabihan na kita tungkol dito, ‘di ba?”*****Pagkapasok ni Mr. Dela Vega sa sasakyan, agad niyang pinadala sa ina ni Easton ang mga larawan na palihim niyang kinuha kanina.Si Mrs. Helen Dela Vega na nasa loob ng opisina at abala sa trabaho ay napatingin agad sa mensaheng pinadala ng kanyang asawa.*****Dahil sa edad ng matanda, napagdesisyunan nilang kumain na lang sa buffet para komportable ito. Pagkatapos, nalaman niya mula kay Lisa na mayroon palang mga pribadong kuwarto ang Sea

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 104

    “Mura lang ‘to. Gusto n’yo bang bilhan ko rin kayo nito? Kaso wala ng libre sa panahon ngayon, bayaran ninyo ako ng 5,000 bawat isa sa inyo.” Nagbiro si Lovi habang may mapanuksong tingin sa kanyang mukha.Nagtawanan ang lahat, halatang natuwa sa sagot niya.Bumaba muna siya kasama ang mga kasamahan niya, at nang wala na sila, saka lamang nag-scan ng mukha si Lovi para umakyat sa 30th floor.Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng presidente. Pagkabukas pa lang ng pinto, bigla siyang hinila papasok ng isang malakas na kamay.Agad siyang sinalubong ng pamilyar na amoy—mainit, nakaka-comfort, at nakapagpapabilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakakapag-react nang maramdaman niyang niyakap siya nang mahigpit nito, para bang matagal siyang nawalay.“E-easton, b-bitawan mo ‘ko.” Tinulak niya ito nang buong lakas, pero ramdam niyang halos hindi gumagalaw ang lalaki—mas malakas ito nang tatlong beses kaysa sa kanya.Sa halip na umatras, mas lalo pa siyang hinalikan nito sa noo at pisngi,

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 103

    Habang kumakain sa cafeteria, naghanap si Lovi ng pagkakataon at hinila niya si Assistant Ren papunta sa isang medyo tagong mesa.Hindi na nagulat ang mga kasamahan nilang nakatingin mula sa malayo; sa tingin nila, matagal nang malapit ang dalawa at parang may sariling mundo na.Si Easton na naglalakad sa unahan, napakunot ang noo nang mapansing may dalawang kahina-hinalang tao na sumusunod sa likuran niya.May mga bagay pa ba talaga na hindi mo kailangang alamin? para bang iyon ang gusto niyang itanong habang tinitingnan sila.Hindi siya makapag-concentrate, kaya sa halip na sumabay sa kanila, naupo na lang siya mag-isa upang kumain. Sa kabutihang-palad, nakaupo sa tapat niya si Jenna, na tila naghintay na ring makipag-usap.“Lovi, ipapasa mo na naman ba si boss sa ibang babae?” biro ni Assistant Ren habang kumikindat, halatang may tinutukoy.Sumulyap si Lovi sa direksiyon ni Easton, at napansin niya ang nagtatakang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 102

    Tiningnan niya nang may pagdududa si Tanya nang bigla na lamang itong lumapit sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito, Tanya?” nagtatakang tanong ni Lovi.Nagpalinga-linga si Tanya sa paligid, at nang masiguro nitong wala pang ibang tao, nagsalita siya nang diretsahan, “I saw it.”Natawa si Lovi at nagtanong, “Ano bang nakita mo?”Ayaw na niyang makipag-usapan nang maaga dahil baka maapektuhan ang mood niya buong araw.“You and Kuya East—” Hindi pa man natatapos magsalita si Tanya, mabilis na tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Pagkaraan ng halos kalahating minutong tahimikang tensyonado, dahan-dahan ding inalis ni Lovi ang kamay niya.“Binabalaan kita. Hindi magugustuhan ni Easton ang gagawin mo, Tanya,” babala ni Lovi na may halong kaba.Bahagyang napasinghal si Tanya at tumingin sa singsing na nasa kamay niya. Agad namang napaatras si Lovi at pasimple niyang tinakpan ang kanyang suot na singsing gamit ang kanyang isang kamay.“Alam na ng lahat ng senior executives na kasal na si Kuya Ea

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status