ログイン“Ha?”
Halos umusok ang utak ni Jack nang marinig ‘yon. Hindi niya in-expect na si Zoe, ‘yung tahimik, laging composed, ‘yung tipong hindi sumisigaw kahit nasasaktan ay makakapagsabi ng gano’n. Pero mas nakakagulat pa ‘yung ginawa ni Elijah Alcantara. Ang kapal. Paano nagagawa ng isang lalaki na gan’to kababa, gan’to kaharsh sa taong pinakasalan niya? “Bwisit talaga ‘yang si Elijah, gagong lalaki ‘yan,” bulong ni Jack habang hawak ang phone. “Wag ka nang magpa-deliver, Zoe. Ako na pupunta d’yan. Kaya kong unahan ‘yung courier gamit kotse ko.” Pagbaba ng tawag, nakatitig lang si Zoe sa kawalan. Hindi rin siya makapaniwala na nasabi niya ‘yon — ‘yung gusto niyang sabihin matagal na, pero lagi niyang nilulunok. Siguro kasi, ilang taon na rin niya ng pinipigilan ang bigat sa dibdib niya. Parang may nakadagan sa kanya araw-araw. Hindi siya makahinga. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasigaw. Kahit kasi anong pilit niya maging okay, laging may bara sa lalamunan niya. Laging may kirot na parang hindi niya mailabas. Naalala niya bigla ‘yung sinabi ni Elijah nung gabi sa clubhouse — “Hindi ko pa rin siya nagagalaw.” Totoo. Tatlong taon na silang kasal, pero ni minsan… hindi siya tinrato ni Elijah bilang asawa. Una, akala niya may problema lang si Elijah. Na baka may trauma, o baka may pinagdadaanan. Pero isang gabi, nagising siya, bumaba sa study room at doon niya nakita si Elijah. Hawak ‘yung photo album. Nakapikit. Humihinga ng malalim. At ginagawa ‘yung bagay na hindi niya makakalimutan. Habang pinapanood niya, parang sinampal siya. At nung mahuli siya ni Elijah, hindi ito nagalit, niyakap pa siya nito mula sa likod, at marahang bumulong sa leeg niya. “Zoe, I’m sorry… natatakot lang akong saktan ka. Kaya sa halip na… gawin ‘yon, tinitingnan ko na lang ‘yung picture mo.” Ang tanga-tanga niya. Ang tangang naniwala pa siya. Pati siya, namula pa sa hiya. Pero nung gabing umuwi siya sa Manila, may lagnat siya, nanginginig, pero pinilit niyang tumayo. Dahan-dahan niyang binuksan ‘yung cabinet ni Elijah sa study room. At doon niya nakita ang photo album. Pero hindi siya ang laman. Hindi si Zoe. Si Athena. Ang asawa ng kuya ni Elijah na si Miguel. Lahat ng pahina, mukha ni Athena. Lahat ng ngiti, lahat ng kilos na parang diyosang tinitingala niya si Athena. At doon niya naramdaman, para siyang ginawang katatawanan ng tadhana. Naalala niya tuloy dati, nung mga bata pa sila. Lagi siyang nakasunod kay Elijah. Hindi naman talaga siya clingy, lagi lang kasing kasama ng kuya niya si Elijah, kaya natural na napapalapit siya. Mabait kasi si Elijah noon. Gentle, polite, and patient. Laging may dalang pasalubong. Laging may ngiti. Akala niya noon, “Ito na siguro ‘yung lalaking para sa’kin.” Hindi niya alam, ito rin pala ‘yung lalaking sisira sa kanya. Pagkalipas ng ilang araw, dumating si Jack, dala ‘yung mga papeles. At parang sinabayan ng timing ang lahat, kasi bago pa man siya makababa para salubungin si Jack, biglang narinig niya ‘yung tunog ng nabasag na salamin sa itaas. “Ma’am…,” hingal ni Manang Wena, ang matagal na nilang kasambahay. “Na… nabasag po ‘yung family picture n’yo sa kwarto. Binagsak po ni Lukas.” Napasinghap si Zoe. “Ha? Yung family picture?” Inabot sa kanya ni Manang Wena ang ilang piraso ng basag na frame. Pero nung nakita niya ‘yung punit na litrato, nanlamig siya. ‘Yun lang kasi ang natitira sa kanya, ang litrato nilang tatlo. Magulang niya, at siya. Namatay kasi ang mga ito nung bata pa siya. At ngayong punit na ‘yon… parang punit na rin ‘yung natitira sa puso niya. Agad siyang umakyat, hawak ‘yung punit na larawan. Paglabas niya sa hallway, bumungad sa kanya si Athena, karga si Lukas. Tumaas ang kilay ni Zoe. “Pumasok ka sa kwarto ko?!” Kalma lang si Athena, pero ‘yung tono, parang siya pa ‘yung tama. “Sabi ni Elijah, this house will be more open from now on. Dapat lahat welcome.” Napangiwi si Zoe. Pero bago pa siya makasagot, si Lukas na ‘yung sumabat, matapang pa, “Sabi rin ni Uncle Elijah, aalagaan niya kami ni Mama gaya ni Papa dati!” Napangiti si Zoe, pero ‘yung ngiti, malamig. Lumapit siya sa bata, yumuko, at marahang nagsalita. “Alam mo ba kung anong ginagawa ni Santa sa mga batang sumisira ng gamit ng iba?” Tumango si Lukas, excited pa. “Bibigyan niya ako ng candy!” Umiling si Zoe. “Hindi. Pinuputol niya ‘yung kamay ng batang ‘yon at niluluto sa oven para ipakain sa monster.” Biglang umiyak si Lukas, yakap si Athena. “Zoe! He’s just a kid!” sigaw ni Athena, halatang naiinis. “At ikaw? Hindi mo rin tinuruan ang anak mo ng respeto. Baka kasi puro extreme sports lang alam mo, no?” sabay talikod ni Zoe at pumasok sa kwarto niya. Gabi na nang dumating si Elijah. Itim na Maybach ang huminto sa driveway. Mula sa bintana, nakita ni Zoe kung paano tumakbo si Athena at si Lukas palapit sa kanya. Parang eksena ng “perfect family” na nakikita mo lang sa pelikula, pero hindi sa kanya iyon. Pagkalipas ng ilang minuto, bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Zoe,” malamig ang tono ni Elijah. “Tinakot mo ba si Lukas?” Tumingin lang si Zoe, diretso sa mga mata niya. “Oo. Tinakot ko siya. Sinira kasi niya ‘yung family picture ko.” Natahimik si Elijah. Parang ngayon lang niya na-realize kung gaano kabigat ‘yon. “Okay, kasalanan ko. I’ll make it up to you,” sabi niya, mahinahon na. “Ano bang gusto mo? Gagawin ko.” Ngumiti si Zoe — ‘yung ngiting walang emosyon. “Anything?” Tumango si Elijah. “Anything.” Inabot niya ang dalawang envelope. “Ito gusto ko.” Binuksan ni Elijah, at mabilis pumirma. Real estate contract. Bank transfer. Hindi na nagtanong. Sanay siyang bayaran ang lahat ng problema gamit pera. Pagkatapos pumirma, lumapit siya kay Zoe at niyakap ito sa bewang. “Zoe, ang bait mo pa rin.” Pero bago pa man makasagot si Zoe, may kumatok sa pinto. “Ah, Elijah…” si Athena. “Umiiyak si Lukas. Gusto niyang katabi ka matulog.” Agad siyang tumayo. “Sige, susunod ako.” Tumingin pa siya kay Zoe, “Hindi ka galit?” “Hindi ako galit.” Ngumiti si Zoe, pero sa loob niya, parang may nag-crack. Paglabas ni Elijah, kinuha niya ang pangalawang envelope at inilabas ang divorce papers. Ngayon, handa na siya.Pagkuha ni Elijah ng gift box mula kay Zoe, parang may kung anong kumiliti sa dibdib niya, hindi naman sakit, pero may bigat sa paghinga, parang may gumugulong sa loob na hindi niya maipaliwanag. Ang ribbon ng kahon ay maayos ang pagkakatali, halatang pinag-isipan at pinaghirapan. Kitang-kita kung gaano siya nag-effort sa simpleng regalo na ’yon.Pero alam ni Elijah na isa siyang walang kwentang tao. Ang babaeng ito, ilang taon na niyang nasasabik, at ngayon, ni hindi man lang niya kayang tumbasan ang simpleng effort nito. Bago pa siya makapagsalita, lumakad na si Zoe papuntang pinto. Isinuot niya ang apricot-colored coat niya, sinarado ang scarf, at tinakpan ang halos kalahati ng mukha niya. Ang mga mata lang niya ang kita na itim at puti, pero puno ng lungkot na pilit tinatago sa likod ng mapayapang tingin.Tahimik siyang lumabas ng bahay. Pero napansin ni Elijah na may kakaiba sa lakad niya. Parang may iniinda.Bago pa niya mabanggit, napasigaw si Athena, “Aray! Elijah, masakit!”
Nanigas ang mukha ni Athena nang makita ang itim na sasakyang pumarada sa labas. Pamilyar ‘yung plate number. Pamilyar ‘yung kotse.At lalo siyang nataranta nang maramdaman niya kung sino ang paparating.Tumingin siya kay Zoe, galit na galit, halos nanginginig ang boses. “Ginawa mo ‘to nang sadya, ‘di ba?!”Tahimik lang si Zoe, pero malinaw ang sakit sa mukha niya—‘yung tipong inosenteng nasasaktan pero hindi papatol. “Ate Athena, ano pong sinasabi n’yo? Nasa taas lang ako kanina, nag-aayos ng regalo para kay Elijah. Bakit mo po ako sisisihin?”Malambing ang tono, pero ramdam mong may laman. May sugat.Bago pa man makasagot si Athena, bumukas ang pinto.Si Mang Ben, ang butler mula sa old house, pumasok na may malamig na ekspresyon. Halata sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa gulo ng bahay—parang dinaanan ng lindol.Tiningnan niya si Athena nang diretso. “Madam, pinapasabi po ng matanda sa old house, na dahil hindi mo kayang turuan ang anak mo, siya na muna ang magtuturo sa ‘yo.”Na
Ginising si Zoe ng natural niyang body clock. Sanay na sanay na siya kahit walang alarm, bumabangon pa rin ng alas-sais. Pagbukas niya ng kurtina, napahinto siya sandali.Puting-puti ang labas.“Snow? Snow in Manila?” bulong niya na may pagkagulat.Wala sa weather forecast kagabi.. Parang binuhusan ng harina ang buong paligid. Sa sobrang lamig, parang ramdam pa niya ang hangin kahit sarado ang bintana.Nagpalit siya ng knitted dress, at habang nag-aayos ng buhok, narinig niya ang kalabog sa labas ng hallway.Napakunot noo siya. Ang ingay.Akala mo may construction team na pumasok sa bahay.“Manang Wena!” tawag niya sa kasambahay. “Ano ang ingay na ‘yon?”Habang tinali niya ng basta-basta ang buhok, binuksan niya ang pinto at muntik na siyang matulala sa nakita.Hindi construction team.Parang may mga Japanese soldiers na sinalakay ang bahay.Ang dating malinis at maayos na Alcantara mansion—ngayon, parang dinaanan ng bagyo. May unan na nasa labas ng kuwarto niya, may brown stain pa n
“Ha?”Halos umusok ang utak ni Jack nang marinig ‘yon. Hindi niya in-expect na si Zoe, ‘yung tahimik, laging composed, ‘yung tipong hindi sumisigaw kahit nasasaktan ay makakapagsabi ng gano’n.Pero mas nakakagulat pa ‘yung ginawa ni Elijah Alcantara. Ang kapal. Paano nagagawa ng isang lalaki na gan’to kababa, gan’to kaharsh sa taong pinakasalan niya?“Bwisit talaga ‘yang si Elijah, gagong lalaki ‘yan,” bulong ni Jack habang hawak ang phone. “Wag ka nang magpa-deliver, Zoe. Ako na pupunta d’yan. Kaya kong unahan ‘yung courier gamit kotse ko.”Pagbaba ng tawag, nakatitig lang si Zoe sa kawalan. Hindi rin siya makapaniwala na nasabi niya ‘yon — ‘yung gusto niyang sabihin matagal na, pero lagi niyang nilulunok.Siguro kasi, ilang taon na rin niya ng pinipigilan ang bigat sa dibdib niya. Parang may nakadagan sa kanya araw-araw. Hindi siya makahinga. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasigaw.Kahit kasi anong pilit niya maging okay, laging may bara sa lalamunan niya. Laging may kirot na pa
Tatlong taon na silang kasal nang isang araw, sa gitna ng pagpanaw ng panganay na Alcantara, bigla na lang sinabi ni Zoe, “Gusto ko nang makipaghiwalay.”Natahimik si Elijah. Napakunot ang noo, halatang naguluhan.“Dahil lang ba sa pino-protektahan ko si Athena?” tanong niya, hindi makapaniwala.Athena. Ang asawa ng kuya niya. Ang babaeng tinuring niyang halos parang hangin sa bahay, pero biglang naging sentro ng gulo ngayon.Ngumiti si Zoe, pero halatang pilit. “Oo. Dahil lang doon.”Pero sa totoo lang, hindi lang naman iyon. Hindi lang ‘yun ang dahilan kung bakit unti-unting nabasag ang relasyon nila. Matagal na.Kita pa rin sa pisngi ni Elijah ‘yung marka ng sampal. Sa ospital, pinagtanggol niya si Athena na para bang siya ang dapat protektahan at hindi ang asawa niya.Lahat nagulat. Pati ang pamilyang Alcantara.Pero hindi si Zoe. Hindi na. Dahil sa matagal na niya itong nararamdaman.Tatlong araw bago mangyari ‘yun, wedding anniversary nila.Excited si Zoe. Bumili ng regalo, nag







