ログインGinising si Zoe ng natural niyang body clock. Sanay na sanay na siya kahit walang alarm, bumabangon pa rin ng alas-sais. Pagbukas niya ng kurtina, napahinto siya sandali.
Puting-puti ang labas. “Snow? Snow in Manila?” bulong niya na may pagkagulat. Wala sa weather forecast kagabi.. Parang binuhusan ng harina ang buong paligid. Sa sobrang lamig, parang ramdam pa niya ang hangin kahit sarado ang bintana. Nagpalit siya ng knitted dress, at habang nag-aayos ng buhok, narinig niya ang kalabog sa labas ng hallway. Napakunot noo siya. Ang ingay. Akala mo may construction team na pumasok sa bahay. “Manang Wena!” tawag niya sa kasambahay. “Ano ang ingay na ‘yon?” Habang tinali niya ng basta-basta ang buhok, binuksan niya ang pinto at muntik na siyang matulala sa nakita. Hindi construction team. Parang may mga Japanese soldiers na sinalakay ang bahay. Ang dating malinis at maayos na Alcantara mansion—ngayon, parang dinaanan ng bagyo. May unan na nasa labas ng kuwarto niya, may brown stain pa na hindi niya alam kung ano. Basag ang vase, at ‘yung milyon-pesong painting sa hallway… punit. Literal na gulo. Sa ibaba, halos mangiyak-ngiyak si Manang Wena habang hinahabol si Lukas, ang anak ni Athena. “Lukas, huwag ‘yan! Paboritong tea set ‘yan ni Ma’am Zoe!” Pero huli na. Basag. Napahawak sa sentido si Zoe. Si Lukas, nakataas ang baba, at nakasimangot. “Gusto ko maglaro! Sabi ni Uncle Elijah, bahay na namin ‘to! Eh ikaw, yaya ka lang, bakit mo ako pinakikialaman?” Pag-angat ng ulo ng bata, nagtagpo ang mata nila ni Zoe. Napatigil si Lukas, parang biglang naalala ‘yung panaginip niya kagabi. Yung bangungot. ‘Yung Santa Claus at monster na humahabol sa kanya—lahat dahil sa “bad woman” na nasa harap niya ngayon. Pero kahit natatakot, pinilit niyang maging matapang. “Paalisin ko ‘tong masamang babae!” sabi niya sa isip. Sabi nga ni Mama Athena, pag wala na siya, si Uncle Elijah ay magiging kanila na ulit. Tahimik lang si Zoe. Tumingin siya sa kanya nang diretso, kalmado, halos nakangiti pa. “Sige,” sabi niya. “Maglaro ka. Enjoy ka lang.” Napakurap si Lukas. “T-talaga?” Hindi siya makapaniwala. Hindi galit si Zoe? Eh binasag na niya halos lahat ng gamit nito. Tumango lang si Zoe, at tumingin sandali sa ibaba kung saan nakaupo si Athena, parang walang naririnig, walang pakialam. “Oo. Pero ‘wag mong gagalawin ‘yung painting sa sala ha? ‘Yun ang favorite ko.” Hindi siya sigurado kung si Athena ang nag-udyok sa bata o kusa lang si Lukas. Pero sa totoo lang, wala na siyang pakialam. Kasi kung may natutunan na siya, ito ‘yon: kapag inapi ka, bumawi ka ng sampung beses. Tumango si Lukas, pero halatang may ibang plano. “Oh…” sabi lang niya, tapos tumakbo palayo. Napailing si Manang Wena. “Ma’am Zoe, sobra na ‘yang bata. Pati kayo pinaglalaruan.” Umiling si Zoe. “Okay lang. Apo siya ng Alcantara. Ang importante, masaya siya, ‘di ba?” “Eh pero—” “Tsaka si Athena, hayaan mo siya magpalaki sa sariling paraan. ‘Pag may nangyari, hindi naman tayo ang mananagot, ‘di ba?” Napabuntong-hininga si Manang Wena. “Kayo talaga, Ma’am. Sobrang bait n’yo kaya lahat ginagawan kayo ng masama.” Ngumiti lang si Zoe, hindi sumagot. “By the way,” dagdag niya, “may extra gift box ba sa storage? Yung kasya ang A4 paper?” “Meron ata, Ma’am. Kukunin ko.” Pag-alis ni Manang Wena, pumasok ulit si Zoe sa kuwarto. Nilagay niya sa loob ng gift box ang divorce agreement na pinirmahan na ni Elijah kagabi at inayos pa niya ito na parang regalo. Nilagyan ng ribbon, at tinalian ng maayos na bow. Pero bago pa siya makangiti ng buo, isang malakas ang umalingawngaw sa ibaba. Napapikit siya. “Not again.” Imbes na bumaba agad, tinapos muna niya ang pagkakatali ng ribbon. Pinagmasdan niya ang kahon—“Beautiful,” sabi niya sa sarili. Pero may kumatok bigla. Malakas. “Ma’am Zoe! Bumaba kayo dali! Nasira ‘yung painting ng lolo!” sigaw ni Ate Mila. Nanlamig si Zoe. “Anong painting?” “‘Yung nasa sala—‘yung huling gawa bago siya pumanaw!” Agad siyang bumaba, halos natapilok pa sa pagmamadali. At nang makita niya ang eksena sa sala. Si Lukas, nakatayo sa gitna ng gulo, hawak pa ‘yung stick na pinangbasag ng painting. Nakataas pa ang baba, may ngiti pang mapang-asar. “Bad woman,” sabi niya. “Ano gagawin mo ngayon?” Huminga nang malalim si Zoe. “Manang Wena,” sabi niya, hindi inaalis ang tingin kay Lukas. “Tumawag ka sa old house. Sabihin mong—” “‘Wag!” sigaw ni Lukas, at bigla siyang sumugod, parang torpedo. Hindi nakailag si Zoe. Tumama ang bata sa kanya, at bumagsak siya sa sahig. Ang sakit ng pagkakabagsak—parang nabali ang balakang niya. Doon lang lumapit si Athena, kunwari nag-aalala. “Zoe! Ayos ka lang ba? Si Lukas kasi, spoiled ko talaga ‘yan. Pero bata lang ‘yan, ‘wag mo nang palakihin.” Tiningnan siya ni Zoe, hawak ang bewang, malamig ang mata. “So ganito mo siya pinalaki? Wala kang pakialam kung sisirain niya ang gamit ng ibang tao?” Namula si Athena, nagkunwaring nasaktan. “Hindi ko naman sinasadya! Isang saglit lang akong lumingon—” “Isang saglit?” putol ni Zoe. “Isang umaga pa lang, ganyan na ang itsura ng bahay. So, kailan mo balak bantayan ‘yung anak mo?” “Zoe!” singhal ni Athena. “Wala kang karapatang pagalitan ako! Akala mo dahil asawa ka ni Elijah, mas mataas ka na?” “Correction,” sagot ni Zoe, malamig at diretso. “Ex-wife. At kung nag-aaral ka man ng respeto, dapat alam mong hindi ito basta painting. ‘Yan ang huling obra ng lolo ng Alcantara bago siya pumanaw.” Tahimik. Walang kumibo. At sa gitna ng tensyon, narinig nilang bumukas ang gate. Ang tunog ng mamahaling gulong sa kalsada, ang pamilyar na hum ng black Maybach. Nilingon ni Zoe ang bintana, at napangiti. “Mukhang dumating na siya.” Huminga siya nang malalim, tiniklop ang ribbon sa gift box, at bumulong, “Perfect timing.”Pagkuha ni Elijah ng gift box mula kay Zoe, parang may kung anong kumiliti sa dibdib niya, hindi naman sakit, pero may bigat sa paghinga, parang may gumugulong sa loob na hindi niya maipaliwanag. Ang ribbon ng kahon ay maayos ang pagkakatali, halatang pinag-isipan at pinaghirapan. Kitang-kita kung gaano siya nag-effort sa simpleng regalo na ’yon.Pero alam ni Elijah na isa siyang walang kwentang tao. Ang babaeng ito, ilang taon na niyang nasasabik, at ngayon, ni hindi man lang niya kayang tumbasan ang simpleng effort nito. Bago pa siya makapagsalita, lumakad na si Zoe papuntang pinto. Isinuot niya ang apricot-colored coat niya, sinarado ang scarf, at tinakpan ang halos kalahati ng mukha niya. Ang mga mata lang niya ang kita na itim at puti, pero puno ng lungkot na pilit tinatago sa likod ng mapayapang tingin.Tahimik siyang lumabas ng bahay. Pero napansin ni Elijah na may kakaiba sa lakad niya. Parang may iniinda.Bago pa niya mabanggit, napasigaw si Athena, “Aray! Elijah, masakit!”
Nanigas ang mukha ni Athena nang makita ang itim na sasakyang pumarada sa labas. Pamilyar ‘yung plate number. Pamilyar ‘yung kotse.At lalo siyang nataranta nang maramdaman niya kung sino ang paparating.Tumingin siya kay Zoe, galit na galit, halos nanginginig ang boses. “Ginawa mo ‘to nang sadya, ‘di ba?!”Tahimik lang si Zoe, pero malinaw ang sakit sa mukha niya—‘yung tipong inosenteng nasasaktan pero hindi papatol. “Ate Athena, ano pong sinasabi n’yo? Nasa taas lang ako kanina, nag-aayos ng regalo para kay Elijah. Bakit mo po ako sisisihin?”Malambing ang tono, pero ramdam mong may laman. May sugat.Bago pa man makasagot si Athena, bumukas ang pinto.Si Mang Ben, ang butler mula sa old house, pumasok na may malamig na ekspresyon. Halata sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa gulo ng bahay—parang dinaanan ng lindol.Tiningnan niya si Athena nang diretso. “Madam, pinapasabi po ng matanda sa old house, na dahil hindi mo kayang turuan ang anak mo, siya na muna ang magtuturo sa ‘yo.”Na
Ginising si Zoe ng natural niyang body clock. Sanay na sanay na siya kahit walang alarm, bumabangon pa rin ng alas-sais. Pagbukas niya ng kurtina, napahinto siya sandali.Puting-puti ang labas.“Snow? Snow in Manila?” bulong niya na may pagkagulat.Wala sa weather forecast kagabi.. Parang binuhusan ng harina ang buong paligid. Sa sobrang lamig, parang ramdam pa niya ang hangin kahit sarado ang bintana.Nagpalit siya ng knitted dress, at habang nag-aayos ng buhok, narinig niya ang kalabog sa labas ng hallway.Napakunot noo siya. Ang ingay.Akala mo may construction team na pumasok sa bahay.“Manang Wena!” tawag niya sa kasambahay. “Ano ang ingay na ‘yon?”Habang tinali niya ng basta-basta ang buhok, binuksan niya ang pinto at muntik na siyang matulala sa nakita.Hindi construction team.Parang may mga Japanese soldiers na sinalakay ang bahay.Ang dating malinis at maayos na Alcantara mansion—ngayon, parang dinaanan ng bagyo. May unan na nasa labas ng kuwarto niya, may brown stain pa n
“Ha?”Halos umusok ang utak ni Jack nang marinig ‘yon. Hindi niya in-expect na si Zoe, ‘yung tahimik, laging composed, ‘yung tipong hindi sumisigaw kahit nasasaktan ay makakapagsabi ng gano’n.Pero mas nakakagulat pa ‘yung ginawa ni Elijah Alcantara. Ang kapal. Paano nagagawa ng isang lalaki na gan’to kababa, gan’to kaharsh sa taong pinakasalan niya?“Bwisit talaga ‘yang si Elijah, gagong lalaki ‘yan,” bulong ni Jack habang hawak ang phone. “Wag ka nang magpa-deliver, Zoe. Ako na pupunta d’yan. Kaya kong unahan ‘yung courier gamit kotse ko.”Pagbaba ng tawag, nakatitig lang si Zoe sa kawalan. Hindi rin siya makapaniwala na nasabi niya ‘yon — ‘yung gusto niyang sabihin matagal na, pero lagi niyang nilulunok.Siguro kasi, ilang taon na rin niya ng pinipigilan ang bigat sa dibdib niya. Parang may nakadagan sa kanya araw-araw. Hindi siya makahinga. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasigaw.Kahit kasi anong pilit niya maging okay, laging may bara sa lalamunan niya. Laging may kirot na pa
Tatlong taon na silang kasal nang isang araw, sa gitna ng pagpanaw ng panganay na Alcantara, bigla na lang sinabi ni Zoe, “Gusto ko nang makipaghiwalay.”Natahimik si Elijah. Napakunot ang noo, halatang naguluhan.“Dahil lang ba sa pino-protektahan ko si Athena?” tanong niya, hindi makapaniwala.Athena. Ang asawa ng kuya niya. Ang babaeng tinuring niyang halos parang hangin sa bahay, pero biglang naging sentro ng gulo ngayon.Ngumiti si Zoe, pero halatang pilit. “Oo. Dahil lang doon.”Pero sa totoo lang, hindi lang naman iyon. Hindi lang ‘yun ang dahilan kung bakit unti-unting nabasag ang relasyon nila. Matagal na.Kita pa rin sa pisngi ni Elijah ‘yung marka ng sampal. Sa ospital, pinagtanggol niya si Athena na para bang siya ang dapat protektahan at hindi ang asawa niya.Lahat nagulat. Pati ang pamilyang Alcantara.Pero hindi si Zoe. Hindi na. Dahil sa matagal na niya itong nararamdaman.Tatlong araw bago mangyari ‘yun, wedding anniversary nila.Excited si Zoe. Bumili ng regalo, nag







