Masuk
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.
Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito ng isang branded na leather shoes. Idagdag pang nasa five feet at eleven inches ang kanyang tangkad saka ang buhok niyang maayos ang pagkakasuklay, nagmukha tuloy siyang model ng isang mamahaling brand.
Napatingin sa kanya si Danilo, kasamahan niya sa trabaho. “Ang bilis mo namang nakapag-ayos? Naligo ka ba o wisik-wisik lang?”
“Kung magpapaulan ng swerte sa labas, siguradong mapapabilis din ang kilos mo,” nakangising sagot naman ni Anton habang nakaharap sa salamin at gwapong-gwapo sa sarili.
Napapailing na lang si Danilo. Sanay na kasi siya sa mga kalokohan ni Anton. Halos kalahating taon pa lang sila bilang mga constraction worker, pero kung ano-ano na ang kinukwento ni Anton sa kanya.
Minsan hitman daw ito, minsan naman ay bodyguard. Nakapunta na raw ito sa mahigit sampung bansa sa Europa at minsan naman ay pinipilihan daw ito ng mga kababaihan sa mga bansang napuntahan nito.
Ang pinakamalala sa lahat ng kwento nito ay ang pagkabuhay raw nitong muli matapos itong ilibing sa lupa sa loob ng isang buwan!
Kung ganoon naman pala ito kagaling, bakit pa ito nagtatrabaho bilang construction worker sa isang kumpanya, ang Villamor Group of Companies o VGC?
Kaya nang marinig ni Danilo na ang isang simpleng trabahador na nagsasabing pinipilihan daw ng mga kababaihan sa iba't ibang bansa, kahit sinong makakarinig ay hindi maniniwala lalo pa at pareho lang naman silang mga simpleng trabahador.
Pero kahit na ganoon kaloko si Anton ay isa siyang mabuti at mapagbigay na kaibigan.
Katulad na lang ngayon...
Sabi ni Danilo, ni minsan ay hindi pa siya nakakapasok sa Hermosa Hotel— ang isa sa pinakasikat at dinadayo na hotel sa buong lungsod. Kaya naman ay sinabi ni Anton na may kaklase siyang ikakasal doon at isinama niya si Danilo.
Ngayong gabi ay naka-book ang buong hotel dahil gaganapin doon ang kasal nina Marionne Villamor, ang presidente ng Villamor Group of Companies at Daniel Corpuz, ang CEO ng Corpuz Estate. Ang kasalang ito ay naging usap-usapan sa buong lungsod ng Santa Catalina.
Kapag pinag-uusapan ang VGC, imposibleng hindi mabanggit ang presidente nito na si Marionne Villamor. Dahil kung may isang halimbawa ng pagiging perpektong dalaga ang mga binata sa lungsod, siya iyon— maganda, mayaman, at matalino.
Nag-iisang anak siya ng CEO ng VGC na si Ramon Villamor, isa sa pinakanangungunang negosyante sa bansa. Kaya walang ibang magmamana ng VGC kundi siya lang. Ang lalakeng mapapangasawa niya ay para na ring tagapagmana ng VGC.
Maraming nanliligaw kay Marionne, mga sikat at may katayuan sa lipunan. Pero si Daniel Corpuz ang nagwagi sa kanilang lahat.
Sa kabilang banda ay wala namang kinalaman sa kanila si Anton. Hindi sila magkakilala kahit sa mukha man lang. Nagsinungaling lang siya kay Danilo para makakain ng libre.
“Hoy, Anton. Magkakilala ba talaga kayo ni Marionne Villamor?” hindi pa rin naniniwalang tanong ni Danilo.
Presidente ng isang makapangyarihang kumpanya at isang hamak na construction worker lang sa isa sa mga proyekto nito ay magkakilala? Para silang langit at lupa kaya hirap talagang maniwala ni Danilo.
“Magkaklase kami noong elementary, ano ka ba!" pagrarason pa ni Anton na puno pa ng kumpyansa sa sarili.
“Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan? Isa pa, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa kanya para makaakyat sa mas mataas na posisyon?” tanong pa ni Danilo habang napapaisip.
Kung may kakilala kang ganoon kataas ang posisyon, madali kang mabibigyan ng magaan na trabaho kaysa magbabad sa gitna ng mainit na araw sa construction site.
“Gustong-gusto ko ang trabaho ko. Isipin mo, nakakagawa ka ng mga skyscraper gamit ang sarili mong mga kamay. Nakaka-proud kaya!” sabi ni Anton habang nakatingala sa langit at halata ang kumpyansa sa sarili.
“Mga kalokohan mo talaga,” napapailing na sagot ni Danilo at wala ng magawa kung hindi ang sundan si Anton.
Pumasok silang dalawa sa loob saka sumakay ng elevator. Nang magsasara na sana ang elevator ay may babae ang sumigaw. “Sandali lang!”
Isang babaeng nakasuot nang mamahaling high heels, may bitbit na isang designer bag at ang suot nitong itim na evening dress ay isang limited edition na pwede nang bumili ng isang bagong sasakyan. Mahaba ang bahagyang kulot nitong buhok na sumasabay sa kanyang paggalaw. Mapupula rin ang labi nito na kaakit-akit tingnan.
Sa madaling salita ay kapansin-pansin ang kanyang dating.
Pumasok siya sa loob ng elevator.
“Hi miss beautiful, anong floor ka?” nakangiting tanong ni Danilo na halatang nabighani sa ganda ng babae.
Payat at maliit si Danilo na para bang kulang sa nutrisyon. Nagmukha tuloy siyang bata habang katabi ang matangkad na babae. Pero dahil hindi naman matured ang mukha ni Danilo ay napagkakamalan siyang bata.
“Sa 8th floor, salamat,” mahinahong sagot ng babae at walang bahid ng kayabangan ang tono nito kahit halatang mayaman.
“Pupunta ka rin sa kasal?” tanong muli ni Danilo.
“Kaklase ko si Marionne, ang bride,” magalang na sagot ng babae.
“Kaibigan ka rin pala ni Marionne Villamor? Ang liit ng mundo! Kaklase rin siya ng kaibigan ko," tuwang-tuwang sagot ni Danilo at siniko pa si Anton na kanina pa tahimik sa tabi.
Doon lang napansin ng babae si Anton at sa isang tingin pa lang ay kaagad na itong namangha sa kanya. Base sa dating ngayon ni Anton ay masasabi talagang galing siya sa isang prominenteng pamilya. Idagdag pa ang kagwapuhan nito at tangkad ay talagang walang makapagsasabing isa lang siyang construction worker.
Napatingin naman si Danilo kay Anton nang mapansing titig na titig ang babae kay Anton. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at napagtantong may dating ang dalawa. Iyon ay kung hindi isasama ang trabaho ni Anton.
Sa isip ng babae ay may tinatago palang gwapong kaibigan si Marionne! Naghahanda na siya ngayon nang sermon sa kaibigan.
“Ako nga pala si Kattrina Jane Salvador,” pagpapakilala ng babae.
“Ako naman si Anton Dela Vega. Kagaya ni Prince Anton na nasa Europa, ay makisig at matipuno rin ako,” pagpapakilala naman ni Anton na may halong kalokohan.
“Napaka-funny mo naman, Mr. Dela Vega,” natatawang sagot naman ni Kattrina. "Paano at kailan ba kayo naging magkaibigan ni Marionne?”
“Noong elementarya,” walang paliguy-ligoy na sagot ni Anton na para bang hindi siya nagsisinungaling.
“Nag-aral ka rin sa St. Matthew Academy?” gulat na tanong ni Kattrina. “Doon din ako nag-aral pero bakit hindi kita nakita roon?”
“Iba kasi ang mukha ko noon. Isa lang akong tahimik na nerd sa tabi kaya wala talagang nakakakilala sa akin ngayon. Malaki na ang pinagbago ko,” pagrarason pa ni Anton.
“Nasa anong section ka ba?”
“Hmm... nandito na tayo sa eighth floor! Tara na at baka magsisimula na ang kasal!” mabilis na sabi ni Anton habang marahang tinutulak si Danilo palabas.
“Tabi tayo sa table mamaya, ha?” alok pa ni Kattrina.
“May usapan na kami ng mga kaibigan ko. Pero pwede ka naman naming isama,” sabi pa ni Anton.
“Deal!” tuwang-tuwang pagpayag ni Kattrina.
Pagkasabi niyon ay naglakad na palayo si Kattrina.
Napabuntong-hininga si Anton. Muntik na siyang mabuko. Gusto talaga niyang sapakin si Danilo. Bakit pa kasi kailangang kausapin niya ang babaeng iyon?
Punong-puno ng tao ang buong floor. Daan-daang mesa ang nakahanda at napakaelegante ng pagkakaayos nga mga dekorasyon.
"Saan tayo uupo, Anton?” tanong pa ni Danilo na kanina pa abala sa pagmamasid sa paligid na hindi man lang narinig ang huling pag-uusap nina Anton at Kattrina.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakilala ni Anton kay Kattrina ay nagulo ang plano niya. Kapag tinanong nito si Marionne tungkol sa kanya ay siguradong mabubuking sila ni Danilo.
Naisip ni Anton na magpakalayo-layo sila ni Danilo para hindi sila mahanap o makita ni Kattrina. Kakain lang sila at aalis na kaagad. Sa dami ng taong naririto ay imposibleng mapansin pa sila.
Samantala, kaagad na hinanap ni Kattrina si Marionne at nang makita niya ito sa isang sarado at nakabukod na kwarto ay napapalibutan ito ng mga kababaihan na parang isang prinsesang nakihalubilo sa kanyang mga nasasakupan.
Exclusive na kasal ang magaganap at dahil sa impluwensya ay napapayag nila ang pari sa simbahan na rito gaganapin ang kasal.
“At ayan na nga ang bride! Ang ganda-ganda mo! Naiinggit ako!”
Nakasuot si Marionne ng isang modern wedding dress na kulay baby blue, lantad ang kanyang leeg at balikat, at natatakpan ng manipis na belo na nagbibigay sa kanya ng misteryoso at kaakit-akit na dating.
Magaan lamang ang kanyang makeup— halos hindi mapansin kung hindi titingnang mabuti. Pero gaano man kaganda ang makeup niya ay hindi nito matatakpan ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngumingiti nga siya pero hindi naman abot sa mga mata niya.
“At ito ka naman, nag-iisa. Sa ganda ng dating mo ngayon ay wala ka man lang escort? Nakakadismaya," kunwaring inis na sabi ni Marionne.
“May gana ka pang sabihin ’yan? May kilala ka pa lang gwapo na kaibigan pero hindi mo man lang pinapakilala sa akin? Eh, di sana ay hindi ako nag-iisa ngayon. Magkalimutan na lang tayo!”
“Aba? Ipinakilala ko na sayo lahat ng matinong lalakeng kilala ko, pero wala ka namang nagugustuhan! Kasalanan ko pa tuloy kung choosy ka.” Napapailing na sabi ni Marionne.
Marami na talaga siyang naipakilala na lalake rito pero wala man lang pumasa sa panlasa nito. Alam na alam na tuloy ng lahat na sobrang pihikan nito pagdating sa lalake.
“May tinatago kang top-tier guy para sa sarili mo, ’no?” nanunuyang sabi ni Kattrina. “Sabihin mo nga ang totoo, may back-up kang lalake, 'no?”
Napairap na lang si Marionne. Itinuro niya ang lahat ng lalaki sa paligid. “Lahat ng kaibigan at kaklase ko ay nandito. Pumili ka na lang. Sabihin mo sa akin kung may nagustuhan ka at ako na ang bahala.”
“Paano naman si Anton Dela Vega? Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?” nakataas ang kilay na tanong ni Kattrina.
“Sinong Anton Dela Vega?”
“Matangkad, gwapo, at super ang lakas ng dating! Kaklase mo raw siya noong elementary,” sagot naman ni Kattrina.
“Ikaw lang ang elementary classmate na inimbitahan ko ngayon. Okay ka lang ba? O baka naman naloko ka ng kung sino?”
Biglang natauhan si Kattrina. Hinding-hindi magsisinungaling sa kanya si Marionne! Naalala niya pa ang dating ni Danilo at dahil hindi naman siya ganoon na nanghahamak ng tao ay binalewala niya iyon. Lalo pa at nalihis ang atensyon niya kay Anton. “Marionne, mukhang may nakalusot na freeloader.”
Napakunot naman ang noo ni Marionne sa narinig. “Okay lang kung makikikain lang sana. Pero natatakot akong may iba siyang pakay.”
Likas na maingat si Marionne bilang presidente ng VGC at ang susunod na magiging CEO. Nag-isip siya sandali bago nagsalita. “Magpapasama ako ng dalawang security guard sayo at hanapin ninyo siya. Pero huwag kang magpapahalata sa mga bisita.”
“Hahanapin ko talaga siya at bubugbugin ko siya hanggang sa hindi siya makilala ng sarili niyang nanay!”
Magkahalong galit at pagkapahiya sa sarili ang nararamdaman ni Kattrina. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki pero naloko lang pala siya nito!
Si Venom ba talaga si Stephen?Biglang sumagi sa isip ni Anton ang kaisipang iyon at agad siyang natigilan. Hindi niya kailanman inasahan ang ganitong resulta.Ngayong binalikan niya ang mga nangyari, biglang naging malinaw kung bakit madalas niyang nakikita si Venom sa paligid ni Maribel.Ang kaisipang maaaring ang taong ito ang pumatay sa kanyang mga kasamahan sa Death Squad ay lalong nagpaalab sa galit ni Anton. Determinado siyang talunin si Venom at tanungin ito kung bakit ito nagbigay ng maling impormasyon at kung sino ang nag-utos sa kanila.Sa isang iglap, nasa harapan na niya si Venom. Dahil sa kakaibang footwork nito at sa itsura nitong tila multo, nakakatakot itong kalabanin. Karamihan sa mga taong haharap sa ganitong klase ng eksperto ay matatakot na bago pa man magsimula ang laban.Ngunit sa kasamaang-palad para kay Venom, si Anton ang nakaharap niya.Isang dating miyembro ng Death Squad na sanay sa dilim ng gabi at hindi natatakot sa anumang demonyo o halimaw.Mabilis na
Tatlong hakbang lamang ang ginawa ni Anton.Samantala, si Trese ay tumilapon nang lima hanggang anim na metro bago tuluyang huminto, na para bang sinalpok ng isang mabilis na umaandar na sasakyan.Nakabitin ang kanyang braso sa tagiliran—nalinsad ito dahil sa suntok ni Anton.“Ugh!” Umubo ng dugo si Trese, hindi makapaniwala sa nangyari.Higit sa isang antas ang lakas ng kanyang kalaban kumpara sa kanya.Hindi rin inaasahan ni Sophia na matatalo si Trese sa isang suntok lamang. Noong nasa ibang bansa pa sila, si Trese ang pinakamalakas na miyembro ng kanyang mercenary team at bihira siyang makatagpo ng katunggali na kayang lumaban sa kanya.Ngunit mas malakas pa pala si Anton kaysa sa kanyang inaakala.“Trese, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Sophia.“Napinsala at nalinsad lang ang braso ko. Hindi naman ito malaking problema,” sagot ni Trese habang umuubo.“Sophia, akala ko hindi ka ganoong klaseng babae. Hindi ko inakalang magiging ganito ka kalupit.” Mahigpit na kinuyom ni Anto
Mabilis na nakarating sina Camille at Alissa kasama ang humigit-kumulang apatnapu hanggang limampung katao.“Papa, ayos ka lang! Salamat sa Diyos!” masayang sabi ni Alissa.“Ayos lang kami. Mabuti na lang at nakapagpadala agad ng mga tao si Anton. Kung hindi, baka hindi na kita nakita pang muli,” emosyonal na sagot ni Apollo.“Pumunta muna tayo sa isang ligtas na lugar. Doon na tayo mag-usap nang maayos,” singit ni Alberto.Ngunit habang naghahanda silang magpatuloy sa pag-alis, biglang sumulpot ang anim na lalaking nakaitim. Hawak nila ang mga punyal habang mabilis na sumusugod patungo sa kanila.“Mag-ingat kayo!” Sumigaw si Camille at agad na humarap sa mga kalaban.Marahil ay naubusan na sila ng bala dahil wala ni isa sa anim na lalaki ang gumamit ng baril. Puro punyal lamang ang hawak nila.Sa isang iglap, nakipaglaban na si Camille sa lahat ng anim.Kung indibidwal na kakayahan ang pag-uusapan, tiyak na mas malakas si Camille kaysa sa bawat isa sa kanila. Ngunit ang pakikipaglaba
Dinala ni Trese si Marionne kay Sophia.Isa itong dalawang-palapag na residential building na pag-aari ng pamilya Corpuz at hindi alam ng ibang tao. Sa loob nito ay naghihintay ang tatlumpu hanggang apatnapung tauhan ng pamilya Corpuz, handang sumunod sa anumang utos.“Ada, nasaan ang Miss?” tanong ni Trese.“Nasa itaas.”Binuhat ni Trese si Marionne papunta sa ikalawang palapag. Doon ay nakaupo si Sophia sa sofa sa sala, malalim ang iniisip.Bahagyang nakakunot ang noo ng dalaga, at ang kanyang anyo ay nagpapakita ng kakaibang talino at husay sa pagpaplano. Sandaling napatingin si Trese sa kanya.“Nahuli mo siya?” tanong ni Sophia nang makabalik sa kanyang ulirat.“Opo.” Inihiga ni Trese si Marionne sa sofa at tumabi.Lumapit si Sophia at pinagmasdan ang napakagandang si Marionne na wala pa ring malay.Kahit marahil ay dahil sa takot o pagkabigla, nanatiling napakaganda ng mukha nito na parang bulaklak ng peach kahit wala itong malay.Maganda ang lahat sa kanya—ang katawan, balat, at
Sa mismong sandaling malapit nang durugin ng mga gene warrior ang dalawang lalaki sa ilalim ng kanilang mga paa, tatlong magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw.Tatlong malalaking butas ang tumagos sa mukha ng gene warrior, dahilan upang bumagsak ito mula sa ere.Kahit kalahati na ng ulo nito ang nawawala, nagpumiglas pa rin ang gene warrior sa lupa at ilang beses na nagtangkang bumangon. Ngunit sa huli, tuluyan din itong bumagsak.Unti-unting lumiit at nanghina ang katawan nito hanggang sa bumalik sa normal na laki ng isang tao. Walang duda—patay na ang gene warrior.Limampung metro ang layo.Nakahiga si Phoenix sa lupa habang hawak ang isang malaking-caliber na sniper rifle. Siya ang bumaril at nagpabagsak sa gene warrior.Muli siyang nagpaputok sa isa pang gene warrior, ngunit mabilis itong nakaiwas at nagtago.Samantala, mabilis na tumakbo ang dalawang lalaki patungo kina Alberto at Apollo. Sina Kristof at Hector pala ang dumating sa tamang oras.“Kunin ninyo ang mga tau
Akala ni Alissa ay mamamatay na siya, ngunit nakakagulat na buhay pa rin siya. Pagmulat niya ng mga mata, napansin niyang wala na ang baril sa kamay ni Celine.Hindi kalayuan sa kanila, may isang babae na lumitaw.Nasa dalawampu't dalawa o dalawampu't tatlong taong gulang, matangkad, makinis ang balat, at napakaganda ng mukha. Sa unang tingin pa lamang, mas maganda pa ang hubog ng katawan niya kaysa sa isang propesyonal na modelo. Ang tanging kapansin-pansing bagay ay ang maliit niyang dibdib, na tila hindi gaanong na-develope— malayong-malayo sa sariling tinatawag ni Alissa na “pambihirang sandata.”Itinutok ng babae ang baril kay Celine, habang may mapanuyang ngiti sa labi. Ngunit bigla niyang ibinaba ang baril at naglakad patungo kay Celine.“Ikaw?” gulat na tanong ni Celine.Nagkita na ang dalawa noon sa Dragon Group.Noong panahong iyon, nagre-recruit ng mga bagong miyembro ang Dragon Group. Dahil hindi sang-ayon si Phoenix kay Dos, hayagan siyang nagrebelde. Ang kanyang pagiging
Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlang
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai
Paglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago la
Lumaki ang mga mata ni Alissa sa pagkagulat. Kilala niya si Marionne Villamor— presidente ito ng VGC, ang magiging susunod na CEO, at napakaraming tao ang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi nito pinapansin. Hindi niya inaasahang kilala pala nito ang simpleng construction worket na ito at t







