Se connecterSamantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.
Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.
“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkain si Anton at kaagad na napuno ang plato ni Danilo.
Kung abala sila sa pagpili ng makakain ay abala rin ang ibang bisitang naroroon sa panonood sa kanila na may panghahamak sa mga mata nila.
“Naku, Anton, kaya ko namang kumuha ng pagkain kaya kumuha ka na rin,” sabi pa ni Danilo at inilayo ang plato niya kay Anton.
“Nakakain na ako ng mga niyan dati,” sabi ni Anton at walang pakialam sa mga nangungutyang tingin ng mga tao sa paligid. Pagkatapos nilang kumain ay aalis din naman sila.
At ilang minuto pa ay natapos na nga sila sa pagkain.
“Busog ka na?” tanong ni Anton kay Danilo.
“Busog na busog,” sagot naman ni Danilo at nakahawak pa sa tiyan niya.
“Kung ganoon ay umalis na tayo.” Tumayo si Anton at hinila na si Danilo kahit hindi pa ito nakakasagot.
Paglabas pa lang nila ng kwartong iyon ay kaagad nilang nakita si Kattrina na papalapit sa kanila kasama ang dalawang security guard.
“Anton, ’yong magandang babae!” sigaw ni Danilo habang nakaturo kay Kattrina.
“Tumakbo na tayo!” mabilis na sigaw ni Anton.
“Bakit tayo tatakbo? Hindi pa nagsisimula 'yong kasal.” Bakas sa mukha ni Danilo ang pagtataka.
“Kapag hindi ka tumakbo ngayon, mahuhuli ka nila at siguradong bugbog ang aabutin mo!” seryosong sabi ni Anton. “Hindi naman talaga kami magkakilala ni Marionne Villamor.”
“Tang ina! Ako na ang bubugbog sayo mamaya!” Walang paliguy-ligoy ay kaagad ngang tumakbo si Danilo.
“At nauna pa sa akin!”
Humarap si Anton kay Kattrina at nag-flying kiss saka tumakbo palayo.
“Hulihin ninyo siya! Kapag hindi ninyo siya nahuli ay sisante na kayo!” galit na galit na sigaw ni Kattrina.
Hindi lang basta nakikain ang lalaking iyon, nag-flying kiss pa sa kanya na para bang inaasar siya!
Mabilis na hinabol ng dalawang security guard si Anton. Ang unang sampung palapag ng Hermosa Hotel ay puro restaurant at entertainment room, habang ang ikalabing-isang palapag pataas ay mga hotel rooms.
Pagdating sa ikalabing-isang palapag, inilabas ni Anton ang kanyang cellphone at idinikit ito sa scanner ng unang kwartong nakita niya. Nag-scan naman iyon at kaagad na bumukas ang pinto. Kaya naman ay mabilis siyang pumasok.
Hindi siya nakita ng dalawang security guard na pumasok doon kaya mabilis silang tumakbo paakyat sa ikalabing dalawang palapag.
Nang hindi na marinig ni Anton ang mga yabag nila ay binuksan niya nang maliit ang pinto at sumilip. Sakto namang nakarating si Kattrina sa mismong harapan ni Anton. Nanlaki ang mga mata ni Kattrina at akmang sisigaw. Pero mabilis na tinakpan ni Anton ang bibig niya at hinila ito papasok sa loob ng kwarto.
Isinara niya ang pinto at saka isinandig si Kattrina sa dingding. Ngumiti siya nang nakakaloko. “May dalawa kang pagpipilian ngayon. Una, pagsasamantalahan muna kita bago patayin. Pangalawa, papatayin muna kita bago pagsamantalahan. Alin ang gusto mo?”
Nanginig sa takot si Kattrina at kaagad na napaiyak. Hindi niya akalaing makakatagpo siya ng ganitong klaseng manyak na lalake!
“Siyempre, may pangatlong opsyon ka pa.” Naisip ni Anton na napakadaling takutin ng babaeng ito at kaunting pananakot lang ay umiiyak na agad. Hindi niya naman ugali ang ganoon pero wala siyang ibang paraan para mapatahimik si Kattrina. “Hindi ka sisigaw o gagawa ng kahit ano. Hahayaan mo akong makaalis at saka ka lalabas kapag wala na ako."
Wala sa sariling napapatango na lang si Kattrina. Buhay niya ang nakataya rito kaya susundin niya ang gusto ni Anton.
Nag-thumbs up pa si Anton. Aalis na sana siya nang biglang tumunog ang scanner sa pinto ng kwartong kinaroroonan nila. Ibig sabihin ay may papasok.
Kaagad na nagpalinga-linga sa paligid ng kwarto si Anton at may nakita siyang aparador sa gilid kaya agad niyang hinila si Kattrina saka pumasok sa loob ng aparador.
Saktong pagsara ng aparador ay siya namang pagbukas ng pinto at narinig nila kaagad ang matinding halikan ng dalawang pumasok. Umuungol pa ang babae.
Bahagyang binuksan ni Anton ang pinto ng aparador at nakita niya ang isang babae at lalake na naghuhubad na. Paulit-ulit na umuungol ang babae.
“Wow, live performance! Gusto mong manood?” bulong ni Anton kay Kattrina.
Mabilis na umiling si Kattrina. Hindi niya akalaing magiging ganito kamalas ang araw niyang ito. Akala niya pa naman ay makakahingi na siya ng tulong pero hindi na yata nakapagpigil ang dalawang ito at dito pa mismo nagbakbakan.
“Maganda ang katawan ng babaeng ’to. Malaki ang hinaharap.”
“Grabe, ang hirap naman ng posisyon na iyan!”
“Hala, anong tawag sa posisyon na ’yan?”
Walang tigil naman si Anton sa pagko-comment na para bang nanonood lang ng demonstration.
Maliit lang ang aparador at halos magkayakap na silang dalawa. Akward na nga para sa kanya ang kalagayan nila ni Anton, kung ano-ano pang lumalabas sa bibig nito. Pero dahil ayaw niyang makita ang malaswang eksena sa labas, tiniis niya na lang at matyagang naghintay na matapos ang dalawa sa pakikipagbakbakan.
Nang bigla niyang naramdaman ang isang mainit na palad sa kanyang dibdib at agad siyang nataranta. “A-Anong ginagawa mo?”
Masyadong maliit ang aparador at madilim pa. Inalis naman ni Anton ang kamay niya sa dibdib ni Kattrina at kinuha ang cellphone niya. “Sayang naman ang eksenang ito kung hindi mare-record.”
Napabuntong-hininga si Kattrina. Akala niya talaga ay may balak itong gawin sa kanya. Mukhang hindi naman nito napansin na dibdib niya ang napatungan ng kamay nito.
Tumigil din ang mga ungol pagkalipas ng ilang minuto at narinig nilang nagbibihis na ang dalawa.
“Siguradong mahihirapan na akong masolo ka pagkatapos ng araw na ito.” May halong pagtatampo sa boses ng babae.
“Gagawa ako ng paraan para makapagsolo tayong dalawa,” malanding sagot ng lalake. “Mauna na ako sa baba. Maraming naghihintay sa akin.”
“Maliligo muna ako.”
Lumabas ang lalaki habang pumasok naman sa banyo ang babae. Ito na ang pagkakataon para makatakas kaya dahan-dahang binuksan ni Anton ang aparador at lumabas sila ni Kattrina. Narinig niya naman ang mahinang daing ni Kattrina. Namanhid yata ang binti nito dahil ilang minuto rin sila sa loob ng aparador.
“Ang rupok talaga ng katawan ng mga babae.” Walang choice si Anton kundi tulungan itong makalabas ng kwartong iyon. Nang nasa labas na sila ay nagpaalam na kaagad si Anton. “Hindi na sana tayo magkita, miss beautiful.”
“Sandali!” sigaw ni Kattrina.
Pero hindi na siya nilingon ni Anton at tumakbo na palayo.
Lihim na namangha si Kattrina. Sa ganoong sitwasyon kanina, walang lalakeng hindi makakapagpigil. O baka naman hindi siya tinatayuan?
Pagdating ni Anton sa elevator ay nakita niya ang lalakeng pumasok sa kwarto kanina at nakipagbakbakan sa babae. Mukha na itong disente ngayon dahil nakabihis na pero kanina ay parang hayop na uhaw na uhaw sa laman.
Ngayon lang napagtanto ni Anton na ang lalakeng ito pala ay si Daniel Corpuz, ang groom sa kasal na magaganap mamaya.
Kawawang Marionne.
Napakaraming lalaking humahabol sa kanya pero ang napili niya pa ay isang hayop na manloloko, sa araw pa mismo ng kasal nila!
Saglit na napapaisip si Anton kung sasabihin ba niya kay Marionne ang nakita niya, pero agad din niya iyong inalis sa isipan niya. Hindi naman sila magkakilala at isa pa, ayaw niyang maging magulo ang nananahimik niyang buhay.
Sa mundong ito, maraming trahedya ang nangyayari at mga hindi katanggap-tanggap na krimen. Ang maloko ng isang lalake ay hindi naman nakamamatay.
“Nahuli ka rin namin sa wakas!”
“Huwag kang gagalaw!”
Hindi na nakaangal pa si Anton nang mahuli siya ng dalawang security guard. Itinaas niya ang mga kamay niya.
Nagtataka namang napatingin si Daniel kay Anton. “Ano’ng nangyari?”
“Ikaw pala, sir Daniel. Nakapasok po ang lalaking ito para makikain lang,” sagot ng isang security guard.
“Ano pong gagawin namin sa kanya?” tanong ng isa pa.
“Balian ninyo ng mga paa at itapon sa kalye,” malamig na sabi ni Daniel.
Nanlaki naman ang mga mata ni Anton. “Sigurado ka ba? Dahil lang sa pagkain, sobrang lupit naman!”
“Balian na rin ninyo ng mga kamay,” dagdag pa ni Daniel habang inaayos niya ang kanyang kuwelyo.
“Humanda ka ngayon," sabi ng isa sa mga security guard. "Naglakas-loob kang makikain dito kahit hindi ka naman imbitado? Maghanda ka na dahil buong buhay kang aasa sa wheelchair!”
Paika-ikang dumating si Kattrina. Sa elevator pa lang ay nakita niya ang dalawang security guard na nakahandusay sa sahig habang nakatayo si Anton sa tabi nila. “Ano’ng nangyari sa kanila?” nagtatakang tanong niya.
“Natutulog siguro,” sagot naman ni Anton habang pinapagpag ang mga kamay niya.
“Huwag mong sabihing ikaw ang nagpatumba sa kanila?” gulat na tanong ni Kattrina.
Mga beteranong sundalo ang lahat ng security guard ng Hermosa Hotel. May stun gun pa sila. Kung nagawa silang pabagsakin ng lalaking ito, ibig sabihin ay hindi siya ordinaryong lalake lang.
“Matinong tao ako. Hindi ko ginagamit ang dahas sa pagresolba ng problema,” nanunuyang sabi ni Anton at inilabas ang cellphone niya. “May ipapakita ako sayo.”
Binuksan niya ang video na ni-record niya kanina at inilapit sa mukha nito. Narinig agad ang mga ungol mula sa cellphone.
“Manyak ka ba! Patayin mo ’yan!” mabilis na umiwas ng tingin si Kattrina.
“Okay. Gusto ko lang sanang ipakita kung gaano kagaling sa kama ang groom.”
“Ano’ng sinabi mo?” Nanlaki ang mga mata ni Kattrina sa sinabi ni Anton. Napatingin siya kaagad sa video at namula hanggang leeg dahil sa hiya at galit. Ni minsan ay hindi pa siya nakakapanood nang ganito. Pero kailangan niyang tingnan para makumpirmang si Daniel nga iyon.
Napangiti si Anton nang makita ang pamumula ng mukha ni Kattrina. Naisip niyang ganito pala ang reaksyon ng mga babae kapag nakakapanood nang ganito.
“Hayop na lalake! Humanda ka!” Inagaw ni Kattrina ang cellphone ni Anton at mabilis na bumaba sa hagdan imbes na sumakay ng elevator.
“Cellphone ko 'yan!” Mabilis na hinabol ni Anton sa Kattrina.
“Malapit na kasal! Niloloko na nang ganito ang best friend ko at iniisip mo pa rin ang cellphone mo? Wala ka bang puso?”
“Pwede ko namang i-send sayo ang video,” pagrarason pa ni Anton habang nakatingin sa cellphone niya.
“Mas mabuting sa cellphone mo talaga!” Pagmamatigas pa rin ni Kattrina.
“Huwag kang tumakbo nang ganyan kabilis, baka mapilayan ka. Namamanhid pa yang binti mo kanina.” Tinitigan ni Anton ang manipis nitong high heels na parang pako at totoong nag-alala siya.
Hindi nga nagkamali si Anton dahil biglang natumba si Kattrina. “Bwisit ka talaga! Mamamatay ka ba kapag hindi ka nagsalita ng malas?”
Sa sobrang sakit ay halos maiyak si Kattrina. Nang makitang nakatayo lang si Anton habang nakatingin sa kanya ay mas lalo pa siyang nainis. “Tatayo ka lang ba dyan? Tulungan mo ako dahil kailangan kong puntahan ang kaibigan ko! Tinulungan niya ang lalakeng iyon tapos lolokohin lang pala siya!”
“Eh ano naman kung niloko siya? Mag-asawa na sila ngayon. Akala mo ba inosente pa sila?” sabi pa ni Anton at tinulungang makatayo si Kattrina.
“Relihiyosa si Marionne at tutol siya sa kahit anong physical contact bago kasal. Hindi pa nga siya nahahawakan ni Daniel!" paliwanag naman ni Kattrina.
“Iyan na yata ang pinakamagandang biro na narinig ko ngayong araw,” napapailing na sabi ni Anton.
“Tinawagan pa niya ako kahapon at sinabing nagsisisi siyang magpapakasal. Maniwala ka man o hindi ay wala akong pakialam! Tulungan mo muna akong makapunta kay Marionne.”
“Nakikain lang naman ako tapos ganito na ang nangyari? Akala mo ba madali ’to?” walang choice na sabi ni Anton habang inalalayan si Kattrina.
“Huwag na huwag mo akong mamanyakin!” Pinalo niya ang kamay ni Anton na napunta na naman sa dibdib niya. “Saan mo inilalagay ang kamay mo?”
“Pasensya na, malabo lang talaga ang mga mata ko.”
Ngayon ay may malaking kaganapan sa New Haven Office.Ang presidente ng Saldivar Empire ay personal na mag-iinspeksyon sa progreso ng proyektong ipinagkatiwala nila sa VGC, kaya mataas ang alerto ng buong engineering department ng VGC.Dahil sa mga balitang lumabas ilang araw na ang nakalipas tungkol sa naudlot na kasal nina Marionne at Daniel, halos lahat ay alam na ang nangyari. Kaya sa kritikal na panahong ito, lalo pang kinakabahan ang lahat sa pagdating ng presidente ng VGC para personal na tingnan ang proyektong hawak niya.Posibleng matanggal sa trabaho ang kahit sinong magkamali.Naabisuhan na ang construction site na unahin ang kaligtasan at maging maingat sa kilos at asal; sinumang magkamali ay agad sisibakin.Nakasuot ng sweatpants, naka-bun ang buhok, at may sunglasses si Marionne habang bumababa mula sa sasakyan. Agad siyang naging sentro ng atensyon ng lahat. Nakatayo siya sa gitna ng karamihan na parang isang anghel na bumaba sa lupa, umaakit ng lahat ng tingin.“Presid
Nagulat ako sa bigla niyang pagbabago ng ekspresyon. Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya hindi ako komportable. Dahil natatakot akong agawin niya ang bato ko, dali-dali ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay.Ganoon din ang ginawa ng matandang babae noong nakaraan, at ganoon din ang reaksiyon niya sa batong ito.Paano nila nakilala ang ganoong pambihirang bagay?At bakit niya sinabing dalawa iyon?“T-Tita, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Isa lang ang batong ito, hindi dalawa.”“Ikaw—”Matagal niya akong tinitigan bago siya bumulong sa sarili niya, “Kaya pala ikaw iyon. Hindi nakapagtataka.”Nakakailang ang tingin niyang iyon, para bang nakilala niya ako. Paanong mangyayari iyon? Kahit ang pamilya De Leon ay hindi ako nakilala. Paano naman malalaman ng isang ganap na estranghero na nabuhay akong muli?“Tita, ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Ano bang meron sa batong ito?”Biglang lumamig ang tingin niya habang nakatitig sa mukha ko, saka siya nanlait na ngumisi. “Napakaswe
Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Daniel.“At ikaw naman Marionne Villamor, tinatanggap mo ba si Daniel Corpuz bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?”Matapos ang mahabang katahimikan ay mahina niyang sinabi, “Opo...”“Sandali!”Mula sa gitna ng mga tao ay lumabas si Kattrina habang hawak ang cellphone at paika-ikang umakyat sa entablado.“Anong nangyari, Kattrina?” nagtatakang tanong ni Marionne.“May kailangan kang makita, Marionne.” Masamang tiningnan ni Kattrina si Daniel habang binibigay ang cellphone kay Marionne. “Ngayon lang nangyari iyan.”Sinadya ni Kattrina na i-mute ang video. Kinuha ni Marionne ang cellphone at agad na pinanood ang video
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkain si Anton at kaagad na napuno ang plato ni Danilo.Kung abala sila sa pagpili ng makakain ay abala rin ang ibang bisitang naroroon sa panonood sa kanila na may panghahamak sa mga mata nila.“Naku, Anton, kaya ko namang kumuha ng pagkain kaya kumuha ka na rin,” sabi pa ni Danilo at inilayo ang plato niya kay Anton.“Nakakain na ako ng mga niyan dati,” sabi ni Anton at walang pakialam sa mga nangungutyang tingin ng mga tao sa paligid. Pagkatapos nilang kumain ay aalis din naman sila.At ilang minuto pa ay natapos na nga sila sa pagkain.“Busog ka na?” tanong ni Anton kay Danilo.“Busog na busog,” sagot naman ni Danilo at nakahawak pa sa tiyan niya.“Kung ganoon ay umalis na tayo.” Tumayo si A
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito ng isang branded na leather shoes. Idagdag pang nasa five feet at eleven inches ang kanyang tangkad saka ang buhok niyang maayos ang pagkakasuklay, nagmukha tuloy siyang model ng isang mamahaling brand.Napatingin sa kanya si Danilo, kasamahan niya sa trabaho. “Ang bilis mo namang nakapag-ayos? Naligo ka ba o wisik-wisik lang?”“Kung magpapaulan ng swerte sa labas, siguradong mapapabilis din ang kilos mo,” nakangising sagot naman ni Anton habang nakaharap sa salamin at gwapong-gwapo sa sarili.Napapailing na lang si Danilo. Sanay na kasi siya sa mga kalokohan ni Anton. Halos kalahating taon pa lang sila bilang mga constraction worker, pero kung ano-ano na ang kinukwento ni Anton sa kanya.M







