Compartilhar

Chapter 3

Autor: Reign
last update Data de publicação: 2026-05-28 16:36:39

Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.

“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.

“Opo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Daniel.

“At ikaw naman Marionne Villamor, tinatanggap mo ba si Daniel Corpuz bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?”

Matapos ang mahabang katahimikan ay mahina niyang sinabi, “Opo...”

“Sandali!”

Mula sa gitna ng mga tao ay lumabas si Kattrina habang hawak ang cellphone at paika-ikang umakyat sa entablado.

“Anong nangyari, Kattrina?” nagtatakang tanong ni Marionne.

“May kailangan kang makita, Marionne.” Masamang tiningnan ni Kattrina si Daniel habang binibigay ang cellphone kay Marionne. “Ngayon lang nangyari iyan.”

Sinadya ni Kattrina na i-mute ang video. Kinuha ni Marionne ang cellphone at agad na pinanood ang video. Sa sandaling iyon ay agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

“May problema ba, Marionne?” nagtatakang tanong ni Daniel at halatang kuryuso kung anong nasa video.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Daniel. Nagulat ang lahat ng bisita at nagsimula nang magbulung-bulungan.

“May nagawa ba akong mali, Marionne?” gulat na tanong ni Daniel habang sapo ang kanyang pisngi.

Galit na inihagis ni Marionne ang cellphone kay Daniel pero nakailag ito kaya dumiretso sa sahig ang celllphone at nabasag.

“Ang cellphone ko!” Biglang sumugod si Anton mula sa gitna ng mga tao at pinulot ang basag niyang cellphone. “Nakikain lang naman ako pero nadamay pa ang cellphone ko!”

----

Isang oras na ang lumipas nang mangyari ang eskandalo.

Nasa mansyon na ng mga Villamor si Marionne. Nagkulong siya sa kanyang kwarto at tumangging makipagkita sa kahit sino maliban kay Kattrina.

Kung wala lang doon si Kattrina ay baka sinira na ni Ramon ang pinto. Kanina pa siya ayaw kausapin ng anak niyang si Marionne.Hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang totoong nangyari. Tinawagan niya si Daniel para tanungin pero tumanggi itong magsalita.

“Huwag ka nang malungkot, best friend. At least napigilan agad bago pa natapos,” pang-aalo ni Kattrina sa kaibigan.

Unti-unti namang kumalma si Marionne. Sa totoo lang ay parang nakahinga pa siya nang maluwag. Nakipagkasundo lang naman siya sa kasalang iyon dahil sa pressure. Inakala niya pang wala nang mas maayos na lalaki kaysa kay Daniel.

“Nga pala, paano mo nakuha ang video na iyon?” tanong ni Marionne.

Agad na namula ang mukha ni Kattrina nang maalala ang eksena nila ni Anton na halos magkayakap na sa loob ng aparador.

“Hindi ko naman kasi cellphone yong tinapon mo. Pag-aari iyon ng bastos na lalakeng iyon!”

“Iyong Anton Dela Vega?”

“Gwapo nga pero nakikikain lang pala! Nakakainis talaga! Nagkunwari pa!” galit na sabi ni Kattrina.

Natatawa na lang si Marionne sa reaksyon ng kaibigan. Matagal nang hindi interesado sa mga lalake si Kattrina.

Pagkatapos ay ikinuwento ni Kattrina ang tungkol kay Anton at hindi mapigilang matawa ni Marionne. Unti-unting nawala ang bigat ng nararamdaman niya dahil sa kwento nito.

“Kakaiba talaga ang lalaking iyon. Nagtataka pa rin ako kung paano siya nakapasok sa hotel room na iyon,” sabi pa ni Marionne. Sa ugali ni Daniel, siguradong matagal na nitong nirentahan ang kwartong iyon. Paano nakapasok si Anton nang walang key card?

Napapaisip din si Kattrina.

“Nga pala, ’yong dalawang security guard na pinasama mo sa akin ay nawalan ng malay. Natutulog lang daw sila sabi ng lalakeng iyon.”

“Mga beteranong sundalo ang dalawang ’yon. Paanong nawalan ng malay?” Lalo pang nagtaka si Marionne. “Gusto ko tuloy makilala ang Anton na iyon.”

“Magandang binibini, mukhang pareho tayo ng iniisip.”

Isang anino ang biglang lumitaw mula sa balkonahe— si Anton iyon!

“Paano ka nakapasok?!”

Natulala na lang sina Marionne at Kattrina habang papalapit sa kanila si Anton.

“Umakyat siguro ako?”

“Ikalimang palapag ito,” gulat na sabi ni Marionne.

Hindi pinansin ni Anton ang sinabi ni Marionne at tiningnan ang marurumi niyang kamay bago nagtanong, “Excuse me, nasaan ang banyo?”

Wala sa sariling itinuro ni Kattrina ang direksyon ng restroom. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas si Anton mula sa banyo at prenteng umupo sa sofa saka sila tiningnan. “Ngayon, pag-usapan natin ang bayad sa cellphone.”

“Inakyat mo ang limang palapag para lang maningil?” halos mabaliw na tanong ni Kattrina.

“Isasama ko na rin ang singil sa pag-akyat,” seryosong sagot ni Anton. “Ang presyo ng cellphone ko ay nasa five thousand lang. Dalawang buwan ko na itong gamit kaya emotionally attached na ako rito. Sabihin nating three thousand para sa emotional damage. Nadumihan pa ang damit ko sa pag-akyat kaya kailangan ko itong labhan, two thousand. Kaya ang total ay ten thousand. Hindi ko na isasama ang pamasahe ko papunta rito at pabalik. Sino ang magbabayad?”

Halos sumabog sa inis si Kattrina. Tao pa ba ang lalaking ito? Umakyat sa ikalimang palapag sa kalagitnaan ng gabi para maningil ng nasirang cellphone? Tapos ano araw? Emotional damage? Baliw ba siya?

Pero nakangiti lang si Marionne habang nakatingin kay Anton. “Ten thousang lang ba? Maliit na bagay.”

Lumapit siya sa mesa niya at kumuha ng makapal na bungkos ng pera mula sa drawer saka inilapag iyon sa mesang nasa harapan ni Anton.

“Pakibilang kung tama.”

“Iyan ang gusto ko sa iyo Miss Marionne, hindi tulad ng iba dyan...”

“Ako ba ang pinaparinggan mo!” Agad na tumayo si Kattrina.

May cushion na lumipad papunta kay Anton at isang hampas lang niya ay bumalik ang cushion kay Kattrina dahilan para matumba ito sa sofa at bahagyang nakita ni Anton ang panloob nito.

“Hindi bagay sayo ang pink. Mas bagay sayo ang dark colors kasi lagi ka na lang sumisigaw,” natatawang sabi pa ni Anton saka binilang ang pera. “Ayaw kong maging gahaman.”

Kumuha lang siya ng ten thousand mula sa isang daang libo saka naglakad papunta sa balkonahe at tumalon mula roon.

“Papatayin kitang hayop ka!” Mabilis na bumangon si Kattrina pero wala na si Anton. “Ha? Nasaan na ’yung hayop na ’yon?”

“Umalis na.”

“Bakit hindi mo pinigilan?”

“Aabot ng higit sa isang daang security guard ang mayroon kami rito sa mansyon. Hindi rin nag-alarm ang system ibig sabihin ay hindi siya nahagip ng kahit isang CCTV camera. Paano ko siya pipigilan kung hindi nga nila siya napigilan?”

Pinulot ni Marionne ang naiwang pera at napapaisip.

“Hayop na lalakeng iyon! Kahit magtago pa siya sa dulo ng mundo, hahanapin ko siya!” galit na sigaw ni Kattrina.

----

Sumapit na rin ang medyo malamig na panahon sa Santa Catalina. Panahon na ginaganahan sa pagtatrabaho si Anton. Nakasuot siya ng kupas at punit-punit na jeans at kulay asul na uniporme na may tatak na “New Haven” sa likod.

Nakasakay siya sa kanyang lumang motorsiklo na nabili niya ng secondhand. Makakapal na ang usok na binubuga ng tambutso nito. Nagpapalinga-linga pa siya sa paligid habang nagmamaneho.

Walang nakakaalam kung sino ang pamilya niya at wala rin namang nagtatanong kung ano ang apelyido niya. Wala pa sa bokabularyo niya ang pag-ibig na iyan at higit sa lahat hindi rin niya pinapangarap maging bayani—

Biglang huminto ang BMW sa harap niya na hindi man lang nag-signal light kaya bumangga ang motorsiklo niya sa likuran nito. Isang babaeng makapal ang makeup at naka-pulang high heels ang bumaba ng sasakyan at dali-daling tiningnan ang likod ng sasakyan niya. Nang makita ay kaagad itong sumigaw kay Anton. “Bulag ka ba? Alam mo ba kung magkano ang kotse na ’to? Kahit ibenta mo pa ang sarili mo, hindi mo mababayaran ’to!”

Mayabang pa nitong dinuro-duro si Anton.

“Huwag mong subukang tumakas! Alam ko na ang plate number mo. Kahit magtago ka pa sa palda ng nanay mo ay mahuhuli ka pa rin ng mga pulis!”

Wala namang pakialam si Anton sa pinuputak ng babae. Ngumisi lang siya at saka inatras ang motorsiklo at bumwelo. Parang palasong sumugod pasulong ang motorsiklo niya at bago tumama sa BMW, bigla itong tumalon at lumapag sa bubong ng kotse.

Agad na nag-iwan ng marka ng gulong sa bagong BMW.

“Wow, ang astig!”

“Grabe, sobrang cool!”

“Bilis, picturan ninyo at i-post sa FaceChat!”

Lahat ng tao sa paligid ay naglabasan ng cellphone para mag-video.

“Bumaba ka riyan! Hayop ka! May gana ka pang magpakitang gilas! Sa presinto ang bagsak mo!" sigaw pa rin nang sigaw ang babae.

Tinapakan ni Anton ang silinyador dahilan para mabasag ang windshield ng kotse at mabilis na umalis habang nag-iiwan ng makapal na usok.

“Ang kotse ko!” Halos maiyak sa sama ng loob ang babae habang tinitingnan ang sirang BMW niya.

Tumingin si Anton sa rearview mirror at nakita ang hitsura ng babae. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaibang saya. Ang mga gaya nitong walanghiya ay kailangan ding tratuhin nang ganoon.

Biglang may umugong na sirena ng pulis sa likuran niya at isang babaeng pulis na nakamotorsiklo ang humahabol sa kanya.

“Tumigil ka! Tumabi ka o babarilin kita!” sigaw ng pulis habang nakatutok sa kanya ang baril nito.

“Hindi naman ako ganoon katalino pero hindi rin ako tanga! Huwag mo akong takutin. Kailan pa nagdadala ng baril ang traffic officer?” hindi makapaniwalang sabi ni Anton.

“Gusto mo bang subukan kung laruan ba ito?” tanong pa ng police officer at halatang hindi nagbibiro na magpapaputok.

Agad na nanlumo si Anton at mabilis na itinabi ang motorsiklo. Napakaastig ng babaeng pulis— kanang kamay sa manibela at kaliwang kamay naman ang may hawak ng baril.

Nakasuot siya ng itim na pantalon, asul na polo, at nakasuot ng helmet. Mahahaba ang mga binti nito at hindi pangkaraniwan ang tangkad nito. Morena ito pero lalo lamang iyong nagdagdag sa kanyang matapang at kaakit-akit na awra.

Talagang maraming magagandang babae rito sa lungsod!

Dalawang pambihirang babae ang nakilala niya kagabi at ngayon ay may isa na naman. Gusto niya tuloy makita ang mukha ng babaeng pulis.

Sa sandaling iyon ay tinanggal ng babaeng pulis ang helmet niya at lumantad ang napakaganda nitong mukha. Mapupungay ang mga mata niya na parang buwan sa madilim na kalangitan, ang mga kilay nito ay maayos kahit halatang hindi naman iyon tinatanggalan. Kung hindi lang sana ito naka-uniporme, iisipin ni Anton na isa itong model.

Napatingin si Anton sa balikat nito at nagulat. Tatlong guhit at dalawang bituin! Mataas na ranggo iyon sa pulisya!

Karaniwan sa mga ranggong iyon ay para sa deputy director ng public security bureau o mas mataas pa. Siguradong hindi siya ordinaryong traffic officer. Isa lang ang paliwanag...

May nagawa itong problema kaya naka-assigned dito.

At tama nga si Anton. Na-reassigned si Alissa Redobles. Kamakailan lang ay sunod-sunod ang pagkawala ng mga bata sa kanyang nasasakupan. Kahapon ay may nahuli siyang suspek pero sa interrogation ay puro “mananahimik ako,” “kailangan ko ng abogado,” at kung anu-anong malaswang biro ang sinasabi nila.

Sa sobrang galit ni Alissa ay muntik niya itong mapatay sa pagbugbog niya.

Dahil doon, inilipat siya bilang traffic officer.

At sinong mag-aakala na sa unang araw niya sa bagong trabaho, makakakita agad siya ng isang construction worker na nagpapakitang-gilas sa pamamagitan ng pagpapatalon ng motorsiklo sa ibabaw ng isang BMW?

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 129

    Mahigpit niyang hinawakan ang tubo ng tubig at sa ilang mabilis na galaw, maayos na nakalapag siya sa balkonahe. Para sa isang eksperto na tulad niya, napakadali lamang ng pag-akyat sa mga tubo ng gusali.Idinikit niya ang katawan sa dingding sa tabi ng pinto, inilabas ang kanyang itim na sandata, mahigpit itong hinawakan, huminga nang malalim, at sinipa ang pinto.Madilim ang silid. Walang ilaw na nakabukas.Isang malamig na kislap ang mabilis na sumugod sa kanya, dala ang nakapangingilabot na layunin na pumatay.Napakahusay!Sa isang galaw pa lamang, alam na niyang halos kapantay niya ang lakas ng kalaban. Mula nang mapadpad siya sa Santa Catalina, ito ang unang pagkakataong nakatagpo siya ng isang napakalakas na kalaban.Agad na kumulo ang dugo ni Anton sa pananabik. Binaligtad niya ang hawak sa kanyang sandata at sumugod.Sa dilim, nagpalitan sila ng pito o walong hampas bago sabay na huminto. Pareho nilang alam na wala nang saysay ang ipagpatuloy pa ang laban.Bumukas ang ilaw sa

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 128

    Muling sumagi sa isip ni Marionne ang naging usapan nila noon:"Asawa, manood tayo ng sine pagkatapos kumain?""Magkatabi ba ang mga upuan?""Siyempre, magkatabi.""Hindi puwede! Ang sinehan ang paboritong lugar ng mga manyakis. Akala mo bibigyan kita ng pagkakataon?"Sa kabilang linya, ilang ulit na siyang tinawag ni Greg, ngunit hindi sumagot si Marionne kaya nag-alala ito. "Marionne, may nangyari ba? Aakyat na ba ako?"Nang marinig niyang balak umakyat ni Greg, saka lamang natauhan si Marionne. "Greg, huwag mo na akong puntahan.""Hindi ba diborsiyado na kayo? Ano pa ang ikinababahala mo?" nagtatakang tanong ni Greg."Huwag mo nang itanong. Ginamit lang kita. Pasensya na." Pagkasabi niyon, ibinaba niya agad ang tawag.Sa labas ng villa, nakaupo si Greg sa kanyang mamahaling sasakyan. Mahigpit niyang pinisil ang dalawang tiket sa sine hanggang sa malukot ang mga iyon, saka galit na itinapon sa lupa.Sa mga nakaraang araw, palagi niyang sinusubaybayan si Marionne. Nang malaman niyang

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 127

    Lumabas na ang sinabi ni Anton ay tama, lalo na ang linyang, "Para kang isang hedgehog. Puno ka ng mga tinik sa labas, pero kapag nabunot ang mga iyon, wala nang matitira." Talagang tumama iyon kay Sammy."Kung hindi ako nagkunwaring parang hedgehog, matagal na siguro akong inaapi nang husto."Tahimik na nakatingin si Sandra sa direksiyong nilakaran ni Anton, habang paulit-ulit na naaalala ang mga sinabi nito kanina. Hindi maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman niya.Kinuha niya ang kanyang telepono, hinanap agad ang numero ni Anton, at tinawagan ito. Pagkasagot ng tawag, agad siyang nagsalita nang sunod-sunod."Akala mo kung sino kang magaling, ano? Ang sarap ba sa pakiramdam na pagalitan ang iba? Ang totoo, nagpapanggap ka lang din. Mayaman ka nga, so what? Marunong kang lumaban, so what? Akala mo hindi ko nakikita? Hindi ka masaya. Nagpapanggap ka lang na masayahin, pero ikaw ang pinakamasakit ang dinadala sa lahat.""Baliw ka ba?" Malamig na boses ni Alissa ang sumagot sa kabilang

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 126

    "Sammy, ano ang pangalan niya?" tanong ni Sandra habang nakatanaw sa papalayong likuran ni Anton."Ako nga ang dapat magtanong sa'yo," nalilitong sagot ni Sammy. "Hindi ba siya ang nagpahiram sa'yo ng limandaang libo? Hindi mo man lang alam ang pangalan niya?""Sino bang nagsabing kailangan mong malaman ang pangalan ng taong nagpapahiram ng pera?" walang pakialam na sagot ni Sandra.Napailing si Sammy. Talagang napakataas ng tingin sa sarili ng kanyang ate. "May nagpahiram sa'yo ng ganoon kalaking halaga, tapos hindi mo man lang tinanong ang pangalan niya? Hindi ba't medyo sobra naman iyon?""Bakit ko pa itatanong kung ayaw naman niyang sabihin?""My dear sister, sa sobrang yabang mo at pagtingin mo na mas mababa ang lahat kaysa sa'yo, lahat ng matinong lalaki ay lumalayo sa'yo," naiinis na sabi ni Sammy."Manyakis lang naman siya." Hindi pa rin naniwala si Sandra.Noong una silang magkita, tinanong siya nito kung magkano ang bayad sa isang gabi habang nagtitinda siya ng siomai. Sa ik

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 125

    Napatawa si Anton, ngunit kakaiba ang naging tawa niya.Bakit kaya napakakapal na ng mukha ng ilang babae sa panahon ngayon?Si Susan ay matagal nang naging babae ni Alfred at hindi na mabilang kung ilang lalaki na ang nakarelasyon niya. Sa tingin ba niya, karapat-dapat pa siyang pag-agawan? O iniisip ba niyang hindi pa nakakakita ng babae si Anton?"Kung ganoon, mag-striptease ka," walang pakialam na sabi ni Anton. Pagkatapos ay sumigaw siya sa mga taong nakapaligid. "Gusto ba ninyong manood ng striptease ni Susan?""Gusto!" Sabay-sabay na sigaw ng mga tao.Alam ng lahat na ginamit ni Susan ang kanyang katawan upang makalapit kay Alfred. Marami ang humahamak sa kanya. Pero hindi maikakailang napakaganda pa rin niya. At kung libreng striptease ang pag-uusapan, sinong lalaki ang tatanggi?"Ikaw... napakabastos mo," malambing na sabi ni Susan.Nang makita ni Anton ang mapagkunwari niyang kilos, lalo lamang siyang nandidiri. "Ginagamit mo lang ako para makatakas sa kontrol ni Alfred. Ang

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 124

    Habang nagsasalita si Susan, sadya man o hindi, idinikit niya ang kanyang dibdib sa braso ni Anton. Nakatingin siya rito nang mapang-akit, tila inaakit siya sa bawat galaw.Talagang bihasa ang babaeng ito sa pang-aakit ng mga lalaki.Kung dati ang Anton ay inosente pa, tiyak na hindi niya kakayaning labanan ang ganoong tukso. Ngunit ngayon, napakarami na niyang nakilalang mga babaeng mas maganda at mas kaakit-akit kaysa kay Susan.Maaaring sapat ang kagandahan nito para akitin ang karaniwang lalaki, ngunit hindi na nito kayang guluhin ang isip ni Anton."Kapag natalo ko si Alfred, totoo bang pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko?" biglang tanong ni Anton, kumikislap ang mga mata."Siyempre. Kahit hubarin mo ang damit mo?" Napangiti si Susan. "Huwag lang ang paghuhubad ng damit. Basta anumang iba pa, pwede."Napalunok si Anton bago tumango. "Ikaw ang nagsabi niyan."May kislap ng tusong ngiti sa mga mata ni Susan. Sa tingin niya, bagama't mahusay lumaban ang binatang nasa harapan n

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 64

    Kinabukasan, matapos ihatid si Marionne sa kumpanya nito, nagmaneho si Anton papunta sa Queenstar Hotel.Pagdating pa lamang niya, agad siyang sinalubong ni Danilo. “Anton, libre ka ba mamayang gabi? Gusto kang imbitahan ni Mama na maghapunan.”“Napakabait talaga ni Tita Pilar. Siyempre pupunta ako

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 34

    “Ang malas talaga kapag ganitong klase ang napangasawa mo,” napailing si Anton.Pagkatapos magpaalam kay Maribel, bumaba si Anton sa paradahan upang kunin ang kanyang sasakyan at sunduin ang asawa niya sa ospital.Paglabas pa lamang niya ng parking lot, may pamilyar na pigurang humarang sa kanyang

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chaapter 68

    Pagbangon ni Anton mula sa kama, napatingin siya sa magulong silid at napailing. Talagang ibang klase ang mga babaeng may edad kaysa sa mga inosenteng dalaga. Kahit gaano pa siya kalakas, muntik na siyang hindi makasabay.May nakatagong "tigre" sa bawat babae—ang tanong lang ay kung sino ang makapa

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 65

    Isang mesa na puno ng iba't ibang putahe ang nakahain. Sina Pilar at Danica, kapwa nakasuot ng apron, ay abalang naghahanda at nag-aasikaso.Nang makita ni Danica si Anton na pumasok, mabilis niya itong sinulyapan bago agad umiwas ng tingin.Nagkunwaring walang napansin si Anton at naupo, ngunit li

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status