Share

K73

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-10-07 19:57:03

EDUARDO

Tahimik ang gabi pero sa loob ng isang mamahaling kotse na nakaparada sa 'di kalayuang kalye ay nakaupo si Eduardo. Nakapikit ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela. Dama ang galit na parang apoy na hindi mapatay-patay. Sa isip niya paulit-ulit ang iisang baga. : Kung paano niya ipaparamdam kay Stella ang sakit ng pagtatraydor at ang kaparusang dapat nitong maranasan.

Hindi siya makapapayag na basta na lang siyang ipagtabuyan ng sariling asawa. Mas lalo na ngayon.... may ebidensya na hawak nina Stella at River. At balak pa siyang ipahiya sa korte. Hindi siya papayag. Hindi siya puwedeng bumagsak..

“Kung ayaw mong bumalik sa akin nang maayos, Stella… gagamitin ko ang pinakamahalaga sa iyo,” malamig na bulong ni Eduardo habang nagngingitngit ang panga.

Ang pinakamahalaga kay Stella? Walang iba kun'di si Susie. Ang nakababatang kapatid na walang malay sa totoong panganib na darating.

"Akin ka, Stella. Tandaan mo iyan. Sa akin ka lang. Hindi ka sa lalaking iyon. Putangina
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K73

    EDUARDO Tahimik ang gabi pero sa loob ng isang mamahaling kotse na nakaparada sa 'di kalayuang kalye ay nakaupo si Eduardo. Nakapikit ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela. Dama ang galit na parang apoy na hindi mapatay-patay. Sa isip niya paulit-ulit ang iisang baga. : Kung paano niya ipaparamdam kay Stella ang sakit ng pagtatraydor at ang kaparusang dapat nitong maranasan.Hindi siya makapapayag na basta na lang siyang ipagtabuyan ng sariling asawa. Mas lalo na ngayon.... may ebidensya na hawak nina Stella at River. At balak pa siyang ipahiya sa korte. Hindi siya papayag. Hindi siya puwedeng bumagsak..“Kung ayaw mong bumalik sa akin nang maayos, Stella… gagamitin ko ang pinakamahalaga sa iyo,” malamig na bulong ni Eduardo habang nagngingitngit ang panga.Ang pinakamahalaga kay Stella? Walang iba kun'di si Susie. Ang nakababatang kapatid na walang malay sa totoong panganib na darating."Akin ka, Stella. Tandaan mo iyan. Sa akin ka lang. Hindi ka sa lalaking iyon. Putangina

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K72

    STELLA Pagbalik nila mula sa presinto, akala ni Stella tapos na ang lahat. Kahit nanginginig pa rin ang katawan niya at kahit hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat sa katawan at galos sa mukha ay may bahagyang kagaanan siyang naramdaman. Hawak-hawak niya ang kamay ni River habang pauwi sila. “River… sana makalaya na talaga ako sa lalaking iyon. Sana tuluyan na siyang mabura sa buhay ko..,” mahina niyang sabi na halos pabulong. “Makakalaya ka, Stella,” mariing sagot ni River. “Wala na siyang puwang sa buhay mo. Hindi na siya makakabalik sa bahay mo. Basta huwag kang panghinaan ng loob. Kailangan mong ipakita na matapang ka," dagdag pang sabi ni River.Matamis na ngumiti si Stella. "Salamat, River. Maraming salamat. Kung wala ka sa tabi ko ngayon, baka nakakulong pa rin ako sa impiyernong buhay ko kasama si Eduardo." Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Stella sa paghahanda ng almusal para kay Susie at River. Hindi pa rin siya mapalagay. Habang pinipisil ang tiyan niya a

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K71

    KINABUKASAN, maaga pa lang ay abala na si Stella sa kusina. Kahit nanginginig pa rin ang katawan at nanlalambot ang tuhod dahil sa mga sinapit kahapon pero pinilit niyang bumangon. Alam kasi niyang mas lalong magwawala si Eduardo kapag hindi niya ito inasikaso. Ayaw na ni Stella na makatikim pa ng pananakit mula kay Eduardo. Niluto niya ang ulam na adobong manok. Umaasang kahit papaano ay maging maayos ang timpla. Tahimik siyang kumilos habang nanginginig ang kamay sa bawat halo. “Diyos ko…” bulong niya na halos pabulong habang nakatingin sa kumukulong kawali. “Sana magustuhan niya. Ayokong masaktan ulit…” Ilang minuto pa ay lumabas na si Eduardo mula sa kuwarto. Suot pa nito ang manipis na sando at shorts. Hawak ang cellphone at kitang-kita agad ang iritasyon sa mukha. “Stella!” sigaw nito. “Nasaan na ang pagkain ko?” Mabilis siyang lumapit at inihain ang adobong niluto niya. Ngumiti siya ng pilit. “Ito na, Eduardo. Mainit pa," sambit ni Stella. Umupo ang asawa niya at sini

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K70

    Hindi niya alam kung bakit napadaan siya ro’n. Ang totoo, wala naman siyang planong pumunta kina Stella nang umagang iyon. Gusto lang sana niyang dumaan para kumustahin ang dalawa bago siya tumuloy sa palengke. Pero habang papalapit siya sa bahay ay napansin niya agad ang kakaibang tahimik.Tahimik na hindi normal.At ilang sandali lang ang lumipas ay narinig niya ang malalakas na sigaw.“Niloloko mo ba ako, Stella?!” sigaw ng isang baritonong boses na hindi pamilyar kay River pero halatang puno ng galit.Napahinto siya. Kumabog nang malakas ang dibdib niya.“Eduardo,” bulong niya sa sarili.Mabilis siyang lumapit. Doon, bago pa man siya makalapit sa mismong pinto ay narinig niya na ang iyak ni Stella, Mahina pero dumadagundong sa tainga niya.“Wala akong ginagawang mali…” paulit-ulit ang tinig nito habang humihikbi.Parang piniga ang puso ni River. Hindi na siya nag-isip pa. Dumiretso siya sa pinto. mabilis na pinihit ang seradura at nagulat siya na bukas pala ito.Pagkabukas niya a

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K69

    MAAGA pa lang ay gising na si Stella. Tahimik siyang nakaupo sa hapag habang hawak ang isang tasa ng kape pero hindi man lang niya ito nagagalaw. Nakatitig lang siya sa mesa habang malalim ang iniisip. Ilang araw na ang lumipas mula nang sabihin ni Dan na isang linggo na lang at darating na si Eduardo. Ngayon, ito na. Wala na siyang kawala.'Sana maging maayos ang lahat kahit nandito na si Eduardo. Gusto kong makasama si River pero hindi na mangyayari pa iyon,' sabi ni Stella sa isipan.Damang-dama niya ang bigat ng dibdib. Para siyang may malaking batong nakapatong sa kanya. Gusto sana niyang tumakbo, magtago, pero paano? May Susie siya na dapat ding alagaan. At higit sa lahat, ayaw niyang madamay si River.“Ate Stella?” tawag ni Susie mula sa kusina. “Kumain ka muna bago ka mag-isip nang kung anu-ano diyan.”Ngumiti siya kahit pilit. “Mamaya na, Susie. Hindi pa ako gutom.”Napangiwi ang kapatid. “Puro ka mamaya, ate. Magugutom ka rin.”Nagkibit-balikat lang si Stella. Hindi na niya

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K68

    Tahimik ang gabi. Maliwanag ang buwan at parang pilak ang pagkakabagsak ng liwanag nito sa bakuran ni Stella. Nakaupo siya sa duyan sa labas ng bahay at marahang humihilig habang iniikot-ikot ang hawak na tasa ng kape. Sa malayo ay maririnig ang huni ng kuliglig at alon na dumadagundong sa dalampasigan. Pero kahit paano ay nananatili pa rin sa dibdib niya ang kaba. Alam niyang isang linggo na lang darating na si Eduardo. Nagulat siya nang biglang bumukas ang gate at pumasok si River na may bitbit na isang plastic. May lamang tinapay at softdrinks. Ngumiti ito at kumaway. “Uy, hindi ka pa natutulog? Ang init-init, tapos nagkakape ka pa riyan.” Napangiti si Stella kahit pilit. “Hindi kasi ako makatulog. Mas nakakalma ako kapag nasa labas at may hangin.” Umupo si River sa tabi niya, sabay abot ng plastic. “Ito, baka sakaling gusto mo. Bumili ako ng tinapay at juice. Hindi kasi ako mapakali, naisip ko baka gising ka pa.” Bahagyang nag-init ang pisngi ni Stella. Kahit simple lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status