Share

SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER
SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER
Author: Magzz23

Chapter 1

Ethan

 PAPASOK na ako sa bahay ng fiancée kong si Klarissa dala-dala ang bulaklak at chocolates. It was our fifth anniversary and I want to surprise her. Isang buwan na lang at ikakasal na kaming dalawa. I want to settle down with her and build my dream family with her.

 Marami na akong inihandang mga plano naming dalawa at sa edad kong ito ay tama lang na pamilya na ang isipin ko. I am thirty-five and have my stable business. Ika nga nila ay asawa na lang ang kulang para kumpleto na.

 Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto ng nobya ko ay iniisip ko na ang lahat. Kung ano pa ang kulang para mapaghandaan ko pa. Ako lang naman ang tipo ng lalaking iisang babae lang din ang pinangarap kong makasama. Ayoko ng sakit sa ulo at stick to one lang ako.

 Subalit natigil ang imahinasyon ko nang may marinig akong ungol ng isang babae sa loob ng kwarto ng nobya ko. Habang pinapakinggan ko ito ay napagtanto kong boses ito ni Klarissa. Kinabahan ako at sa kabilang banda ay umusbong ang galit ko sa sarili. I don’t want to think that my girlfriend cheated on me.

 Nilakasan ko ang loob kong pihitin nang marahan ang doorknob na saktong hindi pa naka-locked. Sa maliit na siwang ng pinto ay kitang-kita ko kung paano umiindayog sa ibabaw ng lalaking kaniig ang nobya ko. Sa sobrang galit ko na halos umakyat na sa ulo ko ay walang habas na itinapon ko ang bitbit ko at sinugod sila. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa gabing ito at sa kataksilang ng nobya ko.

 “Klarissa!!” galit kong sigaw. “How dare you, woman!!”

 “Huh?!” Nagulat siyang lumingon sa akin. “Ethan?!” Mabilis siyang umalis sa pagkakapatong sa lalaki niya at tinakpan ang hubad nilang katawan. “E-Ethan, I can explain!”

 “Explain?!” sigaw ko. “Ito ba ang ipinagmamalaki mo sa akin?!” Dinuro ko pa ang lalaki niya at akma na sana akong lalapit sa lalaking kaniig ng nobya ko ngunit humarang siya.

 “Ethan! Don’t⸻please! I’m begging, please!! M-Mahal ko siya!” mangiyak-ngiyak na wika niya sa akin.

 “W-What?!”

 “Bro, please! N-Nagmamahalan kami⸻”

 “Lintik na pagmamahal iyan!” mura ko sa lalaking ni hindi ko naman nakilala. “Simula sa gabing ito ay wala ng kasal na magaganap, Klarissa! Damn you!” Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Klarissa at tumalikod na ako upang lumabas ng kwarto. Hindi ko kayang makita ang ayos nilang dalawa at sasabog na ako. And to think na baka makapatay pa ako.

 “Ethan!” tawag niya.

 Subalit hindi ko na inalintana ang pagtawag niya at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Gusto kong magwala para ilabas man lang itong emosyon ko at sa unang pagkakataon ay nasaktan ako nang sobra. Nasaktan ako sa babaeng pag-aalalayan ko pa sana ng pangalan ko at buhay.

 “Ethan!” Sabay hinila ni Klarissa ang braso ko nang maabutan niya ako.

 “What?!” sambit kong sabay lumingon sa kaniya. This time, may suot na siyang night dress habang ako naman na naroon pa rin ang pagngingitngit ng kalooban.

 “Ethan, mag-usap tayo,” pagsusumamo niya.

 “Anong dapat nating pag-usapan natin, Klarissa? This wedding is over! You cheated on me and now you want to talk to me? For what? Para ipamukha sa akin na mahal mo ang lalaking iyon? Pasalamat siya na hindi ko sinayang ang lakas ko sa kaniya at matino pa ang pag-iisip ko!” tiim-bagang kong sabi.

 “I’m sorry, Ethan! H-Hindi ko sinabi sa iyo agad ang totoo pero napapagod na ako sa relasyon natin at hindi ko na kayang magpanggap. Ang lalaking iyon na kasama ko sa kwartong iyon ay siya lang ang pumuno sa lahat ng mga hindi mo kayang ibigay sa akin. Noong wala ka ng anim na buwan nang dahil sa negosyo ng pamilya mo ay si Gary lang ang nakasama ko. Siya lang ang tanging naging sandalan ko sa tuwing naging malabo tayo.”

 “So, it’s my fault again? Kasalanan ko pa pala na ginagawa ang lahat for our future at naghanap ka ng iba para lang matugunan ang pansarili mong gusto! You never loved me, Klarissa. Dahil kung mahal mo ako, hindi mo ito magagawa sa akin! Sana maging masaya ka sa piling ng hayop na lalaking iyon!” Malalim pa ang mga titig ko sa babaeng minsan ko na rin minahal bago ako tumalikod nang tuluyan.

 Masakit! Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon na halos gusto kong ilabas ang emosyon ko pero hindi ko ginawa. Pinipigilan ko pa rin ang nagpupuyos kong damdamin habang papalayo sa lugar na ito.

 Kasabay ng naghihinagpis ng aking kalooban ay siya rin ang pagbuhos ng malakas na ulan sa paligid. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaandar na ito. But then again, I can’t help myself but to let my emotions flow. Hindi naman siguro masamang mapaluha ang isang lalaking katulad ko.

 Halos ibinuhos ko na ang lahat para kay Klarissa, but it’s not all enough. Ang masaya sanang magaganap na kasal ay nauwi rin pala sa matinding break up. And the worst thing is, nahuli ko pa siyang may kaniig na iba. Damn it! Napahampas na lang ako sa manibela ko. Wala man lang akong ideya na iniiputan na ako sa ulo.

 Pinaharurot ko ang sasakyan sa maluwag na kalsada kahit pa tumatalsik na ang tubig kapag nadadaanan ng gulong ng kotse ko. I don’t care anymore. Kung mabangga man itong kotse ko ay bahala na ang maykapal.

 Kaya lang ay nakita ko na agad sa unahan ang isang babaeng tila pumapara ng taxi pero huli na upang bagalan ko ang takbo. Nakalagpas ako sa kaniya pero nakita ko sa side mirror ko kung paano siya naligo sa tumalsik na tubig dahil sa kotse ko.

 “Damn it!” mura ko. Binagalan ko ang takbo ng kotse ko dahil kahit papaano ay nakaramdam naman ako ng habag sa babaeng ito.

 Dahan-dahan ang takbo ko paatras at panay ang pagsilip ko sa side mirror. Nais kong humingi ng paumanhin sa babaeng ito dahil nagpadala ako sa emosyon ko at heto ang nangyari. Kaya lang nang huminto na ako sa tapat niya ay bigla niyang hinampas ng payong niya ang unahan ng kotse ko at tila nagwawala. Dali-dali naman akong lumabas kahit alam kong mababasa rin ako.

 “Hoy, lalaki! Bulag ka ba? Hindi mo ba ako nakikita, ha?! Tingnan mo itong ginawa mo sa akin! Paano ako makakasakay ng taxi kung ganitong basang-basa ako?” bungad niya. Nanginginig na nga siya sa galit sa akin.

 “Miss, I’m sorry. Hindi ko sinasadya,” paghingi ko ng paumanhin. Lumapit pa ako sa kaniya sa waiting shed upang makasilong. “Hindi agad kita napansin kanina,” pagsisinungaling ko na lang para hindi siya lalong magalit.

 “Sorry? Iyang sorry mo na ba iyan ay makakatulong sa pagtuyo nitong damit na suot ko? Kayo kasing mayayaman na porkit may sasakyan kayo ay parang hari na kayo ng kalsada! Hindi niyo na iniisip ang mga katulad kong nahihirapan na nga sumakay dahil maulan tapos paliliguan mo pa ako!” Bigla siyang umiyak. “Sana⸻sana sinagasaan mo na lang ako para matapos ang lahat ng paghihirap ko!”

 “Miss, are you okay?” Nahabag na naman ako sa bigla niyang pag-iyak sa harapan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at saktong walang tao at baka mapagkamalan pa na may ginawa ako sa kaniya. I turned my glimpse to her again and still she’s crying. “Miss, kung may problema ka ay daanin natin sa maayos na pag-uusap. I said sorry to you and this isn’t enough?”

 “Huwag mo akong ini-english at nasa Pilipinas ka! Sorry ka nang sorry sa akin pero huli ka na. Naligo na ako sa…” Inamoy niya ang sarili niya. “Yuck! Amoy putik pa! Nakakainis!” Halata na sa kaniya ang emosyon na katulad ko ay naghalo-halo na rin.

 “Okay, fine. Saan ka ba uuwi at ihahatid na kita,” mahinahon kong alok na sa kaniya upang tumigil lang siya sa kakadaldal at pag-iyak.

 Natigilan siya. “Ihahatid mo ako? Teka, alam ko na iyan. Aalukin mo akong sumakay diyan sa magarang kotse mo at dalhin sa kung saan. Tapos ipapa-salvage mo ako pagkatapos mong gawin ang gusto mo sa akin. No way! Promdi ako pero hindi ako uto-uto!”

 Nainis na ako sa pang-aakusa niya. “Miss, inaalok lang kitang sumakay dahil alam kong kasalanan ko, but it doesn’t mean na may gagawin akong masama sa iyo. Damn it,” mahinang mura ko sa huli. “Bahala ka kung ayaw mo!” Nag-walk out na ako dahil nasasayang na ang oras ko sa kaniya.

 “Sige, umalis ka! Isusumbong kita sa pulis at kabisado ko ang plate number ng kotse mo!” sigaw pa niya.

 Nilingon ko siya. “Sige. Kahit magsumbong ka pa kay Hudas!” Pinatulan ko na nag sinabi niya at binuksan ko na ang pinto ng kotse ko saka mabilis na sumampa.

 Alam kong may sinasabi pa siya pero wala na akong planong pakinggan pa. Mabuti naman ang intensiyon ko sa kaniya at tulungan siyang makauwi ngunit ako pa ang napasama. Subalit kung ganitong klaseng babae naman ang makaharap ko ay huwag na. Masyadong taklesa at… Napatigil ako sa pag-iisip dahil habang nagtatalak siya kanina ay malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. Maganda siya. Bakat na nga ang suot niyang pang-itaas kanina dahil manipis lang ang suot niyang puting blouse.

 And damn again! Kita na halos ang dibdib niya pero iniwas ko na lang ang tingin ko para hindi niya mahalata. Ano ba itong iniisip ko? Damn you, Ethan! Kung kailan broken-hearted ka at ngayon mo pa iniisip ang sitwasyon niya? Pinagalitan ko na lang ang sarili ko habang binabaybay ang kahabaan ng Edsa at maulan pa rin.

 Pinayapa ko na lang ang sarili ko sa mga hindi ko inaasahang naganap ngayong gabi. Iniisip ko na lang na maaaring hindi pa si Klarissa ang babaeng itinadhana sa akin. I’m a billionaire and I can find a woman better than her. At pumasok na sa isipan kong magbakasyon na muna sa lugar kung saan ako lumaki. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Magzz Stories
Basa na... enjoy!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status