AYON sa nakalap na impormasyon ng kanyang secretary, simula't simula ay nakilaglapit ito sa kanyang Lola Mathilde dahil mayroon itong ibang motibo. Palabas lang ng babae na kaibigan ang turing nito sa matanda, at ang plano nito ay kuhain ang loob ng kanyang lola.
Kung hindi lang isinangkalan ng Lola Mathilde niya ang kompanya, at kung hindi lang sana nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya sa California dahilan para mamalagi siya roon ng isang taon, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. He would never allow someone like Lalaine Aragon to take advantage of his Lola Mathilde's kindness. Pakiramdam ni Knives ay nanakit ang kanyang mga mata sa pagtitig pa lang sa mapagpanggap na babae, kaya binalingan niya ang secretary at malamig na nag-utos, "Press the button." Mabilis namang sinunod iyon ng secretary ni Knives subalit naudlot ang sana'y pagsara ng elevator nang mula sa kung saan ay humahangos ang isang lalaki. Naalerto naman si Lalaine dahil alam niyang si Benjamin iyon. Sa ginawa niya kanina sa lalaki, hindi niya alam pa kung ano na lang ang mangyayari sa kanya sa oras na mahawakan siya nito. Dahil sa desperada na siyang matakasan ang demonyong lalaki, kinapalan na ni Lalaine ang kanyang mukha at buong tapang na hinarap si Knives Dawson at nagsalita, "M-Mr. Dawson, hindi mo ba ako kilala? A-Ako ang a-asawa mo..." Halos kainin ng lupa si Lalaine habang sinasabi ang mga katagang iyon subalit wala na siyang choice. Si Knives na lang ang tanging pag-asa niya na matakasan ang baliw na si Benjamin, kaya kahit hindi alam ni Lalaine kung kilala siya nito ay nilakasan na lang niya ang loob at isinantabi ang hiyang nararamdaman. Dahil naman sa sinabi ni Lalaine ay nakaramdam ng pagkainsulto ni Knives. Sino ang babaeng ito para tawaging asawa niya? Kasal lang sila nito sa papel at wala itong karapatan na tawaging siyang asawa dahil kasunduan lang ang lahat ng iyon na gawa ng kanyang lola. "Isn't it stated in the prenuptial agreement that our marriage is secret, Ms. Aragon?" malamig na tanong ni Knives. Natigilan naman si Lalaine at nanigas sa kinatatayuan dahil sa coldness na nakikita niya sa mga abuhing mata ng lalaki. Kung tingnan siya nito ay para bang siya na yata ang pinakamasamang babae sa buong mundo. Pero ano ba ang ginawa niya? Hindi naman siya ang nagpumilit na magpakasal sa lalaki kundi ang lola nito. Nagkataon lang na wala siyang pagpipilian at oras ang hinahabol niya sa buhay ng kanyang lola kaya siya napapayag ni Lola Mathilde. Napatunayan din niya ng mga sandaling iyon na hindi sa hindi siya kilala ni Knives Dawson, sadyang wala lang talaga itong interest sa kanya. Sino nga ba naman siya para pagtuunan nito ng pansin? Isa lang siyang hamak na babae na nagpakasal sa lalaking ni hindi niya kilala. Mayamaya pa'y humahangos na dumating si Benjamin sa tapat ng elevator pero napatda ito nang makita na naroon din si Knives Dawson na kasalukuyang malamig ang titig na ipinupukol sa kanya. “K-Kuya Knives...” Kumakabog naman ang dibdib ni Lalaine habang pinapanood ang dalawang lalaki. Hindi niya akalain na magkakilala pala si Knives at si Benjamin. Hindi tuloy niya malaman ang gagawin ng mga oras na iyon. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas habang nakatingin sa mga ito. "Why do you look like that? You look like a shit," malamig na tanong ni Knives kay Benjamin na puno ng disgusto ang tinig habang pinagmamasdan ang pawisang lalaki na magulo ang buhok at lukot ang damit. Ang pawisang mukha ni Benjamin ay biglang namutla dahil sa sinabi ni Knives. Gusto lang sana niyang mag-enjoy pero sa kamalas-malasan, sa dinami-dami nang makikita niya ng araw na iyon ay bakit si Knives Dawson pa? Hindi maaaring malaman ng lalaki ang kalokohang ginagawa niya ng mga sandaling iyon dahil malalagay sa alanganin ang kanilang pamilya. Dahil bukod sa ito ang kanilang kinakapitan, ang pinsan din nito na si Olivia Dawson ang kanyang fiancé. Isa pa'y sa tuwing nakikita niya ito ay para ba siyang tino-torture dahil sa nakasisindak na dating ng lalaki. May kakaiba itong aura na para bang ang lahat ay kaya nitong pasunurin kahit na wala itong ginagawa. "M-My classmate asked me to come here because she said she needed something from me," pagsisinungaling ni Benjamin sabay tingin kay Lalaine na nakatayo sa gilid at para bang takot na takot. 'Bitch! Humanda ka sa akin!' isip-isip niya habang pilit inaayos ang sarili sa harap ni Knives Dawson. "S-Sinungaling ka! Niloko niyo ako! Ang sabi ng guard nandito raw ang kapatid ko—" "Stop talking nonsense, bitch!" putol naman ni Benjamin sa sinasabi ni Lalaine saka pinukol ito ng matalim na tingin. "Nilandi mo ako! Nakipagsabwatan ka pa sa magaling mong nanay para perahan ako!" sigaw pa ni Benjamin habang dinuduro si Lalaine. "Don't believe him, Knives. That little bitch is a liar!" pagbabaliktad pa nito na kay Knives nakatingin. Nanatili namang malamig ang tingin ni Knives sa dalawa, lalo na kay Lalaine kaya ganoon na lang ang takot niya na baka ibigay siya nito sa lalaki lalo na't magkakilala pala ang mga ito. Sa takot naman na hindi paniwalaan ni Knives ang kanyang alibi, dinukot ni Benjamin ang box ng contraceptive pills sa kanyang bulsa at ibinato iyon sa harapan ni Lalaine. "Look at that Kuya Knives. If she wasn't planning anything, why did she have such pills with her?" Tinakasan ng kulay ang mukha ni Lalaine nang makita ang pills, lalo na nang makitang madilim ang anyo ni Knives habang nakatingin sa kanya. "Nagkakamali ka, hindi iyan—" "Are you sure your mother had nothing to do with this?" putol ni Knives sa tangka niyang pagpapaliwanag. Dahil sa narinig ay napangisi naman si Benjamin habang nakatingin kay Lalaine. Alam niyang hindi maglalakas-loob ang babae na itanggi ang paratang na iyon dahil mayroon siyang ebidensya sa kanyang cellphone. Samantalang natulos naman si Lalaine sa kinatatayuan at hindi makapagsalita. Alam niyang sa oras sa itanggi niya ang paratang ay hindi siya paniniwalaan nito dahil mayroong pruweba si Benjamin na binayaran nito ang kanyang nanay. Isa pa'y kahit gustuhin man niyang sabihin kay Knives na biktima lang din siya ay alam niyang hindi siya nito paniniwalaan. Si Knives naman ay walang kasinglamig ang tinging ipinupukol sa babae ng mga sandaling iyon. Hindi na kailangan pang sagutin ni Lalaine Aragon ang kanyang tanong dahil sa ikinikilos pa lang nito, alam niyang guilty ito sa paratang ni Benjamin. He also proved that she was a con artist who approached his Lola Mathilde for money. TO BE CONTINUED.“IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya."I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura.Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira
"MS. LALAINE Aragon, here's the annulment agreement. Please, sign it," magalang na saad ni Liam. He invited the woman to a coffee shop near the hotel to sign the said document, as ordered by his boss.Lihim namang nakahinga ng maluwang si Lalaine. Mukhang tulad niya, nais na rin ni Knives na tapusin na ang kanilang kasal. Kaya kaagad na kinuha ni Lalaine ang ballpen na nakalapag sa kanyang harapan at pinirmahan ang dokumento nang hindi man lang ito binabasa.Kumunot naman ang noo ni Liam at sandaling pinigilan ito sa ginagawa, "Hindi mo man lang ba babasahin ang nakasaad sa annulment paper, Ms. Aragon?" tanong niya.Bakas naman ang pagkalito sa mukha ng babae kaya napilitan si Liam na prangkahin ito at ipaliwanag kung ano ang nilalaman ng nasabing dokumento. "Nakasaad sa agreement na wala kang matatanggap kahit na isang kusing mula kay Mr. Dawson."Kung noong una ay balak ng kanyang boss na bigyan Ms. Aragon ng isang condo unit at 5 million pesos bilang compensation, sa isang iglap ay
NAGING normal ang mga sumunod na araw para kay Lalaine. Pumapasok siya sa university at diretso sa kanyang part-time job sa gabi. Maayos rin ang kalagayan ng kanyang kapatid dahil umuwi siya sa kanilang tahanan sa Paco noong nakaraang araw. May kalayuan din kasi mula sa kanilang tinitirhan ang university kung saan siya nag-aaral kaya minabuti niyang mag-boarding house kung saan malapit sa kanilang eskwelahan. Umuuwi naman siya tuwing araw ng Sabado at Linggo para bisitahin ang kanyang kapatid at para bigyan ito ng allowance. Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng high school ang kapatid niyang si Luke sa St. Mary Academy—ito ay pambublikong paaralan para sa mga kabataang may special needs. Libre ang pag-aaral dito kaya wala siyang problema sa tuition ng kanyang kapatid, at ang tanging sagot lang niya ay ang allowance nito.May kakulitan lang ang kapatid niya dahil gusto rin nitong suma-sideline sa mga kung anu-anong trabaho katulad ng pagiging kargador sa palengke, tagawalis, o kaya nama
NANG makarating sa hospital ay naabutan ni Lalaine na nakaratay sa emergency room ang kanyang kapatid na duguan at walang malay. Napahagulhol si Lalaine at saka nanlulumong napaupo sa sahig habang hawak ang kamay ng kapatid. Napakasakit ng kanyang puso na makita sa ganoong ayos ang nag-iisa niyang kapatid. "Laine, be strong..." pang-aalo naman ni Troy sa dalaga. Naaawa siya rito dahil kung siya man ang nasa ganoong sitwasyon ay baka magwala pa siya. Mayamaya pa'y dumating ang doktora saka lumapit kay Lalaine at nagtanong, "Ikaw ba ang relatives ng pasyente?" Mabilis na tumayo si Lalaine mula sa pagkakasalampak sa sahig at saka humahagulhol na hinarap ang doktora. "Doc, iligtas niyo ang kapatid ko. Nakikiusap ako..." pagmamakaawa ni Lalaine. "Please calm down, Ms. Aragon dahil kailangan mong maintindihan nang maayos ang ipapaliwanag ko sa'yo," anang doktor na may bakas ng kaseryosohan sa tinig. "Laine, please calm yourself," wika naman ni Troy na bakas ang pag-aala sa tinig hab
KINAUMAGAHAN, sandaling nagpaalam si Lalaine sa nurse para umuwi dahil kailangan niyang maghanap ng pera para sa gastusin ng kanyang kapatid sa hospital. Balak din sana niyang umidlip kahit sandali dahil magdamag siyang gising at nag-aalala siyang baka bumigay din ang kanyang katawan.Ayaw sana niyang iwan si Luke dahil wala itong bantay, pero dahil hindi pa rin niya ma-contact ang kanyang nanay ay wala siyang choice kundi iwan ito. Nakiusap na lang siya sa nurse na tumitingin sa kanyang kapatid at ipinaliwanag ang sitwasyon. Mabuti na lang din at nagkataong Sabado iyon at wala siyang pasok sa university.Habang naglalakad papalabas sa lobby ng hospital, isang pamilyar na pigura ang namataan niya sa hindi kalayuan, at kahit nakatalikod ito sa gawi niya ay nakikilala niya ito. Nakalimutan niyang sa hospital din palang iyon nagpapa-check si Lola Mathilde dahil minsan na niya itong sinamahan doon.Dahil nangako siya sa secretary ni Knives na puputulin na ang ugnayan sa matanda, ipinasya
MATAPOS magpaalam ay halos kaladkarin ni Knives si Lalaine palabas ng coffee shop. Ni hindi na nga niya nararamdamang sumayad ang mga paa niya sa lupa. Nang makarating sa parking lot ng hospital ay halos ibato siya ni Knives papasok sa loob ng sasakyan. Napapitlag pa si Lalaine at nanginginig sa takot dahil ubod nang lakas nitong isinara ang pinto ng sasakyan bago umikot sa kabilang side at padabong na sumakay. Ang kaninang maamong mukha ng lalaki nang kaharap nito si Lola Mathilde ay biglang naglaho at napalitan ng madilim na anyo. "Drive!" utos nito sa malamig at pagalit na tono. Mabilis namang pinaharurot ng secretary nito ang sasakyan paalis sa lugar. Puno man ng matinding takot at kaba ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon, ngunit naglakas-loob pa rin siyang tanungin ang lalaki na kasalukuyang nakaupo sa kanyang tabi at walang-kibo na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "S-Saan mo ako dadalhin, Mr. Dawson—" "Shut up, bitch!" mariing mura ni Knives sa babae. Nap
SI KNIVES na lang ang tanging pag-asa ni Lalaine kaya kahit alam niyang kinamumuhian siya nito ay lakas-loob siyang nagmakaawa sa lalaki, “Please, kailangan ko talaga ng pera..."Samantalang si Knives naman ay hindi malaman kung matatawa o maiinsulto sa babae. Kanina lang ay takot na takot ito, pero ngayon ay sawa na yata itong mabuhay para maglakas-loob itong hingan pa siya ng pera.Sa galit ni Knives ay halos bumaon ang daliri niya sa payat na braso ni Lalaine upang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanya, saka galit na galit niya itong hinila upang tumayo at saka pabatong itinulak. Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa babae, tumama ang likod nito sa pader dahilan para mapaluhod ito habang namimilipit sa sakit.“How dare you ask me for money? Bakit? Kulang pa ba ang nahuthot mo kay Lola Mathilde?!" nanlilisik ang mga mata na tanong ni Knives. Talagang sinasagad ng babaeng ito ang kanyang pasensya. This little bitch doesn't seem to know what kind of person he is.Nanginginig ang b
“REMEMBER this, if I find out you are still seeing Lola Mathilde, I will kill you for sure." Matapos sabihin iyon ay umiling-iling si Knives na puno ng disgusto ang gwapong mukha. "Get out of my sight and never show up again," dagdag pa ni Knives saka tumalikod na kasama ang secretary nito. Si Lalaine naman ay masayang lumuluha habang sinusundan ng tingin ang mga ito habang nagpapasalamat, “Maraming salamat, Mr. Dawson. Napakabait mo. Maraming salamat..." Bagaman hindi maganda ang naging trato sa kanya ni Knives, taos-puso pa ring nagpapasalamat si Lalaine dahil pinahiram pa rin siya nito ng pera para sa operasyon ni Luke. Sa mga mata ni Lalaine, mabuting tao pa rin ang lalaki dahil tinulungan siya nitong mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Nang makasakay naman si Knives ng sasakyan ay umarko ang kanyang makakapal na kilay at puno ng pangungutya niyang pinagmasdan si Lalaine na tuwang-tuwa habang hawak ang pera. 'Good person?' isip-isip ni Knives nang marinig ang sinabi ng b
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s