ALA-SINGKO pa lamang ay nakagayak na si Sabina patungo sa opisina. Unang araw niya sa trabaho kaya gusto niyang maging maayos ang lahat. Paulit ulit na rin niyang kinabisado ang timpla ng kape ng kanyang boss. Sabi sa kanya kahapon ni Mrs. Albufera nang magtraining siya, iyon raw ang unang hihingin nito sa kanya pagkarating na pagkarating nito sa opisina at dapat raw ay di siya pumalpak sa timpla ng kape nito. May pagka-OC rin daw ang lalaki kaya dapat ay hindi siya makalat sa kanyang mga gamit or else baka sa unang araw pa lamang niya ay pauwiin na siya nito kaagad. Kaya naman kabado siya nang pumasok sa opisina. Maliban sa mga security guard at janitress ng kompanya ay siya ang pinakamaagap na pumasok sa trabaho. Pinanusan muna niya ang kanyang mesa at niligpit ang kanyang mga gamit pagkatapos ay nagpunta siya sa pantry para magtimpla ng kanyang kape. Matapos makapagkape ay bumalik na siya sa kanyang mesa. Paglabas niya ng elevator ay saktong palabas r
HINDI na makapaghintay pa si Jeffrey. Nang gabing iyon ay inutusan niya ang kanyang mga tauhan para pasukin ang bahay nina Christine at halughugin duon ang nawawala niyang usb. Kailangang mapasakamay niya iyon bago pa siya maunahan ng ibang tao. Damn. Iniisip pa lamang niyang pakakasalan niya si Christine kapalit ng pinakaiingatang lihim ay para ng sasabog ang batok niya. Hindi niya kayang makasal sa babaeng iyon kahit pa nga sa ilang buwan lang. Muli ay naalala niya ang kondsiyong ibinigay sa kanya ng ama ni Christine. “Pakakasalan mo ang anak ko ng sa gayon ay legal mong maiisalin sa kanya ang kalahati ng kayamanan mo. Gusto kong makatiyak. . .kilala kita, Mr. Mondragon. Masyado kang matalino. Pero kung matalino ka, mas tuso ako.” Nagtangis ang kanyang mga bagang habang nakikinikinita ang mukha ng ama ni Christine habang nakangisi, “Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko, ilalantad ko sa publiko ang totoo mong pagkatao Jeffrey. Malalaman n
HINDI MAKATULOG si Sabina habang iniisip ang mga sinabi ng boss niya. May katwiran ito. Hindi niya basta magagapi ang kampon ng step-mother niya kung malakas ang kapit ng mga ito kahit pa nasa tama siya. Dito pa ba eh mostly, pera ang gumagana sa bansang ito. Kailangan nilang magtulungan kung gusto niyang manalo. Pero ang magsama sila sa iisang bubong? Ngunit ilalagay naman niya sa kapahamakan ang kapitbahay niya kung mananatili siya sa mga ito. Isa pa, baka nga pinag-iisipan na rin siya ng di maganda ng wicked step-mother niya. Biglang nagtindigan ang mga balahibo niya nang maisip iyon. Kaagad siyang bumangon at iginiyaka ang mga gamit. Kaunti lang naman iyon kaya wala pang five minutes ay maayos na ang lahat niyang mga gamit sa isang malaking bag. Ini-alarm niya ang kanyang phone. Alas-singko ng umaga ay nakaligo na siya. Nagluto na rin siya ng almusal nila. Habang tulog pa ang mga bata ay ipinaliwanag niya kay Vicky ang kanyang plano,
NAPATAYO sa kanyang swivel chair si Jeffrey, “Anong nangyari kay Eiise?” “Nagmulat sya ng mga mata at binanggit nya ang pangalan nyo,” balita ng isa sa mga tauhan niya sa kanya. Nabuhayan siya ng pag-asa. Nagmamadali siyaang lumabas ng opisina at excited na pinuntahan ang kinaroroonan ng kasintahan. Gagawin niya ang lahat para lamang mabalik ito sa dati. God, miss na miss na niya ang kanyang si Elise. Halos paliparin na niya ang kanyang motorsiklo patungo sa kinaroroonang ospital ng kasintahan. Pagdating niya ay inabutan niya ang dalaga na gaya pa rin ng dati, wala pa ring pagbabago sa kalagayan nito kaya inutusan niya ang isa sa mga tauhan paa mabalikan ang record sa cctv. Mangiyak ngiyak siya habang pinapanuod ang pagmulat ng mga mata ni Elise at ang bahagyang paggalaw ng mga kamay nito. “God,” masayang usal niya saka muling nilapitan ang kasintahan sa hinihigaan nito at masuyo itong hinalikan sa nuo. Malaking bagay na sa kanyang makita
HINDI maintindihan ni Sabina kung bakit siya inaalok ng kasal ni Jeffrey. Lasing ba ito or nahihibang para alukin siya ng kasal, ni hindi nga niya ito lubusang nakikilala? "Ganito ba ako kaganda para bigla-bigla mo kong aaluking pakasal saiyo? Saka ano bang palagay mo sakin, cheap na basta na lamang papakasal sa ni hindi ko man lang nakikilala?" Nakataas ang isang kilay na sabi niya rito saka tiningnan ito mula ulo hanggang paa, "Hindi porket gwapo ka ay magpapaka=easy to get na ko 'no." "Hindi ko sinabing totohanin natin ang kasal. Magpapanggap ka lang na asawa ko so I can get rid of Christine," paliwanag nito sa kanya. "Ha? Parang ang labo naman ata," sabi niyang hindi pa rin maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak nito. "May bago na kong plano para hindi ako matrap sa babaeng iyon habang hinahanap ko pa rin ang usb. Magpakasal tayo. Don't worry, madali na lang naman tayong makapaghihiwalay. Kailangan ko lang patunayan sa father ni Christine na kasal na tayo para di na
“MARRY ME. . .” Muli niyang narinig na sabi ni Jeffrey nang makauwi na sila ng bahay. Parang dumagundong ang dibdib niya sa sinabing iyon ng kanyang boss Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa utak nito? Nakatakda itong magpakasal kay Christine and yet niyayaya siya nitong magpakasal? Talaga bang laro lang para dito ang sagradong sakramento na iyon. “Are you out of your mind, Sir? Hindi ba sabi ko bigyan nyo muna ako ng panahon para mapag-isipan ang bagay na iyan?” Hindi niya alam kung magagalit o maawa habang tinitingnan ang mukha nito. Ramdam niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Palagay naman niya ay narito na ang lahat pero bakit pasan nito ang buong mundo? Napahinga ito ng malalim, “I’m sorry,” anitong napailing, “I guess I am really out of my mind. Hindi ko alam kung paano ko tatakasan si Christine.” “Bakit ka ba naman kasi pumayag in the first place? Ano ba
NILINGON NIYA SI SABINA, “I said kalimutan mo na ang sinabi kong yun. Ayokong lumabas na parag utang na loob ko pa saiyo ang lahat,” sabi niya rito. Halata ang iritasyon sa tono ng pananalita ng dalaga ng muling magsalita, “Ang labo mo naman palang kausap eh. Atat na atat kang pakasal tayo para matakasan mo ang babalina kong step-sister, ngayong pumapayag na ko, ikaw naman ang umaayaw. Paano kita pagtitiwalaan na makikipagtulungan kang mapunta sa kangkungan ang pamilyang iyon kung ngayon pa lang, napaka-unreliable mo!” Sita nito sa kanya. “Hindi ako unreliable!” Inis na sagot niya dito, “Ayoko lang dumating ang araw na sisihin mo akong. . .” “Six months lang naman, hindi ba? Nangako kang six months lang ang problemang ito,” umiiyak nang sabi nito sa kanya. “Ako na ang nakikiusap saiyo ngayon na pakasalan mo ako para hindi na maguluhan pa ang utak mo tungkol sa shotgun wedding mo kay Christine. Basta mangako kang after six months, m
NAGULAT SI SABINA na ganuon lang kabilis natapos ang kanilang kasal. Pinirmahan lang niya ang limang magkakaparehong documents pagkatapos ay ini-announce ng judge na nagkasal sa kanila na mag-asawa na sila. Ni hindi man lamang siya naglakad sa aisle na gaya ng napapanuod niya. Ni wala siyang boquet. O wedding gown na pinapangarap niya. Simpleng palda at blusa na kulay asul pa ang suot niya, ni hindi man lamang kulay puti. Naalala niya ang mga magulang. Kung nabubuhay lamang ang mga ito ay tiyak na di ng mga ito gugustuhing makasal siya sa ganitong paraan. Sabagay, kung buhay ang mga ito ay di naman siya malalagay sa ganitong sitwasyon. May lungkot sa mga matang tiningnan niya si Jeffrey habang kausap nito ang judge. Tama nga ba ang naging desisyon niyang ito? Ngunit habang iniisip ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang ito ay naisip niyang tama lang ang naging desisyon niya. Hitting two birds with one stone. Kailangan niya ang tulong ni Jeffrey.