Pagkatapos kong magsampay nagdala ulit si Ate Ising ng meryenda. Tatlong pirasong hot cake at juice. Isa lang ang kinain ko para mauwi ko kay nanay ang dalawang piraso. Kailangan niyang makakain ng masarap para tuluyan na siyang gumaling at lumakas.
Alas-singko nang hapon nang matapos ko ang paglalaba. Madami pang natira sa loob pero bukas ko na ito itutuloy. Baka kasi mahimatay na ako sa sobrang pagod kung pilitin ko itong tapusin. "Uuwi na po ako, Ma'am," paalam ko kay madam. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na tablet sa kaniyang mga kamay. "Maglalaba ka ulit bukas?" Nakangiti niyang tanong. Binaba niya saglit ang hawak niya. "Opo, Ma'am," magalang kong sagot. Kinuha niya ang wallet niya na nakalapag sa mesa sa kaniyang harapan at naglabas ng pera. "Thank you po!" Nakangiti ko itong tinanggap. Kahit paano makakabili kami ng ulam at bigas para ngayong gabi. Mula sa enggrandeng hagdan ay bumaba si Sir Logan, kaya napatingala ako. Agaw pansin naman kasi si Sir. "Mom, I'm going out," paalam niya sa kaniyang ina. "Oh, Logan. I'd like you to meet Dayana. Siya ang nag-iisang anak ni Dina," pakilala ni Ma'am sa akin. "Hi," nakangiting bati naman sa akin ni Sir Logan. "Hello po, Sir." Nag-iwas ako ng tingin dahil nakakailang tumitig kay Sir lalo at nasa harapan namin ang kaniyang ina. "Hindi ko alam na may magandang dalaga na pala si Tita Dina," nakangising sabi ni Sir Logan. Nanlaki naman ang aking mga mata. Nagyuko ako ng ulo dahil nakangisi ding tumingin sa akin si Ma'am. "You're making her uncomfortable, son," natatawang sabi ni Ma'am kay Sir Logan. "Pauwi ka na? Idadaan na kita sa inyo, aalis din ako," baling sa akin ni Sir Logan. "Hindi na po, Sir," tanggi ko. nakakahiya naman. Puwede ko namang lakarin pauwi. "Huwag ka ng mahiya, sumabay ka na sa kaniya, Dayana," sabi naman ni Madam. Grabe! Hindi talaga sila matapobre. Sabagay, kilala ang pamilya nila dahil sa kanilang kabutihan. "Let's go," aya ni Sir sa akin. Nauna na siyang naglakad palabas ng bahay. Tahimik naman akong sumunod sa kaniya habang yakap ang tote bag na dala ko. Pinaglagyan ko ng pamalit kong damit at ng saging at hot cake na iuuwi ko para sa may sakit kong ina. Pinagbuksan ako ni Sir ng pintuan. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kaniyang kabutihan. Gentleman. Tapos naalala ko bigla iyong sinabi ni Ate Luring kanina na babaero si Sir. Ganito siguro niya nakukuha ang mga babae niya? Pero kahit hindi naman niya iyon gawin, di ba? Sa itsura at estado pa lang ni Sir Logan, tiyak na pipilahan talaga siya ng mga babae. Siguro likas na talaga siyang mabait na tao, namana niya sa kaniyang mga magulang. "Ah. . . S-Sir, ako na po," awat ko sa kaniya nang siya na din mismo ang nagkabit ng aking seatbelt. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Nang maayos na ang seatbelt ko, sinimulan na niyang maniobrahin ang kaniyang sasakyan. "Tuwing weekend ka lang ba naglalaba sa bahay?" tanong niya. "Sa national high school ka ba nag-aaral?" Sunod niyang tanong. Hindi pa man ako nakakasagot, e. Ano daw? High school? Tapos na kaya akong mag-school. Hindi ko na nasagot ang sinasabi niya dahil nakarating na kami sa bahay. "Salamat po, Sir," pasalamat ko bago ako bumaba ng sasakyan. Papasok na ako ng bahay nang biglang sumulpot si Aling Conchita. Bago pa man niya ako talakan, binigay ko na sa kaniya ang pera. "Isang libo lang po iyan, magbabayad po ulit ako kapag—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko sa gulat ko nang basta na lang hablutin ni Aling Conchita ang pera sa kamay ko. "Okay. Siguraduhin niyong mabayaran niyo ang utang niyo na tatlong buwan na upa," sabi niya bago siya tumalikod. May iba talaga na mayaman na bastos ang pag-uugali. Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan si Aling Conchita na papalayo. Wala tuloy kaming pambili ng bigas at ulam. Sabagay, busog naman na ako sa maghapon. "Nay, nandito na po ako!" "Kumusta, Anak? Napagod ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Nanay sa akin. "Hindi po," pagsisinungaling ko kay Nanay. Ayaw ko siyang mag-alala pa kaya hindi ko na lang sinabi na masakit ang aking likod, braso at puwet dahil sa maghapon na paglalabada. "Iyong pera, binigay ko na po kay Aling Conchita, nakasalubong ko siya kanina sa labas, Nay." "Okay, Anak. Wala ka tuloy pambili ng ulam mo kahit sardinas man lang." Ngumiti ako. Kahit mahirap ang buhay, huwag kalimutang ngumiti. "Ayos lang po ako, Nay. Huwag niyo po akong alalahanin. Busog po ako. Ito nga, oh. Inuwian kita ng pagkain." Pinakita ko sa kaniya ang pancake at isang piraso ng saging. "Ayos lang naman ako, Anak,," sabi niya. Alam ko namang gutom siya. Nasanay na lang siya na hindi kumakain ng tama at tatlong beses sa isang araw. "Kailangan niyo pong kumain, Nay, para lumakas po kayo." Inabot ko ito sa kaniya. Pinilit ko siyang kainin ito. Pagkatapos niyang ubusin ay sakto namang dumating si Tatay. "Anong ulam?" tanong niya. Lasing na naman. Umuwi lang para kumain at matulog. Ni hindi nga nagbibigay ng pambili ng pagkain. Ang kinikita niya sa pagpapasada ng tricycle ay pinang-iinom niya. Hindi sumagot si Nanay. "Ano'ng ulam?!" Galit na tanong ni Tatay. Naiinip na. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagtatanong. Hindi ba dapat, heto ang ulam ang sinasabi niya kapag umuuwi siya ng bahay? "Wala po, Tay. Hindi pa nga po kami nakakain ni Nanay. May sakit po si Nanay!" Paliwanag ko naman. Medyo malakas ang aking boses dahil bangag na siya. "Mga wala talaga kayong kuwenta!" Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Pinilit na ikalma ang aking sarili at baka masagot ko si Tatay. Nakakapuno na din kasi ang ginagawa niya. "Hoy!" Turo niya sa akin. "Pumunta ka sa tindahan at umutang ka ng corn beef at itlog nang may ulam ako," utos niya sa akin. "Tay, ang haba na po ng listahan ng utang natin doon, hindi na po nila tayo pauutangin!" "Wala akong pakialam! Pumunta ka doon at umutang! Huwag kang uuwi kung wala kang pagkain na maiuwi!" Sigaw niya sa akin. "Tay naman, e!" "Huwag ka ng magreklamo kung ayaw mong makatikim sa akin! Sinasabi ko sa'yo, Dayana!" Naiiyak akong lumabas ng bahay. Nag-ipon ako ng lakas ng loob upang harapin si Mang Boy, ang may-ari ng tindahan sa tapat. "K-Kuya boy, pautangin mo po ako, please." Naiiyak akong nakatingin sa kaniya. Bumuntong hininga ang matanda. "Ano'ng uutangin mo?" tanong niya. Batid kong naawa na lang ito sa akin dahil alam naman niya ang sitwasyon naming mag-ina. "Corned beef po at saka itlog. Samahan niyo na din po ng limang pisong mantika." "Oh, heto. . . Sabihin mo sa tatay mo na magbayad naman siya. Piso-piso na nga lang ang kita ko sa tindahan ko tapos puro pa siya utang!" Reklamo niya. Naiiyak naman akong tumango. "Opo, sasabihin ko po. Pasensya na po kayo." Hiyang-hiya talaga ako. Hindi naman mayaman si kuya Boy e. Gaya namin, naghahanap buhay lang din siya. "Ilang taon ka na pala, hija?" tanong niya. "Mag-bente na po sa susunod na araw." Tumango siya. "Kung mag-apply ka na lang kaya ng trabaho sa Maynila. Doon sa pinagtatrabahuan ng ate Neneng mo?" Tukoy niya sa kaniyang panganay na anak. "Sige po, kapag nabayaran ko na po ang utang namin sa bahay." Hindi ko naman puwedeng iwanan si Nanay sa ganitong sitwasyon, di lalong pagbuntunan siya ni Tatay araw-araw. Hindi ko din maintindihan si Nanay kung bakit nakakapagtiis siya sa piling ni Tatay. Bukod sa lasenggo ito at mabarkada, nanakit din siya. Walang direksyon ang buhay. Awang-awa na din ako si Nanay. Pakiramdam ko, hanggat nandito kami sa poder ni Tatay hinding-hindi magiging maayos ang buhay namin. Kung hindi magbago si Tatay, mas mabuti pa siguro na iwanan na lang niya. Bakit siya magtatyaga dito kung puro pasakit na lang ang natatamo niya kay Tatay. Matapos kumain ni Tatay umalis ulit siya. "Nay, ganoon mo ba talaga kamahal si Tatay kaya hindi mo siya maiwan-iwan kahit na hindi naman na po niya nagagampanan ang pagiging mabuting asawa sa inyo?" Hindi ko mapigilang itanong sa aking ina. Hindi nakasagot si Nanay. Bumuntong hininga siya bago siya taimtim na tumingin sa aking mga mata. "Umalis na lang tayo dito, Nay," pangungumbinsi ko sa kaniya. "Hindi ka pa ba napapagod sa pag-intindi sa kaniya?" Malungkot akong tiningnan ni Nanay. "Anak, mahal ko ang tatay mo." "Pero, Nay. Hindi naman niya tayo pinapahalagahan..." Hinaplos niya ang mukha ko. Hindi ko siya maintindihan. Mas importante pa ba ang pagmamahal kaysa sa kumakalam na sikmura at isip na walang kapayapaan? Pinilit ko na lang na matulog kahit na ang daming mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Sipag at dasal lang, Dayana. Malalagpasan mo din ang pagsubok na 'to, pagpapalakas ko ng aking loob. Hindi iisa ang araw. Bilog din ang mundo. Umiikot na parang gulong. Balang araw, nasa taas din tayo. Sisiguraduhin ko iyon."Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag. "Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?" "Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya. "Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain." Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag. "Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay. Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro. Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro m
Papunta na ako sa likod ng bahay ng mga Stewart nang makasalubong ko sina Sir Logan kasama ang kaniyang mga kaibigan. "Hindi mo sinabi sa akin na may chix pala dito sa bahay niyo, Pre," sabi ng isa sa kaibigan ni Sir Logan habang nakatingin sa akin. Nakangisi. Tiningnan pa ako ng isa mula ulo hanggang paa. Grabe naman kung makatingin. Mabuti na lang at maayos ang suot kong damit ngayon. Pakiramdam ko hindi angkop na tingnan ako sa ganoong paraan. Ang layo ko naman sa ibang mga babae na kasa-kasama nila kahapon. Pabirong binatukan ni Sir Logan ang kaniyang kaibigan. "Bata pa iyan. Baka gusto mong makasuhan ng child abuse.." sabi nito. Napamaang ako. Bata? Sinong bata? Child abuse? Bente anyos na kaya ako. "Ay, negative pala tayo diyan kung ganoon." Nagsipagtalikuran na sila. Naglakad na sila ng dire-diretso hanggang sa may swimming pool. Hindi ko na lang din sila pinansin. Nagsimula na ako sa paglalaba para maaga akong makatapos. Nagsasampay na ako nang may mga boses ng baba
Pagkatapos kong magsampay nagdala ulit si Ate Ising ng meryenda. Tatlong pirasong hot cake at juice. Isa lang ang kinain ko para mauwi ko kay nanay ang dalawang piraso. Kailangan niyang makakain ng masarap para tuluyan na siyang gumaling at lumakas. Alas-singko nang hapon nang matapos ko ang paglalaba. Madami pang natira sa loob pero bukas ko na ito itutuloy. Baka kasi mahimatay na ako sa sobrang pagod kung pilitin ko itong tapusin. "Uuwi na po ako, Ma'am," paalam ko kay madam. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na tablet sa kaniyang mga kamay. "Maglalaba ka ulit bukas?" Nakangiti niyang tanong. Binaba niya saglit ang hawak niya. "Opo, Ma'am," magalang kong sagot. Kinuha niya ang wallet niya na nakalapag sa mesa sa kaniyang harapan at naglabas ng pera. "Thank you po!" Nakangiti ko itong tinanggap. Kahit paano makakabili kami ng ulam at bigas para ngayong gabi. Mula sa enggrandeng hagdan ay bumaba si Sir Logan, kaya napatingala ako. Agaw pansin naman kasi si Sir. "Mom, I'm
"Dina, lumabas ka diyan!" Nagising ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng aming bahay. Boses iyon ni Aling Conchita na may-ari nitong inuupahan naming bahay. "Ano'ng plano niyo, huh?! Nasaan na ang bayad niyo sa upa!" Sigaw niya habang patuloy ang malakas niyang pagkalabog ng aming pintuan. Puwede naman siyang kumatok na lang pero talagang nagsisigaw pa siya. Mukhang plano pa niya kaming ipahiya sa kapitbahay dahil sa kaniyang ginagawa. Bumangon na ako para sana pagbuksan ng pintuan ang ginang nang maunahan ako ni Nanay. "Magandang umaga po, Aling Con—" magalang na bati ni Nanay ngunit pinutol siya ng galit na matanda. "Ano ang maganda sa umaga, Dina?!" Inis na tanong ni Aling Conchita sa aking ina. "Ano'ng plano niyo, huh?! Ang tumira dito ng libre?! Abat, hindi maari iyan, Dina!" galit na galit na sigaw ng matanda. Naglalabasan na ang litid sa kaniyang leeg. "Pasensya ka na, Aling Conchi—" "Pera ang kailangan ko, Dina! Pera! Nasaan na ang bayad sa tatlong buwan na upa