Home / Romance / SIR LOGAN / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2025-06-24 15:26:27

"Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay.

"Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag.

"Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?"

"Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."

Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya.

"Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain."

Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag.

"Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay.

Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro.

Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro mapapanis dahil hindi naman gaanong mainit.

Patulog na kami nang kumatok si Aling Conchita.

"Ito lang po muna, Aling Conchita..."

Hinablot na naman niya ang pera sa aking kamay bago ito nagmamadaling umalis.

Sinundan ko na lang siya ng tingin.

Kapag yumaman ako, hindi ako tutulad sa kaniya. Sana dumating na ang araw na iyon. Gusto ko ng yumaman.

Masaya akong natulog dahil na din sa pagod at kaunting kasiyahan dahil busog ang madalas na kumalam na mga tiyan.

Maaga akong bumangon kinaumagahan upang maiinit ang pagkain ni Nanay.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Nanay?" Nagsasangag na ako nang magising siya. Nakangiti niya akong pinagmasdan.

"Medyo maayos naman na, Anak. Ako na diyan. Maligo ka na."

"Hindi umuwi si Tatay?"

Umiling siya.

Baka kung saan na naman dumayo iyon ng inom. Huminga ako nang malalim. Ayaw kong masira ang araw ko, kaya hindi ko siya puwedeng isipin. Total, wala naman siyang kuwentang asawa at ama, wala ding kuwenta na isipin siya.

"Maliligo na po ako, Nanay. Magpalakas ka, ha..."

Nilabas ko iyong isandaang piso sa aking bulsa at binigay sa kaniya para may pambili siya ng tanghalian mamaya.

"Itabi mo na lang," sabi naman niya pero hinuli ko ang kaniyang kamay.

"Pambili mo ng ulam, Nay."

"Madami naman itong pagkain, anak. Sapat na 'to hanggang tanghalian ko, anak. Huwag mo akong alalahanin."

Puwede ba iyon? Nginitian ko lang siya.

Pagkatapos maligo, agad na akong tumungo sa mga Stewart. Kumakain ng agahan ang pamilya pagdating ko.

"Magandang umaga po," nagmamadali na akong lagpasan sila pero tinawag ako ni Ma'am.

"Dayana, sumalo ka na sa amin sa pagkain."

"Po? Hindi na po, Ma'am." Ang dami nilang nakahain na pagkain. Nakakatakam pero nakakahiyang sumabay sa kanila.

Mamayang alas-dies ay kakain naman na ako ng meryenda kaya ayos lang. Hindi pa naman ako gutom.

"Huwag ka ng mahiya. Halika na. Kumain ka muna bago maglaba."

Hinila ako ni Ate Luring. Nakakahiya pero nagpahila na lang din ako. Kaunti lang ang kakainin ko.

"Si Logan, hindi pa ba gising?" tanong ni Ma'am sa mga kasambahay.

"Hindi pa po, Ma'am."

"Ano'ng oras na iyon umuwi kagabi?"

Nakatinginan pa ang mga kasambahay bago sila sumagot.

"Ala una na po."

Bumuntong hininga si Ma'am.

Nailing-iling siya.

"Mapa-US, Manila o probinsya, kahit saang dalhin, bulakbol at lasenggo pa din," reklamo ni Ma'am. Tahimik lang naman ang kaniyang asawa. Umiling-iling ito.

"Hindi na din ako magtataka kung isang araw, may mga babaeng magsisulputan dito at sabihing nabuntis sila ni Logan."

Nahihiya akong magsubo ng pagkain habang nagrereklamo si Ma'am.

"Kumain na lang muna tayo, Mahal..." awat naman ni Sir sa kaniyang asawa.

"Dayana, kumain ka lang," sabi ni Ma'am sa akin. Hiyang-hiya ako nang magsandok siya ng mga pagkain at nilagay sa aking plato.

Iyong plano kong kaunting kain ay napadami tuloy. Hindi ko na talaga makakain mamaya ang meryenda ko. Iuuwi ko na lang kay Nanay.

Alas-onse na ng magising si Sir Logan. Magulo pa ang kaniyang buhok nang lumabas siya. Dinayo siya ng mga kaibigan niya. May mga dala silang babae. Hindi pamilyar ang kanilang mga mukha. Marahil ay galing sila sa ibang barangay. Ibang mga babae ulit.

Tinutok ko na lang ang aking mga tingin sa aking ginagawa nang dumaan sila sa likod ko.

Habang naglalaba ako, naririnig ko naman ang ingay ng mga magkakaibigan. Tili nang tili ang mga babae.

Habang nagsasampay ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makiosyoso sa ginagawa nila.

Naghaharutan iyong mga babae, kasama ang mga kaibigan ni Sir. Si Sir naman ay nakahiga sa may pahabang upuan. Para bang antok na antok ito, tamad na tamad na ikilos ang kaniyang katawan.

"Psst! Sinong pinagnanasahan mo sa kanila?"

Impit akong napatili sa gulat. Si Ate Luring talaga, mapang-asar.

Tawang-tawa siya.

"Tanghalian na," sabi ni Ate. Mabuti at hindi na niya ako tinukso-tukso pa.

"Dito na lang po ako kakain, Ate."

"Sige, ikaw ang bahala. Wait lang at kukunin ko sa loob."

Nagpatuloy ako sa pagsasampay habang panaka-nakang sumisilip sa may banda ng pool.

Nakaupo na si Sir Logan. Sa tabi niya ay ang isa sa babae. Parang kilala ko siya.

Ah, naalala ko na. Isa siyang beauty queen.

Ang ganda at sexy niya. Isa din siyang kolehiyala. May kaya din ang pamilya nila.

Inayos ko ang magkabilang dulo ng kurtina na sinasampay ko. Pagkatapos ay muli akong tumingin kina Sir Logan.

Nanlaki ang mga mata ko nang magkasalubong ang aming mga tingin. Nakatingin din pala siya dito. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Nakakahiya!

Nagmamadali akong tumalikod at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Dumating na din si Ate Luring. Ang dami niyang dalang pagkain.

"Salamat, Ate."

"Pakabusog ka, Dayana."

Medyo busog pa nga ako, e. kahit hindi ko kinain iyong meryenda ko kanina na tatlong pirasong tinapay.

Bago ako pumuwesto para kumain saglit, napatanaw muli ako kina Sir Logan. Pero wala na siya sa puwesto niya. Wala din siya sa swimming pool.

"Guwapo ba?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Sir Logan sa aking tabi. Paanong?

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Nakangisi siya sa akin habang nakahalukipkip. Wala siyang pang-itaas na damit.

"Sinong tinitingnan mo doon?" Nakangisi niyang tanong.

Nagbaba ako ng tingin. Umulit ka pa kasi, Dayana.

"Ah, iyong kasama mo po na magandang babae, sir. Parang namumukhaan ko po kasi siya, e."

"Oh, talaga?" Parang hindi naniniwala sa akin si Sir.

"Oo, sir. Ngayon ko lang naalala. Beauty queen nga pala siya."

"Eh, iyong katabi niya kanina? Ano'ng masasabi mo?" Mapaglarong tanong ni Sir sa akin.

"Po?"

"Iyong katabi niyang lalake kanina. Guwapo ba?" Nakangisi siya. Halos matunaw naman ako sa hiya ngayon.

"Ah..." Nagkamit ako ng batok.

Hindi malaman kung sasagutin ko ang tinatanong ni Sir kahit na alam kong pinagttripan lang naman niya ako.

"Hindi guwapo?" tanong ulit niya.

Nakanguso na siya. Nagpapa-cute. Ang lakas ng trip ni Sir.

"Ano..." Hindi ko masagot-sagot ang tanong niya kahit iisa lang naman ang sagot doon. Syempre, guwapo.

Nailing ako. "Kain tayo, Sir. Kumain ka na ba?"

Tinuro ko iyong pagkain ko sa gilid. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay. Hindi pa din inaalis ang tingin sa akin. Ano ba 'tong lalakeng 'to.

Tumawa siya. "Nakaka-offend ka, Dayana. Ikaw lang ang taong nagsabi sa akin na pangit ako," sabi niya na kinagulat ko.

"A-Ano?"

Ni wala naman akong sinabi na ganoon, ah. Hindi lang naman ako sumagot sa labis na hiya.

"Hindi ko naman sinabi iyon."

Sinimangutan niya ako.

"Sinabi mo."

"Hala, sir. Hindi..."

Natatawa siyang tumalikod at iniwan ako. Kita mo 'to. Pinagtripan lang talaga ako.

Iiling-iling akong naupo sa gilid upang makakain na. Nangingiti ako habang kumakain kapag sumasagi sa isip ko iyong kapilyuhan ni Sir kanina.

Pagod ako sa buong maghapon pero mas magaan ang aking pakiramdam kompara nitong mga nakaraang araw.

Siguro dahil ito kay Sir Logan. Hindi naman ibig sabihin n'on ay may gusto na ako sa kaniya. Sadyang mapagbiro lang si Sir Logan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SIR LOGAN    Chapter 4

    "Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag. "Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?" "Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya. "Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain." Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag. "Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay. Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro. Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro m

  • SIR LOGAN    Chapter 3

    Papunta na ako sa likod ng bahay ng mga Stewart nang makasalubong ko sina Sir Logan kasama ang kaniyang mga kaibigan. "Hindi mo sinabi sa akin na may chix pala dito sa bahay niyo, Pre," sabi ng isa sa kaibigan ni Sir Logan habang nakatingin sa akin. Nakangisi. Tiningnan pa ako ng isa mula ulo hanggang paa. Grabe naman kung makatingin. Mabuti na lang at maayos ang suot kong damit ngayon. Pakiramdam ko hindi angkop na tingnan ako sa ganoong paraan. Ang layo ko naman sa ibang mga babae na kasa-kasama nila kahapon. Pabirong binatukan ni Sir Logan ang kaniyang kaibigan. "Bata pa iyan. Baka gusto mong makasuhan ng child abuse.." sabi nito. Napamaang ako. Bata? Sinong bata? Child abuse? Bente anyos na kaya ako. "Ay, negative pala tayo diyan kung ganoon." Nagsipagtalikuran na sila. Naglakad na sila ng dire-diretso hanggang sa may swimming pool. Hindi ko na lang din sila pinansin. Nagsimula na ako sa paglalaba para maaga akong makatapos. Nagsasampay na ako nang may mga boses ng baba

  • SIR LOGAN    Chapter 2

    Pagkatapos kong magsampay nagdala ulit si Ate Ising ng meryenda. Tatlong pirasong hot cake at juice. Isa lang ang kinain ko para mauwi ko kay nanay ang dalawang piraso. Kailangan niyang makakain ng masarap para tuluyan na siyang gumaling at lumakas. Alas-singko nang hapon nang matapos ko ang paglalaba. Madami pang natira sa loob pero bukas ko na ito itutuloy. Baka kasi mahimatay na ako sa sobrang pagod kung pilitin ko itong tapusin. "Uuwi na po ako, Ma'am," paalam ko kay madam. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na tablet sa kaniyang mga kamay. "Maglalaba ka ulit bukas?" Nakangiti niyang tanong. Binaba niya saglit ang hawak niya. "Opo, Ma'am," magalang kong sagot. Kinuha niya ang wallet niya na nakalapag sa mesa sa kaniyang harapan at naglabas ng pera. "Thank you po!" Nakangiti ko itong tinanggap. Kahit paano makakabili kami ng ulam at bigas para ngayong gabi. Mula sa enggrandeng hagdan ay bumaba si Sir Logan, kaya napatingala ako. Agaw pansin naman kasi si Sir. "Mom, I'm

  • SIR LOGAN    Chapter 1

    "Dina, lumabas ka diyan!" Nagising ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng aming bahay. Boses iyon ni Aling Conchita na may-ari nitong inuupahan naming bahay. "Ano'ng plano niyo, huh?! Nasaan na ang bayad niyo sa upa!" Sigaw niya habang patuloy ang malakas niyang pagkalabog ng aming pintuan. Puwede naman siyang kumatok na lang pero talagang nagsisigaw pa siya. Mukhang plano pa niya kaming ipahiya sa kapitbahay dahil sa kaniyang ginagawa. Bumangon na ako para sana pagbuksan ng pintuan ang ginang nang maunahan ako ni Nanay. "Magandang umaga po, Aling Con—" magalang na bati ni Nanay ngunit pinutol siya ng galit na matanda. "Ano ang maganda sa umaga, Dina?!" Inis na tanong ni Aling Conchita sa aking ina. "Ano'ng plano niyo, huh?! Ang tumira dito ng libre?! Abat, hindi maari iyan, Dina!" galit na galit na sigaw ng matanda. Naglalabasan na ang litid sa kaniyang leeg. "Pasensya ka na, Aling Conchi—" "Pera ang kailangan ko, Dina! Pera! Nasaan na ang bayad sa tatlong buwan na upa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status