Home / Romance / SIR LOGAN / Chapter 7

Share

Chapter 7

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2025-07-06 07:29:56

Dumating si Nanay bandang alas-dose ng tanghali. Dala-dala niya ang isang terno ng damit para may pamalit ako ngayon. May nakapagsabi daw na kapitbahay na nandito ako.

Nandito kami ngayon sa likod bahay ng mga Stewart.

"Pagpasensyahan mo na ang tatay mo." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay nanay.

"Sana dinala mo na lang po lahat ng damit ko, nay," sagot ko sa halip.

"Hindi na ako uuwi sa bahay."

Lumapit si Ma'am sa amin. "Oh, Dina. Kanina pa kita hinihintay na magpunta dito."

Nahihiyang ngumiti si Nanay kay Ma'am.

"Dito na lang kayo ng anak mo. Sasahuran ko kayo buwan-buwan."

Hindi pa din sumagot si Nanay. "Kaysa nagtitiis kayo sa bahay niyo. Magtatrabaho na dito si Dayana. Stay in."

Namewang si Ma'am. Para bang problemado siya.

"Pagkatapos ng ginawa ng asawa mo sa anak mo, gusto mo pa ding makisama doon?"

Naiyak si Nanay dahil sa panenermon ni Ma'am.

"Ang lalake, madami iyan diyan. Ang anak, nag-iisa iyan. Kung hindi mo kayang piliin ang sarili mo, piliin mo ang anak mo."

N
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • SIR LOGAN    Chapter 7

    Dumating si Nanay bandang alas-dose ng tanghali. Dala-dala niya ang isang terno ng damit para may pamalit ako ngayon. May nakapagsabi daw na kapitbahay na nandito ako. Nandito kami ngayon sa likod bahay ng mga Stewart. "Pagpasensyahan mo na ang tatay mo." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay nanay. "Sana dinala mo na lang po lahat ng damit ko, nay," sagot ko sa halip. "Hindi na ako uuwi sa bahay."Lumapit si Ma'am sa amin. "Oh, Dina. Kanina pa kita hinihintay na magpunta dito."Nahihiyang ngumiti si Nanay kay Ma'am. "Dito na lang kayo ng anak mo. Sasahuran ko kayo buwan-buwan."Hindi pa din sumagot si Nanay. "Kaysa nagtitiis kayo sa bahay niyo. Magtatrabaho na dito si Dayana. Stay in."Namewang si Ma'am. Para bang problemado siya. "Pagkatapos ng ginawa ng asawa mo sa anak mo, gusto mo pa ding makisama doon?"Naiyak si Nanay dahil sa panenermon ni Ma'am. "Ang lalake, madami iyan diyan. Ang anak, nag-iisa iyan. Kung hindi mo kayang piliin ang sarili mo, piliin mo ang anak mo."N

  • SIR LOGAN    Chapter 6

    Hindi na lang ako sumagot pa. "Dalhin kita sa ospital para magamot ang mga pasa at sugat mo."Umiling ako. "Hot compress lang 'to, Sir.""Ihatid na lang kita sa inyo kung ganoon.""Hindi na, Sir."Nagtaas siya ng kilay. "Gabi na, Dayana. At tingnan mo nga ang kalagayan mo.""Kaya ko na po ang sarili ko.""Ang kulit," aniya at basta na lang niya akong binuhat. "Teka, Sir... ibaba mo po ako," reklamo ko. "Hindi. Matigas ang ulo mo. Ihahatid na kita sa inyo.""Sir... Ayaw ko pong umuwi."Natigilan siya. Nakatingin lang siya sa akin ng ilang segundo bago niya ako pinasok sa loob ng kaniyang sasakyan. "Sir..."Umikot siya sa kabila at naupo sa may drivers seat. "Sir, hindi po ako uuwi.""Doon ka na lang muna sa bahay kung ayaw mong umuwi. Para magamot din natin iyang mga sugat mo. Pumutok ang labi at kilay mo."Napatingin ako sa side mirror ng kotse. Tama nga siya. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Napahikbi ako habang nakatingin sa nakakaawang sarili. Tahimik namang nag-dr

  • SIR LOGAN    Chapter 5

    "Uuwi na po ako, Ma'am."Bitbit ko sa kaliwang kamay ang ecobag na may lamang pagkain. May hapunan ulit kami ni Nanay. "Kumusta pala ang nanay mo, hija?"Inabot ko ang bayad niya. May pasobra ulit. Hindi ako agad nakasagot kay ma'am dahil naiiyak ako. Ngumiti si Ma'am. Tinapik niya ang aking balikat. "Ayos ka lang?"Tumango-tango ako. "Opo, Ma'am. Salamat po. Si Nanay po, medyo okay naman na po.""Sabihin mo na magpalakas muna siya ng husto bago bumalik. Baka mamaya ipilit na naman niya.""Opo, Ma'am. Mauuna na po ako. Salamat po sa kabutihan mo sa amin.""Ingat ka, Dayana."Hindi ako nakasabay kay sasakyan ni Sir dahil hinatid niya ang mga kaibigan niya. Wala na akong maupuan. Ngumiti lang ako kay Sir bago ako nagtuloy-tuloy ng labas sa kanilang gate. Masaya akong naglakad pauwi. May ngiti sa aking labi at pakanta-kanta pa. Nasa labas si Nanay at naghihintay sa akin. Kinawayan ko siya. "Nanay!" Ngumiti naman siya at kumaway sa akin. "May dala ka ulit?" Tanong niya habang nak

  • SIR LOGAN    Chapter 4

    "Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag. "Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?" "Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya. "Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain." Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag. "Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay. Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro. Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro m

  • SIR LOGAN    Chapter 3

    Papunta na ako sa likod ng bahay ng mga Stewart nang makasalubong ko sina Sir Logan kasama ang kaniyang mga kaibigan. "Hindi mo sinabi sa akin na may chix pala dito sa bahay niyo, Pre," sabi ng isa sa kaibigan ni Sir Logan habang nakatingin sa akin. Nakangisi. Tiningnan pa ako ng isa mula ulo hanggang paa. Grabe naman kung makatingin. Mabuti na lang at maayos ang suot kong damit ngayon. Pakiramdam ko hindi angkop na tingnan ako sa ganoong paraan. Ang layo ko naman sa ibang mga babae na kasa-kasama nila kahapon. Pabirong binatukan ni Sir Logan ang kaniyang kaibigan. "Bata pa iyan. Baka gusto mong makasuhan ng child abuse.." sabi nito. Napamaang ako. Bata? Sinong bata? Child abuse? Bente anyos na kaya ako. "Ay, negative pala tayo diyan kung ganoon." Nagsipagtalikuran na sila. Naglakad na sila ng dire-diretso hanggang sa may swimming pool. Hindi ko na lang din sila pinansin. Nagsimula na ako sa paglalaba para maaga akong makatapos. Nagsasampay na ako nang may mga boses ng baba

  • SIR LOGAN    Chapter 2

    Pagkatapos kong magsampay nagdala ulit si Ate Ising ng meryenda. Tatlong pirasong hot cake at juice. Isa lang ang kinain ko para mauwi ko kay nanay ang dalawang piraso. Kailangan niyang makakain ng masarap para tuluyan na siyang gumaling at lumakas. Alas-singko nang hapon nang matapos ko ang paglalaba. Madami pang natira sa loob pero bukas ko na ito itutuloy. Baka kasi mahimatay na ako sa sobrang pagod kung pilitin ko itong tapusin. "Uuwi na po ako, Ma'am," paalam ko kay madam. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na tablet sa kaniyang mga kamay. "Maglalaba ka ulit bukas?" Nakangiti niyang tanong. Binaba niya saglit ang hawak niya. "Opo, Ma'am," magalang kong sagot. Kinuha niya ang wallet niya na nakalapag sa mesa sa kaniyang harapan at naglabas ng pera. "Thank you po!" Nakangiti ko itong tinanggap. Kahit paano makakabili kami ng ulam at bigas para ngayong gabi. Mula sa enggrandeng hagdan ay bumaba si Sir Logan, kaya napatingala ako. Agaw pansin naman kasi si Sir. "Mom, I'm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status