Papunta na ako sa likod ng bahay ng mga Stewart nang makasalubong ko sina Sir Logan kasama ang kaniyang mga kaibigan.
"Hindi mo sinabi sa akin na may chix pala dito sa bahay niyo, Pre," sabi ng isa sa kaibigan ni Sir Logan habang nakatingin sa akin. Nakangisi. Tiningnan pa ako ng isa mula ulo hanggang paa. Grabe naman kung makatingin. Mabuti na lang at maayos ang suot kong damit ngayon. Pakiramdam ko hindi angkop na tingnan ako sa ganoong paraan. Ang layo ko naman sa ibang mga babae na kasa-kasama nila kahapon. Pabirong binatukan ni Sir Logan ang kaniyang kaibigan. "Bata pa iyan. Baka gusto mong makasuhan ng child abuse.." sabi nito. Napamaang ako. Bata? Sinong bata? Child abuse? Bente anyos na kaya ako. "Ay, negative pala tayo diyan kung ganoon." Nagsipagtalikuran na sila. Naglakad na sila ng dire-diretso hanggang sa may swimming pool. Hindi ko na lang din sila pinansin. Nagsimula na ako sa paglalaba para maaga akong makatapos. Nagsasampay na ako nang may mga boses ng babae akong narinig mula sa pool. Nagpunta ako sa likod ng mga halaman at sumilip doon. Nagkakatuwaan na ang mga magkakaibigan kasama ang mga babaeng kasama nila. Ang se-sexy ng mga ito at nakalingkis sila sa mga babae. Iyong kasama ni Sir Logan, hinalikan pa niya sa labi. Girlfriend kaya niya iyon? "Ano'ng ginagawa mo diyan?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ate Ising sa aking tabi. "Ate naman, e. Ginulat mo ako," nakanguso kong sabi sa mahinang boses upang hindi marinig nina Sir. Baka mamaya isipin pa nila na naninilip ako. "Ang guwapo talaga nila! Ang macho pa. Kanin na lang ang kulang. Ulalam!" Natawa ako kay Ate. "Grabe ka, Ate." Nakangiwi kong sambit. Tumawa naman siya. "Sino ang crush mo sa kanila?" Nagtaas baba pa siya ng kilay. "Wala, no," tanggi ko naman at agad nang bumalik sa aking ginagawa. "Maganda iyong girlfriend ni Sir Logan," sabi ko kay Ate. Hindi pa kasi siya umaalis. "Iyong kasama niya? Hindi naman niya girlfriend iyon." Napatingin ako kay Ate. "Paanong hindi girlfriend? Eh, nagtutukaan pa kaya sila." Bumulanghit ng tawa si Ate. "Hindi nga niya girlfriend. Babaero lang talaga si Sir Logan. At may mga babae namang patay na patay sa kaniya. . . Mapapatunayan mo iyan sa susunod na araw. Tingnan mo, ibang babae na naman ang kasama niya." Tumawa si Ate. Napangiwi ako. Grabe naman iyon. Oo guwapo siya, pero hindi ibig sabihin nu'n na puwede na niyang paglaruan ang mga babae. Patapos na ako sa aking ginagawa nang lapitan ako ni Ate. Sa loob na daw ako kumain, kasama sila. "Para kang kawawa dito, e. Baka mamaya isipin mo pa na kinakawawa ka namin." "Hindi naman, ate. Ayos lang naman ako dito, a." Wala naman akong nakikitang masama kahit sa labas ako kumain. Nakakalibang ngang tumingin sa mga halaman malapit sa pinaglalabhan ko. "Sa loob ka na lang kumain. Tara na." Ang sasarap ng pagkain. Dahil dito ako sa loob kumain, hindi tuloy ako nakapagtabi ng pagkain para kay Nanay. Nakaramdam tuloy ako ng kalungkutan. Kumusta kaya ang nanay sa bahay? Maayos na kaya ang pakiramdam niya? Kung makakain lang sana siya ng maayos at masarap, tiyak na babalik na din agad ang lakas niya. Bumalik na ako sa aking gawain. Hanggang ngayon ay naroon pa din sa swimming pool sina Sir Logan. Napadaan nga din siya kanina dito, nginitian lang niya ako at tinanguan. "Nagmeryenda ka na, Dayana?" Nilingon ko si Sir Logan. May hawak siyang isang tray ng pagkain. Tinignan ko lang siya. "Gusto mo?" tanong niya. Kumuha siya ng sandwich at cookies saka inabot sa akin. "Kumain ka na muna. Sasabihan ko si Ate Ising na dalhan ka ng maiinom." "Hindi na po, Sir. Ako na lang po ang kukuha mamaya," sabi ko dahil nakakahiya naman kay Ate Ising. Baka mamaya kung ano ang isipin niya sa akin. Tumango si Sir at nilagpasan na ulit ako. Tinabi ko ang binigay ni Sir. Iuuwi ko na lang 'to kay Nanay. Hindi na ako kakain. Busog pa ako dahil madami akong kinain kanina. "Dayana, nagmeryenda ka na," sabi ni Ate Ising. May dala siyang sandwich at turon. "Binigyan na ako ni Sir Logan, Ate," sabi ko. Baka kasi mamaya mabanggit ni Sir Logan, isipin nila na sobrang takaw ko. "Eh, di kumain ka ulit," sabi ni Ate. May dala din siyang juice at isang pitsel ng tubig. "Sige at magpakain lang muna ako ng aso," aniya saka siya tumalikod. Kumain ako pero tinira ko ulit iyong sandwich para kay Nanay. Dahil doon, naging masigla ako at masaya. May maiuuwi akong pagkain kay Nanay. Natapos ang maghapon kong paglalaba at oras na para umuwi. "Thank you po, Ma'am." Nilagay ko sa aking tote bag ang binigay ni Ma'am na bayad ko ngayong araw. "Hindi pa magaling ang nanay mo?" tanong niya. "Hindi pa po, ma'am." Tumango siya at muling bumunot ng pera sa kaniyang pitaka. "Oh, heto, pambili mo ng gamot." Inabutan niya ako ng limandaan. Naluluha naman akong tumingin sa pera na inaabot ni Ma'am. Sa totoo lang awang-awa na din ako sa sitwasyon naming mag-ina kaya ang malasakit na mula sa ibang tao ay sobrang na-appreciate ko. "Ising, may naluto na ba kayong pagkain? Bigyan mo nga si Dayana!" "Naku, ma'am, huwag na po. Ayos na po ito." Binigyan na nga ako ng pera, sobra na ito. Nakakahiya na. "Ano ka ba, hindi naman na iba sa amin ang nanay mo." "Saglit lang po, Ma'am, magbabalot po ako," sabi naman ni Ate Ising. "Upo ka muna, hija, habang hinihintay natin si Ising." Nakayuko ako ng ulo na naupo. Nahihiya talaga ako. "Logan, saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Ma'am sa anak niya kaya nag-angat ako ng mukha upang tignan si Sir Logan. "May kikitain lang po ako." "Babae na naman? Anak naman!" Nayayamot na sambit ni Ma'am kay Sir. Nagkamot naman ng batok si Sir Logan. "Mom, you treat me like a child. Hindi na ako bata. Kaya ko na ngang gumawa ng bata. M" "Logan!" "Oops, sorry! May bata pala dito," sabi ni Sir habang nakatingin sa akin. Pinamulahanan naman ako ng mukha. Grabe din ang bunganga ni Sir. "Bata? Hindi na bata si Dayana," sabi naman ni Ma'am. "Ilang taon ka na ba, hija?" "Mag-twenty years old na po ako, ma'am." "Really?" Napakurap na tanong ni Sir Logan. "Opo." Nahihiya akong ngumiti. "Akala ko high school ka pa lang. You look really young." Umiling-iling ang binata. Keme akong ngumiti. "Ma'am, heto na po," sabi ni Manang Ising. May bitbit siyang ecobag na mukhang pinuno niya ng pagkain. Tinuro ako ni Ma'am kaya inabot naman ito sa akin ni Ate Ising. "Kung aalis ka, isabay mo na lang din si Dayana sa'yo," sabi ni Ma'am sa kaniyang anak. Hindi na lang ako umangal pa ng kunin ni Sir ang ecobag at nauna nang lumabas ng bahay. Nagpaalam na ako kina Ma'am at agad sumunod sa labas. Tahimik lang ako nang magsimula ng umandar ang sasakyan. Panay naman ang tikhim ni Sir at panaka-nakang tumitingin sa akin. "Bakit, Sir?" Tanong ko dahil naiilang na ako sa kaniya. Nagkibit balikat naman siya pero kalaunan nagsalita siya. "May boyfriend ka na ba, Dayana?" Nagulat ako sa tanong niya. Sa hirap ng buhay, magagawa ko pa bang mag-boyfriend? "P-Po? Wala na po, Sir." "Logan na lang. Tawagin mo akong Logan. Eh, manliligaw meron? Madami?" Hindi ako makapaniwala sa mga tinatanong ni Sir. Ngumiti ako at umiling. "Wala po." "Talaga? Sa ganda mong iyan?" Ako, maganda? Kinagat ko ang aking labi upang itago ang ngiti sa aking mga labi. Tingin niya, maganda ako? nakaramdam ako ng hiya, lalo na sa suot kong damit. Lumang tshirt at lumang jogging pants. "Ah, nandito na pala ako. Salamat po, Sir, ha. Mag-ingat ka po sa lakad mo." Ngumiti ako. Nakatitig naman si Sir sa akin. Nakataas pa ang kilay kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nakakailang naman siya kung tumingin."Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag. "Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?" "Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya. "Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain." Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag. "Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay. Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro. Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro m
Papunta na ako sa likod ng bahay ng mga Stewart nang makasalubong ko sina Sir Logan kasama ang kaniyang mga kaibigan. "Hindi mo sinabi sa akin na may chix pala dito sa bahay niyo, Pre," sabi ng isa sa kaibigan ni Sir Logan habang nakatingin sa akin. Nakangisi. Tiningnan pa ako ng isa mula ulo hanggang paa. Grabe naman kung makatingin. Mabuti na lang at maayos ang suot kong damit ngayon. Pakiramdam ko hindi angkop na tingnan ako sa ganoong paraan. Ang layo ko naman sa ibang mga babae na kasa-kasama nila kahapon. Pabirong binatukan ni Sir Logan ang kaniyang kaibigan. "Bata pa iyan. Baka gusto mong makasuhan ng child abuse.." sabi nito. Napamaang ako. Bata? Sinong bata? Child abuse? Bente anyos na kaya ako. "Ay, negative pala tayo diyan kung ganoon." Nagsipagtalikuran na sila. Naglakad na sila ng dire-diretso hanggang sa may swimming pool. Hindi ko na lang din sila pinansin. Nagsimula na ako sa paglalaba para maaga akong makatapos. Nagsasampay na ako nang may mga boses ng baba
Pagkatapos kong magsampay nagdala ulit si Ate Ising ng meryenda. Tatlong pirasong hot cake at juice. Isa lang ang kinain ko para mauwi ko kay nanay ang dalawang piraso. Kailangan niyang makakain ng masarap para tuluyan na siyang gumaling at lumakas. Alas-singko nang hapon nang matapos ko ang paglalaba. Madami pang natira sa loob pero bukas ko na ito itutuloy. Baka kasi mahimatay na ako sa sobrang pagod kung pilitin ko itong tapusin. "Uuwi na po ako, Ma'am," paalam ko kay madam. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na tablet sa kaniyang mga kamay. "Maglalaba ka ulit bukas?" Nakangiti niyang tanong. Binaba niya saglit ang hawak niya. "Opo, Ma'am," magalang kong sagot. Kinuha niya ang wallet niya na nakalapag sa mesa sa kaniyang harapan at naglabas ng pera. "Thank you po!" Nakangiti ko itong tinanggap. Kahit paano makakabili kami ng ulam at bigas para ngayong gabi. Mula sa enggrandeng hagdan ay bumaba si Sir Logan, kaya napatingala ako. Agaw pansin naman kasi si Sir. "Mom, I'm
"Dina, lumabas ka diyan!" Nagising ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng aming bahay. Boses iyon ni Aling Conchita na may-ari nitong inuupahan naming bahay. "Ano'ng plano niyo, huh?! Nasaan na ang bayad niyo sa upa!" Sigaw niya habang patuloy ang malakas niyang pagkalabog ng aming pintuan. Puwede naman siyang kumatok na lang pero talagang nagsisigaw pa siya. Mukhang plano pa niya kaming ipahiya sa kapitbahay dahil sa kaniyang ginagawa. Bumangon na ako para sana pagbuksan ng pintuan ang ginang nang maunahan ako ni Nanay. "Magandang umaga po, Aling Con—" magalang na bati ni Nanay ngunit pinutol siya ng galit na matanda. "Ano ang maganda sa umaga, Dina?!" Inis na tanong ni Aling Conchita sa aking ina. "Ano'ng plano niyo, huh?! Ang tumira dito ng libre?! Abat, hindi maari iyan, Dina!" galit na galit na sigaw ng matanda. Naglalabasan na ang litid sa kaniyang leeg. "Pasensya ka na, Aling Conchi—" "Pera ang kailangan ko, Dina! Pera! Nasaan na ang bayad sa tatlong buwan na upa