แชร์

SIR LOGAN
SIR LOGAN
ผู้แต่ง: Shynnbee

Chapter 1

ผู้เขียน: Shynnbee
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-24 15:24:28

"Dina, lumabas ka diyan!"

Nagising ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng aming bahay.

Boses iyon ni Aling Conchita na may-ari nitong inuupahan naming bahay.

"Ano'ng plano niyo, huh?! Nasaan na ang bayad niyo sa upa!" Sigaw niya habang patuloy ang malakas niyang pagkalabog ng aming pintuan.

Puwede naman siyang kumatok na lang pero talagang nagsisigaw pa siya. Mukhang plano pa niya kaming ipahiya sa kapitbahay dahil sa kaniyang ginagawa.

Bumangon na ako para sana pagbuksan ng pintuan ang ginang nang maunahan ako ni Nanay.

"Magandang umaga po, Aling Con—" magalang na bati ni Nanay ngunit pinutol siya ng galit na matanda.

"Ano ang maganda sa umaga, Dina?!" Inis na tanong ni Aling Conchita sa aking ina.

"Ano'ng plano niyo, huh?! Ang tumira dito ng libre?! Abat, hindi maari iyan, Dina!" galit na galit na sigaw ng matanda. Naglalabasan na ang litid sa kaniyang leeg.

"Pasensya ka na, Aling Conchi—"

"Pera ang kailangan ko, Dina! Pera! Nasaan na ang bayad sa tatlong buwan na upa?!"

"Pasensya ka na Aling Conchita, wala pa, e. Nagkasakit kasi ako kaya wala akong kita ng ilang araw."

"Naku po! Puro na lang pasensya. Puro na lang dahilan!" Sapu ng ginang ang kaniyang noo. Sumasakit na ata ang ulo sa pagsigaw. Ni hindi na niya magawang maging kalmado.

Sumasakit din tuloy ang ulo ko. Problemado.

"Kapag hindi kayo nakapagbayad ng upa sa loob ng isang linggo, pasensyahan na lang tayo, Dina! Pero papalayasin ko na talaga kayo sa paupahan ko!" Banta ng matanda. Pinandilatan pa niya kami ng mga mata.

Tumalikod na si Aling Conchita at nagdadabog na umalis.

Nagkatinginan kami ng aking ina. Naluluha ang kaniyang mga mata pero pinilit niyang ngumiti sa akin.

"Pasensya ka na, Anak."

Umiling ako. Nilapitan ko ang aking ina at agad siyang niyakap.

"Magpahinga ka na po muna, Nay. May lagnat ka pa po at mahina ka pa. Ako na lang po ang pupunta sa mga Stewart para maglaba."

"Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong ni Nanay.

"Oo naman, Nay. Ako pa ba?" Pinakita ko sa kaniya na ayos lang ako para hindi na siya mag-alala pa.

"Pasensya ka na, Anak. Kung mahirap lang tayo."

"Hindi naman po ako nagrereklamo, Nay, na ganito lang ang buhay natin. Huwag niyo na po akong alalahanin. Ang gusto ko po ay magpalakas kayo."

Mahinang ngumiti si Nanay. Ilang araw na siyang may trangkaso kaya naman hindi siya nakapaglabada.

Bago ako umalis ng bahay, ininit ko na muna ang lugaw na niluto ko kagabi. Kaunti na lang ang bigas namin kaya nilugaw ko na lang para magkasya ng ilang araw habang wala pa kaming pera. Nilagyan ko na lang ng luya para masarap. Lasang tinola.

Naglakad ako sa hanggang sa mansyon ng mga Stewart. Sa tuwing nadadaan ako sa mansyon nila, hindi ko talaga maiwasang mamangha sa ganda nito.

Ano kaya ang pakiramdam ng nakatira sa ganitong kagarbo na bahay?

Balang araw, makakaahon din kami sa buhay. Magkakaroon din kami ng sarili naming bahay. Hindi man mansyon, pero atleast maayos na bahay.

Pinatuloy ako ng guwardya nang magpakilala akong anak ng labandera.

"Magandang umaga po, Ma'am! Ako po si Dayana, iyong anak po ni Dina, iyong labandera."

"Ah, ikaw ba ang anak niya? Bakit pala hindi siya nakapaglaba sa akin ng ilang araw?" Nakangiting tanong ng Ginang sa akin.

"May sakit po si Nanay, Ma'am. Kaya ako na po muna ang maglalaba para sa inyo."

"Ganoon ba?" Tumango siya bago niya binalingan ang isa sa mga kasambahay.

"Pakisamahan na lang siya sa likod," utos ng Ginang sa kasambahay.

Huminga ako nang malalim bago ko sinimulang labhan ang ilang tray ng damit na nasa aking harapan.

Kailangan kong bilisan para makauwi ako agad. Kailangan ni Nanay ng gamot at maayos na pagkain para tuluyan na siyang gumaling.

Ang mga kobre kama at mga kumot ay sinalang ko sa washing. Ang damit ng pamilya ay kinusot ko dahil gusto ng ginang na handwash lang ang mga damit nila para daw hindi kumupas at madaling masira.

Alas-dose ng tanghali nang matapos kong labhan ang mga puti. Nagsasampay na ako nang lapitan ako ni Ate Ising, ang isa sa mga kasambahay.

"Dayana, dinalhan na kita ng pagkain dito."

Nilapag niya sa isang bangko ang dala niyang tray na may lamang pagkain.

"Salamat po, Ate."

Tinigil ko na muna ang pagsasampay ko ng puti. Nagugutom na din talaga ako dahil kagabi pa ang huli kong kain.

Natakam ako sa mga pagkain. Kanin at pritong manok, may gulay din at isang pirasong saging. May juice pa. Laking pasalamat ko sa masarap na pagkain. Kahit paano may lakas ako sa paglalaba sa maghapon.

Hindi ko kinain ang saging. Iuuwi ko na lang ito kay Nanay. Kailangan niya ito para lumakas siya.

Pagkatapos kong kumain, naglakad ako papuntang kusina upang ibalik ang tray.

"Salamat, Ate Ising."

"Welcome!"

Bumalik ulit ako sa likod upang ituloy ang aking ginagawa. Nagsampay na muna ako habang pinapababa ko ang aking kinain.

Sunod ko namang kinusot ang mga pang-itaas at dekolor na mga damit.

Ang sakit na ng katawan ko ngunit kailangan ko 'tong tapusin. Kailangang niyo ng pera, Dayana kaya bawal kang mapagod at tumigil, paalala ko sa aking sarili.

Bandang alas-dos nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa may swimming pool. Na-curious ako kaya naisipan kong sumilip sa likod ng mga malalaking halaman.

Ang sabi kasi ng mga kaibigan ko, napakaguwapo daw ng nag-iisang anak ng mga Stewart. Pati na din daw ang mga kaibigan nito. Tiyak kong sila iyon.

May tatlong lalake ang nagpapaligsahan na lumangoy sa pool. Ang galing nilang lumangoy. At nang umahon sila, ganoon na lang ang pagkamangha ko nang masilayan ko ang kanilang mga mukha at katawan.

Tama nga ang mga kaibigan ko, ang guguwapo nila.

Hay, tama na ang paninilip, Dayana. Kailangan mo ng ipagpatuloy ang paglalaba, paalala ng aking isip.

Bumalik ako sa puwesto ko at sinimulan nang banlawan ang mga puti.

May mga itim pa pero ang sakit na ng mga daliri ko.

Nag-stretching ako dahil masakit na din ang likod at balakang ko.

Inikot-ikot ko din ang aking bewang. Sakit na din ng aking puwet sa pag-upo sa bangkito.

"Ay!" Napatili ako sa gulat nang mapansin ko ang isang lalake na nakangisi habang pinapanood ako sa aking ginagawa.

Mabilis akong tumalikod dahil sa hiya.

Tumawa siya. "Nice move!"

Ngumuso ako at dahan-dahan na humarap sa kaniya. Kahit pa pulang-pula ang aking mukha dahil sa labis na hiya.

Napaawang ang aking labi nang magkasalubong ang aming mga mata. Hindi ko maintindihan pero para bang may kung ano akong naramdaman sa aking katawan dahil sa mga matamis na ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Ilang segundo din akong napatulala sa angkin niyang kaguwapuhan.

Pinitik niya lang ang kaniyang kamay kaya nabalik ako sa aking wisyo.

"You okay?" Nakangisi niyang tanong.

"Ah. . . Huh?"

Napakurap ako. Nawala pala ako sa sarili ko. Ang guwapo ba naman niya kasi. May kamukha siyang artista sa Hollywood.

Kumindat siya bago siya umalis. May sinasabi pa yata siya kanina, e. Kaso hindi ko na naintindihan dahil sa pagkalutang ko.

Sinundan ko ng tingin si Sir hanggang sa hindi na siya abot ng aking tanaw.

"Ehem!" Napalingon ako nang marinig ko ang pagtikhim ni Ate Luring sa aking likod. Isa siya sa mga kasambahay dito.

"May gusto ka kay Sir Logan, noh?" Tanong niya sa akin.

"Ate, wala, ah."

"Nakanganga ka pa nga sa harapan ni Sir, e."

"Ate naman, e! Baka marinig ka ng mga amo natin, nakakahiya."

Luminga ako sa buong paligid.

"Babaero iyang si Sir Logan. Binabalaan na kita. Madami nang inuwing babae iyan dito. Eh, kahit poste ata na nakasuot ng palda. . . Naku, papatulan niyan."

Nalukot ang mukha ko sa kaniyang sinabi. Grabe naman ang pagkababaero ni Sir Logan kung ganoon.

Napailing na lang ako.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • SIR LOGAN    Chapter 4

    "Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag. "Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?" "Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya. "Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain." Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag. "Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay. Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro. Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro m

  • SIR LOGAN    Chapter 3

    Papunta na ako sa likod ng bahay ng mga Stewart nang makasalubong ko sina Sir Logan kasama ang kaniyang mga kaibigan. "Hindi mo sinabi sa akin na may chix pala dito sa bahay niyo, Pre," sabi ng isa sa kaibigan ni Sir Logan habang nakatingin sa akin. Nakangisi. Tiningnan pa ako ng isa mula ulo hanggang paa. Grabe naman kung makatingin. Mabuti na lang at maayos ang suot kong damit ngayon. Pakiramdam ko hindi angkop na tingnan ako sa ganoong paraan. Ang layo ko naman sa ibang mga babae na kasa-kasama nila kahapon. Pabirong binatukan ni Sir Logan ang kaniyang kaibigan. "Bata pa iyan. Baka gusto mong makasuhan ng child abuse.." sabi nito. Napamaang ako. Bata? Sinong bata? Child abuse? Bente anyos na kaya ako. "Ay, negative pala tayo diyan kung ganoon." Nagsipagtalikuran na sila. Naglakad na sila ng dire-diretso hanggang sa may swimming pool. Hindi ko na lang din sila pinansin. Nagsimula na ako sa paglalaba para maaga akong makatapos. Nagsasampay na ako nang may mga boses ng baba

  • SIR LOGAN    Chapter 2

    Pagkatapos kong magsampay nagdala ulit si Ate Ising ng meryenda. Tatlong pirasong hot cake at juice. Isa lang ang kinain ko para mauwi ko kay nanay ang dalawang piraso. Kailangan niyang makakain ng masarap para tuluyan na siyang gumaling at lumakas. Alas-singko nang hapon nang matapos ko ang paglalaba. Madami pang natira sa loob pero bukas ko na ito itutuloy. Baka kasi mahimatay na ako sa sobrang pagod kung pilitin ko itong tapusin. "Uuwi na po ako, Ma'am," paalam ko kay madam. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na tablet sa kaniyang mga kamay. "Maglalaba ka ulit bukas?" Nakangiti niyang tanong. Binaba niya saglit ang hawak niya. "Opo, Ma'am," magalang kong sagot. Kinuha niya ang wallet niya na nakalapag sa mesa sa kaniyang harapan at naglabas ng pera. "Thank you po!" Nakangiti ko itong tinanggap. Kahit paano makakabili kami ng ulam at bigas para ngayong gabi. Mula sa enggrandeng hagdan ay bumaba si Sir Logan, kaya napatingala ako. Agaw pansin naman kasi si Sir. "Mom, I'm

  • SIR LOGAN    Chapter 1

    "Dina, lumabas ka diyan!" Nagising ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng aming bahay. Boses iyon ni Aling Conchita na may-ari nitong inuupahan naming bahay. "Ano'ng plano niyo, huh?! Nasaan na ang bayad niyo sa upa!" Sigaw niya habang patuloy ang malakas niyang pagkalabog ng aming pintuan. Puwede naman siyang kumatok na lang pero talagang nagsisigaw pa siya. Mukhang plano pa niya kaming ipahiya sa kapitbahay dahil sa kaniyang ginagawa. Bumangon na ako para sana pagbuksan ng pintuan ang ginang nang maunahan ako ni Nanay. "Magandang umaga po, Aling Con—" magalang na bati ni Nanay ngunit pinutol siya ng galit na matanda. "Ano ang maganda sa umaga, Dina?!" Inis na tanong ni Aling Conchita sa aking ina. "Ano'ng plano niyo, huh?! Ang tumira dito ng libre?! Abat, hindi maari iyan, Dina!" galit na galit na sigaw ng matanda. Naglalabasan na ang litid sa kaniyang leeg. "Pasensya ka na, Aling Conchi—" "Pera ang kailangan ko, Dina! Pera! Nasaan na ang bayad sa tatlong buwan na upa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status