Share

Chapter 3

NANDITO ako ngayon sa fountain. Tinitignan ko ito. Sobrang ganda kasi dito, lalo na kung gabi.

"Kara, nandito na siya." Nilingon ko si Mother Superior, napangiti ako dito. Tapos ay pumunta ako sa kanya. "Mag-iingat ka doon," sabi nito sa akin. Hinaplos nito ang aking buhok. "Wag kang magpasaway. Para di magalit sa iyo ang bago mong pamilya."

Ngumiti lang ako kay Mother. "Opo, Mother. Salamat po sa pag-aalaga sa akin. Promise po, magpapakabait po ako at dadalawin po kayo dito pag may time po ako," sabi ko sa kanya.

Niyakap ako ni Mother. "Mamimiss kita," sabi nito sa akin. May luha sa mga mata nito, nang ilayo niya ako sa kanya.

Pumunta na kami sa opisina ni Mother. Dahil nandoon ang magiging foster father ko. Masaya ako kasi ako ang inampon talaga ni Mr. Romolo.

"Mr. Romolo, nandito na po si Kara," nakangiting sambit ni Mother kay Mr. Romolo. Dahil nakatalikod ito ay unti-unti itong humarap.

Ngumiti ang isang lalaki na di naman gaano katanda. Sumama ako sa kanya, nagpaalam na ako kay Mother.

GUSTO kong umiyak. Dahil 'di ko naman talaga ginawa iyon.

"Tonta!" sigaw  nito sa akin.

"Ano na naman ba iyan?" tanong ng isang pamilyar na boses.

"Itong ampon mo. Sinabuyan ba naman ako nang tubig," sumbong nito kay papa.

"'Pa, hindi ko naman sinasadya." Paliwanag ko kay papa.

Nilapitan ako ni papa at hinawakan ang aking balikat.

"Pumunta ka na sa kwarto mo, Kara. Doon ka muna. Kakausapin ko muna ang Mama Delyn mo."

"I am not his mother. Hindi ko gustong mag-ampon, pero mapilit ka!" sigaw nito kay papa.

Wala akong magawa. Umakyat ako sa kwarto ko. Nasa hagdan na ako nang bumaba si Eliza ang totoong anak ni Papa Mateo.

"Ano na naman ang ginawa mo this time?" tanong  nito sa akin.

Yumuko ako. Ayaw ko siyang tignan. Gumilid ako para makadaan siya. Alam ko tinignan nito ang parents nito na nag-aaway.

"Nag-aaway si mama at papa. Ano ang ginawa mo?" tanong nito. 'Di naman ito galit, pero base sa tono ng boses nito ay hindi ito natutuwa.

"Hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko sinasadya na masabuyan nang tubig si mama," mahina kong paliwanag dito.

"Sinasadya mo o hindi, nagalit pa rin si mama. Ayon tuloy, nag-away na naman sila ni papa. Kahit kailan talaga ang clumsy mo. Masyado ka kasing epal," sabi nito sa akin.

Dumaan ito sa gilid ko, pero talagang sinadya nitong bangain ang balikat ko, kahit na nasa gilid na ako.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong umupo sa kama ko. 'Di ko mapigilan ang umiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko. Gusto ko lang naman na magkaroon ng isang matatawag na pamilya. Binigyan nga ako, pero inaapi naman ako. Pinapakita talaga ni Mama Delyn na ayaw nito sa akin.

Agad kong pinahid ang mga luha ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa noon ang foster father ko.

Napabuntonghininga ito. Umupo ito sa kama ko. Habang ako ay nakayuko.

"I am sorry, Kara. Pag pasensyahan mo na ang mama mo," sambit nito sa akin.

Umihingos ako, dahil 'di talaga umaawat ang mga luha ko sa pag-agos.

"Okay lang iyon, papa," tanging nasabi ko na lang.

"Pasensya ka na din sa sinabi ng mama mo. Sana ay 'di na lang kita inampon, siguro maganda ang buhay mo ngayon," sabi nito sa akin.

Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong tumingin sa kanya.

"Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, 'di kita kukunin sa ampunan. Patawarin mo ako, kara, naghihirap ka dahil sa akin." Pumiyok ang boses nito.

Tumayo ako at nilapitan ko ito. Umupo ako sa tabi nito, hinawakan ko ang kamay nito.

"Okay lang iyon, 'pa. Nagpapasalamat nga ako, dahil kahit kailan ay 'di ninyo ako pinabayaan. Kahit na ayaw ni mama na mag-aral ako ay pinaglaban ninyo ang pag-aaral ko. Isang taon na lang 'pa. Makakapagtapos na ako ng kolehiyo," sambit ko dito.

Hinawakan din nito ang ibabaw ng kamay ko. "Mabait ka na bata. Alam ko na 'di ka pababayaan ng Panginoon," sabi nito sa akin.

Napangiti ako nang mapait. 'Kung may Panginoon, papa sana ay 'di niya ako hinayaan na maghirap ang kalooban.'

DALI-DALI akong pumasok sa gate ng campus namin. Nag-aaral kasi ako sa pristeryosong paaralan dito sa lugar namin. Maaga naman akong nagising, pero talagang ginahol ako sa oras. Ang dami kasing pinagawa sa akin ni Mama Delyn.

"Best, late ka na naman," sambit ng kaibigan ko.

"Sorry, alam mo naman sa bahay," sabi ko dito.

"Iyang, ina-inahan mo talaga," gigil nitong sambit.

Alam kasi ni Mera ang totoong pagkatao ko. Alam nito na ampon lang ako at inaalila sa bahay na tinitirhan ko. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawin bahay. Kaya kahit na mahirap ay kinakaya ko.

"Mabuti na lang at wala pa si Ma'am. Baka nalagot ka noon."

Terror kasi ang unang subject teacher namin. Kaya natatakot kaming mahuli. Ilang minuto din ay pumasok ang guro namin.

NASA Cafeteria kami ngayon ni Mera, para bumili nang makakain. Pumila kami sa counter. Mayroong sumingit.

Gusto ko mang magalit ay 'di ko ginawa.

"Eliza, nauna kami," turan ni Mera sa kapatid ko.

Nilingon niya kami, pero sa akin nakatingin. She just rolled her eyes. Tapos ay bumalik ang paningina sa unahan.

"Tumigil ka na Mera. Ayaw ko nang gulo," pigil ko sa kaibigan ko. Dahil hindi talaga nagpapawat si Mera.

Hinayaan na lang namin si Eliza na mauna. Ayaw ko nang gulo. Hindi ito mahilig mag-eskandalo, pero patago ito kong mang-away.

Dahil tapos na kaming kumain ay pumunta muna ako ng banyo. Pumasok ako sa cubicle. Pagkalabas ko ay nasa labas na sila Eliza.

Nasa harapan ng salamin si Eliza. Naglilipstick, habang ang mga kasama nito ay nasa gilid lang. Nagpunta ako sa sink, para maghugas ng kamay nang matapos ako ay agad akong lumabas.

Pero 'di natuloy ang paglabas ko, dahil pinigilan ako nang isa sa kasama ni Eliza. Ibinalik niya ako sa harapan ni Eliza. Pagkaharap ko sa babae ay agad niya akong sinampal. Nakasalampak ako sa sahig, habang hawak-hawak ang pisngi ko na sinampal nito.

"Anong sabi ko sa 'yo? 'Di ba sabi ko ay wag ka o iyong kaibigan mo na makialam? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" 'Di ko napigilan ang umiyak. Gusto ko mang lumaban ay wala akong magawa. Madami sila, ako lang ang nag-iisa.

Nanatili ako sa sahig. 'Di ko siya tinignan. Dahil naka kung ano na naman ang gawin niya sa akin.

"Bakit kasi inampon ka pa ni papa. Ewan ko kung ano ang nakain ni papa at nag-ampon pa siya ng isang katulad mo," sambit nito sa akin.

"Hindi ko kasalanan na inampon ako ni papa."

"Don't call my father, a papa. Hindi ka naman talaga inampon legally." Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.

Natawa ito. Dahil sa reaksyon ko. "Akala mo siguro, ampon ka talaga legally? Remember na hindi pumayag ang mama ko. Pero pinatira ka pa rin namin sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni papa, para magmukhang legal ang pag-ampon sa iyo," sabi nito sa akin.

Bumuhos ang luha ko. All this time ay akala ko, I am legally adopted, hindi pala.

"Kaya wag kang humarang sa daraanan ko. Dahil hindi kita sasantuhin." Umalis ito sa harapan ko. Lumabas na ito, kasama ang mga kaibigan nito.

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa nalaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. All this year, akala ko talaga legally adopted ako ng Pamilya Romolo. Ayaw lang ni Mama Delyn na gamitin ko ang apelyido nila.

Nasa ganoong ayos ako nang pumasok si Mera.

"God, best!" sigaw nito.

Agad niya akong inalalayan, para makatayo. Gusto ko mang pumasok ay di ko magawa.

"Ano ang ginawa nila sa iyo." Umiling ako.

Ayaw kong madamay ang bestfriend ko. Gusto ko na ako lang ang masaktan.

"Uuwi na muna ako, Mera," sabi ko sa kanya.

"Sige." Pagpayag nito.

Lumabas kami sa banyo, habang akay-akay niya ako. Dahil para bang nawalan nang lakas ang mga binti ko para humakbang.

Inihatid niya ako sa may gate at pinasakay ng tricycle, nakasakay na ako, pero pinahinto ko sa may tulay ang tricycle. Pagkahinto ay agad akong pumunta sa may tulay. Dumungaw ako ay nakita ko ang tubig.

"Kung balak mong magpakamatay, wag d'yan," sabi ng isang malamig na boses.

Nilingon ko ito. "Hindi ako magpapakamatay!" asik ko dito.

"Kung ganun, ano ang gagawin mo?" tanong nito sa akin.

"None of your business," sambit ko.

"Okay, pero kung may mangyari sa iyo. Konsensya ko pa."

Hinarap ko ito. "Pwede ba, umalis ka na lang. Gusto kong mag-isa!" sigaw ko dito.

Inilagay nito sa bulsa ang mga kamay at tinitigan ako nang seryoso. Ngayon ko lang natitigan nang maigi ang mukha nito. He had a thin lips, matangos na ilong at grayish eyes.

"Are you done, checking me?" tanong nito sa akin. Ngumisi ito. Inirapan ko ito.

"Umalis ka na lang." Taboy ko dito.

"Okay, pero kung tatapusin mo ang buhay mo, ay wala na akong paki. Pag-isipan mo ang buhay na meron ka. Kung sino ang mga nag-mamahal sa iyo. Ang mga tao na nasa paligid mo," sabi nito.

Bigla ay sumagi sa isipan ko ang nakangiting si Mera, si papa at ang mga tao na nasa paligid ko.

Umalis na ang lalaki. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan nito.

'Magkikita pa kaya tayong muli? Mukhang malabo na,' ngiting sambit ko sa aking isipan. 

Nilingon ko ang tulay, tapos ay umatras ako. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay namin. Gusto kong malaman ang totoo kay papa. Gusto kong malaman mismo sa kanya ang lahat.

"Mateo, ano itong ginawa mo!" sigaw ni mama.

Rinig ko ang boses ni mama mula sa loob ng bahay namin. Gusto ko mang pumasok ay baka magalit ito nang tuluyan sa akin.

"Bakit ka nangutang? Dahil ba sa ampon mo?" tanong ni mama, kay papa.

Yumuko na lang ako. Dahil sobrang sakit ang sinabi ni mama.

"Hindi, Delyn. Naitalo ko sa sugal ang pera na inutang ko."

May bisyo kasi ang papa ko. Mahilig itong nagsugal nang magsugal. Para bang hindi ito nanghihinayang sa pera na pinapatalo nito isang casino.

"Puro ka kasi sugal. Ngayon, sisinggil na tayo. Kung hindi tayo magbabayad ang anak nating ang kukunin nila. Hindi ko kaya na mawala si Eliza, Mateo. Kaya si Kara na lang ang ibigay mo," sabi ni mama kay papa.

Pumasok ako ng wala sa oras. "Bakit ako?" tanong ko sa kanila.

Sabay silang napatingin sa akin. "Bakit hindi? Ampon ka lang naman. Ayaw kong ibigay ang anak ko. Kaya ikaw na lang," sabi nito sa akin.

"Hindi ako laruan para ipamigay ninyo kung kailan ninyo gusto. Tao ako, tao!" sigaw ko.

Hindi ko mapigilan ang lumuha. Nilapitan niya ako at hinawakan ang pisngi ko nang mahigpit.

"Delyn!" sigaw ni papa. Pero 'di nagpaawat si mama.

"Oo, tao ka nga. Pero ampon ka lang, sampid ka lang sa pamamahay na ito!" sigaw nito sa akin. Galit niya akong tinignan. "Kaya sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang ipambabayad namin sa utang namin," madiin na sambit ni Mama Delyn.

Nang bitawan niya ako ay agad akong umakyat sa kwarto ko at umiiyak nang umiyak sa kama ko. Hindi ko alam kong ano ang naging kasalanan ko at pinarusahan ako nang ganito. Sana pala ay nagpakamatay na lang ako kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status