Share

Chapter 45

Kara POV

"Kara sandali."

Agad kong ipiniksi ang aking braso na nahawakan nito. Galit ko itong tinignan.

"Hindi ganun ang ibig sabihin nang kasambahay mo. Wala iyon, Kara."

"Wala akong pakialam, Brandon. Kaya aalis na ako."

"Kara please. Wag namang ganito. Nag mamagandang loob lang sa akin si Madel. Dahil nga tinulungan kita kagabi. Naihatid kita ng ligtas. Hinimatay ka, Kara. Hindi din ako umalis sa tabi mo. Buong magdamag. Kaya nang pababa na ako kanina ay nakita ni Nanay Salome. Inutusan niya si Madel na ipagluto ako."

Kumunot ang noo ko. Magdamag niya ako binantayan kagabi? Ibig sabihin, hindi kathang-isip ang naramdaman ko kagabing may kasama ako.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag, Brandon. Malaya ka kung ano ang gusto mong gawin," sabi ko dito.

"Pero nanliligaw ako sa iyo."

"Nanliligaw? Kailan pa."

"Noong isang linggo."

Nanliligaw na pala ito. Pero hindi ko alam. Manhid na ba talaga ako.

"Look, Brandon. Kahit nililigawan mo ako. Malaya kang gawin ang gusto mo. Or much better ibang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status