Kinaumagahan, nang magising si Cressia na masakit ang katawan. Tiningnan niya agad ang sarili na nasa loob ng kumot, wala pa siyang saplot. Kasunod dumako ang paningin niya sa kanyang tabi, wala nang tao roon. Bumangon siya, umupo sa gitna ng kama at hinanap ang mga damit niya.
“Anong susuotin ko ngayon?” tanong sa kawalan nang makita ang T-shirt niyang punit na nasa sahig.
May kumatok sa pintuan. Bababa na sana si Cressia sa kama nang maramdaman niya ang panginginig ng kaniyang mga hita. Ang hina ng mga ito, panigurado nawalan ito ng lakas dahil sa nangyari sa kanila ni Mr. Morreti.
Napakunotnoo si Cressia nang maalala ang lalaki. Nasaan na kaya iyon? Umalis na ba siya? tanong ng kaniyang isip.
“Ms. Montinola, nandiyan ka pa ba sa loob?”
Naalisto si Cressia nang marinig niya ang pamilyar na boses na nagmula sa labas ng silid kung saan siya naroroon. Dali niyang binalot ang kaniyang katawan ng kumot saka sumagot.
“Nandito pa ako sa loob,” ani Cressia.
“Papasok ako,” paalam nito. “Huwag kang mag-alala may ibibigay lang ako.”
“S-sige po,” sagot ni Cressia.
Bumukas ang pintuan at pumasok roon ang lalaking nakausap niya sa labas ng kwartong kinaruruonan niya ngayon. Humigpit ang pagkahawak niya sa kumot na nakapulupot sa buo niyang katawan nang papalapit sa kaniya ang lalaki. Tumayo ito sa kaniyang harapan na may hawak na paper bag.
“Umalis na si Mr. Morreti, pinabigay niya ito sayo, mga damit,” sabi nito sabay abot sa paper bag na hawak. “Nasa loob na rin ang cheke mo,” dagdag nito.
Nagdadalawang-isip na tinanggap ni Cressia ang inaabot sa kaniya. “S-salamat,” aniya habang tinatanggap ang paper bag. Napansin niyang may tinitingnan ang lalaki sa kama. Dumako rin ang tingin niya dito. Lumaki ang kaniyang mga mata nang makakita siya ng bahid na dugo sa bedsheet.
Tumikhim ang lalaki na kinakuha ng atensyon ni Cressia. “Labas na ako Ms. Montinola,” paalam nito.
“Sige po, s-salamat sa pagdala mo nito,” tukoy niya sa paper bag na may laman na damit.
Tumango lamang ang lalaki saka tumalikod at naglakad palabas ng kuwarto. Pagsira ng pintuan nakaramdam pa rin ng embarrashment para sa sarili. Pagkakatanda niya isang beses lamang siya inangkin ni Mr. Morreti. Napasimangot na lamang siya nang maisip niya na hindi siya nito nagustuhan.
Kahit nanginginig ang mga binti, pinilit ni Cressia ang sarili makababa ng kama. Nakatayo nga siya pero parang pinarusahan naman siya.
“Isang round lang yun ah…” bulalas niya habang binibihisan ang sarili gamit ang mga damit na nasa loob ng paper bag. “Paano na lamang kung nagustuhan niya ako, siguro hindi na ako makabangon ngayon. O baka isang round lang talaga ang kaya niya…” Natatawa siya sa huling mga binigkas na mga salita.
Nang matapos makapagbihis ni Cressia, kinuha niya ang cheke na nasa loob ng paper bag na nakalapag sa kama at sinuri ito. One million, one hundred thousand pesos na nakasulat sa cheke. Naalala niya ang sinabi ni Mr. Morreti nang sirain nito ang damit niya. Napailing-iling na lamang siya.
Ibinalik ni Cressia ang cheke sa loob ng paper bag saka siya lumabas ng kwarto. Pinilit niya na makalakad nang matuwid habang palabas ng hotel. Nang nasa lobby na siya bigla na lamang may huminto na kotse sa kanyang harapan at bumukas ang bintana sa driverseat.“Ms. Montinola, ihahatid ko na kayo…” sabi ng lalaking nasa driver seat na siyang naghatid kay Cressia ng paper bag sa silid ng hotel. “Binilin ni Mr. Morreti na ihahatid ka, para safe kang makauwi,” dagdag nito.
“Ahmn… huwag na, magta-taxi nalang –”
“Don’t worry, Ms. Montinola ihahatid lang kita pagkatapos hindi na kita guguluhin,” anito.
Nagdadalawang-isip si Cressia na magpahatid, kalaunan pumasok na rin siya sa backseat ng sasakyan. Kailangan rin niyang magmadali para mabayaran na ang pagpapaopera ng kaniyang ama.
“Saan ka magpapahatid, Ms. Montinola?” tanong nito.
“Pahatid mo nalang ako sa harap ng Emergency hospital,” sagot niya. Nagtagpo ang kanilang mga mata ng lalaki sa rearview mirror. Napayuko na lamang siya.
Pinatakbo ng lalaki ang sasakyan papunta sa hospital kung saan nagpapahatid si Cressia.
“Ayos ka lang talaga? Gusto mo bang ihatid kita sa loob?” tanong ni Dave. Hininti niya ang kotse sa entrance ng hospital.
“Hindi na,” sagot ni Cressia. “Salamat sa paghatid sa akin,” dagdag niya saka bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng hospital. Dumeretso siya sa patient room ng kaniyang ama. Naabutan niya itong natutulog.
“Cressia, nandito kana,” ani ng boses babae na galing sa kaliwang bahagi ng silid. “Nakahanap kana ng pera para sa operasyon ng papa mo?”
Dumako ang paningin ni Cressia kung saan nagmula ang boses. Natagpuan niya roon si Vanesse, ang kaniyang kaibigan na kakalabas lamang sa comfort room. Nakilala niya ito dahil pareho sila ng course. Kasalukuyan silang first year college.
Lumapit si Cressia sa kaibigan. Nakangiti niyang hinawakan ang kamay nito sabay tango. “May mabuting tao na nakilala ko sa restaurant kung saan ako nag-part time job.” Inilabas niya ang cheke sa hawak na paper bag. “Isang milyon ito. Sapat na ito para mapaopera ko na si papa,” mangiyak niyang sabi.
“Mabuti naman,” sagot ni Vanesse. “Maligo kana muna. Ako na makipag-usap sa doktor para maoperahan na papa mo.”
Puno ng pag-asa na tumango si Cressia. Kailangan nga niya ng maligo dahil nanglalagkit na rin siya.
“Makahanda na ang mga damit natin sa loob ng banyo,” saad nito.
Binigay ni Cressia ang cheke sa kaibigan pati ang paper bag saka siya pumasok sa banyo kung saan nanggaling si Vanesse. Kailangan rin niyang gumamit ng comfort room dahil ihing-ihi na rin siya.
Daling hinubad ni Cressia ang suot niyang pants kasama ang underwear kasunod umupo sa bowl. Hindi maipinta ang pagmumukha niya nang makaramdam siya ng matinding hapdi sa pagkababae niya.
“My God! Ang sakit!” Mangiyak-ngiyak na lamang na bulalas ni Cressia. “It’s okay, Cressia. Atleast may pera kana para sa pag-pera ni papa,” kumbinsi niya sa kanyang sarili. Bumuga siya ng hininga, tumayo mula sa pagkakaupo sa bowl saka hinubad ang mga suot na damit at binuhusan ang katawan ng malamig na tubig.
Hinaplos ni Cressia ang kurba ng kaniyang basang katawan. Pakiramdam niya ibang babae na siya. Pakiramdam niya ganap na siyang isang babae.
Pagkatapos maligo, nagbihis si Cressia ng damit na nakahanda na sa loob ng banyo saka lumabas. Walang tao sa loob ng kwarto, ang kanyang ama na kasalukuyang nakahiga sa hospital’s bed ang naabutan niya. Hinanap niya ang kaibigan niya sa loob ng kuwarto pero hindi niya ito mahagilap. Nilapitan niya ang paper bag na nakalapag sa mesa na nasa gitna ng silid. Hinanap niya ang cheke ngunit hindi rin niya ito makita.
Kampanti na umupo si Cressia sa sofa. Alam niyang nasa kaibigan niyang nagtungo sa doktor ng kaniyang ama para sa operasyon. Gumalaw ang kamay ng kaniyang ama, nagmadali siyang tumayo at lumapit sa kama nito. Egsakto rin ang paglapit niya ang pagbukas ng mga mata nito.
“Papa, may good news ako sayo…” mangiyak-ngiyak niyang sabi sa tuwa. “Meron na tayong pera pangpaopera,” dagdag niya.
Biglang tumunog ang cardiac monitor, nataranta si Crissia. Ang saya niya ay napalitan ng pag-aalala. It can’t be. Hindi pwedeng mawala sa kaniya ang kanyang ama.
“Papa… papa…!” tawag niya dito. “Dok! Tulong! Tulungan n’yo papa ko! Dok! Nurse!” sigaw niya.
Buti’t may dumaan na nurse sa labas ng kuwarto at narinig ang sigaw ni Cressia. May dumating na doktor at deretsong lumapit sa kaniyang ama. Hindi niya mapigilan na umiyak habang nakikitang nag-aagaw buhay ang pinakamamahal niyang lalaki.
“Dok, iligtas ninyo papa ko!” pagmamakaawa ni Cressia. “Dok, ang papa ko! Please, huwag n’yo siyang hayaan na mawala sa akin!”
Tumakbo palabas ng silid si Cressia. Hindi niya kayang makita ang kalagayan ng ama. Umupo siya sa gilid ng pintuan habang umiiyak. At nang lumabas ang doktor agad rin siyang tumayo.
“Ms. Montinola, kailangan na natin operahan ang papa mo, kapag tumatagal lalong lumala ang kondisyon niya,” ani ng doktor habang kaharap si Cressia.
“Yes dok, meron akong pera pambayad. Operahan niyo na po ang papa ko,” tuloy-tuloy ang luha na saad ni Cressia.
“Mabuti kung ganun. Mag-downpayment kana para ma-eschedule natin ang operasyon niya,” pahayag ng doktor. “Sige Ms. Montinola, may paseyente pa ako.”
Umalis ang doktor sa harapan ni Cressia. Dali rin siyang pumasok sa loob ng silid. Naabutan niya ang kaniyang ama na may oxygen. Dahan-dahan siyang lumapit dito saka hinawakan ang kamay. Hindi niya napigilan ang luha niyang sunod-sunod na tumulo.
Bigla niyang naalala ang kaniyang kaibigan. Kunuha niya ang cellphone niya na nakalapag sa center table at tinawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. Kalaunan nakapatay na ang cellphone nito. Nanginginig ang kamay ni Cressia sa patuloy na pagtawag kay Vanesse ngunit hindi parin ito matawagan.
“Hindi naman gagawin ni Vanesse sa akin… I trust her so much,” Cressia convinced herself.
Itinuon ni Cressia ang paningin sa kaniyang ama. Lalo lamang siyang napaiyak, parang wala siyang lakas na umupo sa sahig. Hawak niya ang cellphone sa kamay. Ilang oras rin na tinatawagan ni Cressia ang kaibigan ngunit hindi pa rin ito sumasagot.Nakatulog si Cressia sa sofa. Nagising siya dahil sa ingay. Nawala ang antok niya nang makita na __ na naman ang papa niya. Nakita niya na nag-isahan ang linya sa cardiac monitor. Napasiga na lamang siya sa iyak habang nire-revive ang kaniyang ama.
“Dok please, iligtas mo ang aking ama!” sigaw niya. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyang mga luha at halos maglalampasay na siya. “Please, papa lumaban ka! Nagmamakaawa ako sayo! Huwag mo akong iwan…”
“Time of death: 8:30 pm.”
Umi-eco sa pandinig ni Cressia ang mga katagang binigkas ng doktor. Huminto ang pag-ikot ng kaniyang mundo habang unti-unting nanghihina at nawalan ng malay. Nang magising si Cressia unang hinanap niya ay ang kaniyang ama.
“Papa! Papa! Saan ang papa ko?!” bukang-bibig ni Cressia. Nagpapanik siya, kakabangon lamang niya sa hospital’s bed at hinanap ang kaniyang ama. “Nasaan ang papa ko!?”
“Ms. Montinola, humanahon ka,” ani ng babaeng nurse. “Malungkot rin kami sa pagkawala ng iyong ama. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na wala na siya.”
Sa sinabing iyon ng nurse, natigilan si Cressia. Napatitig na lamang siya sa kaharap niyang nurse. Kalaunan muli siyang napaiyak na parang bata nang maproseso ng isip niya ang sinabi nito.
“H-hindi totoo… hindi puwede. Hindi siya puwedeng mawala sa akin,” nanginginig ang boses ni Cressia na umiiyak.
“I’m sorry, Ms. Montinola. Sinabi na namin na kailangan niyang operahan. Pero walang nagpoproseso ng operasyon niya,” aniya.
Kinuyom ni Cressia ang kamao niya. Nababalot ng galit at sakit ang puso niya. Nagtiwala siya kay Vanesse at ito lamang ang ginanti sa kaniya. Kung hindi nito kinuha ang pera pampaopera ng kaniyang ama siguro naoperahan na ito at buhay pa.
“Gusto kong makita ang p-papa ko,” may pagmamakaawa nitong saad. “Nasaan ang papa ko?”
“Sasamahan kita,” aniya.
Bumaba si Cressia sa hospital’s bed. Sinundan niya ang nurse palabas ng kuwarto, hanggang sa isang silid na nasa pinakahulihan ng hospital. Huminto sila sa tapat ng pintuan nito saka humarap ang nurse kay Cressia.
“Nasa loob siya. Pumasok kana lamang,” ani ng nurse.
Walang sabi-sabi na binuksan ni Cressia ang pintuan. Pagpasok niya unang nakita niya ang isang bangkay na tinakpan ng putting kumot. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Deretso niya itong niyakap. Walang lakas-loob si Cressia na makitang walang buhay ang ama.
“Patawarin mo ako, p-papa… h-hindi kita naligtas.” Hagulhol niyang bulalas. “H-huwag mo akong iwan, papa…”
Lumaki si Cressia na ang kaniyang ama lamang ang nag-iisa niyang kasama sa buhay. At ngayon iniwan siya nito. Nawala lahat ang niya dahilan para magsumikap sa buhay.
Yakap niya pa rin ang kaniyang ama na parang wala siyang balak bitawan ito. Lumapit sa kaniya ang nurse na sumama sa kaniya ngunit hindi ito binigyan ng kahit isang pansin.
“Ms. Montinola, iiwan ko muna kayo. May kailangan pa akong gagawin,” anito.
Walang sagot si Cressia na lumabas ang nurse. Hagulhol lamang niya ang maririnig sa loob ng morque.
BININTA ni Cressia sa bahay na naiwan sa kaniya ng ama niya para mapalibing lamang ito. Pagkatapos nitong malibing, kahit na nagdadalamhati pa lamang siya… naghanap na siya ng trabaho para tustusan ang pang-araw-araw na buhay. Tumigil na rin siya sa kaniyang pag-aaral. Kapos na kapos na siya sa buhay. Bahay na lamang na nasa loob ng eskwater area ang naiwan sa kaniya.
Alas nuyebe na ng gabi nakauwi si Cressia mula sa trabaho. Nag-over time siya. Deretso siya bihis saka higa sa kama niya dahil sa puyat. Hindi pa siya naghapunan pero Nawala na ito sa kaniyang isip dahil sa pagod.
Kinabukasan, nagising si Cressia na parang naduduwal siya. Dali siyang tumayo mula sa kama at deretsong pumasok sa banyo. Isang buwan na mula nang mamatay ang kaniyang ama, ganoon din ang nangyari sa kanila ni Mr. Morreti.
“No, hindi puwede,” umiling-iling si Cressia habang nasa isip ang posibleng dahilan kung bakit siya naduduwal. “God, huwag mo naman akong parusahan…” naiiyak niyang bulalas.
Nakaramdam si Cressia nang pagkahilo. Pumasok ulit siya sa kaniyang kwarto at muling humiga sa kama. Napahawak siya sa kaniyang tiyan habang unti-unting ipinikit ang mga mata.
“Hindi maaaring buntis ako…”
Alam ni Cressia na mas lalo siyang mahihirapan kung buntis siya. Ayaw niya rin na may madamay na buhay sa pagdurusa niya sa buhay, kaya gagawin niya lahat para hindi ito mangyari.
Makalipas ang ilang taon, nagmamadali si Cressia na makauwi dahil alas otso na ng gabi. Galing pa siya sa trabaho. Nasa gilid siya ng kalsada, naghihintay ng masasakyan. Tatakbo sana si Cressia papunta sa kabilang kalye nang may mabilis na sasakyan na muntik siya nitong mahagip. Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito ang takot at gulat habang nakatayo sa gitna.
“Are you okay, miss?”
Nakabawi si Cressia sa pagkagulat. Nilingon niya ang lalaking nagtatanong na nasa kanang bahagi. Namilog ang kaniyang mga mata.
“Mr. Morreti, i-ikaw?” wala sa sariling bigkas ni Cressia.
Kumunot ang noo ng lalaki. “Yes, do you know me?” balik tanong nito. Tiningnan nito ang babae mula ulo hanggang paa na parang nanunuri. “Hindi kita kilala. Bakit mo ako kilala?” muling tanong nito.
Cressia calmed herself. “N-nakita lang kita dati sa pinagtrabahuan ko, s-sir,” pagdadahilan niya habang nakayuko.
“Okay…” Tumalikod si Mr. Morreti, at tatakbo na ulit sana si Cressia para makalayo sa lalaki nang muli itong humarap at magsalita. “Ayos ka lang ba?”
“Opo, sige po,” sagot ni Cressia saka tumakbo palayo.
Para kay Cressia mas nakakabuti na hindi siya kilala ni Mr. Morreti. Hindi niya hahayaan na muling magtagpo ulit ang kanilang mga landas at malaman nito ang kaniyang lihim.
Sumakay agad ng tricycle pauwi si Cressia. At nang dumating siya sa bahay, isang guwapong batang lalaki na abot tainga ang ngiti ang sumalubong sa kaniya na agad nagpabuhat.
“Nanay, bakit ang tagal mo?” tanong ng bata habang nakapulupot ito sa kaniyang leeg. “Kanina pa po kita hinihintay.”
“Sorry Cristoff, anak ko, marami kasing trabaho sa work si nanay,” sagot ni Cressia habang hinahapuhap ang buhok ng anak.
Napatitig si Cressia sa mukha ng anak niya. Ngayon lamang niya napagtanto na kahawig na kahawig nito ang ama. Ang mata, ilong, bibig, hugis ng mukha at kasarian ay kuwang-kuwa kay Mr. Morreti.
“Hindi kayo pwedeng magkita,” wala sa sariling bulalas ni Cressia habang nakatitig sa anak.
“Bakit nanay?” tanong ng bata.
“Wala anak.” Ipinaba ni Cressia ang anak sa upuan na gawa sa kawayan. “Dito ka muna, magluluto muna si nanay.”
“Okay po, nay,” sagot ng bata. “Behave lang ako dito habang magluluto ka, nanay.”
Tumalikod si Cressia na naluluha. Pakiramdam ni Cressia pinagkakaitan niya ng magandang buhay ang anak niya, buhay na karapat-dapat dito. Pero hindi rin masabi na kilalanin ito ni Mr. Morreti bilang anak. Hindi nga siya nito kilala.
“Ikaw na bahala sa anak ko. Huwag mo siyang palabasin hah,” paalala ni Cressia sa kapit-bahay na nagbabantay kay Cristoff kapag nasa trabaho siya.Nilingon ni Cressia ang anak niya na nakaupo sa kawayan na sahig habang naglalaro ng roblox. Napangiti na lamang siya dahil nagawa nitong dinosaur. Sa edad nitong three years old napakatalino.“Sige ate Cressia. Mag-ingat ka sa trabaho mo,” sagot ni nenengLumapit si Cressia kay Cristoff. “Anak, alis muna si mama ulit ah, trabaho muna si mama,” paalam niya dito.“Sige po mama, ingat ka po kayo,” sagot ng bata na abala sa paglalaro.Lumingon si Cressia kay neneng Sumenyas siya dito na aalis na siya. Tumango ito kaya siya tuluyan na lumabas ng bahay. Malalaking hakbang si Cressia habang palabas sa mga nagdidikitan na mga bahay. Nang makalabas na siya dumeretso siya sa gilid ng kalye para maghintay ng tricycle. Thirty minutes na lamang ma-la-late na siya. Buti’t nakasakay siya agad.Nang makarating na sa lobby ng restaurant kung saan nagtatrab
Kinaumagahan, nang magising si Cressia na masakit ang katawan. Tiningnan niya agad ang sarili na nasa loob ng kumot, wala pa siyang saplot. Kasunod dumako ang paningin niya sa kanyang tabi, wala nang tao roon. Bumangon siya, umupo sa gitna ng kama at hinanap ang mga damit niya.“Anong susuotin ko ngayon?” tanong sa kawalan nang makita ang T-shirt niyang punit na nasa sahig.May kumatok sa pintuan. Bababa na sana si Cressia sa kama nang maramdaman niya ang panginginig ng kaniyang mga hita. Ang hina ng mga ito, panigurado nawalan ito ng lakas dahil sa nangyari sa kanila ni Mr. Morreti.Napakunotnoo si Cressia nang maalala ang lalaki. Nasaan na kaya iyon? Umalis na ba siya? tanong ng kaniyang isip.“Ms. Montinola, nandiyan ka pa ba sa loob?”Naalisto si Cressia nang marinig niya ang pamilyar na boses na nagmula sa labas ng silid kung saan siya naroroon. Dali niyang binalot ang kaniyang katawan ng kumot saka sumagot.“Nandito pa ako sa loob,” ani Cressia.“Papasok ako,” paalam nito. “Huwa
Pumikit si Cressia habang kinukumbinsi ang sarili na tama ang desisyon na kanyanggagawin. She exhaled as she calmed herself. Para kay papa ito... “Kailangan mong ibenta ang sarili mo Cressia. Isang beses mo lang naman gawin ito, pagkatapos nito hindi mo na makikita ang lalaking nasa loob ng silid na ito,” bulong ni Cresia sa sarili habang nasa harapan ng pituan na nakasira. Hindi siya mapakali sa kaba na nararamdaman.Walang naging pagpipilian si Cressia, kailangan niya nang mabilisan na pera para pagpapaopera ng kanyang ama sa namuong dugo sa ulo nito dahil sa aksedente. Kailangan niyang gawin ito para mailigtas ang kanyang ama, ito na lamang ang meron siya dahil namatay ang kanyang ina nang ipinangak siya. Kung magtratrabaho siya sa restuarant na pinagtatrabahuan niya at kung saan niya nakilala ang lalaki, hindi niya pa rin kikitain kahit isang taon ang offer sa kanya na isang milyon sa loob lamang ng isang gabi.Pero dapat virgin siya. At sugurado naman si Cressia na never been to