Share

CHAPTER SIX

last update publish date: 2026-06-24 17:55:57

THIRD PERSON:

Hingal na hingal at halos mawalan ng hininga sa pagmamadali si Sera habang mabilis na tumatakbo patungo sa St. Catherine Medical Center. Hindi na niya alintana ang pagod at pananakit ng kanyang mga binti. Ang mahalaga sa kanya ay makarating agad sa ospital.

Mahigpit niyang hawak ang kanyang bag habang patuloy ang pagtakbo. Halos lumundag ang kanyang puso sa kaba at pag-aalala sa bawat segundong lumilipas.

Nang marating niya ang entrada ng ospital, napahinto siya sandali upang habulin ang kanyang hininga. Mabilis na tumaas-bumaba ang kanyang dibdib habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.

Ngunit kahit halos hindi na siya makahinga, muli siyang nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng ospital, desperadong makita ang kalagayan ni Liam.

Pagdating niya sa Emergency Room, agad niyang hinanap si Alex.

Nakita niya itong nakaupo sa labas ng ER habang nakayuko.

"Alex...!"

Halos wala nang lakas ang boses ni Sera.

Agad siyang lumapit sa kaibigan niya.

"N-Nasaan si Liam?"

Mahina lamang na itinuro ni Alex ang pintuan ng Emergency Room.

"Nasa loob pa siya. Kasama niya si Dr. Gabriel."

Parang biglang nawala ang lahat ng lakas ni Sera. Hindi na niya alam kung paano haharapin ang takot na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Ang mahalaga sa kanya ay maligtas si Liam.

Mahigpit niyang pinagtagpo ang kanyang mga palad habang nakayuko sa upuan sa labas ng Emergency Room. Halos mabasag ang kanyang puso sa sobrang pag-aalala sa bawat minutong lumilipas.

Nang tuluyang pumatak ang kanyang mga luha, napapikit siya at pilit na nilabanan ang takot na bumabalot sa kanyang isipan. Mabilis na tumaas-bumaba ang kanyang dibdib habang pinipigilan ang paghikbi.

Ngunit kahit pakiramdam niya ay unti-unti nang nawawala ang kanyang pag-asa, patuloy pa rin siyang nagdarasal. Desperado siyang humihingi ng himala para sa kapatid na siyang natitira niyang pamilya.

Mahigpit na pinagtagpo ni Sera ang kanyang mga palad habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Hirap na hirap siyang huminga dahil sa matinding pag-iyak at paghagulgol. Halos hindi na niya mabigkas nang maayos ang bawat salita dahil sa pagsikip ng kanyang lalamunan.

"Ma-hal na Panginoon..."

Napasinghap siya at mariing pumikit.

"H-Huwag Ninyo pong kunin ang kapatid ko..."

"Siya... siya na lang po ang natitira kong pamilya..."

Napahikbi siya nang malakas habang nanginginig ang kanyang mga balikat.

"A-Ako na lang po..."

"Ako na lang ang pahirapan Ninyo..."

"B-Basta huwag lang po ang kapatid ko..."

Tuluyan na siyang napayuko habang humahagulhol.

"Please, Lord..."

"Huwag Ninyo po siyang kunin sa akin..."

"Hindi ko po kakayaning mawala siya..."

Tahimik na umiiyak na lang na pinagmamasdan ni Alex ang kanyang matalik na kaibigan. 

Hindi niya alam kung ilang beses na niyang nakita ang dalaga sa ganoong kalagayan. Palaging pagod ang katawan dahil sa walang tigil na pagtatrabaho mula madaling-araw hanggang hatinggabi. Palaging puyat. Palaging umiiyak kapag wala nang ibang nakakakita.

Ngunit sa tuwing nasa harap nito si Liam, agad nitong itinatago ang lahat ng sakit at pagod. Pinipilit nitong ngumiti. Pinipilit nitong magpakatatag. Pinipilit nitong ipakita na kaya pa nito kahit unti-unti na itong nauubos.

Bilang matalik na kaibigan, awang-awa na si Alex kay Sera. Alam niyang sobra-sobra na ang mga sakripisyong ginagawa nito para sa kapatid. Ngunit sa kabila ng lahat ng paghihirap, patuloy pa rin itong lumalaban at hindi sumusuko, handang gawin ang lahat upang mabigyan si Liam ng pagkakataong mabuhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Unti-unti nang nadudurog ang puso ni Alex. Araw-araw niyang nasasaksihan kung paano unti-unting inuubos ng buhay ang dalagang nasa kanyang harapan. Wala siyang magawa kundi panoorin si Sera na pilit na lumalaban para sa kapatid habang unti-unti namang nauubos ang sarili nito.

Tahimik siyang lumapit at marahang naupo sa tabi ni Sera. Hindi siya agad nagsalita. Sa halip, dahan-dahan niyang niyakap ang nanginginig nitong mga balikat. Ramdam niya ang mabilis na paghinga ni Sera at ang desperado nitong pagpigil sa sarili na tuluyang bumigay.

"Shhh..." mahina niyang bulong.

"Magiging okay din si LIam..."

"Magiging okay din ang lahat."

Parang iyon lamang ang hinihintay ni Sera. Bigla itong napayakap nang mahigpit kay Alex habang tuluyan nang bumibigay ang matagal nitong pinipigilang emosyon.

"Al-Alex..."

Basag na basag ang boses nito dahil sa walang tigil na pag-iyak.

"N-Natatakot na ako..."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko..."

"P-Paano kung..."

Naputol ang kanyang sasabihin nang muling sumikip ang kanyang lalamunan.

"Paano kung mawala siya sa akin?"

Tuluyan na siyang humagulgol. Mahigpit niyang kinuyom ang damit ni Alex habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Halos madurog ang puso niya sa sobrang sakit habang iniisip ang posibilidad na mawala ang nag-iisang pamilyang mayroon siya.

"Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan..."

Patuloy lamang sa pag-iyak si Sera sa mga bisig ng kanyang kaibigan. Samantala, sa kabilang panig ng pintuan ng Emergency Room, tahimik na ipinaglalaban ng walong taong gulang na si Liam ang pinakamahalagang laban sa kanyang buhay.

****

THIRD PERSON:

Pumasok si Lauren sa silid at naabutan niya si Damian na nakaupo habang hinihilot ang noo nito. Halatang stressed at pagod na pagod ito sa maghapong trabaho bilang isang CEO. Napangisi siya habang pinapanood ang lalaki.

Nang iangat ni Damian ang tingin sa kanya, nagpakawala si Lauren ng isang kakaiba at mapang-akit na ngiti. Dahil maikli lang ang suot niyang skirt at halter sando, madali niyang idinalos pababa ang kanyang panty at hinayaan itong mahulog sa sahig.

Tiningnan siya ni Damian mula ulo hanggang paa, at isang kakaibang ngisi ang sumilay sa mga labi nito bilang tugon sa kanyang pang-aakit. Habang pinapanatili ang mapang-akit na tingin sa lalaki, dahan-dahan siyang lumapit dito. Walang pag-aalinangan siyang humakbang at sumakay upang kumandong sa kandungan nito.

Habang nakakandong kay Damian ay nagsimula na siyang kumilos at gumiling. Subalit sa kabila ng posisyon nila, ramdam pa rin ni Lauren ang kawalan ng gana ng lalaki. Kahit ganoon, pinilit pa rin ng dalaga na painitin ang natutulog nitong pagnanasa.

"Ooohhh... Damian... ohhh!" mapanghamong ungol ni Lauren habang patuloy sa paggiling. Sa bawat mariing pagkilos, ramdam na ramdam na niya ang nagbabagang kahandaan ni Damian sa ilalim niya. Subalit sa kabila ng pisikal na reaksyon ng lalaki, nanatiling malamig ang mga mata nito at halatang may malalim na isiping pilit itinatago.

Dahil sa lamig at kawalan ng emosyon ng lalaki, unti-unting napatigil si Lauren sa kanyang paggalaw. Bago pa man siya makapagsalita, marahan ngunit mariin na inalis ni Damian ang pagkakahawak ng dalaga at binuhat ito paitaas upang alisin sa kanyang kandungan.

"Wala ako sa mood. You can leave," malamig na sabi ni Damian habang diretso ang tingin sa kawalan.

"What?!" inis na reaksyon ni Lauren, halos hindi makapaniwala sa narinig. "Again?!!"

Gusto pa sana niyang makipagtalo, ngunit nang sulyapan niya ang mukha ni Damian ay nakita niya ang matigas at walang emosyon nitong ekspresyon. Doon napatunayan ng dalaga na mukha nga talagang wala sa kondisyon ang lalaki. Lumiyab ang galit sa kanyang dibdib dahil sa naputol na init. Padabog niyang kinuha ang kanyang mamahaling bag sa gilid ng mesa at padagbog na mga humakbang patungong pinto.

"Fine!! Bahala ka sa buhay mo!!" asik ni Lauren bago pabagsak na isinara ang pinto.

Naiwang nakaupo si Damian sa kanyang swivel chair, tahimik na nakatingin sa nakasarang pinto.

Maya-maya'y napatingin siya sa mesa.

Naroon ang panty na hindi sinasadyang naiwan ni Lauren.

Dahan-dahan niya itong kinuha.

Saglit siyang napangisi nang mapakla, saka marahang umiling.

Walang pag-aalinlangan, itinapon niya iyon sa basurahan sa gilid ng kanyang mesa bago muling umupo at ibinalik ang kanyang atensyon sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya, na para bang walang nangyari.

Tahimik na niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa mga dokumentong nakalatag sa mesa.

Ngunit bago pa man niya maipagpatuloy ang kanyang ginagawa, bigla siyang napatigil.

May isang mukha ang kusang sumagi sa kanyang isipan.

Ang babaeng waitress.

Bahagya siyang napakunot-noo habang pilit inaalala ang name tag na nakasabit sa uniporme nito.

"Sera..." mahina niyang sambit.

"Hmm..."

Tahimik siyang sumandal sa kanyang upuan.

Hindi niya maintindihan kung bakit, ngunit tila may kung anong kakaiba sa babaeng iyon. Hindi ito ang tipo ng mukha na basta na lamang niya maaalala, lalo pa't araw-araw ay daan-daang tao ang kanyang nakakaharap.

Subalit si Sera...

Para bang may kung anong hindi maipaliwanag na humatak sa kanyang atensyon.

May kung anong pamilyar.

Napapikit siya sandali bago marahang napabuntong-hininga.

Muli siyang sumandal sa kanyang upuan at marahang ipinikit ang mga mata, ngunit sa halip na mawala sa kanyang isip, lalo lamang luminaw ang mukha ng babaeng waitress na iyon.

Bahagya siyang napakunot-noo.

Hindi niya gusto ang pakiramdam na may isang taong nagagawang guluhin ang kanyang isipan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER NINE

    SERA POV:Muli na namang napalibutan ng magulong ilaw, nakabibinging tugtog, at ingay ng mga taong walang tigil sa pagsasayaw at pagsasaya. Habang ang buong club ay buhay na buhay sa sigawan, tawanan, at alak, ako naman ay tahimik na naglalakad sa pagitan ng mga mesa, bitbit ang mga order ng mga customer at pilit na kinakalimutan ang pagod na unti-unti nang bumibigat sa aking katawan."Excuse me po," magalang kong sabi habang marahan kong inilalapag ang tray ng mga inumin sa harap ng mga customer. Nagawa ko pang ngumiti sa kanila, kahit pilit lamang iyon.Ngunit ang totoo...Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na ang katawan ko.Huminga ako nang malalim at muling binuhat ang tray na may lamang mga bote ng alak. Pilit kong inihakbang ang aking mga paa.Isa...Dalawa...Tatlo...Ngunit pagsapit pa lamang ng ikatlong hakbang, bigla akong inatake ng matinding pagkahilo.Nanlabo ang aking paningin.Tila umikot ang buong paligid, at ang malalakas na tugtog na kanina'y malinaw kong narir

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER EIGHT

    THIRD PERSON:Makalipas ang ilang sandali, marahang gumalaw ang mga daliri ni Liam at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata habang mahina at paos niyang tinawag,“A... Ate,” dahilan upang agad na mapalingon si Sera at mabilis na lumapit sa kama upang marahang hawakan ang malamig nitong kamay.“Nandito lang si Ate.”Bahagyang ngumiti si Liam ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mga mata habang matagal siyang nakatingin sa mukha ng kanyang ate, na para bang may gusto siyang sabihin ngunit natatakot siyang bigkasin, kaya mahina niyang sinabi,“Ate...” at nang sumagot si Sera ng“Mmm?” ay agad niyang idinugtong,“Pa-sensya ka na,” nanghihinang sabi ni Liam na ikinatigilan naman ni Sera.“Ha?”"Pasensya ka na ate..." mahina niyang sambit, puno ng pagsisisi. "Dahil sa akin... palagi kang pagod. Dahil sa akin... wala ka nang pahinga. Dahil sa akin..." Naputol ang kanyang mga salita habang pilit niyang nilulunok ang sakit at konsensya na matagal na niyang kinikimkim."Palagi

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER SEVEN

    THIRD PERSON:Makalipas ang halos isang oras na paghihintay, sa wakas ay bumukas ang pintuan ng Emergency Room. Agad na napatayo sina Sera at Alex. Pakiramdam ni Sera ay anumang oras ay titigil ang pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba. Hindi niya namalayang mahigpit na pala niyang nahahawakan ang manggas ng kanyang kaibigan habang nakatitig sa pintuan.Nang makita niya si Dr. Gabriel Mendoza na papalapit sa kanila, lalo lamang bumigat ang kanyang dibdib. Matagal na niyang kilala ang doktor dahil ito na ang gumagamot kay Liam sa loob ng maraming taon. At sa tuwing nakikita niya ang ganoong kaseryosong ekspresyon sa mukha nito, alam niyang hindi maganda ang balitang dala nito."Doc..."Basag ang boses niyang tawag."Kumusta po ang kapatid ko?"Napabuntong-hininga muna si Dr. Gabriel bago ito nagsalita."Na-stabilize na namin siya."Parang saglit na bumalik ang hangin sa dibdib ni Sera. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakahinga nang maluwag ay muli nang nagsalita ang doktor."Per

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER SIX

    THIRD PERSON:Hingal na hingal at halos mawalan ng hininga sa pagmamadali si Sera habang mabilis na tumatakbo patungo sa St. Catherine Medical Center. Hindi na niya alintana ang pagod at pananakit ng kanyang mga binti. Ang mahalaga sa kanya ay makarating agad sa ospital.Mahigpit niyang hawak ang kanyang bag habang patuloy ang pagtakbo. Halos lumundag ang kanyang puso sa kaba at pag-aalala sa bawat segundong lumilipas.Nang marating niya ang entrada ng ospital, napahinto siya sandali upang habulin ang kanyang hininga. Mabilis na tumaas-bumaba ang kanyang dibdib habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.Ngunit kahit halos hindi na siya makahinga, muli siyang nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng ospital, desperadong makita ang kalagayan ni Liam.Pagdating niya sa Emergency Room, agad niyang hinanap si Alex.Nakita niya itong nakaupo sa labas ng ER habang nakayuko."Alex...!"Halos wala nang lakas ang boses ni Sera.Agad siyang lumapit sa kaibigan niya."N-Nasaan si Lia

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIVE

    THIRD PERSON:Mag-aalas dos na ng madaling araw nang tuluyang makauwi si Sera.Halos hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mga paa sa sobrang pagod.Mabagal niyang binuksan ang pinto ng maliit nilang inuupahang silid upang hindi magising ang kanyang kapatid.Tahimik ang buong paligid.Tanging mahinang pag-ugong lamang ng lumang electric fan ang maririnig.Dahan-dahan siyang lumapit sa maliit na higaan nila sapat na para magkasya silang dalawa magkaptid.Naroon si Liam.Mahimbing na natutulog.Maputla ang kanyang mukha, ngunit bakas pa rin ang inosenteng anyo ng isang walong taong gulang na batang wala sanang ibang iniisip kundi ang maglaro at mangarap.Napaupo si Sera sa gilid nito.Hindi niya namalayang unti-unti nang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Marahan niyang iniabot ang nanginginig niyang kamay.Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng kanyang kapatid.Napapikit siya ng maramdaman niya ang init ng kanyang kapatid.Parang may mahigpit na kamay na pumisil sa kanya

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FOUR

    Third Person:Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Damian ang nangyayari.Wala pa ring emosyon ang kanyang mukha.Habang ang dalawang babaeng kasama niya ay pilit hinihila ang waitress palapit sa kanilang mesa, nananatili lamang siyang nakaupo, tila sinusukat ang bawat kilos ng dalaga.Napansin niya ang nanginginig nitong mga kamay.Ang namumutlang mukha.At ang mga matang halos maiyak sa takot habang pilit kumakalas sa pagkakahawak ng dalawang babae."Naku... Ma'am...""W-Waitress lang po ako...""Hindi po ako escort..."Halos hindi na magkadugtong ang mga salita ng dalaga.Patuloy itong umatras habang pilit na binabawi ang mga kamay.Biglang sumagi sa isip ni Damian ang eksenang nakita niya kaninang umaga.Siya...Siya ang babaeng nakita ko sa pedestrian lane.Ang babaeng bakas ang matinding pagod sa mukha.At ngayon...Ganoon pa rin ang mga matang iyon.Pagod ngunit puno ng determinasyon.Nang akmang hihilahin muli ng isa sa mga babae ang waitress...Dahan-dahang tumayo si Damian.Ag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status