Share

CHAPTER THREE

Penulis: Lanny Rodriguez
last update Tanggal publikasi: 2026-06-21 21:49:52

SERA'S POV:

Pagsapit ng gabi, dumiretso ako sa pangatlo kong trabaho, sa isang sikat na club. Pagbukas pa lamang ng pinto, bumungad agad ang makukulay na ilaw na walang tigil sa paggalaw, kasabay ng malakas na tugtog.

Halo-halo ang tawanan, sigawan, at tunog ng mga basong nagbabanggaan.

Samantalang ang iba ay nagsasaya...

Ako naman ay abala sa paglalakad dala ang isang tray na puno ng mamahaling alak.

"Excuse me, sir."

Magalang kong inilapag ang inorder nilang bote sa mesa bago muling ngumiti.

"Enjoy your drink."

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang mesa ko na iyon ngayong gabi.

Mabigat na ang mga binti ko.

Nangangawit na rin ang mga braso ko sa kakabuhat ng mga bote ng alak.

Bawat oras na nagtatrabaho ako rito...

Katumbas iyon ng dagdag na pambili ng gamot ni Liam.

Kaya kahit hindi ko gusto ang ingay ng lugar na ito...

Kahit maraming matang parang hinuhubaran ako sa tuwing dumadaan ako...

Pinipilit kong balewalain ang lahat.

Dahil wala akong ibang pagpipilian.

Habang naglalakad ako papunta sa counter upang kunin ang panibagong order, may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Sera!"

Napalingon ako.

Si Alex.

Kakapasok lang ni Alex sa loob ng club, suot ang kanyang uniporme bilang scort, isang itim na fitted na sando, maikling itim na palda, at mataas na takong. Bagama't simple ang kanyang ayos, kapansin-pansin pa rin ang kanyang kumpiyansa habang naglalakad sa gitna ng makukulay na ilaw ng club. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti at mabilis na lumapit.

Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Kumusta si Liam?" agad kong tanong.

Bahagya siyang ngumiti.

"Huwag kang mag-alala. Napainom ko na siya ng gamot bago ako umalis."

"Si Aling Nora siya muna ang nagbabantay sa kanya."

Napabuntong-hininga ako sa ginhawa.

"Salamat, Alex..."

"Kung wala kayo ni Aling Nora, hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng ito."

Ngumiti siya at marahang pinisil ang balikat ko.

"Hoy, huwag kang magpasalamat. Magtrabaho ka lang nang maayos. Kami na ang bahala kay Liam."

Napalunok ako at bahagyang napangiti.

"Maraming salamat..." mahina kong tugon bago muling kinuha ang tray ng mga inumin at nagpatuloy sa aking trabaho.

Muli akong bumalik sa aking trabaho.

Tahimik kong pinunasan ang mga bakanteng mesa habang isa-isang kinokolekta ang mga walang lamang baso. Maya-maya'y muli na naman akong naghatid ng mga inorder na alak sa iba't ibang customer.

"Excuse me, sir."

Magalang kong inilapag ang bote at mga baso sa mesa bago bahagyang yumuko.

"Enjoy your drink."

Hindi na mabilang kung ilang beses kong ginawa ang parehong gawain simula nang magsimula ang shift ko.

Punasan ng mesa.

Kunin ang order.

Ihatid ang mga inumin.

Pinipilit na ngumiti.

At muling maglakad patungo sa susunod na customer.

Kahit ramdam ko na ang pagkirot ng aking mga paa dahil sa suot kong mataas na takong, pilit ko pa ring itinataas ang aking baba.

"Sera!"

Napalingon ako nang marinig ang malalim na boses ng aming manager.

Mabilis akong lumapit at magalang na yumuko.

"Yes, Sir?"

"Tapos ka na ba sa floor?"

"Opo, Sir."

"Inihatid mo itong order sa VIP Room No. 3."

Iniabot niya sa akin ang isang bote ng mamahaling imported na alak.

Napatingin ako rito.

Isa itong Louis XIII Cognac, isa sa pinakamahal at pinakaprestihiyosong alak na hinahain lamang sa mga VIP customer ng club.

Magaan kong tinanggap ang bote gamit ang dalawang kamay.

"Sige po, Sir."

Tumango lamang ang manager.

"Mag-ingat ka. Mahalaga ang bisitang nasa loob."

"Opo."

Maingat kong inilapag ang bote sa pilak na tray kasama ang dalawang crystal glass at isang ice bucket.

Huminga muna ako nang malalim bago itinuwid ang aking uniporme.

Pagkatapos ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa ikalawang palapag ng club, kung saan matatagpuan ang mga eksklusibong VIP Rooms.

Wala akong kaalam-alam.

Na ang pagbukas ko sa pintuan ng VIP Room No. 3...

Ang tuluyang magbabago sa takbo ng buhay ko.

Marahan kong itinulak ang malaking pintong yari sa kahoy.

Click...

Agad na bumungad sa akin ang malamlam na ilaw ng pribadong silid.

Tahimik ang paligid.

Tanging mahinang tugtog lamang ang maririnig.

Ngunit ang higit na nakakuha ng aking pansin...

Ay ang lalaking nakaupo sa pinakagitna ng mamahaling leather sofa.

Nakatiklop ang isang paa nito habang walang emosyon ang mukhang nakatingin sa hawak nitong baso ng whiskey.

May dalawang napakagandang babae ang nakalingkis sa magkabilang braso niya.

Parehong nakatawa ang mga ito habang pilit na kinukuha ang kanyang atensyon.

Ngunit siya... nanatiling malamig. Walang ngiti sa labi at walang anumang interes sa paligid. Hindi ko alam kung bakit, pero sa sandaling makita ko siya... parang kusang napako ang mga mata ko sa kanya.

May kakaibang pakiramdam ang biglang dumaloy sa buong katawan ko. Para bang biglang bumigat ang hangin sa paligid. Hindi iyon takot. Hindi rin kaba. Isa lang iyong damdaming hindi ko maipaliwanag, ngunit hindi ko agad naalis ang tingin ko sa kanya.

Parang may kakaibang awrang bumabalot sa lalaking iyon.

At nang mag-angat siya ng tingin, diretsong nagtama ang aming mga mata. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. May kakaiba sa malamig niyang titig, walang emosyon, ngunit sapat para maramdaman kong tila nababasa niya ang bawat lihim na pilit kong itinatago.

Mabilis akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi ko kayang tumingin nang diretso sa kanya. Tahimik akong lumapit sa mesa at bahagyang yumuko bilang paggalang, pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Good evening, Sir... Good evening po, Ma'am."

Mahinahon kong bati.

Maingat kong inilapag ang pilak na tray sa ibabaw ng marmol na mesa.

Isa-isa kong inayos ang dalawang crystal glass.

Sunod kong inilapag ang ice bucket.

At sa pinakahuli...

Marahan kong ipinatong ang bote ng Louis XIII Cognac sa gitna ng mesa.

"Narito na po ang inyong inorder na Louis XIII Cognac."

"May iba pa po ba kayong kailangan?"

Mahina ngunit magalang kong tanong habang nananatiling nakayuko.

Ramdam ko na may mga matang nakatitig pa rin sa akin.

At kahit hindi ako tumitingin alam kong siya iyon.

Hindi pa man ako tuluyang makalayo.

Biglang nagsalita ang isa sa dalawang babaeng nakaupo sa tabi ng lalaki.

"Why don't you join us, baby?"

May mapang-akit itong ngiti habang dahan-dahang tumayo mula sa sofa.

Napaatras ako ng isang hakbang.

Ngunit bago pa ako tuluyang makaiwas...

Marahan nitong ipinatong ang kamay sa aking balikat.

Napasinghap ako.

Kanina pa ako nilalamig dahil sa malakas na aircon ng VIP Room.

Pero mas lalo akong nanlamig sa ginawa niya.

"Na... naku po..."

"H-Hindi po..."

Mautal-utal kong tugon habang bahagyang ikinukubli ang aking balikat at umiwas sa pagkakahawak niya.

Pakiramdam ko'y naninigas ang buo kong katawan.

Hindi ko alam kung bakit... pero gusto ko na lang makalabas agad ng silid na iyon.

Sa gilid ng paningin ko napansin kong bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaking nakaupo sa gitna.

Para bang naaaliw lamang siya sa nangyayari.

"Come on..." natatawang sambit naman ng isa pang babae.

"Promise... you'll have fun with us."

Mabilis akong umiling.

"H-Hindi po talaga..."

Akmang lalapit pa sa akin ang pangalawang babae.

Maya-maya'y magkasabay nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko.

Napasinghap ako sa gulat.

"Naku... Ma'am!"

"Wag po..."

"W-Waitress lang po ako!"

"H-Hindi po ako escort!"

Halos manginig ang boses ko habang pilit kong binabawi ang aking mga kamay.

Paunti-unti akong umatras patungo sa pintuan. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ayaw kong bastusin ang VIP na customer, pero ayaw ko ring manatili pa roon. May kung anong hindi maipaliwanag na pakiramdam ang nagtutulak sa akin na umalis.

"Pasensya na po..."

"Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho."

Mahina ngunit nanginginig kong pakiusap habang pilit kong kumakalas sa pagkakahawak nila.

At sa gitna ng takot ko.

Muli kong naramdaman ang malamig na titig ng lalaking kanina pa tahimik na nakamasid.

Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya kumikilos. Tahimik lamang siyang nakaupo habang ang malamig niyang mga mata ay walang anumang emosyon na nakamasid sa bawat kilos ko. Dahil doon, lalo akong nailang at hindi ko maiwasang kabahan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-SIX

    THIRD PERSON:Hinarap niya si Damian habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang mga palad sa kaniyang tagiliran, pilit pinatatatag ang sarili upang hindi mahalata ang panginginig ng kaniyang mga tuhod."Hinding hindi na ako babalik sa penthouse mo, Damian," mariin at walang pag-aalinlangang pahayag ni Sera habang diretso itong nakatitig sa madidilim na mga mata ng tycoon. "Tapos na ang kontrata natin. Nakuha ko na ang kailangan ko para sa kapatid ko, at nakuha mo na rin ang gusto mo mula sa akin. Kaya pakiusap, umalis ka na at huwag mo na kaming guluhin pa."Ngunit tila walang epekto kay Damian ang matigas niyang mga salita. Nanatili itong tahimik habang nakatitig sa kaniya, saka dahan-dahang humakbang palapit.Agad namang umatras si Sera at mahigpit na humawak sa gilid ng lamesa, na para bang iyon ang nagsisilbi niyang panangga sa pagitan nilang dalawa. Malinaw sa kaniyang kilos na ayaw na niyang muling magpadala sa pamilyar na init, presensya, at kapangyarihan ng lalaking minsan nang

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-FIVE

    THIRD PERSON:Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, tuluyan nang nawalan ng kontrol si Sera sa kaniyang emosyon. Ang bawat salitang binitawan ni Damian ay parang muling tumusok sa kaniyang puso, lalo na ngayong hindi na niya maitanggi sa sarili na mahal na niya ang tycoon. Ngunit heto na naman ito, parang wala pa ring pakialam sa kaniyang nararamdaman at handa na namang kunin at gamitin ang kaniyang katawan na para bang iyon lamang ang halaga niya.Sa tindi ng sakit at galit na matagal niyang kinikimkim, hindi na nakapagpigil pa si Sera. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang mabilis niyang iniangat ang isa at buong-lakas na sinampal si Damian sa pisngi.“G-Ganyan ka na ba talaga, Damian? G-Ganiyan na lang ba ka-kaliit ang tingin mo sa akin?!” nanginginig at halos hindi na maayos na mabigkas ni Sera ang kaniyang mga salita habang umiiyak.“La-Laruan na lang ba talaga ako para sa iyo? Ka-Kapag nagsawa ka na… pwede mo na lang akong itapon… ta-tapos pupulutin mo ulit kapag kailan

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-FOUR

    SERA'S POV:Nang mapansin ni Damian ang napasong daliri ko, nakita kong biglang naglaho ang malamig at matigas na ekspresyon sa kaniyang mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin nang walang anumang pag-aalinlangan.Kanina, sa sobrang gulat at kaba ko sa biglaang pagdating niya, halos nakalimutan ko na ang mainit na tray na dahilan ng pamumula ng balat ko. Ngunit habang papalapit siya sa akin, saka ko lamang muling naramdaman ang matinding hapdi ng pagkakapaso ng aking daliri. Parang sabay-sabay bumalik ang sakit at ang panginginig ng buo kong katawan.Bago ko pa man maitago ang kamay ko sa likod ko, naramdaman ko na ang malalaki at maiinit niyang palad na marahang humawak sa mga daliri ko. Maingat niya iyong iniangat upang tingnan ang namumulang balat dahil sa pagkapaso, at sa sandaling iyon ay parang biglang huminto ang paghinga ko."Napakalampa mo pa rin," mababa niyang bulong. Kahit malamig ang kaniyang boses, hindi ko maikakailang may bahid pa rin iyon ng pag-aalala.Napakunot-noo ak

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-THREE

    THIRD PERSON:Sa kabilang kalsada ay dahan-dahang huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan. Nakatago ito sa bahagyang lilim ng mga puno, ngunit mula sa loob ay kitang-kita ang maliit at payapang bahay na ngayon ay nagsisilbing bakery ni Sera, ang lugar na ilang araw ng gustong makita ni Damian.Mula sa madilim na tinted window ay tahimik na pinagmamasdan niya ang lugar.Ilang araw niyang ipinahanap si Seraphina, at nang sa wakas ay matunton ni David ang kinaroroonan ng dalaga, hindi napigilan ng tycoon ang sariling personal na puntahan ito. Ngunit sa halip na direktang lumapit, sinadya niyang iparada ang sasakyan sa bahaging sapat lamang upang malinaw niyang masilayan ang bahay ng dalaga nang hindi siya napapansin.Maliit lamang ang lugar, malayo sa marangyang mundong nakasanayan ni Damian, ngunit halatang maayos at puno ng buhay. Sa harap ng bahay ay may simpleng karatulang "Sera’s Bakery", at mula sa bukas na bintana ay umaalpas ang amoy ng bagong lutong tinapay.Ngunit bago pa

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-TWO

    THIRD PERSON: Sakto namang kakasalin pa lang ni Damian ng alak sa kaniyang baso nang dumating si Lauren. Bahagyang napangisi naman ang tycoon habang papalapit ito sa kanya na may manipis na galaw ng pangaakit. Sa loob ng isang buwan na wala si Sera sa penthouse, walang ibang ginawa si Lauren kundi subukang burahin si Sera sa kaniyang isip at ibalik ang pagnanasa nito sa kaniya, ngunit lalo lang ginugulo ni Sera ang kaniyang katinuan.Mas lalo lang siyang nananabik na maramdaman ulit ang lambot at init ng katawan ng dalaga. Walang imik parin na ipinagpatuloy lang ni Damian ang pag-inom ng alak dahil alam na niya ang susunod na gagawin ni Lauren. Isa-isang hinubad ni Lauren ang kaniyang mga damit. Pilit man niyang tanggapin ang init ni Lauren, tanging si Sera pa rin ang nasa kaniyang isipan at ang tanging nakakapagpabalik ng init sa kaniyang katawan. Hanggang sa nagsimula nang lumingkis si Lauren sa kaniya, ngunit wala pa ring reaksyon ang ang kanyang katawan. Dahil dito, inis ang muk

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-ONE

    THIRD PERSON:Tahimik lamang si Damian habang nakatayo sa harap ng napakalaking glass wall ng kaniyang opisina. Mula roon ay kitang-kita ang makukulay na ilaw ng lungsod at ang walang tigil na paggalaw ng mga sasakyan sa ibaba.Nakapaloob sa kaniyang bulsa ang isang kamay, habang ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa baso ng alak. Ngunit kahit ganoon, halatang malayo ang kaniyang isip.Ilang sandali siyang nanatiling walang imik bago marinig ang marahang pagbukas ng pinto."Sir Damian," maingat na tawag ni David habang papasok sa opisina. "Nandito na po ang kumpletong impormasyon tungkol kay Seraphina."Hindi agad sumagot si Damian. Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas ng siyudad.Lumapit si David at iniabot ang makapal na folder na naglalaman ng lahat ng detalye tungkol sa buhay ni Seraphina, ang kaniyang pamilya, mga naging trabaho, pinag-aralan, at maging ang ilang lumang rekord na pinahukay ni Damian.Ngunit sa halip na kunin agad iyon, marahan munang napabuntong-hininga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status