Share

CHAPTER TWO

last update publish date: 2026-06-21 21:19:08

SERA'S POV:

Pagkalabas ko ng panaderya, agad kong sinulyapan ang lumang relong nakasuot sa aking pulsuhan.

Saktong 10 am na.

Kailangan ko pang dumiretso sa susunod kong trabaho.

Napahigpit ang kapit ko sa maliit kong bag habang nagmamadaling naglakad sa bangketa.

Hindi ko puwedeng sayangin ang kahit isang minuto.

Isang araw na naman ng walang tigil na pagtakbo.

Isang araw na naman ng pakikipaglaban.

Pagdating ko sa pedestrian lane, eksakto namang nagbukas ang traffic light para sa mga tatawid.

Mabilis akong humakbang, halos habol ang hininga sa sobrang pagmamadali.

Hindi ko na halos alintana ang malamig na hanging humahaplos sa aking mukha.

Hinayaan kong tangayin nito ang mahaba kong buhok habang naglalakad ako.

Ang nasa isip ko lang ay ang susunod kong trabaho, ang ospital, at ang kapatid kong naghihintay sa akin. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon.

******

Isang itim na Rolls-Royce Phantom ang tahimik na nakahinto sa unahan ng pedestrian lane.

Sa loob nito ay nakaupo ang lalaking halos walang mabasang emosyon sa mukha.

Si Damian Alistair Del Rosario.

Apatnapu't dalawang taong gulang.

Isang bilyonaryong CEO na kinatatakutan ng maraming negosyante.

Nakasandal siya sa kaniyang upuan habang walang interes na pinagmamasdan ang mga taong nagmamadaling tumawid.

Abala ang lahat. Nagmamadali ang bawat isa, tila ba walang oras para huminto.

Hanggang sa...

May isang babae ang hindi sinasadyang nakakuha ng kanyang atensyon.

Hindi dahil sa kagandahan nito.

Hindi rin dahil sa pananamit.

Sa katunayan, simple lamang ang suot nitong kupas na blouse, maong na pantalon, at lumang sapatos na halatang ilang ulit nang natahi.

Ngunit habang hinahampas ng hangin ang mahaba nitong buhok.

May kakaiba sa kanyang anyo. Muli niyang inangat ang tingin at pinagmasdang mabuti ang dalaga.

Kapansin-pansin ang maputla nitong mukha, ang namumugtong mga mata na tila matagal nang umiiyak, at ang matinding pagod na kitang-kita sa bawat ekspresyon nito.

Para bang matagal na nitong pasan ang bigat ng mundong pilit niyang kinakaya nang mag-isa.

Kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding pagod, na tila pasan niya ang bigat ng buong mundo.

Tahimik lamang siyang pinagmasdan ni Damian. Wala siyang alam kung sino ang babaeng iyon, at wala rin siyang balak alamin.

Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, hindi niya agad naialis ang kanyang tingin. May kung anong pumukaw sa kanyang atensyon, dahilan upang manatili siyang tahimik na nakatingin sa dalaga.

Mistulang huminto ang lahat sa loob ng ilang segundo.

Ang babaeng iyon...

Habang mabilis na naglalakad at hinahampas ng hangin ang mahaba nitong buhok.

Ay tila may kung anong bigat na pilit nitong pinapasan mag-isa.

Hanggang sa..

Peeep!!! Peeep!!!

Sunod-sunod na busina ang umalingawngaw mula sa sasakyang nasa likuran niya.

Saka lamang tila nagising si Damian sa kanyang pagkakatitig.

Napakurap siya at bahagyang napailing, na para bang nagtataka kung bakit siya natigilan.

Marahan niyang ibinalik ang tingin sa unahan.

Berde na ang ilaw ng trapiko.

Tahimik niyang inapakan ang silinyador.

Unti-unting umandar ang itim niyang mamahaling sasakyan at tuluyang nilisan ang pedestrian lane.

Samantala, sa kabilang panig ng kalsada.

Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Sera.

Wala siyang kamalay-malay.

Na ilang segundo pa lamang ang nakalilipas.

May isang pares ng malamig na matang tahimik na pinagmasdan siya.

Hindi rin niya alam.

Na ang lalaking iyon ang magiging dahilan kung bakit tuluyang magbabago ang direksiyon ng kanyang buhay.

At ang simpleng pagtatagpong iyon.

Ang magiging simula ng isang tadhanang hindi nila kailanman inakalang haharapin.

*****

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Maya-maya pa, dumating na din si Manang Choleng sa penthouse. Kasama niya ang tatlong bodyguard ni Damian, na bawat isa ay may bitbit na malalaking paper bag at ilang kahon na puno ng mga bagong laruan para kay Liam.May mga laruang kotse, building blocks, board games, at iba pang laruan na siguradong magugustuhan ng bata. Halatang pinag-isipang mabuti ni Damian ang mga ipinabili niya para may mapaglilibangan si Liam habang nasa penthouse.Ngunit nang mapatingin siya sa sala at makita si Sera kasama si Liam, agad siyang napahinto.“Ay, Diyos ko po! Sera, nandito ka na!” masayang sambit niya.Mabilis niyang ibinaba ang ilan sa mga dala niya sa mesa bago nagmamadaling lumapit sa dalaga. Walang pag-aalinlangan niya itong niyakap nang mahigpit, halatang labis ang saya at pananabik na muling makita ang dalagaa.“Manang…” mahina ngunit masayang tawag ni Sera habang napapangiti sa yakap ng matanda.Nang tuluyan silang magkahiwalay, napatingin si Damian kay Manang Choleng at bah

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER SIXTY-ONE

    SERA'S POV:Pagpasok pa lamang namin sa penthouse, agad na napahinto si Liam sa tabi ko.Nanlaki ang kaniyang mga mata habang dahan-dahan niyang pinagmamasdan ang malawak na sala. Halos hindi niya alam kung saan unang titingin, sa malalaking bintanang tanaw ang mga gusali sa labas, sa eleganteng mga muwebles, o sa napakalaking espasyong para bang walang katapusan.Ilang segundo siyang hindi nagsalita.Nakatayo lamang siya roon, tahimik na namamangha, habang bahagyang nakabuka ang kaniyang bibig.“Wow…” mahina niyang sambit.Napangiti ako nang makita ko ang reaksiyon niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid at mapabuntong-hininga.Para sa batang tulad ni Liam, marahil ay parang panaginip ang lugar na ito.At sa totoo lang, para rin sa akin.Hindi ko kailanman inisip na makakapasok ako sa isang ganitong lugar. Noon, ang pangarap ko lang ay magkaroon kami ng maliit ngunit maayos na bahay, isang lugar na matatawag naming amin. Isang tahanan kung saan ligtas si Liam, kung saan makaka

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER SIXTY

    SERA'S POV:Habang inaayos namin ang aming mga saplot matapos ang aming matinding sandali, naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Damian sa aking pisngi. Maingat niyang inayos ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa mukha ko, saka ako hinalikan nang marahan sa noo.“I’m sorry,” mahinang sabi niya. Saglit siyang yumuko bago muling tumingin sa akin. Diko na .talaga makita ang dating malamig niyang mga mata. Ang tanging nakita ko ay isang lalaking nagsisisi at natatakot na tuluyan niya akong mawala. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang noo sa akin. “Patawarin mo ako, Sera.”“Naging hangal ako,. Pinilit kong takasan ang konsensiya ko sa halip na harapin ang mga pagkakamali ko. Akala ko, kapag lumayo ako sa’yo, magiging mas madali para sa ating dalawa.”Sandali siyang napapikit bago muling tumingin sa akin.“Pero isang buwan pa lang na wala ka, doon ko napagtanto kung gaano ako nagkamali. Lalo lang naging magulo ang lahat. Hindi kita nakalimutan kahit isang araw. Habang pilit kitan

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-NINE

    🚨⚠️ WARNING ALERT, MGA LOVES! ⚠️🚨O ayan na naman po tayo! 😂🙈SPG-RATED PO ANG KABANATANG ITO! 🔥😳 Kaya bago po kayo tumuloy, siguraduhin munang ready ang puso, utak, at kaluluwa. Char! 🤣Kung hindi po kayo comfortable sa ganitong klaseng eksena, okay lang pong mag-skip muna. Walang pilitan, walang sapilitan. Babalikan na lang kapag ready na. 😆❤️At sa mga magbabasa naman po... behave lang tayo ha! 👀😂 Huwag po masyadong kiligin nang malala at baka sisihin ninyo ako pagkatapos. 🤣Bawal din po ang away sa comments. Bati-bati lang tayo, mga loves! 🥹❤️Reader discretion is advised.Enjoy reading, pero alam ninyo na po ang warning. Hehe! 🙈🔥Love you all! ❤️😘SERA'S POV:"Kasama ba ito sa paghingi mo ng tawad... hmmm?" napapaungol kong tanong sa kaniya habang pilit kong inilalayo ang mukha sa mukha niya, at tuluyan na ngang nanghina ang buong katawan ko dahil sa marahan niyang pag haplos sa aking tiyan.Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya "Ohh' Damian!" Napahawak ako sa

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    Sera’s POV:Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya matapos kong marinig ang lahat ng kaniyang pag-amin. Parang biglang gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan ko, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung alin ba sa mga nararamdaman ko ang dapat kong pakinggan.Galit pa rin ako. Sobrang sakit pa rin ng lahat.Pero habang nakatingin ako sa kaniya, hindi ko rin maitatangging may bahagi ng puso ko na muling nangungulila sa presensya niya. Sa kabila ng lahat, may munting bahagi sa akin na gustong manatili siya sa tabi ko.Napapikit ako sandali at huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang magulong isip ko."Sera…" mahina niyang tawag habang mahigpit pa rin ang hawak niya s mga kamay ko. "Sumama ka sa akin. Hindi ko na kakakayanin kapag iniwan ko kay ni Liam dito."Mabilis akong napailing at marahang binawi ang aking mga kamay mula sa kaniya."Huwag mo akong madaliin, Damian," mahina ngunit nanginginig kong sagot. "Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin."Kitang-kita ko kung paa

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    DAMIAN'S POV:Mahigpit ko pa rin siyang yakap habang nanginginig ang kaniyang katawan sa aking mga bisig. Ramdam ko ang bawat hikbi niya, at sa bawat pag-iyak niya ay parang may matalim na bagay na paulit-ulit na tumutusok sa aking dibdib. Lalo kong nararamdaman kung gaano kabigat ang pangakong hindi ko tinupad.Ito na marahil ang tunay na sakit na matagal kong pilit tinatakasan, ang sakit na hindi kayang tapalan ng pera, kapangyarihan, o kahit anong mayroon ako. Wala akong magawa kundi yakapin ang babaeng unti-unting nadudurog dahil sa katotohanang ako mismo ang dahilan ng pinakamalaking sugat sa kaniyang buhay."I’m sorry…" paulit-ulit kong bulong habang marahan kong hinihimas ang kaniyang likod. "I’m so sorry, Seraphina… patawarin mo ako…"Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi iyon, ngunit kahit anong ulit ko ay pakiramdam ko’y kulang pa rin. Walang salitang sapat para pagaanin ang sakit na matagal na niyang dinadala.Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya habang pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status