Share

CHAPTER FOUR

Penulis: Lanny Rodriguez
last update Tanggal publikasi: 2026-06-21 22:03:49

Third Person:

Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Damian ang nangyayari.

Wala pa ring emosyon ang kanyang mukha.

Habang ang dalawang babaeng kasama niya ay pilit hinihila ang waitress palapit sa kanilang mesa, nananatili lamang siyang nakaupo, tila sinusukat ang bawat kilos ng dalaga.

Napansin niya ang nanginginig nitong mga kamay.

Ang namumutlang mukha.

At ang mga matang halos maiyak sa takot habang pilit kumakalas sa pagkakahawak ng dalawang babae.

"Naku... Ma'am..."

"W-Waitress lang po ako..."

"Hindi po ako escort..."

Halos hindi na magkadugtong ang mga salita ng dalaga.

Patuloy itong umatras habang pilit na binabawi ang mga kamay.

Biglang sumagi sa isip ni Damian ang eksenang nakita niya kaninang umaga.

Siya...

Siya ang babaeng nakita ko sa pedestrian lane.

Ang babaeng bakas ang matinding pagod sa mukha.

At ngayon...

Ganoon pa rin ang mga matang iyon.

Pagod ngunit puno ng determinasyon.

Nang akmang hihilahin muli ng isa sa mga babae ang waitress...

Dahan-dahang tumayo si Damian.

Agad na natahimik ang buong VIP Room.

"Enough!"

Iisang salita lamang.

Ngunit sapat na iyon upang bitawan ng dalawang babae ang mga kamay ng waitress.

Tahimik siyang lumapit sa dalaga. Mabagal ngunit mabigat ang bawat hakbang niya. Nang tuluyan siyang huminto sa harap nito, bahagyang nanginginig na nag-angat ng tingin ang dalaga. Muling nagtama ang kanilang mga mata, at tila saglit na natahimik ang buong paligid.

Mas lalo niyang napansin ang namumugtong mga mata nito at ang pagkaputla ng mukha.

Hindi ito mukhang takot lamang.

Mukha itong pagod na pagod sa buhay.

Tahimik na inilabas ni Damian ang makapal niyang wallet.

Kumuha siya ng ilang pirasong perang papel.

Hindi siya nagsalita kaagad.

Marahan niyang inilagay ang pera sa bulsa ng blouse ng dalaga.

"This is your tip."

Maikli at malamig ang kanyang sinabi. Wala man lang pagbabago sa kanyang ekspresyon o kahit kaunting emosyon sa kanyang boses.

Saglit niyang sinulyapan ang dalawang babaeng kasama bago muling ibinalik ang tingin sa waitress.

"Sayang."

"Mas malaki pa sana ang maibibigay ko kung pumayag kang samahan kami."

"Pero malinaw namang ayaw mo."

Bahagya siyang tumango patungo sa pintuan.

"You can go."

Hindi na siya nagsalita pa.

Samantala...

Hindi agad nakagalaw si Sera.

Napatingin muna siya sa perang nakasuksok sa kanyang blouse, saka dahan-dahang ibinalik ang kanyang tingin sa lalaking nasa kanyang harapan. Halata sa kanyang mukha ang gulat at pagkalito.

Hindi niya maunawaan kung bakit.

Sa kabila ng malamig nitong aura...

Hindi niya nakita ang pagnanasa o pamimilit sa mga mata nito.

Sa halip...

Isang lalaking imposibleng basahin ang nasa kanyang harapan.

Mabilis siyang yumuko bilang paggalang.

"T-Thank you... Sir."

Mahina at nanginginig pa rin ang kanyang boses.

Mahigpit niyang hinawakan ang perang ibinigay nito.

Hindi dahil sa laki ng halaga...

Kundi dahil sa isip niya, maaaring makatulong iyon sa pambili ng gamot ng kanyang kapatid.

Pagkatapos ay dali-dali siyang lumabas ng VIP Room.

Hindi na siya lumingon at tuluyan nang umalis. Ngunit hindi niya alam na habang papalayo siya, tahimik pa ring nakatingin si Damian sa nakasarang pinto. Hindi pa rin nito inaalis ang kanyang tingin, na para bang may malalim itong iniisip.

Muling bumalik sa dati ang ingay sa loob ng VIP Room.

Humalakhak ang dalawang babaeng kasama ni Damian at muling naupo sa magkabilang tabi niya.

"Babe..."

Mahina ang bulong ni Lauren habang marahang humahawak sa kanyang braso.

Lumapit si Lauren at marahang hinalikan siya sa labi. Ngunit gaya ng dati, nanatiling walang anumang reaksyon si Damian. Hindi siya gumanti sa halik, at ni isang ngiti ay hindi man lang sumilay sa kanyang mga labi. Nanatili lamang siyang tahimik, malamig, at walang mabasang emosyon sa kanyang mukha.

Napabuntong-hininga na lang ang dalaga.

"Ilang taon na kitang kasama..."

"Hindi ko pa rin mabasa kung ano talaga ang nasa isip mo."

Tahimik lamang si Damian.

Muli niyang iniangat ang hawak na crystal glass.

Ngunit bago pa man niya ito maihatid sa kanyang mga labi...

Isang mukha na naman ang kusang sumagi sa kanyang isipan.

"What's wrong?" nakangiting tanong ulit ni Lauren habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Hindi sumagot si Damian.

Tahimik lamang niyang ininom ang laman ng kanyang baso.

Maya-maya'y muling sumagi sa kanyang isipan ang mukha ng babaeng waitress.

******

SEREA'S POV:

Halos nanghihina ang mga tuhod ko nang makalabas ako ng VIP Room.

Hindi ko namalayang mabilis na pala ang tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko'y saka lang bumalik ang paghinga ko nang tuluyan nang sumara ang pinto sa likuran ko.

Mabilis akong nagtungo sa comfort room ng mga staff.

Pagkapasok na pagkapasok ko...

Agad akong napasandal sa lababo.

"Diyos ko..."

"Naubos ang lakas ko roon..."

Mahina kong sambit habang nanginginig pa ang aking panga.

Napatingin ako sa sarili ko sa malaking salamin.

Maputla ang mukha ko.

Halos wala na ring kulay ang mga labi ko.

Hindi ko pa rin makalimutan ang malamig na titig ng lalaking iyon.

Pero sa isang salita lang niya na 'Enough'

Tumigil ang dalawang iyon.

Parang hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang malamig niyang boses.

Napailing ako.

"Ano ba naman 'yan, Sera..."

Mahina kong bulong sa sarili.

Maya-maya'y bigla kong naalala ang perang ipinasok niya sa bulsa ng blouse ko.

Mabilis kong kinapa ang aking bulsa.

Nandoon pa rin.

Dahan-dahan ko iyong inilabas.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang isa-isang binubuklat ang mga perang papel.

"Isa..."

"Dalawa..."

"Tatlo..."

"Apat..."

"Lima..."

Natigilan ako.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Five..."

"Five thousand...?!"

Napasinghap ako.

Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat kaya mabilis kong tinakpan ang sarili kong bibig.

"Diyos ko..."

"P-P... limang libo?"

Paulit-ulit kong tiningnan ang perang hawak ko, baka sakaling mali lang ang bilang ko.

Pero hindi.

Limang libong piso nga.

Sa buong buhay ko...

Ngayon lang ako nakahawak ng ganoong kalaking tip.

Ang limang libong ito... sapat na para sa ilang araw na gamot ni Liam. Sapat din para sa ilan niyang laboratory tests at pagkain naming magkapatid sa loob ng ilang araw.

Unti-unting nanubig ang mga mata ko. Hindi dahil sa saya... kundi dahil sa kaunting pag-asa na matagal ko nang hinihintay.

Kundi dahil sa matinding ginhawang matagal ko nang hindi nararamdaman.

Mahigpit kong niyakap ang perang hawak ko at napapikit.

"Salamat po..."

Mahina kong bulong.

"Hindi ko man kilala ang lalaking iyon..."

"Pero malaking tulong po ito sa amin."

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumakas sa aking mga mata.

Hindi ito ang oras para umiyak.

Kailangan kong bumalik sa trabaho.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-SIX

    THIRD PERSON:Hinarap niya si Damian habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang mga palad sa kaniyang tagiliran, pilit pinatatatag ang sarili upang hindi mahalata ang panginginig ng kaniyang mga tuhod."Hinding hindi na ako babalik sa penthouse mo, Damian," mariin at walang pag-aalinlangang pahayag ni Sera habang diretso itong nakatitig sa madidilim na mga mata ng tycoon. "Tapos na ang kontrata natin. Nakuha ko na ang kailangan ko para sa kapatid ko, at nakuha mo na rin ang gusto mo mula sa akin. Kaya pakiusap, umalis ka na at huwag mo na kaming guluhin pa."Ngunit tila walang epekto kay Damian ang matigas niyang mga salita. Nanatili itong tahimik habang nakatitig sa kaniya, saka dahan-dahang humakbang palapit.Agad namang umatras si Sera at mahigpit na humawak sa gilid ng lamesa, na para bang iyon ang nagsisilbi niyang panangga sa pagitan nilang dalawa. Malinaw sa kaniyang kilos na ayaw na niyang muling magpadala sa pamilyar na init, presensya, at kapangyarihan ng lalaking minsan nang

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-FIVE

    THIRD PERSON:Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, tuluyan nang nawalan ng kontrol si Sera sa kaniyang emosyon. Ang bawat salitang binitawan ni Damian ay parang muling tumusok sa kaniyang puso, lalo na ngayong hindi na niya maitanggi sa sarili na mahal na niya ang tycoon. Ngunit heto na naman ito, parang wala pa ring pakialam sa kaniyang nararamdaman at handa na namang kunin at gamitin ang kaniyang katawan na para bang iyon lamang ang halaga niya.Sa tindi ng sakit at galit na matagal niyang kinikimkim, hindi na nakapagpigil pa si Sera. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang mabilis niyang iniangat ang isa at buong-lakas na sinampal si Damian sa pisngi.“G-Ganyan ka na ba talaga, Damian? G-Ganiyan na lang ba ka-kaliit ang tingin mo sa akin?!” nanginginig at halos hindi na maayos na mabigkas ni Sera ang kaniyang mga salita habang umiiyak.“La-Laruan na lang ba talaga ako para sa iyo? Ka-Kapag nagsawa ka na… pwede mo na lang akong itapon… ta-tapos pupulutin mo ulit kapag kailan

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-FOUR

    SERA'S POV:Nang mapansin ni Damian ang napasong daliri ko, nakita kong biglang naglaho ang malamig at matigas na ekspresyon sa kaniyang mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin nang walang anumang pag-aalinlangan.Kanina, sa sobrang gulat at kaba ko sa biglaang pagdating niya, halos nakalimutan ko na ang mainit na tray na dahilan ng pamumula ng balat ko. Ngunit habang papalapit siya sa akin, saka ko lamang muling naramdaman ang matinding hapdi ng pagkakapaso ng aking daliri. Parang sabay-sabay bumalik ang sakit at ang panginginig ng buo kong katawan.Bago ko pa man maitago ang kamay ko sa likod ko, naramdaman ko na ang malalaki at maiinit niyang palad na marahang humawak sa mga daliri ko. Maingat niya iyong iniangat upang tingnan ang namumulang balat dahil sa pagkapaso, at sa sandaling iyon ay parang biglang huminto ang paghinga ko."Napakalampa mo pa rin," mababa niyang bulong. Kahit malamig ang kaniyang boses, hindi ko maikakailang may bahid pa rin iyon ng pag-aalala.Napakunot-noo ak

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-THREE

    THIRD PERSON:Sa kabilang kalsada ay dahan-dahang huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan. Nakatago ito sa bahagyang lilim ng mga puno, ngunit mula sa loob ay kitang-kita ang maliit at payapang bahay na ngayon ay nagsisilbing bakery ni Sera, ang lugar na ilang araw ng gustong makita ni Damian.Mula sa madilim na tinted window ay tahimik na pinagmamasdan niya ang lugar.Ilang araw niyang ipinahanap si Seraphina, at nang sa wakas ay matunton ni David ang kinaroroonan ng dalaga, hindi napigilan ng tycoon ang sariling personal na puntahan ito. Ngunit sa halip na direktang lumapit, sinadya niyang iparada ang sasakyan sa bahaging sapat lamang upang malinaw niyang masilayan ang bahay ng dalaga nang hindi siya napapansin.Maliit lamang ang lugar, malayo sa marangyang mundong nakasanayan ni Damian, ngunit halatang maayos at puno ng buhay. Sa harap ng bahay ay may simpleng karatulang "Sera’s Bakery", at mula sa bukas na bintana ay umaalpas ang amoy ng bagong lutong tinapay.Ngunit bago pa

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-TWO

    THIRD PERSON: Sakto namang kakasalin pa lang ni Damian ng alak sa kaniyang baso nang dumating si Lauren. Bahagyang napangisi naman ang tycoon habang papalapit ito sa kanya na may manipis na galaw ng pangaakit. Sa loob ng isang buwan na wala si Sera sa penthouse, walang ibang ginawa si Lauren kundi subukang burahin si Sera sa kaniyang isip at ibalik ang pagnanasa nito sa kaniya, ngunit lalo lang ginugulo ni Sera ang kaniyang katinuan.Mas lalo lang siyang nananabik na maramdaman ulit ang lambot at init ng katawan ng dalaga. Walang imik parin na ipinagpatuloy lang ni Damian ang pag-inom ng alak dahil alam na niya ang susunod na gagawin ni Lauren. Isa-isang hinubad ni Lauren ang kaniyang mga damit. Pilit man niyang tanggapin ang init ni Lauren, tanging si Sera pa rin ang nasa kaniyang isipan at ang tanging nakakapagpabalik ng init sa kaniyang katawan. Hanggang sa nagsimula nang lumingkis si Lauren sa kaniya, ngunit wala pa ring reaksyon ang ang kanyang katawan. Dahil dito, inis ang muk

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER FIFTY-ONE

    THIRD PERSON:Tahimik lamang si Damian habang nakatayo sa harap ng napakalaking glass wall ng kaniyang opisina. Mula roon ay kitang-kita ang makukulay na ilaw ng lungsod at ang walang tigil na paggalaw ng mga sasakyan sa ibaba.Nakapaloob sa kaniyang bulsa ang isang kamay, habang ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa baso ng alak. Ngunit kahit ganoon, halatang malayo ang kaniyang isip.Ilang sandali siyang nanatiling walang imik bago marinig ang marahang pagbukas ng pinto."Sir Damian," maingat na tawag ni David habang papasok sa opisina. "Nandito na po ang kumpletong impormasyon tungkol kay Seraphina."Hindi agad sumagot si Damian. Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas ng siyudad.Lumapit si David at iniabot ang makapal na folder na naglalaman ng lahat ng detalye tungkol sa buhay ni Seraphina, ang kaniyang pamilya, mga naging trabaho, pinag-aralan, at maging ang ilang lumang rekord na pinahukay ni Damian.Ngunit sa halip na kunin agad iyon, marahan munang napabuntong-hininga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status