Share

CHAPTER TWELVE

last update publish date: 2026-06-26 11:48:30

DAMIAN POV:

Humithit ako sa hawak kong tabako at marahang ibinuga ang usok sa madilim na sulok ng VIP Room No. 3. Kalmado akong nakasandal sa couch, ngunit ang totoo ay may bahagi sa akin ang naghihintay. Alam ko. Alam kong babalik siya. Ang desperasyon sa mga mata ng dalagang iyon noong nakaraang gabi ay sapat nang palatandaan na wala siyang ibang matatakbuhan kundi ako.

Nang marinig ko ang marahang pagpihit ng hawakan ng pinto, isang tipid at mapang-angking ngisi ang agad na gumuhit sa aking
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TWELVE

    DAMIAN POV:Humithit ako sa hawak kong tabako at marahang ibinuga ang usok sa madilim na sulok ng VIP Room No. 3. Kalmado akong nakasandal sa couch, ngunit ang totoo ay may bahagi sa akin ang naghihintay. Alam ko. Alam kong babalik siya. Ang desperasyon sa mga mata ng dalagang iyon noong nakaraang gabi ay sapat nang palatandaan na wala siyang ibang matatakbuhan kundi ako.Nang marinig ko ang marahang pagpihit ng hawakan ng pinto, isang tipid at mapang-angking ngisi ang agad na gumuhit sa aking mga labi.Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaniyang pigura. Dahan-dahan kong hinagod ng tingin ang buo niyang katawan mula ulo hanggang paa. Imbes na ang uniporme bilang waitres na suot niya noon, ngayon ay nakasuot siya ng maikling palda na halos maglantad sa kaniyang mapuputing hita, at isang hapit na sando na halos iluwa na ang malulusog at perpekto niyang dibdib.Ang kaniyang presensya sa ganoong ayos ay agad na nagpukaw sa aking sistema, isang matinding init ang gumapang sa aking kataw

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER ELEVEN

    THIRD PERSON:Pagkasara na pagkasara ng pinto, tila doon lang nakahinga nang maluwag si Sera, ngunit kasabay niyon ang biglaang pagbuhos ng kaniyang mga luha.Halos magkandarapa siya sa paglakad sa pasilyo, malabo ang paningin dahil sa iyak, habang ang kaniyang buong katawan ay hindi pa rin tumitigil sa panginginig. Ang tanging nasa isip niya lang sa mga sandaling iyon ay ang makalayo at mahanap ang kaniyang kaibigan."Alex..." pabulong at gumaralgal na tawag niya, habang patingin-tingin sa bawat sulok ng silid-pahingahan ng mga empleyado.Nang sa wakas ay makita niya si Alex na nag-aayos ng mga baso sa gilid ng counter, hindi na nag-atubili ang dalaga. Mabilis siyang lumapit at walang salitang isinubsob ang mukha sa balikat nito, sabay yakap nang napakahigpit.Labis na nagulat si Alex sa biglaang pagsunggab ng kaibigan. Naramdaman niya agad ang panginginig ng mga balikat ni Sera at ang basang tela sa kaniyang uniporme dahil sa walang tigil na pagluha nito. Akma sana siyang magtatan

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TEN

    THIRD PERSON:Nagitla nang ilang saglit si Sera at napako ang tingin sa lalaki. Titig na titig siya sa mukha nito, naghahanap ng kahit anong senyales ng biro, ngunit tanging ang seryosong ekspresyon at malamig nitong awra ang sumalubong sa kaniya. Walang duda, totoo ang alok nito.Sa sandaling iyon, biglang sumikip ang dibdib ni Sera nang pumasok sa kaniyang isip ang malaking halagang kailangan niya para sa gamot at pagpapagamot ng kaniyang may-sakit na kapatid. Naghahabol sila sa oras, at kahit saan siya lumingon, wala siyang makitang ibang matatakbuhan.Gulo-gulo na ang kaniyang utak, at sa tindi ng desperasyon, wala na talaga siyang iba pang maisip na paraan. Napalunok siya nang malalim habang nag-aaway ang kaniyang puso at isip. At bago pa man niya mapigilan ang sarili, ang mga salitang iyon na ang tuluyang lumabas sa kaniyang bibig, ang mga salitang alam niyang tuluyang magpapababa sa kaniyang pagkatao."Kapag sinabi ko po ba kung magkano... kaya niyo ho bang ibigay iyon sa akin

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER NINE

    SERA POV:Muli na namang napalibutan ng magulong ilaw, nakabibinging tugtog, at ingay ng mga taong walang tigil sa pagsasayaw at pagsasaya. Habang ang buong club ay buhay na buhay sa sigawan, tawanan, at alak, ako naman ay tahimik na naglalakad sa pagitan ng mga mesa, bitbit ang mga order ng mga customer at pilit na kinakalimutan ang pagod na unti-unti nang bumibigat sa aking katawan."Excuse me po," magalang kong sabi habang marahan kong inilalapag ang tray ng mga inumin sa harap ng mga customer. Nagawa ko pang ngumiti sa kanila, kahit pilit lamang iyon.Ngunit ang totoo...Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na ang katawan ko.Huminga ako nang malalim at muling binuhat ang tray na may lamang mga bote ng alak. Pilit kong inihakbang ang aking mga paa.Isa...Dalawa...Tatlo...Ngunit pagsapit pa lamang ng ikatlong hakbang, bigla akong inatake ng matinding pagkahilo.Nanlabo ang aking paningin.Tila umikot ang buong paligid, at ang malalakas na tugtog na kanina'y malinaw kong narir

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER EIGHT

    THIRD PERSON:Makalipas ang ilang sandali, marahang gumalaw ang mga daliri ni Liam at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata habang mahina at paos niyang tinawag,“A... Ate,” dahilan upang agad na mapalingon si Sera at mabilis na lumapit sa kama upang marahang hawakan ang malamig nitong kamay.“Nandito lang si Ate.”Bahagyang ngumiti si Liam ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mga mata habang matagal siyang nakatingin sa mukha ng kanyang ate, na para bang may gusto siyang sabihin ngunit natatakot siyang bigkasin, kaya mahina niyang sinabi,“Ate...” at nang sumagot si Sera ng“Mmm?” ay agad niyang idinugtong,“Pa-sensya ka na,” nanghihinang sabi ni Liam na ikinatigilan naman ni Sera.“Ha?”"Pasensya ka na ate..." mahina niyang sambit, puno ng pagsisisi. "Dahil sa akin... palagi kang pagod. Dahil sa akin... wala ka nang pahinga. Dahil sa akin..." Naputol ang kanyang mga salita habang pilit niyang nilulunok ang sakit at konsensya na matagal na niyang kinikimkim."Palagi

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER SEVEN

    THIRD PERSON:Makalipas ang halos isang oras na paghihintay, sa wakas ay bumukas ang pintuan ng Emergency Room. Agad na napatayo sina Sera at Alex. Pakiramdam ni Sera ay anumang oras ay titigil ang pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba. Hindi niya namalayang mahigpit na pala niyang nahahawakan ang manggas ng kanyang kaibigan habang nakatitig sa pintuan.Nang makita niya si Dr. Gabriel Mendoza na papalapit sa kanila, lalo lamang bumigat ang kanyang dibdib. Matagal na niyang kilala ang doktor dahil ito na ang gumagamot kay Liam sa loob ng maraming taon. At sa tuwing nakikita niya ang ganoong kaseryosong ekspresyon sa mukha nito, alam niyang hindi maganda ang balitang dala nito."Doc..."Basag ang boses niyang tawag."Kumusta po ang kapatid ko?"Napabuntong-hininga muna si Dr. Gabriel bago ito nagsalita."Na-stabilize na namin siya."Parang saglit na bumalik ang hangin sa dibdib ni Sera. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakahinga nang maluwag ay muli nang nagsalita ang doktor."Per

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status