LOGIN“Ms. Reyes,” tawag ni Drake nang dumating ako sa office niya.
Kalma ako sa labas, pero nag-aalburuto ang loob. “Yes, sir?” “You have an answer for me?” Tahimik ako. Lumapit siya sa mesa, nakatingin sa akin—hindi bilang boss, kundi parang lalaking nag-aalok ng simula. “I’ll do it,” mahina kong sabi. “Marry you.” Halos hindi siya gumalaw sa loob ng ilang segundo, then… a rare smile escaped his lips. “Good. I’ll handle everything.” “Wait—don’t I get to decide anything?” “You just did,” sagot niya, matter-of-factly. “You said yes.” “Sir, at least explain why it had to be me.” He looked at me, eyes dark but soft. “Because you calm me down, Cynthia. And that’s something money can’t buy.” Napalunok ako. Bigla kong naramdaman ‘yung tibok ng puso ko—mabilis, hindi dahil sa takot, kundi dahil alam kong may kakaibang pader sa pagitan naming dalawa na unti-unting nagkakabitak. Nasa elevator kami pareho, tahimik. Ako, nakayuko, hawak ang bag. Siya, nakasandal sa pader, nakatingin lang sa kisame. “Do you regret it already?” tanong niya bigla. “Regret what?” “Saying yes.” Ngumiti ako nang pilit. “Hindi pa nga nag-uumpisa, gusto mo na agad tapusin?” Umiling siya, may halong tawa. “You’re brave.” “I’m practical.” “Same thing,” sabi niya, sabay sulyap sa akin. “That’s what I like about you.” At doon, parang may dumaan na kuryente sa pagitan namin. Hindi ‘yung bastos na spark—kundi ‘yung unspoken connection na parang sinasabi, this is where everything starts. Paglabas ko ng elevator, naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko alam kung kaba o saya. Pero isang bagay ang sigurado— sa halip na isang business deal, parang isang kwento ng panganib at pag-ibig ang pinasok ko. At sa malayong dulo ng hallway, si Drake… nakatingin pa rin sa akin, parang alam niyang ang “Yes” ko ay hindi lang taktika—kundi simula ng gulo sa puso naming dalawa. Tatlong araw matapos kong sabihin ang “yes,” pakiramdam ko parang bumaliktad ang mundo ko. Hindi pa man kami kasal, ramdam ko na agad ‘yung bigat ng desisyon — ‘yung bawat tingin ng mga tao sa opisina, ‘yung mga bulungan na akala nila hindi ko naririnig. “Uy, si Ms. Reyes raw, engaged na kay Sir Drake…” “Totohanan ba ‘yun? Grabe, jackpot!” “Baka naman arrangement lang…” Nakakatawa, pero mas nakakasakal. Kasi totoo—arrangement lang nga, hindi ba? Pero bakit, sa tuwing tinitingnan ko si Drake habang kausap ang mga tao sa meeting, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka composed, kung paano siya tumingin sa akin sa gitna ng boardroom—hindi bilang boss, kundi bilang lalaking nagplano ng future naming dalawa. At doon ako natatakot. Hindi sa kung ano ang sasabihin ng iba. Kundi sa kung ano ang sinasabi ng puso ko. Biyernes ng gabi. Nasa penthouse kami ni Drake — ako, siya, at isang long table na puno ng candlelight at mga pagkaing mukhang hindi ko kayang bayaran kahit tatlong buwang sahod. “Why are we doing this?” tanong ko, habang tinitingnan ang steak sa plato ko. “Because,” sagot niya, habang nilalagay ang wine sa baso ko, “we should get used to pretending we’re in love.” Napataas ang kilay ko. “Pretending, huh?” “Yes. Public image matters. We need chemistry. Connection. Convincing intimacy.” “Convincing intimacy?” Ngumisi siya, mabagal. “Don’t worry, Cynthia. Hindi kita pipilitin sa anything physical. Pero gusto kong maramdaman mo na safe ka sa akin.” “I’m your assistant, not an actress.” “At ngayon,” sagot niya, nakatitig sa akin, “you’re about to be my wife. I think it’s time to learn the role.” Hindi ko alam kung anong uunahin — mainis o kiligin. Kasi ‘yung tono niya, halong utos at lambing. Parang alam niya kung paano sirain ‘yung pader na itinayo ko buong buhay ko. Habang kumakain kami, naging mas kalmado ang atmosphere. For the first time, nakita ko si Drake hindi bilang CEO, kundi bilang tao. “Tell me something real,” sabi niya, habang umiikot ang baso ng alak sa kamay niya. “Real?” “Yeah. Something about you na hindi mo sinasabi sa iba.” Napaisip ako. “Hmm… Takot ako sa elevator.” Ngumisi siya. “Really? You take the elevator every day.” “Yeah, pero hindi ibig sabihin nun, gusto ko ‘yon. Every time na umaangat, feeling ko babagsak kami.” Tumawa siya nang mahina — isang tawang bihira kong marinig. “Then I guess I’ll make sure you’ll never fall.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung biro ‘yon o pangako. Pero ‘yung tono ng boses niya — kalmado, pero may lambing na parang yakap. Matapos ang hapunan, inalok niya akong maglakad sa balcony ng penthouse. Tahimik lang kami habang pinapanood ang city lights. “Do you miss your old life?” tanong niya bigla. Napatingin ako sa mga ilaw ng Maynila. “Every day,” sagot ko. “Pero minsan, naiisip ko… baka ‘yung mga simpleng bagay, hindi talaga para sa mga taong katulad natin.” “Katulad natin?” tanong niya, halatang interesado. “Yung mga taong masyadong nagtiis, masyadong natutong magtago.” Tahimik siya saglit, tapos bumulong, “You’re right.” “I know that look,” dagdag ko. “You pretend to have it all, pero pag mag-isa ka, tahimik ‘yung kaluluwa mo.” Lumapit siya. Hindi mabilis, pero dahan-dahan — ‘yung parang sinasadya niya bawat hakbang. “Cynthia,” bulong niya, halos ramdam ko na ‘yung hininga niya sa balikat ko, “You see too much.” “Maybe because no one else does,” sagot ko, hindi iniiwas ang tingin. At doon, tumigil ang oras. Hindi kami nag-usap. Hindi rin kami nagtabi. Pero sa pagitan ng katahimikan, may mga salitang hindi kailangan bigkasin. Pagdating ko sa opisina kinabukasan, halatang iba na ang ihip ng hangin. Lahat ng mata nasa akin. May mga pilit na ngiti, may mga nagkukunwaring supportive. Pero nang dumating si Drake, diretso siya sa mesa ko, binati ako sa harap ng lahat. “Good morning, fiancée.” Para akong binagsakan ng yelo. Lahat ng tao napatingin, parang eksenang kinuha sa teleserye. May nag-tilian pa sa background, pero ako? Gusto kong lumubog. “Sir…” bulong ko. Ngumisi lang siya. “What? I’m just practicing.” Pagpasok niya sa office, narinig ko pa ‘yung mga bulungan ng mga empleyado. Pero ‘yung tibok ng puso ko, mas malakas pa sa ingay nila. Alas-diyes na ng gabi. Nasa bahay na ako, nag-aayos ng mga papeles ni Liza, nang biglang tumunog ang phone ko. Drake. “Sir?” “Come outside,” sabi niya. “Ha? Sir, gabi na—” “Outside, Cynthia.” Napilitan akong lumabas. Pagbukas ko ng pinto, nandoon siya — nakasandal sa kotse, puting polo, walang guard, walang driver. “Sir, anong ginagawa mo rito?” “I couldn’t sleep,” sagot niya. “I kept thinking if you’re okay.” “Okay ako. You don’t have to—” “I want to,” putol niya. “I know this arrangement is sudden. Pero gusto kong maramdaman mo na totoo ang respeto ko sa’yo. Hindi kita pinag o paglalaruan.” Napatitig ako. ‘Yung sincerity sa mukha niya, halatang hindi sanay, pero totoo. Hindi ito galing sa businessman. Galing ito sa lalaking may sugat na pilit tinatago. “Drake…” mahina kong sabi. “Hmm?” “Yung totoo,sigurado ka ba talaga? Bakit ako?” Tahimik siya, tapos tinapik ang dibdib niya. “Because for the first time, my heart stopped when you walked away that day after saying yes.” Hindi ko alam kung paano ako huminga. Para akong nilunod ng hangin. At nang ngumiti siya — ‘yung unang tunay na ngiti ko nakita sa kanya — parang biglang naging tahimik ang gabi. “Cynthia,” tawag niya habang papasok na ako sa bahay. “Hmm?” “Don’t overthink this… but you look beautiful tonight.” Napatingin ako sa kanya. “Drake…” “Yeah?” “Please don’t make it harder than it already is.” Ngumiti siya, ‘yung tipid na ngiting may halong lungkot. “I’ll try. But no promises.” At bago siya umalis, dahan-dahan siyang yumuko—hindi para halikan ako, pero para magdampi lang ang noo niya sa noo ko. Isang sandaling tumigil ang mundo. Hindi kami nag-usap. Pero pareho naming alam — nagsimula na ‘yung bagay na hindi dapat. Kinabukasan, habang pinagmamasdan ko si Liza na natutulog, hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng kasal ang papasukin ko. Strategic, sabi niya. Safe, sabi ko. Pero sa bawat tinitig ng mga mata ni Drake De La Joya, pakiramdam ko, hindi ko na kayang ipaniwala sa sarili kong pekeng kasal lang ito. Dahil unti-unti, hindi ko na alam kung sino ang niloloko ko—ang mundo, siya, o ako mismo.“Kung totoo ang hawak mo, ilabas mo na ngayon...dahil kapag sumikat ang araw, hindi na kita mapoprotektahan.”Boses ni Drake ’yon.Mahina, kontrolado, pero punô ng babala—parang kutsilyong hindi itinaas, pero ramdam mong nakatutok na sa leeg mo.Nakatayo ako sa gitna ng library ng villa ni Betina, napapalibutan ng matataas na estanteryang punô ng librong hindi ko alam kung binasa ba talaga o ginamit lang bilang dekorasyon ng kapangyarihan. Mabigat ang hangin. Parang bawat pahina ng librong iyon ay may alam na sikreto—at pinipiling manahimik.Hawak ko ang folder. Makapal. Dilaw ang gilid ng mga papel, parang matagal nang inilibing at saka lang muling hinukay. Pakiramdam ko, mas mabigat pa ito kaysa sa buong katawan ko. Mas mabigat pa kaysa sa mga taon ng pananahimik, pag-iwas, at pagpapanggap na hindi ko naririnig ang mga bulong ng nakaraan.Hindi ko siya tinitingnan.Kapag tumingin ako, baka magbago ang loob ko.Baka makita ko ang Drake na minsang na
“Sumunod ka kung gusto mong malaman kung sino talaga ang pumatay sa nanay mo.”Tumigil ang mundo ko sa linyang ’yon.Hindi ako nagsalita. Hindi ako huminga nang maayos. Nakatingin lang ako sa likod ng lalaking nakasuot ng itim na jacket habang tinatahak niya ang madilim na eskinita sa likod ng lumang gusali sa Ortigas—isang lugar na hindi ko man lang alam na umiiral hanggang ngayong gabi. Ang mga ilaw ng siyudad ay tila nilulunok ng dilim; ang mga tunog ng trapiko ay unti-unting nawawala habang palayo kami sa kalsada, papasok sa isang espasyong parang sinadyang kalimutan ng mundo.“Kung may bitbit kang recorder,” dagdag niya, hindi lumilingon, “patayin mo muna. Kung ayaw mong mamatay nang mas maaga.”Napahigpit ang kapit ko sa bag ko. Ramdam ko ang malamig na pawis sa likod ng leeg ko, ang tibok ng puso kong parang gustong kumawala sa dibdib ko. Journalist ako. Sanay ako sa banta. Sanay ako sa panganib. Pero iba ang takot kapag personal na ang nakataya—kapag pangalan
“Kung sa’kin mo gustong maglaro, Mirielle, siguraduhin mong handa ka sa wakas.”Tahimik ang kabilang linya. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Ramdam ko ang paghinga niya...hindi sa tenga, kundi sa dibdib ko. Parang sinasadya niyang patagalin, parang sinasabi niyang hawak pa rin niya ang ritmo ng mundo ko. Na kahit ako ang tumawag, siya pa rin ang nagdidikta kung kailan ako kakabahan.“Ang tapang ng boses mo,” sagot niya sa wakas, mabagal, parang lason na dinidilaan bago lunukin. “Pero tandaan mo, Liza...ang tapang, mabilis mapagod.”Hindi ko siya sinagot. Hindi dahil wala akong masasabi. Kundi dahil may mga laban na hindi nananalo sa palitan ng salita. Pinatay ko ang tawag. Hindi dahil duwag ako. Kundi dahil may mas mahalagang gagawin kaysa makinig sa boses ng demonyo na matagal nang nakatira sa anino ng mga desisyon namin.Tumayo ako sa gitna ng maliit na sala, ang ilaw dilaw, ang hangin mabigat. Sa mesa, nakahilera ang mga papel...mga resibo ng kasalanan na pilit tinatakpan ng kapangy
“Akala mo ba hindi ko malalaman na ikaw ang pumatay sa nanay ko?”Tumigil ang pag-ikot ng baso sa pagitan ng mga daliri ni Mirielle. Dahan-dahan siyang ngumiti...hindi ‘yung ngiting nagtatanggol, kundi ‘yung ngiting parang matagal nang naghihintay ng ganitong eksena.“Ang tapang mo,” sagot niya, malamig. “Mag-isa ka pang pumunta rito.”“Hindi ako nag-iisa,” balik ko, kahit alam kong kasinungalingan ‘yon. Ang totoo, nanginginig ang tuhod ko. Pero hindi ko ipapakita. Hindi sa babaeng ‘to. “Kasama ko ang katotohanan.”“Ang cute,” tumawa siya, humigop ng alak. “Pero ang katotohanan, Liza, parang salamin ‘yan. Kahit buo, madali pa ring baliin.”Huminga ako nang malalim. Naririnig ko ang sarili kong tibok—hindi sa tenga, kundi sa dibdib. “Ikaw ang nagplano ng aksidente. Ikaw ang nag-utos. Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang nanay ko.”“‘Aksidente,’” inulit niya, tila nilalasap ang salita. “Napakagandang salita. Walang kasalanan. Walang salarin.” Itinapat niya ang tingin sa akin. “Pero
“Mr. de La Joya, may limang minuto ka bago i-lock ulit ang linya.”Tumango ako sa guard, pilit na inayos ang bigat sa dibdib ko habang sumasara ang pinto ng visitation room. Limang minuto. Limang minuto para ipagkasya ang mga desisyong puwedeng sumira ng buhay...o magligtas ng isa.Huminga ako nang malalim at kinuha ang telepono. Hindi ko pa tinatawagan si Liza. Hindi dahil ayaw ko...kundi dahil kapag narinig ko ang boses niya, baka hindi ko kayaning ituloy ang plano.“Simulan na natin, Drake.” Boses iyon ng abogado ko sa kabilang linya, malamig at eksakto. “Nakahanda na ang press release. Isang pirma mo na lang.”“Basahin mo ulit,” sabi ko. “Lahat. Walang laktaw.”Binasa niya. Ang bawat salita ay parang kutsilyong dumudulas sa balat ko: ethical violations, abuse of authority, personal misconduct. Ako ang kontrabida. Ako ang babagsak. Walang banggit kay Liza. Walang puwang para sa kanya sa putik na ito.“Once this goes out,” dagdag ng abogado, “mahiwalay na ang pangalan ni Liza sa i
“Hindi mo pwedeng akuin lahat, Drake...hindi ka Diyos.”Bumagsak ang boses ni Mama Betina sa pagitan ng malamig na dingding ng interrogation room, parang martilyong tumama sa sentido ko. Nakatitig siya sa akin sa salamin, hawak ang bag niya na parang sandata, pero ang mga mata niya...iyon ang totoong matalim. Nasa likod niya ang abogado ko, tahimik, nagmamasid. Ako? Nakaupo, may posas pa sa pulso, pero tuwid ang likod. Hindi dahil matapang ako...kundi dahil wala akong choice.“Hindi ko inaangkin ang pagka-Diyos, Ma.” Mababa ang boses ko, pero malinaw. “Inaangkin ko ang responsibilidad.”“Responsibilidad?” singhal niya. “O pag-ibig?”Hindi ako sumagot agad. Dahil alam niya. Dahil alam naming lahat. Ang pangalan ni Liza ay hindi ko kailangang banggitin para umalingawngaw sa silid. Parang multo ang presensya niya...hindi nakikita, pero ramdam sa bawat hinga ko.“May inilabas na statement ang kampo ni Mirielle,” sabat ng abogado, binuksan ang tablet. “Sinisisi ka niya sa obstruction, m







