Home / Romance / STEP LOVE Loving My Wife's Daughter / Chapter 4 Stop Pretending

Share

Chapter 4 Stop Pretending

last update Last Updated: 2025-10-18 10:22:05

Lumipas ang dalawang araw na parang bangungot na magkahalong ligaya at kaba.

Simula nang umalis si Drake sa opisina noong araw na ‘yon, hindi na mapakali si Cynthia.

Sa bawat tawag ng telepono, sa bawat dingdong ng elevator, sa bawat simpleng kaluskos ng papel — pakiramdam niya, maririnig na naman niya ang boses ni Drake na nagsasabing, “Say yes.”

Pero ngayon, mas mabigat na ang iniisip niya. Hindi na lang tungkol sa alok.

Tungkol na ito kay Liza.

Ang anak niyang matagal na niyang itinuring na dahilan kung bakit siya lumalaban araw-araw. Ang batang naging inspirasyon niya mula noong high school pa siya — at ang nagbigay kulay sa bawat hirap ng pagiging single mom.

Paano niya sasabihin sa anak na mag-aasawa siya?

At hindi lang basta kung sino — kundi ang mismong boss niya.

Ang lalaking halos 45 anyos na, tycoon, malamig, at lubos na iba sa mundong nakasanayan nila.

Naghahanda siya ng hapunan sa maliit na condo nila habang inaantay si Liza.

Habang hinihiwa niya ang sibuyas, napapahinto siya paminsan-minsan, na para bang gusto niyang kalimutan ang ideya. Pero hindi puwedeng magpanggap na parang walang nangyari.

Maya-maya pa, narinig niya ang kaluskos ng susi sa pinto.

“Mom! I’m home!” tawag ni Liza, masigla, habang binabagsak ang bag sa sofa.

Napangiti si Cynthia kahit kabado.

“Uy, kumusta ang klase? You look tired.”

“Grabe, Mom, finals week na. Parang gusto ko na lang mag-dropout at magbenta ng milk tea.”

Tumawa si Cynthia, pero may halong kaba sa dibdib.

Paano ko ba sisimulan ‘to?

“Anak…” mahinahon niyang tawag. “Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos mong kumain?”

Agad napansin ni Liza ang tono ng ina.

“Wait, ‘yan ‘yung boses mo na parang may big news o may problema,” biro nito. “What’s up?”

“Later na, kain muna tayo.”

Habang kumakain, pilit pinapanatiling normal ni Cynthia ang usapan. Pero hindi niya maiwasan ang mga sulyap ng anak, parang nababasa na ni Liza na may kakaibang nangyayari.

Pagkatapos ng hapunan, pareho silang naupo sa sofa. Tahimik.

Liza, nakataas ang tuhod, nakatingin sa ina na parang detective na nag-aantay ng confession.

“Okay, spill it, Mom,” sabi nito. “You’re acting weird.”

Huminga ng malalim si Cynthia.

“Liza… may sinabi sa’kin si Mr. De La Joya.”

Napataas ang kilay ng dalaga. “Your boss? What, did he promote you?”

“Hindi.”

Kinagat niya ang labi. “He… proposed.”

Sandaling natahimik si Liza. Tila hindi agad nakarehistro sa isip niya ang narinig.

“Proposed? Like... a business proposal?”

“Marriage proposal.”

Nanlaki ang mata ni Liza. “Wait, what? MOM. What did you just say?”

“Drake… I mean, Mr. De La Joya—he asked me to marry him.”

“WHAT?!”

Tumayo agad si Liza, halos matumba ang basong hawak. “You mean your boss? The billionaire guy with zero facial expression and too many sports cars?!”

“Liza, lower your voice, please.”

“No, Mom, seriously! He proposed? For real?”

“Yes. It’s complicated, anak. It’s not exactly romantic—it’s more of a… strategic arrangement.”

“Strategic arrangement?” Umiling si Liza, hindi makapaniwala. “So, parang business deal? You’re gonna marry him because of… what, image?”

“Something like that,” mahinahon niyang tugon. “But I also think... he means well.”

Napatigil si Liza. Tiningnan niya nang matagal ang ina — may halong gulat at hindi maipaliwanag na emosyon.

“Mom,” sabi niya sa wakas, “he’s Drake De La Joya. He can have any woman he wants. Why you?”

Hindi alam ni Cynthia kung matatawa o maiiyak.

“Exactly what I asked him,” sagot niya, marahang ngumingiti. “And you know what he said?”

“What?”

“He said he trusts me more than anyone else.”

Sandaling natahimik si Liza.

“Wow,” mahina niyang sabi. “That’s… actually kinda sweet. In a weird, billionaire way.”

Ngumiti si Cynthia, pero agad din siyang naging seryoso.

“Pero anak, alam kong mabigat ‘to. If I say yes, our lives will change. Hindi na tayo mamumuhay gaya ng dati.”

“Change?” Liza smirked. “You mean, mansion, driver, chef, private jet type of change?”

“Liza,” napatawa si Cynthia kahit kinakabahan. “Hindi lahat ng marangya ay masaya.”

“Yeah, but still… you and Mr. Ice King? That’s wild.”

Tahimik sila sandali.

Hanggang sa biglang lumambot ang boses ni Liza.

“Mom… are you sure you’re doing this because you want to? Not because you feel you have to?”

Ang tanong na iyon ang tumama nang diretso sa puso ni Cynthia.

Hindi niya agad nasagot.

Ang totoo, hindi rin niya alam kung ano talaga ang gusto niya.

Pero alam niyang may isang bahagi sa kanya na nakahanap ng kakaibang kapayapaan sa presensiya ni Drake — kahit pa komplikado ito.

“I don’t know yet,” tapat niyang sagot. “But I think... maybe I need to find out.”

Nang makita ni Liza ang mga mata ng ina — may halong takot pero may ningning ng pag-asa — hindi na niya tinuloy ang pagtutol.

Bumuntong-hininga siya, saka ngumiti ng mahina.

“Okay, Mom. Just promise me one thing.”

“Ano ‘yon?”

“Kung sakaling magbago isip mo, huwag kang matakot umatras. Don’t do it just to please anyone — not even him.”

Napangiti si Cynthia, tinapik ang kamay ng anak.

“I promise.”

Sa labas, umuulan.

Sa loob, tahimik.

Pero sa ilalim ng katahimikan, may bagong simula na unti-unting nabubuo — hindi lang sa pagitan ng mag-ina, kundi sa isang kasunduang magpapabago sa takbo ng kanilang mga puso.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na si Cynthia.

Hindi siya makatulog buong gabi matapos ang pag-uusap nila ni Liza.

Paulit-ulit niyang iniisip ang bawat sinabi ng anak — lalo na ang linyang “Don’t do it just to please anyone.”

Pero sa kabilang banda, ramdam niya rin ang kakaibang tibok sa dibdib tuwing naaalala niya si Drake — ang tono ng boses nito, ang paraan ng pagtingin sa kanya na parang kaya niyang yakapin ang buong mundo nang hindi siya tinutulak.

Habang nag-aayos ng files, napahinto siya nang marinig ang pamilyar na yabag sa hallway.

Laging tahimik pero punô ng presensiya.

At bago pa niya maihanda ang sarili, naroon na siya — si Drake De La Joya, matikas, maamo pero matalim pa rin ang mga mata.

“Good morning, Cynthia,” bati nito, habang inilalapag ang laptop case sa mesa.

“Good morning, sir—uh, Drake,” sagot niya, halos mabulol.

Tumitig ito sandali. “You’ve been avoiding me.”

Nabigla siya. “No, I’m just… busy.”

“Busy thinking,” dagdag ni Drake, diretso pa rin ang tingin.

Napayuko si Cynthia. Hindi niya alam kung paano magsisimula.

Kaya sa huli, diretso na lang siyang nagsalita.

“I told Liza about your proposal.”

Tumaas ang kilay ni Drake, tila interesado. “And?”

“She was shocked. Confused. But she’s… trying to understand.”

“That’s a good start.”

“Drake, she’s my daughter. She deserves to know everything.”

“I agree.”

Lumapit ito, naglakad sa paligid ng mesa, hanggang sa tumigil sa tabi niya.

“So, tell me… I know there's something bothering your mind?”

Huminga siya nang malalim. “ This is really sudden … why me?”

Ngumiti si Drake, mabagal at puno ng kumpiyansa.

“Because when everyone else wanted something from me, you’re the only one who never asked for anything.”

“Drake…”

“You treat me like a person, not a billionaire. You talk to me like I’m… normal.”

Bumaba ang boses nito, malambing ngunit may lalim. “And that’s something rare.”

Hindi makatingin si Cynthia. Ang mga salita nito ay parang marahang dumadampi sa balat niya, pinaparamdam na may mas malalim pang dahilan sa likod ng lahat.

“Hindi mo kailangang sabihin ng gano’n, Drake. Alam kong kailangan mo lang ng image,” mahinahon niyang tugon, pilit nilalabanan ang init sa pagitan nila.

Ngumiti ito. “Do you really believe that’s all this is?”

Napatigil siya.

Hindi siya makasagot. Kasi kung tatanungin siya, ramdam niyang hindi lang ito basta kasunduan.

Ramdam niya ‘yung unti-unting pag-ikot ng mundo niya sa presensiya ni Drake.

Hanggang sa marahan niyang naramdaman ang kamay ni Drake na dumausdos sa ibabaw ng mesa, halos dumikit sa kanya.

“Cynthia,” bulong nito, halos pabulong, “if I tell you that I need you not just for the company—but for me—would that change your answer?”

Nanlaki ang mata niya. “Drake…”

“I’m not good with words. I don’t do flowers or candlelight dinners,” tuloy nito, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “But when I say I need you, I mean it. Hindi dahil kailangan ng business. Kailangan kita dahil ikaw lang ang nagpapatahimik sa mundo ko.”

Para siyang natigilan.

Hindi siya sanay na marinig si Drake magsalita ng gano’n — isang lalaking puro logic, ngayon ay biglang nagiging marupok sa harap niya.

“Hindi mo ako kailangang bolahin, Drake,” mahinang sagot ni Cynthia. “Hindi ako lunas sa mga sugat mo.”

“Hindi ko rin ‘yon hinihingi,” sagot nito. “Gusto ko lang na andiyan ka.”

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Ilang segundo lang, pero para bang tumigil ang oras.

Hanggang sa maramdaman niyang bahagyang inilapit ni Drake ang mukha niya — hindi para halikan, kundi para bulungan.

“Let’s stop pretending we’re just boss and employee.”

Tumigil ang paghinga niya.

Ramdam niyang nag-aalab ang paligid, ngunit malamig ang hangin.

Ang boses ni Drake ay parang lambing at utos sa parehong pagkakataon.

“Drake… this isn’t easy,” pabulong niyang sagot. “May anak ako. May mga taong huhusga sa atin. May mga mata sa paligid.”

“I don’t care,” sagot nito, mariin pero may lambing. “They can talk all they want. At the end of the day, ikaw ang pipiliin kong marinig.”

Paglabas nito sa opisina, naiwan si Cynthia na hawak ang dibdib, kinikilala ang tibok ng sariling puso.

Hindi niya alam kung kabog iyon ng kaba o simula na ng pag-ibig na matagal nang iiniukit ng tadhana.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • STEP LOVE Loving My Wife's Daughter    Chapter 87 The Aftershock of the Kiss ( Drake’s POV)

    Hindi ako nakatulog nang maayos.Siguro nakapikit ang mga mata ko pero gising ang kaluluwa ko buong gabi. Buong oras, umiikot lang sa isip ko ang isang bagay—ang labi ni Liza… at ’yong paraan ng paghinga niya noong naglapat ang mga bibig namin.Hindi iyon dapat nangyari.Pero Diyos ko… ayoko ring magsinungaling sa sarili ko.Pinag-isipan ko siya buong gabi habang pilit kong kinakalaban ang sarili kong hindi ko maintindihan.Kaya eto ako ngayon, alas-siyete palang ng umaga pero nakakulong na sa study room, nakatalukbong ang jacket, staring at documents I’m not even reading.I’m avoiding her.Not because I regret what happened.Pero dahil alam kong pag nakita ko siya, hihilahin ko na naman siya palapit. At baka hindi na ako tumigil.Humigop ako ng mainit na kape habang sinusubukan huwag alalahanin ang lasa ng ngiti nila gabi.Pero then—Tok. Tok. Tok.Dumiretso ang likod ko.Kilala ko ang tunog ng knuckle niyang kumakatok. Mabilis. Hindi mahinhin. Hindi rin nag-aalangan.Liza.Shit.“

  • STEP LOVE Loving My Wife's Daughter    Chapter 86 When a Kiss Becomes a Confession (Drake POV)

    Huminga ako nang malalim habang hawak ko pa rin si Liza—hindi nang mahigpit, pero sapat para maramdaman ko na nandito siya. Ligtas sa tabi ko. Umaasa. Sa akin.Pero ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi umiiyak. Hindi natakot. Iba. Parang may binibitawan siyang matagal na niyang tinatago. At kahit ayaw ko, naaamoy ko na ang katotohanang pilit niyang nilulunok.She wants something… and she’s terrified of wanting it.“Liza,” bulong ko habang magkalapit pa rin kami. “Look at me.”Umangat ang mukha niya—pulang-pula, basa ang pilikmata, nanginginig ang labi. Parang anytime babagsak ulit siya. Pero may apoy sa mata niya na hindi ko na ma-ignore.“Bakit…” Pumikit siya, saka napahawak sa dibdib ko. “Bakit parang ikaw lang 'yung nakikita ko kahit alam kong hindi dapat?Kaya ramdam kong may bumabagabag sayo na gusto mong kumawala sa loob mo.”Tumigil ang mundo ko.Kinabahan ako. Hindi dahil ayaw ko marinig.Pero dahil gustung-gusto ko.Hinawakan ko ang kamay niya sa dibdib ko, pinisil nang mara

  • STEP LOVE Loving My Wife's Daughter    Chapter 85 Forbidden Desires (Liza’s POV ) WARNING MATURE CONTENT !!

    Sa loob ng ilang segundo, ang halik na ’yon ay parang isang silab—isang marahang dampi ng init, isang nanginginig na pag-amin na pareho naming hindi kayang sabihin nang diretso.Pero nang huminga ako—isang maliit, nanginginig na pag pagsinghap sa pagitan ng aming mga labi—may kung anong nabasag sa loob niya.Hindi sa marahas na paraan.Kundi sa paraan ng isang lalaking matagal nang pinipigilan ang sarili niyang pagkadurog.Dumulas ang mga kamay niya sa pisngi ko, hinahaplos ako—banayad pero matatag, na para bang kailangan niyang siguraduhinna hindi ako mawawala kapag pumikit siya.“Liza…” bulong niya laban sa labi ko,ang boses niya paos sa lahat ng pilit niyang nililibing na emosyon.“Please tell me no if you want me to stop because hindi mo al kung ano ang ginagawa mo sa ’kin...habwng may kaunti pa akong lakas na magpigil.”Kumakabog ang pulso ko nang sobrang lakas na halos hindi ko na marinig ang sarili kong paghinga.“Alam ko,” pabulong kong sagot.At iyon…iyon lang ang ki

  • STEP LOVE Loving My Wife's Daughter    Chapter 84 BREAKING POINT (Liza’s POV)

    The ocean was unusually quiet that morning—parang hinihintay din nitong sumabog ako.I used to love the silence here. Pero ngayon… pakiramdam ko nilulunod ako ng bawat pintig, bawat bulong ng alon, bawat sandaling pinipilit kong hindi pumikit dahil ayokong maulit sa isip ko ang nangyari—The van.The ropes.The masked men.Drake’s voice shouting my name.At ako, helpless, useless.I hugged my knees tighter habang nakaupo sa dulo ng boardwalk, staring at the pale horizon. Dawn pa lang, pero hindi ako nakatulog kahit isang minuto.Nanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit ilang oras na ang lumipas.This wasn’t just fear.It was grief.It was guilt.It was everything I’ve been holding together—unti-unting nadudurog.And worst?Ayoko itong ipakita kay Drake.He has done enough. Risked enough. Lost enough.Pero kahit anong pilit kong magpakatatag… parang may nakaipit na sigaw sa dibdib ko na hindi ko alam kung saan ibubuga.I didn’t even hear him approach.“Liza.”His voice—low, hoarse, pa

  • STEP LOVE Loving My Wife's Daughter    Chapter 83

    Drake’s POVVilla, Same Night“Then don’t.”’Yung pares ng salitang ’yon ang pinakamapanganib na narinig ko sa buong buhay ko.Hindi sigaw.Hindi pakiusap.Isang pag-amin.At kung mahina lang ako kahit isang hakbang, tapos na ang lahat. Wala nang atrasan. Wala nang kontrol.Humigop ako ng hangin—mali.Mas lalo kong nalanghap ang amoy niya.’Yung Japanese cherry blossom na pabango niya, nahalo sa faint scent ng ointment, nahalo sa init ng balat niya.Diyos ko.“Liza…” I whispered, forehead still inches from hers, “huwag mo akong tuksuhin.”“I’m not,” sagot niya, nanginginig ang boses.“Pero hindi mo rin ako kayang lokohin.Nararamdaman kita, Drake.Naiintindihan ko na ngayon.”Napapikit ako sa sakit at kirot ng totoo ng naririnig ko.“What you feel is confusion,” pilit kong sagot.“Trauma. Takot. Vulnerability. Hindi ako dapat ang sandalan mo sa ngayon.”“No,” mabilis niyang sagot.“Alam ko ang takot. Alam ko ang trauma.Pero ito—” huminga siya nang malalim, “—hindi ito galing doon.”T

  • STEP LOVE Loving My Wife's Daughter    Chapter 82 Unguarded Desires (Drake’s POV)

    "Damn you Drake! You fucked up!" hindi ko mapigilang singhal sa sarili. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamamg nagyari kay Liza! I almost lost her like her mom and all of them who are behind this, nagbabayad sila ng mahal. Napasabunot ako sa aking sarili, mapait na napangiti at napapikit in aweful disgust because I'm torn deep inside. Ayoko siyamg masaktan gaya ng mama niya. Hindi ko na muling hahayaang mapahamak siya ng dahil sa Akin.Akala ko naranasan I was fearless and kaya ko lahat but I wasn't so anxious of hell but here I am right now. In rage and anger and with Miriiell, I'll make sure na may kalalagyan siya sa lahat ng ito. I just need solid proof tp pin her down.But that's not the struggle that is really the main reason that's msking me insane..I'm now at the edge of my walls...the walls that I am protecting...it has been cracked for a long time now and I down know if I can still hold it not tp collapse.Because the real truth is already in front of me and

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status