Lulan kami ngayon ng aming sasakyan patungo sa mansyon ng mga Montenegro. I am wearing a black truffle cocktail dress. Nakapusod lamang ang aking buhok with a few strands on my face. Hindi naman sobrang kapal ng make up ko, light lamang ang ipinalagay ko dahil hindi ako sanay na nag-me-make up. Besides, I am too young for that.
Hindi ko din maipaliwanag ang aking nararamdaman. Para akong naeexcite na kinakabahan ewan. Basta masaya ako na makikita ko na naman siya. "amiga, thanks for coming." bungad sa amin ni Tita Mabel. Napaka sophisticated talaga ng datingan ng mommy nila Diego. "Is this your daughter, Katrina?" manghang tanong nito nang makita ako. Tila ba hindi makapaniwala na ang dating batang paslit lang noon ay dalagang dalaga na ngayon. "Oo, amiga. Pumapag ibig na nga iyan e" anas ng aking ina na siyang ikinapula ng aking mukha. Mukhang mabubuko pa yata ako nito dahil sa kadaldalan ng aking ina. Nahihiyang napakamot ako sa aking ulo sa mga tinuran ng aking ina. "Good evening, tita, tito" magalang na bati ni Diego sa aking mga magulang at kalauna'y nakipagbeso sa mga ito. Para naman akong natuod sa aking kinatatayuan dahil nandito sa aking harapan ang aking mahal. He's standing in front of me, a few inches away from me. "and to you my lovely lady" anas nito na siyang ikinatigas ng aking katawan. Wala akong mahanap na salita upang batiin din ito. Mas lalo pang nagwala ang puso ko nang halikan nito ang ibabaw ng aking kamay. Para akong hihimatayin sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Nananayo rin ang aking mga balahibo dahil sa halik na iginawad nito sa akin. Mukhang hindi ako maghuhugas ng kamay mamaya. "iha, are you okay?" nagaalalang tanong ni tita Mabel nang mapansin na hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan. Mabilis naman na napalingon sa aking gawi ang aking mga magulang. "y-yeah, I-I'm okay" nauutal na wika ko. Pagkasabi ko niyon ay sabay sabay na kaming pumasok sa venue. Halos lahat ng mga bisita ay nakatingin sa amin. Hindi rin basta bastang tao ang mga narito. All of the guests ay talaga namang may sinasabi sa buhay. All of them are into business. It's just so overwhelming to me. I am not used to parties and crowded places. We sat at the table reserved for us. The Montenegros and De Guzman's are sharing the table. I already anticipated what's going to happen during meal time. It's to talk about their partnerships and so on, which I am not interested in. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Everything is decorated with elegance. Mas lalo pa akong namangha nang makita ko ang mga nag gagandang yellow roses sa palibot ng lugar. Everything seemed magical. I also love the orchestra playing music. They make the party lively and worth coming. Mas lalo pa akong nag enjoy sa nakikita ko dahil sa chocolate fountain na naka display sa food counter. Nang magsawa ako sa kakatingin sa paligid ay nag-umpisa na ako sa aking pagkain. Habang ang mga kasama ko ay seryosong pinag-uusapan ang kanilang mga negosyo. "Ikaw, Katrina. What are your plans for college?" Uncle Arthur asked, his father. Nag-angat ako ng tingin at napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin. "I will pursue medicine, uncle." I confidently said. "Why not follow the footsteps of your brother who is now a successful businessman" dagdag ni tita Mabel. I just bowed my head and continued eating. Ayoko lang kasi na parang kinukumpara ako sa iba. Though, hindi naman iba sa akin ang aking kapatid dahil nga kapatid ko ito. "Dad, Katty is still young. Don't pressure her" Napatingin ako sa nagsalita at walang iba kundi si Diego. I smiled at him. Wala lang gusto ko lang siyang ngitian ang pogi niya kasi sa suot niyang white coat. "Ikaw ba Diego may balak ka pang mag-asawa?" walang prenong tanong ng kanyang ama dito. Bigla naman akong napatingin sa daddy nito at laking gulat ko ng makita kong nakatingin din ito sa akin with a smile on his face even tita Mabel, mom, and dad are smiling too. Teka may hindi ba ako nalalaman dito? "oh dad, yesterday, someone told me to wait for her." sabay kindat nito sa akin. mas lalo namang tumambol ang puso ko sa kilig. Pakiramdam ko ay naging sili na ang aking mukha sa labis na hiya. my gosh. nakakahiya. Did they know that I like their only son? "I'm sorry everyone for coming late!" humahangos na wika ng babaeng nakasuot ng super revealing na damit. She's wearing a deep cut dress na kita na malapit nang makita ang u***g nito. Her hair is a bit messy too. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pawis sa noo nito. Mas lalo pa akong nagulat at nakakunot ang noo ng makita ko kung paano nito halikan sa labi si Diego sa harap ko. Hindi ko alam ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay tinutusok ng ilang ulit ang aking puso. Konti na lang at babagsak na ang aking mga luha. Kasunod nito ang aking kuya na parang pagod na pagod. Saan naman kaya ito galing at parang galing sa karera dahil magulo din ang ayos ng buhok nito at may konting pawis din sa kanyang noo. Bahagya kong tinignan ang mga tao sa paligid na ngayon ay nakatingin sa akin. I could feel their empathy. I just took a deep breath at ipinagpatuloy ang aking pagkain na halos hindi ko na manguya nguya dahil sa taong humalik sa aking mahal. I can feel the silence and awkwardness. "i-iha, would you like to roam around the venue? Come with me" I could feel the sincerity in her voice. I feel like she knows I like her son. "t-thank you, but, I-I want to go home. Mom, dad , can we? besides kuya is here naman na. He can handle himself, right kuya?" anas ko sa nakikiusap na tono. Mukhang nakuha naman nila ang nais kong iparating. Kaya naman wala pang limang minuto nakaalis na kami sa lugar ng kasiyahan. Inilabas kong lahat ng luha ko sa aming sasakyan. "it's okay anak. You're still young. Malay mo kayo talaga ni Diego ang para sa isa't-isa. Hindi ba?" malambing na wika ng aking ina habang hinahagod hagod ang aking likod. "I'm sure you'll find someone better anak" my dad said. I just heaved a deep sigh ang hugged them so tight. ngunit....Naglagay lamang ako ng dalawang kutsaritang kape at konting asukal. Naglagay rin ako ng creamer sa isang maliit na shotting glass na nakita ko sa lagayan ng mga baso. Optional lang naman ang creamer. I prefer coffee without sugar. Dahil mas nanunoot ang tapang noon. Naisip ko ring mag toast ng bread dahil baka hindi pa siya nag-aalmusal. Para naman matuwa siya sa akin bilang secretary niya at makuha ko ang loob nito. Nang matapos akong magtimpla at magtoast ay inilagay ko ang mga ito sa si kalakihang tray at maingat na inihatid sa table nito. Napansin kong sobrang dami ng mga papeles na nasa ibabaw ng table nito. "Sir, here's your coffee" anas ko dito ni hindi man lamang ako nito tinapunan ng tingin kaya inilapag ko na lamang sa ibabaw ng table niya ang aking inihanda para sa kanya. "I also toasted bread for you. Call me when you need anything. I'll be outside" dagdag ko pa at akmang aalis na ako ng bigla niyang tinawag ang aking pangalan. "You'll be staying here in my office, Ms.
Manghang napatingin ako sa bahay na binili ni Galvin. Marunong talaga itong pumili ng bahay. Nagpahanap na rin ako ng ilang mga kasambahay na maaring makatulong sa akin sa pang araw araw. Marunong naman akong magluto. Iyon nga lang ay hindi ko mahaharap dahil sa busy akong tao."Magandang umaga ho, ma'am. Ako ho si Inday, ipinadala ho ako ng kumpanya bilang kasambahay ninyo at ito naman po si Diday" mukhang mapagkakatiwalaan naman ito kaya sinabi ko rito ang mga dapat nilang gawin kapag nandito at nasa labas ako. Mabilis naman nilang nakuha ang aking ipinag-uutos. Napansin kong maganda ang anak ni manang Inday na Diday. Dala ng kuryosidad ay napatanong ako dito. "Ilang taon kana Diday?" tanong ko dito. Nahihiya pa itong tumingin sa akin. Napakaputi ng batang ito. "Labing walong taon po, ma'am" nahihiyang sabi nito. "Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko habang sumisimsim ng kapeng iniabot ni manang Inday. Nagpunta ito ng kusina ng kausapin ko ang anak nito upang ipagtimpla ako ng kape. N
Laking pasasalamat ko nang makarating kami ng ligtas sa aming unit. Bukas na bukas din ay lilipat na ako sa ipinabili kong bahay kay Galvin dahil nasisikipan na ako dito sa unit. Habang lumalawak ang aking kaalaman sa kasong hawak ko ay mas lalo namang sumisikip ang aking lugar. Pakiramdam ko ay hindi ako makakilos ng maayos. Ibinaba ko ang aking mga armas sa ibabaw ng table at nagsalin ng alak sa aking kopita. Hindi ko lubos akalain na magkikita kaming muli ni Diego Montenegro sa ganoong sitwasyon. Kamuntikan na kaming mabulilyaso kanina. Mabuti na lamang at maagap akong nakaisip ng paraan upang linlangin ang aking mga kalaban. Ang ipinagtataka ko bakit kailangan akong tutukan ng baril ni Diego? Ah, oo nga pala. Malamang iniisip noon isa akong kalaban. Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-inom ng alak ng biglang tumunog ang aking cellphone ngunit pagtingin ko sa caller ay unknown number lamang ito. Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy na umiinom ng alak hanggang sa makaramdam
"Kailangan muna naming masuri ang mga armas na ito bago ko bayaran, Mr. Montenegro" anas ng governor. Napansin ko naman ang bahagyang pag protesta ng babaeng katabi nito. Tila hindi nito nagugustuhan ang mga ginagawa ng governor sa kanya. "Go ahead, governor" kalmadong sabi ng aking katabi sabay abot nito ng isang armalite. Mabilis namang inabot ng gobernador ang baril at mariing sinuri ang bawat anggulo ng baril na hawak nito. "Huwag kang mag-alala, governor. Ang mga ito ay de kalidad na mga armas. Tiyak na magagamit mo ang mga ito sa iyong mga kalakaran" Mariin kong ikinuyom ang aking kamao sa aking mga narinig. So, ito ang negosyo ni Deon Montenegro? Ang magbenta ng mga unregistered guns. Huwag ko lamang malaman na pati droga ay ibinebenta nito. Talagang ako ang magpapakulong dito. "Maganda nga ang mga baril mo, Mr. Montenegro. Ngunit sa tingin ko'y mas maganda kung subukan natin. Bakit hindi natin ipasubok diyan sa babaeng katabi mo? Mukhang ngayon ko lamang nakita ang mukhang
KINAGABIHAN. Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming gagamitin ng aking nga tauhan. Dahil malakas ang kutob kong maraming nga nagkalat na kalaban sa buong paligid ng underground. Kailangan rin namin nakahanap ng sapat na ebidensiya upang malaman kung anong ugnayan ni Diego sa telapia syndicate. Naglagay ako ng sapat na bala sa aking baril at isinuksok ko ang aking paboritong patalim sa aking likuran maging ang aking katana. Na kapag pinindot ang button ay kusang hahaba ito. "Handa na ba kayo?" tanong ko sa aking mga tauhan. Sabay sabay naman silang napangisi sa aking tinuran. "Yes, boss. Kating kati na ang aking mga daliring kumalabit ng gatilyo" nakangising anas sa akin ni Galvin na sinegundahan naman ni Dante at Herardo. Ito ang gusto ko sa mga ito, matatapang, walang sinasanto. Sumakay na kami sa aming mga sasakyan. Ako ay nakasakay sa aking ducati samantala ang tatlo ay magkakasama sa iisang sasakyan. Bale nagconvoy na lamang kami. Hindi naman nagatagal ay narating namin
"Boss, tama nga ang sinabi ni madam AA na may kinalaman ang governor ng lugar na ito sa mga nwawalang dalaga. Ayon sa aking nakalap na impormasyon base na rin sa aking pagmamanman sa buong kapaligiran at sa governor ay mayroon ngang nilulutong laboratoryo malapit sa dalampasigan kung saan itinuturing na ngayong private property." imporma sa akin ni Galvin. Mukhang mapapabilis ang aking misyon nito. "Nalaman mo ba kung sino sino sa mga sikat na businessmen sa bansa ang involved dito?" seryosong tanong ko dito habang pinag-aaralan ang mga papeles na dala-dala nito."Sa darating na transaksyon ng mga illegal na armas ay mukhang darating din ang kanyang mga kasosyo." marahas akong napangisi sa mga tinuran nito. Mamayang gabi na nga gaganapin ang bilihan ng mga armas kung saan darating doon si Diego Montenegro. Mukhang pagkakataon ko na ito upang matapos ang aking misyon mukhang lumalapit na sa akin ang mga kasagutan sa aking mga katanungan. "Herardo, kumusta ang paghahanap mo ng lead s