"Diego Monetenegro!" pagtawag ko sa pangalan nito at nagtagumpay naman ako dahil bigla itong lumingon sa gawi ko. Napaka gwapo talaga nito kahit kailan.
Lumuwang ang pagakakangiti ko nang makita kong nakatingin siya sa gawi ko. His build speaks power. His masculinity is drooling. Para akong nakakita ng isang anghel na ibinaba sa lupa. "Hintayin mo ako! Pakakasalan pa kita!" hiyaw ko dito. Bahagyang napangunot ang noo nito at kalauna'y napailing na tinungo ang kanyang sasakyan. Diego Montenegro is the man of my dreams. Siya ang isa sa mga matagumpay na businessman sa larangan ng automotive and hotels. Ang mga pamilya namin ay matatalik na magkakaibigan. Ako si Katrina De Guzman. Bunsong anak nina Sylvia at Mateo De Guzman. May kapatid ako, siya si kuya Rex. I am only 14 years old pero nagkakagusto na ako sa taong mas matanda sa akin ng labing dalawang taon si Diego ganun din si Kuya Rex. They are friends and both ventured into the business world. Iisa lang naman ang pangarap ko eh. Ang maging isang tanyag na doctor. I don't want to be in business, my parents and brother are already in it. I don't want to indulge myself in their stressful lives. I don't see myself managing one. "naku ikaw na bata ka! malalagot ako sa mommy mo niyan e. Nakakahiya kay Mr. Montenegro baka mamaya kung anong isipin nun, hay kang bata ka" sermon sa akin ni nana Marie. Nandito kami ngayon sa labas ng mall. Katatapos lamang naming mamili ng mga gagamitin ko sa school bukas. Tapos na kasi ang summer vacation at lahat ng mga estudyante ngayon ay naghahanda na para sa first day of school bukas. I am now in third year high school. "Nana Marie, walang masama sa sinabi ko okay? Tsaka huwag mo ng sabihin kay mommy and daddy yung sinabi ko kay Diego, please? kukurutin ako non sa singit e" maktol ko dito. At nag beautiful eyes pa nga ako. "Hay ano pa nga ba" anas nito na may kasama pang buntong hinga. Para namang napaka big deal nung sinabi ko kay Mr. Montenegro. Napaka bata ko pa para sa kanya. Pero sana siya talaga ang mapangasawa ko in the future. If only he knew how much I am in love with him. Nag umpisa ang lahat ng ito nang tulungan niya ako sa aking homework. I had a geometry class before and I couldn't draw 3D shapes well. Kuya Rex asked for Diego's help, if he could draw some of the shapes that were needed for my geometry homework. He was only wearing gym pants and a sleeveless shirt. It all started a few months ago, when he looked at me in the eye. His eyes were beautiful, seductive, and mesmerizing. I was sitting beside him while pointing where he'll be drawing. I could smell how fresh he smells, his breath smells good too, just like mint. While he was doing my homework. I secretely studied his face. His lips looked kissable and soft. I wondered how they feel and how they taste. Bumilis iyong tibok ng puso ko ng ibinaling niya ang kanyang ulo sa akin, kung saan muntik na kaming maghalikan. Dahil sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kanya habang busy siyang nagda-drawing. Napasinghap ako ng bugahan niya ang mukha ko ng hininga niyang mabango. My lips parted, my glasses were foggy. Nag-iwas ako ng tingin sa sobrang hiya and ran away. I heard him chuckle pero iba ang naramdaman ko. Mabilis na tumibok ang puso ko na para bang may mga kabayong nagtatakbuhan doon. Every time na pupunta siya sa aming tahanan ay wala akong sinasayang na oras upang mas maging maganda para sa kanyang paningin. "Did you buy all your school supplies for tomorrow?" mom asked. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng dinner. "Yes, mom." I responded in between my food. "How about you, Rex? How's the expansion of the Business school you are renovating in Cebu?" my dad asked. Nag uumpisa na naman silang mag usap usap tungkol sa business. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko dahil nakakatiyak akong ako na naman ang magiging sentro ng usapan nila. Dahil ilang beses na nila akong pinipilit na mag pursue ng business course. Kaso hindi ko ito passion. I am more into helping and saving lives. Well owning a business can help people get jobs but iba pa rin iyong ako mismo ang tutulong sa mga taong nahihirapan, in terms of medical needs. Hindi kaya ng puso ko na nakikitang maraming tao ang hindi kayang ipagamot ang kanilang mga sarili. "Ahm, mom, dad, kuya, I'm finished. I need to go to my bedroom to prepare for my first class tomorrow." paalam ko sa kanila. Tinanguan naman ako ng aking mga magulang dahil nagiging seryoso na ang kanilang usapan. "iha, before I forget, after your class tomorrow, Edward will fetch you. We will attend a party. Remember, Diego? Your brother's friend?" mahabang litanya ni mommy sa akin. akmang aalis na sana ako sa dining room ng banggitin ni mommy sakin ang pangalan ng mahal ko. Mabilis akong lumingon dito. "Did you say, Diego Montenegro?" I happily asked. My mom raised a brow dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito ang reaksyon ko. "Mom, masyado niyo namang pinapakilig ang bunso natin" sabat ng aking kuya. Ang malapad kong pagkakangiti ay napalitan ng disappointment, paano nitong nalaman na may gusto ako sa kaibigan nito. My face suddenly turned red. Napatingin ako kina mom and dad na nangungusap ang mga mata baka kasi pagalitan ako ng mga ito. Ngunit mas nagulat ako sa naging reaksyon nila. They are both smiling. "ang unica iha ko ay pumapag ibig na." anas ng ina ko habang tumatawa. Ang daddy ko naman ay nakangiti lamang while my brother is smirking. How did he know? "mom, stoooopp" pigil ko dito dahil inaasar na nila ako. "kuya, how did you know?" I asked out of curiosity. "Sino ba ang hindi makakahalata sa nga pinag gagawa mo. Sa tuwing darating dito si Diego ay papalit palit ka ng dress at ayos ka ng ayos ng buhok mo kulang na lang maging manika ka sa harap niya" tsss. "okay fine. don't tell anyone, please mom?" paki-usap ko dito. "of course, but Diego is older than you. Parang kuya mo na siya eh." "pabayaan mo yang anak mo, crush lang naman e. Maglalaho din yan when she grows older" my dad said. But, I beg to disagree. My feelings for him will not vanish.Naglagay lamang ako ng dalawang kutsaritang kape at konting asukal. Naglagay rin ako ng creamer sa isang maliit na shotting glass na nakita ko sa lagayan ng mga baso. Optional lang naman ang creamer. I prefer coffee without sugar. Dahil mas nanunoot ang tapang noon. Naisip ko ring mag toast ng bread dahil baka hindi pa siya nag-aalmusal. Para naman matuwa siya sa akin bilang secretary niya at makuha ko ang loob nito. Nang matapos akong magtimpla at magtoast ay inilagay ko ang mga ito sa si kalakihang tray at maingat na inihatid sa table nito. Napansin kong sobrang dami ng mga papeles na nasa ibabaw ng table nito. "Sir, here's your coffee" anas ko dito ni hindi man lamang ako nito tinapunan ng tingin kaya inilapag ko na lamang sa ibabaw ng table niya ang aking inihanda para sa kanya. "I also toasted bread for you. Call me when you need anything. I'll be outside" dagdag ko pa at akmang aalis na ako ng bigla niyang tinawag ang aking pangalan. "You'll be staying here in my office, Ms.
Manghang napatingin ako sa bahay na binili ni Galvin. Marunong talaga itong pumili ng bahay. Nagpahanap na rin ako ng ilang mga kasambahay na maaring makatulong sa akin sa pang araw araw. Marunong naman akong magluto. Iyon nga lang ay hindi ko mahaharap dahil sa busy akong tao."Magandang umaga ho, ma'am. Ako ho si Inday, ipinadala ho ako ng kumpanya bilang kasambahay ninyo at ito naman po si Diday" mukhang mapagkakatiwalaan naman ito kaya sinabi ko rito ang mga dapat nilang gawin kapag nandito at nasa labas ako. Mabilis naman nilang nakuha ang aking ipinag-uutos. Napansin kong maganda ang anak ni manang Inday na Diday. Dala ng kuryosidad ay napatanong ako dito. "Ilang taon kana Diday?" tanong ko dito. Nahihiya pa itong tumingin sa akin. Napakaputi ng batang ito. "Labing walong taon po, ma'am" nahihiyang sabi nito. "Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko habang sumisimsim ng kapeng iniabot ni manang Inday. Nagpunta ito ng kusina ng kausapin ko ang anak nito upang ipagtimpla ako ng kape. N
Laking pasasalamat ko nang makarating kami ng ligtas sa aming unit. Bukas na bukas din ay lilipat na ako sa ipinabili kong bahay kay Galvin dahil nasisikipan na ako dito sa unit. Habang lumalawak ang aking kaalaman sa kasong hawak ko ay mas lalo namang sumisikip ang aking lugar. Pakiramdam ko ay hindi ako makakilos ng maayos. Ibinaba ko ang aking mga armas sa ibabaw ng table at nagsalin ng alak sa aking kopita. Hindi ko lubos akalain na magkikita kaming muli ni Diego Montenegro sa ganoong sitwasyon. Kamuntikan na kaming mabulilyaso kanina. Mabuti na lamang at maagap akong nakaisip ng paraan upang linlangin ang aking mga kalaban. Ang ipinagtataka ko bakit kailangan akong tutukan ng baril ni Diego? Ah, oo nga pala. Malamang iniisip noon isa akong kalaban. Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-inom ng alak ng biglang tumunog ang aking cellphone ngunit pagtingin ko sa caller ay unknown number lamang ito. Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy na umiinom ng alak hanggang sa makaramdam
"Kailangan muna naming masuri ang mga armas na ito bago ko bayaran, Mr. Montenegro" anas ng governor. Napansin ko naman ang bahagyang pag protesta ng babaeng katabi nito. Tila hindi nito nagugustuhan ang mga ginagawa ng governor sa kanya. "Go ahead, governor" kalmadong sabi ng aking katabi sabay abot nito ng isang armalite. Mabilis namang inabot ng gobernador ang baril at mariing sinuri ang bawat anggulo ng baril na hawak nito. "Huwag kang mag-alala, governor. Ang mga ito ay de kalidad na mga armas. Tiyak na magagamit mo ang mga ito sa iyong mga kalakaran" Mariin kong ikinuyom ang aking kamao sa aking mga narinig. So, ito ang negosyo ni Deon Montenegro? Ang magbenta ng mga unregistered guns. Huwag ko lamang malaman na pati droga ay ibinebenta nito. Talagang ako ang magpapakulong dito. "Maganda nga ang mga baril mo, Mr. Montenegro. Ngunit sa tingin ko'y mas maganda kung subukan natin. Bakit hindi natin ipasubok diyan sa babaeng katabi mo? Mukhang ngayon ko lamang nakita ang mukhang
KINAGABIHAN. Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming gagamitin ng aking nga tauhan. Dahil malakas ang kutob kong maraming nga nagkalat na kalaban sa buong paligid ng underground. Kailangan rin namin nakahanap ng sapat na ebidensiya upang malaman kung anong ugnayan ni Diego sa telapia syndicate. Naglagay ako ng sapat na bala sa aking baril at isinuksok ko ang aking paboritong patalim sa aking likuran maging ang aking katana. Na kapag pinindot ang button ay kusang hahaba ito. "Handa na ba kayo?" tanong ko sa aking mga tauhan. Sabay sabay naman silang napangisi sa aking tinuran. "Yes, boss. Kating kati na ang aking mga daliring kumalabit ng gatilyo" nakangising anas sa akin ni Galvin na sinegundahan naman ni Dante at Herardo. Ito ang gusto ko sa mga ito, matatapang, walang sinasanto. Sumakay na kami sa aming mga sasakyan. Ako ay nakasakay sa aking ducati samantala ang tatlo ay magkakasama sa iisang sasakyan. Bale nagconvoy na lamang kami. Hindi naman nagatagal ay narating namin
"Boss, tama nga ang sinabi ni madam AA na may kinalaman ang governor ng lugar na ito sa mga nwawalang dalaga. Ayon sa aking nakalap na impormasyon base na rin sa aking pagmamanman sa buong kapaligiran at sa governor ay mayroon ngang nilulutong laboratoryo malapit sa dalampasigan kung saan itinuturing na ngayong private property." imporma sa akin ni Galvin. Mukhang mapapabilis ang aking misyon nito. "Nalaman mo ba kung sino sino sa mga sikat na businessmen sa bansa ang involved dito?" seryosong tanong ko dito habang pinag-aaralan ang mga papeles na dala-dala nito."Sa darating na transaksyon ng mga illegal na armas ay mukhang darating din ang kanyang mga kasosyo." marahas akong napangisi sa mga tinuran nito. Mamayang gabi na nga gaganapin ang bilihan ng mga armas kung saan darating doon si Diego Montenegro. Mukhang pagkakataon ko na ito upang matapos ang aking misyon mukhang lumalapit na sa akin ang mga kasagutan sa aking mga katanungan. "Herardo, kumusta ang paghahanap mo ng lead s