Share

KABANATA 36 “FIRST AND ONLY LOVE”

“PARA sa akin siya ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo ko. Isang sulyap lang niya sa akin noon nabubuo na ang araw ko. At kahit pa pakiramdam ko hindi niya ako nakikita, okay lang, hindi naman kasi ako naghangad na maging girlfriend niya,” pagkukwento pa niya.

“Bakit naman? Hindi ka ba niya niligawan?” tanong ni Erik sa tono na halatang interesadong-interesado ito sa isasagot niya.

“Hindi eh, pero inalok niya akong maging date niya sa prom nung fourth year, sobrang saya ko nun. Kaya lang nahuli siya kasi naunahan siya ni, alam mo na,” sa puntong iyon ay makahulugan ang ngiting pumunit sa mga labi niya.

Ngayon gusto na nga niyang maniwala na magaling siyang magtago ng feelings dahil obviously, walang idea si Erik na ito mismo ang lalaking tinutukoy niya sa kanyang kwento.

“Hindi ba niyaya rin kitang maging date nung fourth year sa prom? So ibig sabihin pala hindi lang ako at si Bernie ang talagang naghangad na makasama ka nung gabing iy

Jessica Adams

“Kaya tayo nagkita, kasi kailangan mo ako, at ikaw, kailangan rin kita, bilang taong kukumpleto sa buhay at pagkatao ko. Huwag kang mag-alala at huwag kang matakot, kahit anong mangyari hindi kita pababayaan, at ikaw ang palagi kong pipiliin, nang paulit-ulit, kasi alam ko, sa iyo lang pwedeng umikot ang mundo ko, at sigurado ako doon,”-ERIK-

| 2
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status