Share

KABANATA 68 “TRUE FRIENDS”

“MASAYA kaming para sa’yo, Mia.”

Iyon ang masayang sinabi ni Rosanna sa kanya matapos niyang ibalita sa mga ito ang tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Erik.

“Pasensya na kayo kung ngayon ko lang kayo nasabihan ah. Naging busy kasi kami sa pag-aasikaso ng mga kailangan kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng chance para puntahan kayo dito.”

Noon naman tamang pumasok ng opisina ni Rosanna si Dahlia saka inilapag sa mesa ang tatlong baso ng malamig na orange juice. Pagkatapos niyon ay niyakap siya nito ng mahigpit habang nakangiti.

“Parang kailan lang noong una kang nag-apply dito para maipagamot ang nanay mo. Ngayon, heto at ikakasal kana. Masaya kami na isang katulad ni Erik ang makakasama mo habang buhay, Mia,” halata sa tono ng pananalita ni Dahlia ang kasiyahan na nararamdaman nito para sa kanya.

Sa sinabing iyon ni Dahlia ay agad na nagbalik sa alaala ni Mia ang pinagdaanan niyang hirap matapos mag-migrate patungong Canada si Erik kasama ang mga magulang nito.

TEN YEARS BEFORE

“Ano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status