LOGIN‘’Hindi mo dapat basta-basta sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’’
Nag-angat ng ulo si Orlinda. Sumalubong sa kanya ang matalim na pagtitig sa kanya ni Christian.
Bahagya siyang nagtaka dahil ito ang unang beses na sabihan siya ng ganoon ng bayaw.
Bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Christian ay nagsalita muli ang lalaki.
‘’Huwag mong hahayaan na tratuhin kang parang alipin ng sino man. Tandaan mo, ang posisyon mo rito sa mansyon na ‘to ay ang manugang ng pamilya Tan.’’
Tumango si Orlinda, magkasalikop ang mga daliri. ‘’Opo,’’ mahinang sabi niya, halos hindi ito marinig sa sobrang hina.
Humakbang palapit si Christian, ilang dangkal na lamang ang agwat sa pagitan nila. Dahil sa paglapit ng lalaki ay biglang kumabog ang puso niya sa kaba.
‘’Ayos ka lang ba?’’ kaswal na tanong ni Christian. Walang bahid ng kung ano ang tanong nito.
Mabilis na umiling si Orlinda.
Sino ba naman ang hindi masasaktan sa mga sinasabi ni Sheila? Kahit sino masasaktan kung paulit-ulit na sasabihan ng baog. Kutyain. Insultuhin. At, pagmukhain na mas mababa pa sa katulong.
Kumurap ng ilang beses ang mga mata ni Christian. Pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng hipag.
‘’Umiyak ka ba?’’ muling tanong ni Christian.
Natigilan sa tanong si Orlinda. Hindi niya inaasahan na mahahalata ni Christian na siya’y umiyak.
Ang totoo ay basa ang kanyang mga mata at namumula. Hindi man tumulo nang tuluyan ang mga luha niya, mahahalata pa rin na kanina pa niya pinipigilan ang umiyak.
Ang hindi alam ni Orlinda, sa kabila ng malamig at matalim na pagtitig sa kanya ni Christian, ang huling tanong ng lalaki ay may bahid ng pag-aalala.
Ibubuka muli ni Christian ang kanyang bibig para magsalita nang isang malakas na boses ang pumukaw ng atensyon niya.
‘’Chris! Tara na! Ano’ng oras na. Baka mahuli na si Erica!’’
Napasinghap habang nakapikit si Christian.
Pagdilat ng kanyang mga mata, walang imik na tumalikod si Christian at mabilis na humakbang patungo sa pinto ng mansyon. Paglabas niya, doon niya nakitang kanina pa pala naghihintay sa loob ng kotse sina Sheila at Erica.
Samantala, si Orlinda na naiwan sa sala, pinanood lamang niya ang paalis na si Christian. Nang mawala sa paningin ang lalaki ay nakahinga na ng maluwag si Orlinda.
Kailanman ay hindi siya nakarinig ng kahit anong insulto o pangungutya kay Christian. Ni hindi ito umiimik o nakikisali sa usapan sa tuwing pine-pressure siya ni Evelyn.
Gayunpaman, tila hindi niya kayang makipagtitigan sa malamig at matalim na mga mata ni Christian. Pakiramdam niya, nababasa ng lalaki ang kanyang mga iniisip.
Kinagabihan, muling nagtipon-tipon ang lahat sa harap ng hapag-kainan gaya ng dati.
Habang naghahapunan ang lahat, walang umiimik. Walang nag-uusap. Walang nagkukwentuhan. Tanging kalansing ng kubyertos lang ang naririnig.
Ngunit sa pagkakataong ito, may kulang—isang upuan ang bakante.
Wala si Orlinda.
‘’Nasaan ang asawa mo, Angelo?’’ tanong ni Evelyn sa kanyang bunsong anak, matamang nakatingin mula sa kabilang panig ng mesa.
Bahagyang natigilan si Angelo nang marinig ang tanong ng ina. ‘’Nauna na siguro siyang maghapunan,’’ walang kagatul-gatol niyang sagot.
‘’Talaga? Nauna na siya?’’ muling tanong ni Evelyn, nakataas ang isang kilay.
‘’Hmm,’’ ungol na sagot ni Angelo sa ina, halatang walang pakialam kahit pa wala ang asawa.
‘’Ano’ng klaseng asawa ka ba, Angelo? Hinayaan mong maunang kumain si Linda nang hindi man lang hinihintay ang asawa niya,’’ sermon ni Evelyn sa bunsong anak. ‘’Ni hindi man lang niya pinagsilbihan ang asawa niya,’’ dagdag nito.
Sa puntong iyon, nagsimula na naman si Evelyn na pangaralan si Angelo. Isang bagay na kinasusuklaman ni Angelo.
Madalas kasi siyang pagsabihan ng ina sa harap ng dalawa niyang nakatatandang kapatid na siyang dahilan kung bakit labis na kahihiyan ang nararamdaman niya tuwing sinesermonan siya ng ina. Pakiramdam niya ay sinasadya talaga ni Evelyn na ipahiya siya sa harap ng mga kapatid niya.
Noon pa man ay ramdam na ni Angelo na mas pinapaboran ni Evelyn ang nakatatanda niyang kapatid na sina Christian at Manuel—bagay na kinasasama ng loob niya.
Sa araw-araw na nagdaan, araw-araw din ipinamumukha ni Evelyn sa kanya na isa siyang kabiguan. Parating kinukumpara sa mga kapatid niya. At mas lalo pang lumala nang pakasalan niya si Orlinda.
Labis niya kinahihiya ang pagkakaroon ng asawa kagaya ni Orlinda na, base sa kanyang ina, ipinanganak mula sa isang mahirap na pamilya, hindi nakapagtapos ng pag-aaral, at higit sa lahat, di-hamak na ka-level lamang ng mga kasambahay ng pamilya Tan.
Sa kabila ng pagiging masunurin at tahimik ni Orlinda, hindi siya kayang ikumpara sa estado ng dalawa niyang hipag—sina Sheila at Grace—na nagmula sa mga edukado at mayaman na pamilya.
‘’Angelo, sa pagsasama ninyong mag-asawa, ikaw ang ulo ng pamilya niyo,’’ giit ni Evelyn. ‘’Kinakailangan na turuan mo si Linda na sumunod sa ‘yo. Tingnan mo yung mga kapatid mo, nagagawa nila, pero ikaw?’’
Habang pinagsasabihan ni Evelyn, nakakuyom ang mga kamay ni Angelo, at ang panga nakaigting. Pilit na pinipigilan ipakita ang iritasyon.
‘’Opo, Mom,’’ maikling sagot ni Angelo.
Pagkalipas ng labinlimang minuto, natapos na ang hapunan.
Isa-isang bumalik sa kani-kanilang mga silid upang magpahinga matapos ang nakakapagod na trabaho buong araw—kasama na doon si Angelo.
Binuksan ni Angelo ang pintuan at sa sandaling buksan ito ay nakita niya si Orlinda na nakaupo sa sofa, nakatitig sa hawak na cellphone.
Mabilis siyang naglakad palapit, mabigat ang bawat hakbang. Walang niha-niho, hinablot niya mula sa kamay ni Orlinda ang cellphone at marahas na ibinalibag.
Sa lakas ng pagkakabato ay nagkabasag-basag ang screen ng cellphone.
Napatalon sa kinauupuan si Orlinda sa bilis ng mga pangyayari. Hindi inaasahan na ang biglaang pagsulpot ni Angelo ay hahantong sa ganoon.
Agad na napalingon si Orlinda sa asawa. ‘’An-Angelo, ba-bakit mo naman ‘yon ginawa?’’ tanong niya, nahintakutan sa nangyari.
Hindi sumagot si Angelo. Madilim ang ekspresyon at puno ng galit ang mga mata. Dahil sa ekspresyon ng mukha ni Angelo ay napuno ng tensyon sa loob ng silid.
Mula sa kanyang bulsa, naglabas si Angelo ng isang business card at walang pag-aalinlangan na ibinato sa mukha ni Orlinda. Aksidenteng humiwa sa pisngi ni Orlinda ang gilid ng card bago ito nalaglag sa carpet.
‘’Kilalanin mo ang lalaking ‘yan,’’ mahina ngunit puno ng awtoridad ang tono. ‘’Siguraduhin mong mabubuntis ka niya.’’
“Ch-Chris…?”“Tulungan na kita magsukat,” wika ni Christian. Nagbaba ng tingin para tignan ang numero na siyang sukat ng dibdib ng babae bago pulutin ang papel at ballpen na inilapag ni Orlinda sa sahig para isulat ang sukat ng babae.“Kanina ka pa ba nariyan?” malumanay na tanong ni Orlinda.Agad na umiling si Christian. “Ngayon-ngayon lang. May ginawa lang ako sandali sa labas kani-kanina lang,” paliwanag nito.“Ganoon ba…” aniya, dahan-dahang napatango si Orlinda.Habang ang atensyon ni Christian ay nasa pagsusukat ng katawan niya.Tumayo ng tuwid si Orlinda. Tahimik niyang pinanood ang bayaw na sukatin siya.Maya-maya, may naisip siya bigla kaya napatanong siya. “Kuya Chris, alam mo pala mga parte na kailangan sukatan para gumawa ng damit?”Hindi agad sinagot ni Christian ang katanungan niya. Tinapos muna nito ang pagsusulat sa papel matapos magsukat.Nag-angat ng tingin si Christian. “Hindi naman gan’on kahirap alamin kung anong mga sukat ang kailangan,” sagot nito.Noon pa man,
“Gandahan mo yung disenyo ng damit na susuotin ko, Sheila, ah? Gusto ko magandang-maganda ako kagaya mo,” sabi ni Grace habang nagpapaikot-ikot sa harap ng mahabang salamin, sinisipat ang bawat anggulo ng kanyang pigura na parang feeling niya ay isa siyang modelo.Hindi sumagot si Sheila dahil abala siya sa pagtatala ng mga sukat na kinuha niya hindi lamang kay Grace, pati na sa iba pang miyembro ng pamilya Tan.Nang gabing iyon, nagtipon ang buong pamilya para lang magsukat ng damit. Sinukat ni Sheila ang bawat miyembro ng pamilya.Mga isang linggo na lang bago ang kaganapan. Ilang araw pa pero abalang-abala na agad si Sheila. Paano ba naman? Siya ang inatasan ni Evelyn na magtahi ng kanilang damit na susuotin.Sa pagsukat pa lamang, parang napapagod na siya.Matapos magsulat ng mga sukat at mag-ukit ng naisip na disenyo sa papel, nagtaas siya ng tingin.“Wala ka na bang iba pang idadagdag o papalitan, Grace?” walang kabuhay-buhay niyang tanon, medyo inaantok na kasi siya.Umiling si
“Talaga?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Leon. “Hindi ba’t si Ana ang sekretarya mo? ‘Yong nasa 40s na?” muling tanong nito.Tumango muli si Christian. “Pansamantalang nasa maternity leave ngayon si Ana kaya pinalitan muna siya ni Orlinda,” sagot niya.“Gan’on ba,” napapatangong wika ni Leon. “Huling tanong, gaano na ba katagal na nagtatrabaho sa ‘yo ang sekretarya mo?”“Mahigit tatlong linggo pa lang,” sagot naman ni Christian.“Totoo ba ‘yan?” muling nagulat sa nalaman si Leon. “Saang prestihiyosong eskwelahan o unibersidad ba nagtapos ang sekretarya mo?” usisa nito.Bahagyang ngumiti si Christian, umiiling. "Hindi nakatungtong ng kolehiyo si Orlinda. Highschool graduate lang ang natapos niya," sagot niya.Muling nabigla si Leon sa isinagot ni Christian. "Totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" gulat na tanong nito. "Mr. Tan, maitanong ko lang. Bakit mo siya kinuha bilang sekretarya mo?"Akmang magsasalita na si Christian nang magbuka siya ng bibig nang marinig ang huling tanong ng la
Eksaktong alas-singko ng hapon dumating ang panauhing hinihintay ni Christian.Isang lalaki na kasing-edad ni Christian ang pumasok—si Leon Avendino—naglalakad sa tabi nito ay isang matikas na babae.Agad na lumapit si Christian para batiin ang mga panauhin. Si Orlinda ay mabilis na sumunod at ginaya ang amo.“Maligayang pagdating, Director Avendino,” magalang na bati Christian, iniabot ang kamay sa panauhin.Malugod na tinaggap ni Leon Avendino ang pakikipagkamay kay Christian, nakangiti.Matapos makipagkamay, una munang ipinakilala ni Leon ang babaeng nasa tabi nito.“By the way, I would like to introduce to you my wife—Julie Avendino,” masayang pagpapakilala ni Leon sa kanyang misis.Marahang ngumiti si Julie.Nakahanda na si Christian na batiin ang asawa ni Leon pero nang makitang nagtaas ito ng kamay at nagsenyas, sandali siyang natigilan.Gaya ng ginawa ni Julie, nagtaas din ng kamay si Orlinda at nagsenyas na nangangahulugan ng pagbati sa babaeng panauhin. Mabilis pero malinaw
Dalawang beses na kumatok si Joel bago pumasok sa loob ng opisina ng amo.Sa loob, agad niyang naramdaman ang mababang temperatura sa sandaling humakbang siya papasok.Mabilis na umikot ang kanyang paningin. Napansin niya ang basag na mouse na pamilyar na pamilyar sa kanya na ginagamit ng amo.Nang mag-angat siya ng tingin, napaigtad siya sa pagkabigla ng makitang nakatitig ng matalim sa kanya si Christian, nakapangalong-baba.Joel composed himself right away, keeping professionalism like what he taught Orlinda should always do.He walked forward, stopped and stood in front of Christian before speaking his reason.“Sir, may meeting ka mamayang hapon with Director Avendino,” wika ni Joel. “Pinalinis ko na din ang guest room ahead of time in case the Director arrives earlier than we expected,” he added.“Hmm,” Christian responded shortly with a hum.Matapos sabihin ito ay aalis na siya agad pero nang maalala ang basag na mouse sa sahig, nilinis na muna nito baho lumabas ng opisina.Pagl
“Ano, Grace? Handa ka bang diborsyohin ang kapatid ko para sa ‘kin?” muling tanong ni Angelo.Napakagat ng labi si Grace, hindi niya alam kung tama ba ang sasabihin niya.Kung um-oo siya ng sagot, dapat nakahanda nga talaga siya sa mga consequences na maaring mangyari pagkatapos niyang diborsyohin si Manuel.Habang napapaisip, biglang pumasok sa isip niya ang isang imahe kung saan masayang-masaya ang mga magulang niya sa tuwing nakikita nito si Manuel na kasama siya para dumalaw sa kanilang tahanan.Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga magulang niya kay Manuel.May biglang pumasok muli sa kanyang isip. Ang imahe ng galit niyang mga magulang matapos niyang hiwalayan si Manuel.Bigla siyang nakaramdam ng takot.Lalo na ng isa pang imahe ang pumasok sa kanyang isip, ang malaman ng lahat ang lihim na affair nila ni Angelo.Dito na nagsimulang manginig ang buong katawan ni Grace sa matinding takot.Bilang abogado, isang kahihiyan at nakakababa ng kredibilidad kapag nalaman na siya mis
Matapos ang matinding tensyon kanina sa hapag-kainan, si Orlinda ang naglilinis ng mga pinagkainan pagkatapos.Kahit pa tapos na ang nakaka-pressure na eksena kanina ay ramdam pa din niya ang bigat ng mga pangyayari.Habang kinukuskos ang espongha na hawak ay may pagkakataon na ito’y nadidiinan niy
Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu
"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb







