Share

Kabanata 4

Penulis: 4STARS
last update Tanggal publikasi: 2026-06-14 05:12:35

‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’

‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagbibiro lang ako kaninang umaga, ‘no? Tingnan mo ang mukha ko, sa tingin mo ba nagbibiro ako sa banta ko sa ‘yo na ititigil ko ang gamutan ng Lolo mo?!’’

Napayuko si Orlinda nang makitang sumabog sa matinding galit si Angelo. Ang business card sa mga kamay niya ay nalukot na nang ikuyom niya ang kanyang mga kamay.

‘’Pero Angelo… hindi ko kaya,’’ mahinang usal niya, halos hindi na marinig sa hina. ‘’Hindi ko kayang gawin ang ipinapagawa mo sa ‘kin—’’

‘’Wala akong pakialam!’’ putol ni Angelo. ‘’Wala akong pakialam kung hindi mo kaya. Gagawin mo kung ano ang inuutos ko sa ‘yo!’’

‘’Pero Angelo, hindi ko talaga kayang gawin ang—UGHHH!’’

Hindi na nagawang tapusin ni Orlinda ang sasabihin niya ng bigla na lamang hablutin ni Angelo ang kanyang leeg. Sa higpit ng pagkakasakal nito sa kanya ay agad siyang nahirapan makahinga.

Pilit siyang nagpumiglas pero parang bakal ang kamay ni Angelo.

Nag-angat siya ng tingin. Hirap man magsalita pero pinilit niyang pakiusapan ang asawa. ‘’An-angelo, please… nakikiusap ako sa ‘yo. Hu-huwag mo a-akong pilitin na ga-gawin ‘to. Hi-hindi ko talaga ka-kaya,’’ naluluhang sabi niya. Humigop siya hangin bago muling nagsalita. ‘’Hu-huwag mo din i-idamay dito ang—’’

‘’Manahimik ka!’’

Mariing sinakal ni Angelo si Orlinda bago ito walang awang ibinalibag sa sahig.

Sa sandaling bumagsak si Orlinda, nakawala sa mahigpit na pagkakasakal ni Angelo, labis siyang naubo. Naging mabigat ang kanyang paghinga, pilit nilalanghap ang hanging kanina pa niya kailangan upang makahinga muli ng maayos.

Matagal siyang tinitigan ni Angelo—matalim—bago ito muling magsalita.

‘’Gusto mo bang malaman kung bakit ako nagkakaganito?’’ wika nito, mas malamig ang boses. ‘’Alam mo ba na pinahiya na naman ako ni Mom kanina dahil lang sa wala ka kanina sa hapag.’’ Nanginginig ang hintuturo ni Angelo, nakaturo sa kanyang sariling dibdib.

Mahina man ang pagbanggit ng mga salita, subalit hindi malumanay at puno ito ng pait.

Sa pagkakataong ito, lumuhod si Angelo at hinablot ang buhok ni Orlinda. Iniharap ang mukha nito sa kanya. ‘’Sabihin mo nga sa ‘kin, bakit wala ka kanina sa baba? Sinasadya mo bang gawin ‘yon para ipahiya ako ni Mom sa harap ng mga kapatid ko?’’ Mahinang natawa si Angelo, nakangisi. ‘’Siguro nga sinasadya mo.’’

Matapos sabihin ‘yon ay marahas na binitawan ni Angelo ang buhok ni Orlinda. Tumayo siya at inayos ang damit.

‘’Gawin mo na lang ang ipinag-uutos ko sa ‘yo. Magdalang-tao ka, sa ganoong paraan ka lang makakabawi sa lahat ng kahihiyang natanggap ko.’’

Sunod na araw…

“Totoo nga ang sinabi sa ‘kin ni Sheila na multifunctional ka. Magaling ka rin kasing mamalantsa,” sabi ni Grace sabay hagikgik, habang pinapanood si Orlinda na pinaplantsa ang kanyang blazer.

“Alam mo, Linda, kahit ikaw lang sapat na. Mas magaling ka pang katulong kaysa sa mga katulong natin mismo.” Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Grace ay pawang pangbababa at insulto kay Orlinda. Walang ni katiting na respeto kahit pa sila’y mag-bilas.

Hindi na lang umimik si Orlinda at nagpatuloy lamang sa pamamalantsa para matapos na ang ginagawa.

Ilang saglit pa ay natapos na si Orlinda. Agad niyang iniabot kay Grace ang blazer nito. Pinatay niya ang plantsa at binunot ang saksakan.

‘’Tapos na, Grace,’’ aniya.

‘’Talaga? Akin na.’’

Matapos kunin ang bagong plantsang blazer ay sinuri ito ni Grace, naghahanap ng kahit anong kapintasan. Sa sumunod na segundo, umangat ang gilid ng labi ni Grace.

‘’Linda, tingnan mo,’’ ani Grace, iniangat ang blazer. ‘’Hindi mo na plantsa ng maayos ang parte na ‘to. Ulitin mo nga.’’ Ibinalik ni Grace kay Orlinda ang blazer.

Hindi gumalaw si Orlinda, nanatiling nakatitig lamang siya kay Grace—hindi dahil naiirita siya sa kakapalan ng mukha ni Grace na gawin siyang alila kundi nawalan na siya ng gana matapos marinig ang mga sinabi nito kanina.

Nang makitang hindi kumilos si Orlinda, bahagyang nairita si Grace. Matalim niyang tinitigan ang bilas.

‘’Bakit ganyan ka makatingin?’’ inis na wika ni Grace, sabay na pinandilatan ng mata si Orlinda. Naghalukipkip ito ng braso. ‘’O siguro kaya ganyan ka makatingin kasi ayaw mong plantsahin nang maayos ang blazer ko?’’

Binuka ni Orlinda ang bibig niya para magsalita nang—

‘’Grace!’’

Pinutol ng baritono at galit na boses ni Manuel ang tensyon sa pagitan nina Grace at Orlinda.

Sabay na napalingon ang dalawa.

‘’Ano ba, Grace? Bilisan mo, male-late na ako!’’ Bakas sa tono nito ang matinding pagkainip.

Nang makita ang matalim na pagtitig ni Manuel sa kanya ay nag-iwas ng tingin si Orlinda.

‘’Oo na, ito na!’’ sigaw pabalik ni Grace, halata sa tono ang pagkayamot. Ang iritasyon niya ay hindi dahil kay Manuel—kundi dahil kay Orlinda na sumira ng araw niya.

Yumuko si Grace at mabilis na hinablot ang inihagis na blazer. Bago umalis, pinandilatan niya ng mata si Orlinda.

‘’Humanda ka sa ‘kin mamaya.’’

Naglakad paalis si Grace, naiwan sa ere ang banta.

Maaga pa lang ng mga oras na ‘yon pero marami na ang mga gawaing bahay na kailangan asikasuhin ni Orlinda. Gaya na lamang ang pagpapaalala kay Evelyn na uminom ng gamot bago mag-agahan.

Dala ang isang tray na may nakapatong na gamot at baso na may maligamgam na tubig, kumatok ng ilang beses si Orlinda. Tsaka lamang siya pumasok sa loob ng silid nang marinig ang boses ni Evelyn mula sa loob.

Sa loob ng silid, nakaupo sa harap ng vanity mirror si Evelyn. Nakatitig sa repleksyon nito.

‘’Mom, oras na para inumin ang gamot mo,’’ malumanay na wika ni Orlinda, maingat na inilapag ang tray sa nightstand.

Lumingon si Evelyn—isang malamig na tingin na sumuyod kay Orlinda mula ulo hanggang paa. Iniabot ng dalaga sa kanya ang isang basong may maligamgam na tubig at ang gamot.

‘’Nasaan ka kagabi?’’ usisa ni Evelyn. ‘’Bakit hindi ka sumabay samin maghapunan kagabi?’’

Biglang nanuyo ang lalamunan ni Orlinda. Biglang sumagi sa isip niya ang mga nangyari kagabi.

‘’Pasensiya na, Mom. Medyo… masama ang pakiramdam ko kagabi kaya hindi ako nakasabay sa inyo,’’ paliwanag niya.

Hindi na pinahaba pa ni Orlinda ang paliwanag dahil alam niyang ayaw ni Evelyn ng mahabang paliwanag. At isa pa, mas lalo siyang hindi paniniwalaan ng biyenan.

Kinuha ni Orlinda ang baso at gamot. Lumapit siya kay Evelyn para iabot ito. Tinanggap naman ito ni Evelyn. Unang inilagay ang gamot sa kanyang bibig tsaka sinunod ang pag-inom ng tubig.

Hindi agad umalis si Orlinda. Tumayo siya sa likuran ni Evelyn at sinuklay ang buhok ng biyenan.

Matapos suklayan si Evelyn ay kinuha na niya ang baso at ipinatong muli sa tray. Binitbit niya ang tray palabas ng silid. Pero bago siya makalabas ay narinig niyang magsalita si Evelyn.

‘’Linda, kunin mo ang tungkod ko,’’ utos nito.

Agad na sumunod si Orlinda at kinuha ang tungkod ng biyenan. Pagkaabot ay inalalayan niya sa braso si Evelyn habang ang isang kamay ay mahigpit na hawak ang tray na may nakapatong na baso.

Inalalayan niya ang biyenan papunta sa silid-kainan.

Ilang hakbang na lamang ay nasa hapag-kainan na sila nang magsalita muli si Evelyn. ‘’Bitawan mo na ‘ko. Baka bigla mo na lang akong itulak at masubsob ako,’’ sarkastikong wika nito.

Hindi man kalakasan ang pagkakasabi pero sapat para marinig ng lahat ng nasa hapag-kainan ang boses ni Evelyn na siyang dahilan para mapalingon ang lahat sa kanya at kay Orlinda.

Nang makita na nakabaling sa kanya ang mga matatalim na titig ng mga naroon, agad na namutla ang mukha ni Orlinda.

Hindi na siya umimik. Hinila niya ang upuan para kay Evelyn at in-adjust ito nang maupo ang biyenan.

Pagkatapos mag-almusal, isa-isang nagsialisan ang bawat miyembro ng pamilya. Ang iba ay bumalik sa kani-kanilang silid, ang iba naman ay agad na umalis para pumasok ng trabaho. Habang si Orlinda naman ay mag-isang naiwan para maglinis ng mga pinagkainan.

Nakakapagod man ang araw-araw niyang buhay sa mansyon, buong tiyaga niya itong pinagtitiisan.

Nang matapos niya ang lahat ng gawaing-bahay, pabalik na sana siya sa silid nila ni Angelo nang maalala niyang Biyernes nga pala ngayon.

Tuwing Biyernes ay pinuputulan niya ng kuko si Evelyn.

Dala ang nail clipper, dali-dali siyang nagtungo sa silid ni Evelyn. Kagaya parati, kumatok muna siya sa pinto at naghintay ng permiso na makapasok.

Pagpasok niya sa loob, nakita niya si Evelyn na nakaupo sa mahabang sofa at may hawak na fashion magazine, katabi ang bilas niyang si Sheila na kalong-kalong ang anim na buwang sanggol na si Chelsea—ang ikalawang anak ni Sheila. Habang ang panganay naman nitong si Erica ay naglalaro sa carpet.

Lumapit si Orlinda kay Evelyn. “Mom, Biyernes ngayon kaya puputulan kita ng kuko,” malumanay niyang saad.

Iniabot ni Evelyn ang kanang kamay niya kay Orlinda, hindi inaalis ang tingin sa binabasang fashion magazine. Agad na lumuhod si Orlinda at nagsimulang putulan ng kuko ang biyenan.

Habang abala ang bawat isa, umalingawngaw ang tunog ng mamahaling sapatos na humahakbang sa tiled floor.

Sa likod ni Orlinda, sandaling huminto si Christian. Pinagmasdan niya ang bawat isang naroon bago umupo sa tabi ni Sheila, na abala sa pagpapadede kay Chelsea gamit ang bote na may laman na formula milk.

“Papa!” masahang bulalas ni Erica sa sandaling makita ang pamilyar na mukha ng ama.

Sa kabila ng kasiyahan ng bata ng makita si Christian, walang ekspresyon ang mukha ng lalaki. Hindi man lamang siya ngumiti at tinitigan lamang ang paglalaro ng anak.

Lumipat ang tingin niya kay Orlinda na nakaupo na sa sahig, naka-krus ang binti, habang pinuputol ang kuko ng kanyang ina.

Naputol ang katahimikan ng biglang—

“Ahhhhh!”

Napalingon ang lahat kay Evelyn nang marinig ang pagsigaw nito.

Si Orlinda, na nagpuputol ng kuko ng byenan, ay natulak ng biglang bawiin ni Evelyn ang kanang kamay nito. Dahil doon, napasalampak tuloy siya sa sahig. Ang hawak na nail clipper ay dumulas sa kanyang kamay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update bhe .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 61

    "BLEGH!"Hearing this, it caught everyone's attention which made everyone in the dining hall pause from eating.Tinakpan ni Orlinda ang kanyang ilong para hindi na maamoy ang pagkain pati na ang kanyang bibig dahil baka tuluyan siyang masuka.Maingat niyang inilapag ang chopstick na hawak sa pinggan.Hinimas-himas niya ang kanyang dibdib.Nang bahagyang umayos na ang pakiramdam niya ay sinubukan niya ulit na kumain pero muli na naman siyang nakaramdam ng pagduduwal sa sandaling maamoy ang amoy ng pagkain.Mabilis niyang inilayo ito at ibinaba sa kanyang pinggan.Muli na namang sumama ang sikmura ni Orlinda. Sinubukan niyang itago ang discomfort na nararamdaman niya pero wala siyang kamalay-malay na kanina pa siya pinapanood ng isa sa mga hipag niya.Dahan-dahang nginuya ni Sheila ang nginunguyang pagkain bago ito lunukin. Pagkatapos ay tsaka siya nagsalita.''Linda, pagkatapos natin kumain huwag ka munang aalis,'' walang kagatul-gatol na sabi niya.Nag-angat ng tingin si Orlinda at ti

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 60

    ‎Isa-isang nagsisiupuan sa kanya-kanyang bakanteng upuan ang bawat miyembro ng pamilyang Tan. Kaya nagsimula na ang mga kasambahay na ilatag sa malapad na mesa ang mga nagsasarapang mga pagkain na pawang mga traditional chinese cuisine na paboritong kainin ng matriarch ng pamilya.‎Natapos nang ihain ng mga kasambahay ang mga pagkain pero wala ni isa sa mga nakaupo ang nagtangkang kumain ng walang pahintulot lalo na't may dalawang upuan na bakante. Isa rito ay ang upuan para kay Evelyn.‎Ilang saglit pa'y dumating na si Evelyn sa dining hall, sa likod nito ay si Orlinda na tahimik na nakasunod. Nakahandang umalalay anumang oras.‎Hinila ni Orlinda ang upuan para sa kanyang byenang babae tsaka ito maingat na naupo.‎In-adjust ni Orlinda ang upuan ni Evelyn bago siya naupo sa sariling upuan.‎Umikot ang paningin ni Evelyn sa mga taong naroon, tsaka siya nagsalita at sinabing, "magandang umaga sa inyong lahat. Wǒmen chīfàn ba." ["Kain na tayo."]‎Nang marinig ang signal na pwede na silan

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 59

    ‎Maagang gumising si Orlinda.‎Tinulungan muna niya ang mga kasambahay sa pagluluto at paghahanda ng agahan ng buong pamilya bago dali-daling nagpunta sa kwarto ng biyenan niyang si Evelyn na abala sa pag-aayos ng sarili.‎Pinunas niya ang kanyang basang kamay sa suot niyang damit bago kumatok ng ilang beses at buksan ang pintuan.‎Pagkabukas, nakita niya ang biyenang babae na nagbubutones ng damit.‎"Mom," malumanay niyang pagtawag sa babaeng biyenan, maingat na isinara ang pinto.‎Matapos magdamit, lumabas mula sa walk-in closet si Evelyn at naupo sa tapat ng antigong dressing table.‎Agad na kinuha ni Orlinda mula sa drawer ng dressing table ang hairbrush sa sandaling makaupo ang biyenan.‎Maingat niyang sinuklayan si Evelyn.‎Sa kabila ng katandaan, nananatiling malago at alagang-alaga ang buhok ni Evelyn. Hindi kagaya ng ibang mga kaedaran nito na may mga uban o halos namumuti na ang mga buhok.‎Habang tahimik niyang sinusuklayan ang biyenan, mariing nakatitig sa malaking salamin

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 58

    ‎Sa kabilang silid-tulugan—ang silid ng mag-asawang Manuel at Grace—tahimik na pinakinggan ni Grace ang usapan ng mag-asawang Angelo at Orlinda.‎Walang kamalay-malay si Angelo na aksidente niyang nasagot ang tawag ni Grace kaya narinig nito lahat ng mga sinabi nila.‎Sa kabilang banda, hindi naman sinasadya ni Grace na makinig.‎Tumawag siya kay Angelo dahil may nakalimutan siyang sabihin pero ang hindi niya inaasahan na kasama na pala ni Angelo si Orlinda at nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawa.‎Matapos mapakinggan ang mga sinabi ni Angelo, nagdesisyon na siyang ibaba ang tawag.‎Hindi na siya interesado pang malaman ang mga sunod na sasabihin ng dalawa sa isa't isa o ang reaksyon ngayon ng hipag niya.‎"Humahagulgol na siguro 'yon ngayon dahil sa mga marahas na sinabi ni Angelo. Lalo na naman papanget si Linda," wika niya, mahinang natawa nang maisip ang mukha ng hipag na umiiyak, namumugto ang mata at tumutulo ang sipon.‎Pero saglit lamang ang tawang iyon, dahil sa mg

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 57

    ‎Habang masayang nag-uusap sina Angelo at Grace sa cellphone, walang kamalay-malay si Angelo na nasa likuran na pala niya ang asawa.‎Sa sandaling pumasok ng silid-tulugan, narinig at nakita lahat ni Orlinda ang mga sinabi at reaksyon ng asawa.‎Kaysa tawagin ang pangalan ni Angelo, pinili ni Orlinda na manahimik at makinig muna.‎Nagkakatawanan ang dalawa. Halatang kanina pa magkausap.‎"Hindi mo kailangan mag-alala sa 'kin dahil ikaw dapat ang mag-ingat. Mag-aalala ako ng husto sa 'yo kapag may nangyari sa 'yo," malambing na sabi ni Angelo, may matamis na ngiti sa labi.‎Napahagikgik si Grace na akala mo'y kinikiliti ang singit. "Oo na, Gelo," aniya, kinikilig. "Sige na, baka pumasok bigla sa kwarto ang Kuya mo. Baka mahuli pa tayo."‎Gusto pa sanang makipag-usap ng mas matagal ni Angelo sa hipag pero dahil ramdam niya ang kaba sa tono ni Grace ay hindi na lamang niya sinubukan na humiling ng ilang minuto pa.‎Napabuntong-hininga na lamang siya.‎"O sige, sige. Matulog ka na. Good n

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 56

    ‎Sa loob ng silid-tulugan ng mag-asawang Sheila at Christian, kanina pa inis na inis sa pagkainip si Sheila.‎Hindi pa rin siya natutulog dahil hinihintay niyang pumasok sa silid nila si Christian.‎Mabilis siyang naligo, nagpahid ng mabangong lotion. Nagsuot pa siya ng mahalay na kasuotan para lamang maakit niya ang mister. Inaasam na baka madiligan na siya ngayong gabi.‎Inip na inip na talaga siya.‎Binalak ni Sheila na puntahan na si Christian sa study room nito. Hinala niya na naroon ang asawa kaya minabuti niyang kumilos na.‎“Kung ayaw lumapit ng tandang, eh 'di, ang inahing manok na ang lalapit.”‎Bumangon sa kama si Sheila. Balak na puntahan ang asawa nang biglang bumukas ang pinto ng silid.‎Sandaling natigilan si Sheila bago nagmadaling lumapit kay Christian para yakapin ito.‎Subalit, natigilan siyang muli nang tingnan siya ng lalaki ng tumitig ito ng matalim at malamig ang mga mata.‎Napalunok sa takot si Sheila. Ilang segundo siyang natahimik, pinakakalma ang sarili tsak

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 7

    Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 6

    Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 5

    "Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 1

    ‘’Humanap ka ng ibang lalaking bubuntis sa ‘yo, Linda.’’Ang mga salitang sinabi ng mister niya ay parang isang malaking maso na pumukpok ng malakas direkta sa puso ni Orlinda nang umaga na ‘yon.Si Orlinda, na isang hamak na virgin, ay nasaktan at nagtaka sa sinabi ng asawa.‘’Se-seryoso ka ba sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status