Share

Kabanata 2

Penulis: 4STARS
last update Tanggal publikasi: 2026-06-14 05:11:23

Matapos ang matinding tensyon kanina sa hapag-kainan, si Orlinda ang naglilinis ng mga pinagkainan pagkatapos.

Kahit pa tapos na ang nakaka-pressure na eksena kanina ay ramdam pa din niya ang bigat ng mga pangyayari.

Habang kinukuskos ang espongha na hawak ay may pagkakataon na ito’y nadidiinan niya sa tuwing hindi niya nakokontrol ang kanyang emosyon.

Ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan ay tuluyan ng tumulo. Tahimik siyang humikbi dahil ang mga emosyon na kanina pa niya kinikimkim ay tuluyan ng bumalot sa kanya.

Habang umiiyak, naramdaman niya ang paghagod ng isang kamay sa kanyang likuran. Napaigtad si Orlinda at agad na pinunasan ang kanyang mukha gamit ang kanyang braso.

‘’Miss Orlinda…’’ boses ito ng matandang kasambahay na si Manang Maria.

Lumapit ang matanda at kinuha mula sa kamay ni Orlinda ang nililinis na pinggan.

‘’Ako na d’yan. Alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na,’’ matamis na nakangiti ang matandang babae.

Napangiti rin si Orlinda. ‘’Manang, kaya ko na ‘to,’’ aniya.

Gayunpaman, nagpumilit ang matanda at inagaw na mula sa kanyang kamay ang hawak na plato.

Mahinang natawa si Orlinda.

‘’Makinig ka na lang at ipaubaya mo na lang ito sa akin,’’ sabi ni Manang Maria.

Naglabas ng panyo ang matanda at ipinunas sa kamay ng dalaga. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin si Manang Maria, natitig ng diretso sa mga mata ni Orlinda.

‘’Hija, h’wag ka ng umiyak. Sinisira lang ng pag-iyak mo ang maganda mong mukha,’’ malambing na saad ng matanda, maingat na pinupusan ang mukha ng dalaga.

Hinawakan ni Maria ang magkabilang pisngi ni Orlinda at sinabing, ‘’huwag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nila, okay?”

Tumango si Orlinda. ‘’Opo, Manang,’’ aniya, may malapad na ngiti sa labi,

Matapos punasan ang mukha ni Orlinda ay niyakap ni Manang Maria ang dalaga, hinihimas-himas ang ulo nito.

Hindi ito ang unang beses na masaksihan ni Maria ang marahas at walang awang pangungutya ng pamilya Tan kay Orlinda. Wala naman kasing araw na hindi pinagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya ang pang-iinsulto at pangbababa kay Orlinda. Kaya labis siyang nasasaktan para sa dalaga. Lalo na sa tuwing natatagpuan niya itong umiiyak mag-isa.

Nang mabalot sa mainit na bisig ng matanda, yumakap pabalik si Orlinda at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng kasambahay.

Para kay Orlinda, tanging ang yakap ni Manang Maria ang siyang nagiging sandalan niya sa tuwing nababalot siya ng matinding emosyon.

“Tunay ngang matalas ang dila ni Ginang Evelyn. Sa sobrang talas ay kahit siguro sino ay masasaktan sa mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya,” bulong ng matandang kasambahay. Nagpatuloy ito, “Miss Orlinda, huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga sinasabi nila. Lagi mong patatagin ang sarili mo. Huwag mong iisipin na nag-iisa ka lang sa mansyon na ‘to, narito ako para damayan ka.”

Nag-angat ng ulo si Orlinda, nakangiti. Masaya siyang nang marinig ang sinabi ni Maria.

“Tatandaan ko ‘yan, Manang,” saad niya.

Muling hinawakan ni Maria ang isang pisngi ni Orlinda, hinimas ito ng kanyang hinlalaki. “Naniniwala ako na magbabago din ang pagtrato nila sa ‘yo sa araw na isilang mo ang tagapagmana ng pamilya nila.”

“Sana nga, Manang,” nakangiting sabi ni Orlinda. Wala mang kasiguraduhan pero hinihiling niya pa din itong mangyari.

Bumitaw sa pagkakayakap si Maria at hinarap ang lababo na puno ng hugasin. “Sige na, magpahinga ka na, Miss Orlinda. Ako na ang bahala rito.”

“O sige, maiiwan na kita rito.”

Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay pinaubaya na ni Orlinda ang mga hugasin kay Manang Maria.

Lumabas mula sa kusina si Orlinda at nagtungo pabalik sa silid nila ni Angelo.

Bago makarating sa engrandeng hagdan, napadaan siya sa sala at nakita si Sheila kasama ang panganay nitong anak.

“Mama…” ang maliit na boses ay nagmula sa pamangkin niyang si Erica na tumatakbo patungo kay Sheila na may dalang medyas at sapatos.

Nagsalita muli ang bata. “Ma, isuot mo na sa ‘kin ang medyas ko,’’ aniya, habang hawak sa magkabilang kamay ang medyas at sapatos.

Kaysa pagtuunan ng pansin ang anak, mas nakatuon ang atensyon ni Sheila sa screen ng tablet na hawak kung saan mas abala pa siyang asikasuhin ang disenyo ng damit na kanyang ginagawa.

‘’Kaya mo na ‘yan mag-isa,’’ malamig na sabi ni Sheila, hindi man lang nililingon ang anak.

‘’Pero hindi ko talaga kaya, Mama,’’ reklamo ni Erica sa ina, nakanguso.

‘’Tsk.’’

Malamig na tinitigan ni Sheila ang sariling anak. Balak na sana niyang pagsabihan ang bata nang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na pigura na kalalabas lamang mula sa kusina.

‘’Linda!’’

Si Orlinda na patungo sa direksyon ng hagdan ay napahinto sa paglalakad nang tawagin siya ni Sheila.

‘’Tara dito, Linda,’’ tawag muli ni Sheila.

Lumapit si Orlinda at nagtanong. ‘’May kailangan ka ba sa ‘kin?’’

Hindi sinagot ni Sheila ang tanong ni Orlinda at mabilis na lumingon sa kanyang limang taong gulang na anak. ‘’Erica, ibigay mo ‘yan sa Tita Linda mo. Siya na ang bahala tumulong sa ‘yo na magsuot niyan.’’

Natigilan si Orlinda sa sinabi ni Sheila.

Tinawag lamang siya nito para lang asikasuhin ang anak nito?

Hindi na lamang nagprotesta si Orlinda at pinili na lamang gawin ang sinabi ni Sheila. Kahit pa labis ang kakapalan ng mukha nitong utusan siya, hindi niya magagawang idamay ang inosenteng si Erica sa walang pakialam nitong ina.

‘’Tara dito, Erica. Ang Tiya na ang tutulong sa ‘yo magsuot niyan. Halika,’’ aya niya sa bata.

Hinila niya sa braso ang bata at pinaupo sa sofa. Tsaka niya maingat na isinuot ang medyas at sapatos ng bata.

Si Sheila na tahimik na pinapanood ang ginagawa ni Orlinda ay napangisi dahil sa kaunting salita lang niya ay napakadali lamang niyang utus-utusan ang mangmang na si Orlinda.

‘’Okay na,’’ aniya, tumayo si Orlinda matapos tulungan ang pamangkin.

Bumaba sa sofa si Erica at tiningnan ang suot na sapatos. Nag-angat ng tingin ang bata kay Orlinda. ‘’Thank you, Tita Linda!’’ maligalig na sabi nito.

Ngumiti ng matamis si Orlinda nang marinig ang pasasalamat ng bata. ‘’Walang anuman.’’

Hindi rin nagtagal ang ngiti sa labi ni Orlinda nang marinig niya ang sinabi ni Sheila.

‘’Ang dami mo talagang kayang gawin, Linda,’’ nakangising sabi ni Sheila. ‘’Hindi ka lang mahusay na katulong, magaling ka pang tagapag-alaga ng bata. Ano pa ba ang mga kaya mong gawin?’’ Puno ng panunuya ang bawat salitang binibitawan.

Nanatiling tahimik si Orlinda habang patuloy sa pagsasalita si Sheila. ‘’Alam mo, bakit hindi mo na rin kaya alagaan si Chelsea? Mamaya, tulungan mo doon si Aling Pasing na alagaan si Chelsea. Para naman may alam ka na sa pag-aalaga ng bata kapag may sarili ka ng anak.’’

Matapos sabihin ito ay pinatay na ni Sheila ang hawak na tablet, itinago sa loob ng kanyang mamahaling bag.

Nang makitang hindi pa din umiimik si Orlinda ay nagpatuloy lamang si Sheila sa pagbato ng mga makamandag na salita. ‘’Panget ba ‘yung mga sinabi ko, Linda? Tama naman ako, ‘di ba? Kasi kung baog ka nga, eh ‘di, hindi ka na magkakaanak. Pero okay lang ‘yon, kasi pwede mo naman alagaan ang mga anak ko o kaya mga anak ni Grace. ‘Di ba?’’ Mas mapanakit at mas matalim pa ang mga huling sinabi ni Sheila kaysa sa mga nauna.

Blangko ang mukha ni Orlinda habang nakatitig siya kay Sheila. Sa kabila ng mga sinabi nito ay pinilit niyang hindi maapektuhan. Upang hindi maiyak, pinisil niya ang kanyang kamay. Halos bumaon sa balat niya ang bako-bako niyang mga kuko.

Bahagyang nairita si Sheila nang hindi pa din umiimik si Orlinda kahit napakarami na niyang sinabi.

‘’Naririnig mo ba ‘ko?’’ inis na sabi ni Sheila, malakas na dinuro sa noo si Linda.

Agad na napahawak si Orlinda sa kanyang noo sa sakit ng tumusok ang mahabang kuko ni Sheila.

Sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Orlinda. ‘’Oo. Narinig kita.’’

Ngumiti ng malapad si Sheila. ‘’Kapag kinakausap ka, sumagot ka. Linda, kailangan masunurin ka na parang aso—’’

‘’Sheila!’’

Isang malalim at tila ugong ng kulog na boses ang umalingawngaw sa buong sala. Ang boses na iyon ay nanggaling sa lalaking palapit kina Sheila at Orlinda.

Nang makalapit, sumulyap ang lalaki kay Orlinda at sa anak nitong si Erica—pagkatapos ay matalim na tinitigan ang asawang si Sheila. ‘’Sheila, ano sa tingin mo ang mga pinagsasasabi mo kay Linda?’’

Biglang napalunok ng laway si Sheila nang makatanggap siya ng matalim na sulyap mula sa kanyang mister.

‘’Wa-wala naman a-akong sinasabi sa kanya!’’ maang niya, habang mahigpit na nakahawak sa strap ng kanyang bag.

‘’Hindi ako tanga at bingi, Sheila,’’ malamig na sabi ni Christian, madilim ang mukha. ‘’Malinaw na malinaw sa pandinig ko na pawang pangbabastos ang lumabas sa bunganga mo!’’

‘’Hindi, ah! Wala naman akong sinasabing masama kay Linda,’’ maang pa din ni Sheila, sinusubukan depensahan ang sarili. ‘’Bakit ko naman ‘yon gagawin kay Linda? Masyado ka lang sensitive, Chris.’’

‘’Sensitive?’’ aniya, nagsalubong ang makakapal na kilay ni Christian. ‘’Sheila, alam na alam ko ang ugali mo. Sheila, humingi ka ng tawad kay Linda sa lahat ng mga sinabi mo kanina,’’ mariing utos nito.

Natigilan si Sheila nang marinig niya na inutusan siya ng asawa niya na humingi ng tawad kay Orlinda—ang babaeng kinukutya niya. Labis siyang nagtataka at nagagalit kung bakit mas pinapanigan at dinedepensahan ng sarili niyang asawa ang ibang babae kaysa sa kanya.

Sa gitna ng pagtatalo ng mag-asawa, isang maliit na boses ang pumukaw ng atensyon nila, si Erica.

‘’Papa… Mama…’’

Sandaling sumulyap si Christian sa anak tsaka ibinalik sa kanyang misis.

‘’Sheila, humingi ka ng tawad kay Orlinda. Ngayon din!’’ mariing utos ni Christian kay Sheila, ang tono ay walang puwang para sa argumento.

Pero si Sheila ay si Sheila.

Mabilis na binuhat ni Sheila ang panganay na anak na si Erica at mabilis na naglakad palayo, karay-karay ang anak palabas ng mansyon.

Nang mawala paningin ang mag-ina, napabuntong-hininga na lamang si Orlinda.

Sa taas ng pride na mayroon si Sheila, malabong humingi ito ng tawad sa kanya.

‘’Kung mangyari man na humingi ng tawad si Sheila sa ‘kin, baka sampung bagyo ang sabay-sabay na mag-landfall sa pinas,’’ bulong niya sa kanyang sarili.

Sumulyap siya kay Christian at nakitang nakatitig pala ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin, bahagyang nailang dahil baka narinig nito ang sinabi niya.

Maya-maya ay narinig niyang muli ang malalim na boses ng lalaki.

‘’Hindi mo dapat basta-basta ginagawa ang sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’'

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ms abuti pa si Christian nay mabuting puso
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 53

    “Ch-Chris…?”“Tulungan na kita magsukat,” wika ni Christian. Nagbaba ng tingin para tignan ang numero na siyang sukat ng dibdib ng babae bago pulutin ang papel at ballpen na inilapag ni Orlinda sa sahig para isulat ang sukat ng babae.“Kanina ka pa ba nariyan?” malumanay na tanong ni Orlinda.Agad na umiling si Christian. “Ngayon-ngayon lang. May ginawa lang ako sandali sa labas kani-kanina lang,” paliwanag nito.“Ganoon ba…” aniya, dahan-dahang napatango si Orlinda.Habang ang atensyon ni Christian ay nasa pagsusukat ng katawan niya.Tumayo ng tuwid si Orlinda. Tahimik niyang pinanood ang bayaw na sukatin siya.Maya-maya, may naisip siya bigla kaya napatanong siya. “Kuya Chris, alam mo pala mga parte na kailangan sukatan para gumawa ng damit?”Hindi agad sinagot ni Christian ang katanungan niya. Tinapos muna nito ang pagsusulat sa papel matapos magsukat.Nag-angat ng tingin si Christian. “Hindi naman gan’on kahirap alamin kung anong mga sukat ang kailangan,” sagot nito.Noon pa man,

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 52

    “Gandahan mo yung disenyo ng damit na susuotin ko, Sheila, ah? Gusto ko magandang-maganda ako kagaya mo,” sabi ni Grace habang nagpapaikot-ikot sa harap ng mahabang salamin, sinisipat ang bawat anggulo ng kanyang pigura na parang feeling niya ay isa siyang modelo.Hindi sumagot si Sheila dahil abala siya sa pagtatala ng mga sukat na kinuha niya hindi lamang kay Grace, pati na sa iba pang miyembro ng pamilya Tan.Nang gabing iyon, nagtipon ang buong pamilya para lang magsukat ng damit. Sinukat ni Sheila ang bawat miyembro ng pamilya.Mga isang linggo na lang bago ang kaganapan. Ilang araw pa pero abalang-abala na agad si Sheila. Paano ba naman? Siya ang inatasan ni Evelyn na magtahi ng kanilang damit na susuotin.Sa pagsukat pa lamang, parang napapagod na siya.Matapos magsulat ng mga sukat at mag-ukit ng naisip na disenyo sa papel, nagtaas siya ng tingin.“Wala ka na bang iba pang idadagdag o papalitan, Grace?” walang kabuhay-buhay niyang tanon, medyo inaantok na kasi siya.Umiling si

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 51

    “Talaga?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Leon. “Hindi ba’t si Ana ang sekretarya mo? ‘Yong nasa 40s na?” muling tanong nito.Tumango muli si Christian. “Pansamantalang nasa maternity leave ngayon si Ana kaya pinalitan muna siya ni Orlinda,” sagot niya.“Gan’on ba,” napapatangong wika ni Leon. “Huling tanong, gaano na ba katagal na nagtatrabaho sa ‘yo ang sekretarya mo?”“Mahigit tatlong linggo pa lang,” sagot naman ni Christian.“Totoo ba ‘yan?” muling nagulat sa nalaman si Leon. “Saang prestihiyosong eskwelahan o unibersidad ba nagtapos ang sekretarya mo?” usisa nito.‎Bahagyang ngumiti si Christian, umiiling. "Hindi nakatungtong ng kolehiyo si Orlinda. Highschool graduate lang ang natapos niya," sagot niya.‎Muling nabigla si Leon sa isinagot ni Christian. "Totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" gulat na tanong nito. "Mr. Tan, maitanong ko lang. Bakit mo siya kinuha bilang sekretarya mo?"‎Akmang magsasalita na si Christian nang magbuka siya ng bibig nang marinig ang huling tanong ng la

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 50

    Eksaktong alas-singko ng hapon dumating ang panauhing hinihintay ni Christian.Isang lalaki na kasing-edad ni Christian ang pumasok—si Leon Avendino—naglalakad sa tabi nito ay isang matikas na babae.Agad na lumapit si Christian para batiin ang mga panauhin. Si Orlinda ay mabilis na sumunod at ginaya ang amo.“Maligayang pagdating, Director Avendino,” magalang na bati Christian, iniabot ang kamay sa panauhin.Malugod na tinaggap ni Leon Avendino ang pakikipagkamay kay Christian, nakangiti.Matapos makipagkamay, una munang ipinakilala ni Leon ang babaeng nasa tabi nito.“By the way, I would like to introduce to you my wife—Julie Avendino,” masayang pagpapakilala ni Leon sa kanyang misis.Marahang ngumiti si Julie.Nakahanda na si Christian na batiin ang asawa ni Leon pero nang makitang nagtaas ito ng kamay at nagsenyas, sandali siyang natigilan.Gaya ng ginawa ni Julie, nagtaas din ng kamay si Orlinda at nagsenyas na nangangahulugan ng pagbati sa babaeng panauhin. Mabilis pero malinaw

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 49

    Dalawang beses na kumatok si Joel bago pumasok sa loob ng opisina ng amo.Sa loob, agad niyang naramdaman ang mababang temperatura sa sandaling humakbang siya papasok.Mabilis na umikot ang kanyang paningin. Napansin niya ang basag na mouse na pamilyar na pamilyar sa kanya na ginagamit ng amo.Nang mag-angat siya ng tingin, napaigtad siya sa pagkabigla ng makitang nakatitig ng matalim sa kanya si Christian, nakapangalong-baba.Joel composed himself right away, keeping professionalism like what he taught Orlinda should always do.He walked forward, stopped and stood in front of Christian before speaking his reason.“Sir, may meeting ka mamayang hapon with Director Avendino,” wika ni Joel. “Pinalinis ko na din ang guest room ahead of time in case the Director arrives earlier than we expected,” he added.“Hmm,” Christian responded shortly with a hum.Matapos sabihin ito ay aalis na siya agad pero nang maalala ang basag na mouse sa sahig, nilinis na muna nito baho lumabas ng opisina.Pagl

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 48

    “Ano, Grace? Handa ka bang diborsyohin ang kapatid ko para sa ‘kin?” muling tanong ni Angelo.Napakagat ng labi si Grace, hindi niya alam kung tama ba ang sasabihin niya.Kung um-oo siya ng sagot, dapat nakahanda nga talaga siya sa mga consequences na maaring mangyari pagkatapos niyang diborsyohin si Manuel.Habang napapaisip, biglang pumasok sa isip niya ang isang imahe kung saan masayang-masaya ang mga magulang niya sa tuwing nakikita nito si Manuel na kasama siya para dumalaw sa kanilang tahanan.Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga magulang niya kay Manuel.May biglang pumasok muli sa kanyang isip. Ang imahe ng galit niyang mga magulang matapos niyang hiwalayan si Manuel.Bigla siyang nakaramdam ng takot.Lalo na ng isa pang imahe ang pumasok sa kanyang isip, ang malaman ng lahat ang lihim na affair nila ni Angelo.Dito na nagsimulang manginig ang buong katawan ni Grace sa matinding takot.Bilang abogado, isang kahihiyan at nakakababa ng kredibilidad kapag nalaman na siya mis

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 7

    Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 6

    Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 5

    "Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 4

    ‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status