FAZER LOGINAlas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.
Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag siguro ang dahilan kung bakit mabigat ang pakiramdam ni Orlinda kaya mabilis ang hakbang niya paakyat sa hagdan papunta sa silid-tulugan nila ni Angelo.
Pinihit niya ang seradura, marahang binuksan ang pinto.
Sa sandaling makita ang loob ng silid ay tinawag niya ang kanyang asawa.
‘’Angelo?’’
Halos pabulong, natatakot siya na baka natutulog ito at kapag naistorbo niya ay baka saktan na naman siya nito.
Lumakad papasok si Orlinda, isinara ang pintuan. Umikot ang paningin niya pero hindi niya nakita si Angelo hanggang sa bumukas ang pintuan ng banyo. Mula sa banyo ay lumabas si Angelo na nakatapis ng itim na bathrobe, pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. Halatang naligo ito dahil tumutulo pa ang tubig sa katawan nito.
Bahagyang namula si Orlinda nang makita ang itsura ng asawa kaya umiwas siya ng tingin.
Dahil tapos na maligo si Angelo ay naisipan niyang siya naman ang sunod na maligo. Tutal naman naglalagkit ang pakiramdam niya dahil sa pawis at baka sipain siya ni Angelo sa higaan dahil mabaho siya.
Mabilis siyang lumapit sa maliit na drawer para kumuha ng malinis na damit. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang tuwala na siyang isinukbit niya sa kanyang balikat habang naglalakad sa direksyon ng banyo.
Aabutin na sana ni Orlinda ang seradura ng pintuan ng banyo nang marinig niya ang boses ni Angelo.
‘’Sabihin mo nga sa ‘kin, Linda. Nagmakaawa ka ba kay Kuya Chris na bigyan ka niya ng trabaho sa kumpanya?’’ ani Angelo, puno ng pang-uuyam ang tono habang pilyong nakangisi sa kanya.
Dumiretso ng tayo si Orlinda, dahan-dahan na umikot at humarap sa asawa. Kumunot ang noo niya, bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit ganoon ang tanong sa kanya ni Angelo.
Nagbuka siya ng bibig para sagutin ang tanong ng asawa. ‘’Angelo, ano bang pinagsasasabi mo? Bakit naman ako magmamakaawa kay Kuya—’’
‘’Huwag mo kong gawing t*nga, Linda!’’ putol ni Angelo sa sinasabi niya. ‘’Aminin mo na lang na nagsumbong ka kay Kuya Chris na gusto mong magtrabaho para hindi mo na gawin ang mga gawaing-bahay dito,’’ dagdag nito.
Iyon lamang ang tanging naiisip ni Angelo na dahilan para pumayag ang kanyang nakatatandang kapatid na papasukin sa kumpanya ang mangmang na si Orlinda.
Kilalang-kilala niya ang Kuya niya na malamig, istrikto at mapili sa mga taong nagtatrabaho para rito. Kaya paano nangyari o bakit naman papayag ng basta-basta ang kapatid niya na alukin ng trabaho ang walang pinag-aralang si Orlinda?
Napakagat ng labi si Orlinda. Kahit kinakabahan, naglakas-loob siyang magtanong sa asawa.
“Angelo, gusto ko lang itanong sa ‘yo kung ayos lang ba? Papayag ka bang magtrabaho ako?”
Mariing tinitigan ni Angelo ang kanyang asawa, namumula sa galit. Gusto niyang sampalin si Orlinda para ibuhos dito ang galit niya pero agad niyang pinigilan ang sarili at kinuyom na lamang ng mahigpit ang kanyang kamao.
Sandaling pikit ang mga mata habang humihinga ng paulit-ulit bago ibuka muli ang kanyang mata, nakatitig kay Orlinda.
“Gawin mo kung ano gusto mo,” matalim niyang saad. “Hindi ba’t pumayag ka na sa alok na trabaho ni Kuya Chris? Ano pa ba magagawa ko?” sarkastikong sabi nito, walang kahit na anong ngiti sa labi.
“Huwag ka mag-alala, Angelo. Pag-ii—”
“Wala akong pakialam sa kung anong gagawin mo!” putol ni Angelo. “Pero gagawin mo pa din ang sinabi ko! Magpabuntis ka at patuloy na gagawin ang mga gawaing-bahay na nakatoka sa ‘yo. Maliwanag ba?”
Napatalon sa takot si Orlinda, lalo na ng makita ang nakakatakot na pagtitig ni Angelo sa kanya. Napaiwas siya ng tingin, nanginginig ang buong katawan sa takot.
Tahimik lamang siyang tumango.
Kinabukasan, maagang nagising si Orlinda para maagang makapaghanda ng sarili bago pumasok ng trabaho.
Naglagay lamang siya ng light make up para kahit papaano ay presentable siyang tingnan at maayos ang itsura habang nakaharap sa ibang tao.
Habang nag-aayos ng sarili ay bumukas ang pintuan ng banyo. Lumabas mula sa banyo si Angelo, nakatapis lamang ng puting tuwalya.
Huminto ito, ilang hakbang lamang ang layo kay Orlinda.
Tumayo si Orlinda nang mapansin ang mariing pagtitig sa kanya ng asawa.
“May kailangan ka ba, Angelo?” tanong niya.
“Ano ba sa tingin mo ginagawa mo? Hindi ba’t sinabihan kita na kahit papasok ka na sa opisina ay trabaho mo pa din ang gawaing bahay dito sa mansyon?” malamig na wika ni Angelo. “O baka masyado ng lumilipad ‘yang makitid mong utak at inakala mong hindi mo na kailangan gawin ang trabaho ng pagiging katulong?” May bahid ng pangungutya ang tono nito.
“Hi-hindi! Hindi ‘yan totoo! Kaya nga ako maaga gumising kasi para maaga ako makapaghanda para pagkatapos kong gumawa ng gawaing bahay ay diretso pasok
na ako sa opisina,” paliwanag niya
Inabot ni France ang dalawang kamay ni Orlinda, malambing na hinawakan.“Hindi ka dapat mahiya. Dapat maging proud ka na napakaganda mo,” nakangiting saad ng lalaki. “At alam mo ba, mas may igaganda ka pa. Tara dito,’’ dagdag nito. Hinila siya ng lalaki pabalik sa harap ng salamin ng dressing table. Hindi na siya pinaupo ni France at nanatili siyang nakatayo. May kinuha ang lalaki mula sa drawer ng dressing table mabilis na bumalik kay Orlinda. ‘’Steady mo lang ulo mo… Huwag malikot…’’Nanatiling nakatayo si Orlinda, unat ang likod.Ilang segundo lang, lumayo ng bahagya si France. Sinipat ang itsura niya matapos ilagay sa ulo niya ang isang jade hairpin na may gintong bulaklak na bagay na bagay sa suot niyang ivory-white cheongsam na may mga sage green at kaunting gold—elegant, feminine at may marangyang dating. Halos maiyak si France habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa si Orlinda. Labis ang kasiyahan niya at hindi na masukat kung gaano siya ka-proud sa sarili matapos mapag
“Tadaaa! How is it, my dear?”Matapos ang mahigit isang oras, natapos na si France sa pag-aayos—hindi lang ang buhok ni Orlinda, pati na ang pag-apply ng make up na lalo lamang nag-highlight sa natural na ganda ng babae.Kung kanina ay napapanganga si Orlinda dahil hindi makapaniwala sa pagbabago ng kanyang kulay at hairstyle, ngayon parang gusto na niyang pagdudahan kung siya ba talaga ang taong nasa repleksyon ng salamin.Napahawak sa pisngi, bawat anggulo ng kanyang mukha sinisilip sa salamin. “Ako ba talaga ‘to?” aniya, nagdududa pa rin.Lumingon siya. “Maraming salamat, France. Nagandahan ako sa ginawa mo sa ‘kin,” taos-pusong pasasalamat niya sa lalaki.Para sa kanya, si France ang nagpakita sa kanya ng kakaiba at bagong bersyon ng kanyang sarili.Ngumiti ng malapad si France.Gamit ang dulo ng daliri ni France, bahagyang inangat nito sa baba ang ulo ni Orlinda.“Maraming salamat rin sa ‘yo, Linda. Dahil sa magandang reaksyon mo, mas lalo lang akong naging proud sa pagpapaganda
Nanlaki ang mga bilugang mata ni Djiwa sa hindi makapaniwala nang makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Ang dating itim na hibla ng kanyang buhok ay mayroon nang blonde highlights matapos itong i-bleach, dahilan upang mas magmukha siyang isang babaeng may lahing mestiza.Hindi agad nakapagsalita si Orlinda pero kita naman sa kanyang mukha ang malinaw na reaksyon—ang paghanga.‘’Ano'ng… Ano'ng tawag sa ginawa mo sa buhok ko, France?’’ curious niyang tanong, ramdam ang pagkamangha. Si France, na nakatayo sa likuran niya, ay napangiti nang may kasiyahan habang kinukuskos ang dulo ng buhok ni Orlinda gamit ng curling iron. ‘’Ang tawag dito ay Partial Highlights, my dear. Ang kombinasyon ng itim at blonde ay eleganteng tingnan.’’ Tiningnan ni France si Orlinda sa salamin. ‘’Tingnan mo, Linda. Bagay na bagay sa ‘yo. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa buhok mo?’’ Kumurap si Orlinda ng ilang beses, nakatitig sa kanyang repleksyon—hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.‘’Gustong-gus
Naunang pumasok sa loob ng salon si Orlinda nang pagbuksan siya ng p***o ni Christian.Gaya ng unang beses siyang makapasok sa salon, ganoon pa rin ang itsura ng salon sa ikalawang pagbisita niya rito.Sa sandaling makapasok na silang dalawa ay sabay silang napalingon sa direksyon ng may sumigaw. ‘’Tian Tian!’’Ang sumigaw ay isang matangkad na lalaki, halos kasing-tangkad ni Christian, maaliwalas ang mukha, hindi kagwapuhan gaya ni Christian pero ma-appeal. Kapansin-pansin lang ang paggalaw ng lalaki, malambot ang paglakad gaya ng isang babae. Tumayo ang lalaki sa harapan ng dalawa. Iniuwang nito ang bibig para magsalita nang mapansin nito si Orlinda. ‘’Hello, Miss,’’ masayang bati ng lalaki kay Orlinda.Gumanti ng pagbati si Orlinda na may matamis na ngiti sa labi. ‘’Hello din po, Sir.’’‘’Sir?’’ ulit ng lalaki, napahawak sa dibdib niya na para bang labis na nasaktan. ‘’H'wag mo akong tawaging ‘Sir’. Ako si France. Pwede mo akong tawaging Fran o simpleng France na lang. Bahala ka
‘’Ginawa mo talaga ‘yon?’’ Napatakip ng bibig si Grace, hindi makapaniwala sa ginawa ng hipag na si Sheila. ‘’Sa gan'on mo siya ginantihanda?’’ Suminghal si Sheila, habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. ‘’Oo! Kung makikita mo lang ang mukha ng Linda na ‘yon. Asang-asa talaga siya na ginawan ko siya ng damit,’’ inis na sabi nito. ‘’Ba namang isumbong niya ko ng isumbong kay Chris, dapat lang ‘yan sa kanya,’’ dagdag nito. Napakagat ng labi si Grace, bakas sa mukha ang halo-halong emosyon ng gulat at takot. ‘’Paano kung malaman ‘to ni Mom at magalit sa ‘yo? Alam mo naman na sa ‘yo niya ipinagkatiwala ang damit na isusuot nating lahat,’’ aniya, bakas ang pagkakaalala sa tono nito. Sandaling tumikhim si Grace bago nagpatuloy. ‘’O, baka naman… Tinatago mo lang talaga yung damit ni Linda para magmukha lang siyang t*nga sa paghahanap?’’ Mabilis na umiling ang ulo ni Sheila, nakangisi. ‘’Hindi ‘no. Matapos akong pagalitan ng ilang beses ni Chris tapos gagawan ko pa siya ng damit?
Habang nasa malalim na pag-iisip kung paano tutugon ay narinig niyang magsalita si Christian. ‘’Sheila, hinahanap ka ni Linda. Mukhang may problema sa damit na ibinigay mo sa kanya,’’ sabi nito. Natuyo ang lalamunan ni Sheila. Pero pinilit niyang ngumiti—isang pilit at kabadong ngiti.‘’Anong problema, Linda? May problema ba sa damit na itinahi ko para sa ‘yo? Masyado ba ‘tong malaki? O… Mali ang sukat kaya maliit?’’Huminga nang malalim si Orlinda bago inilabas ang laman ng paper bag. Hindi isang yaring-damit ang laman kundi ilang piraso lang ng tela na ginupit-gupit at mukhang hindi man lang nahawakan ng karayom.‘’Gusto ko lang ibalik sa ‘yo’ to, Ate Sheila. Mukhang namali ka ng nalagay sa paper bag,’’ mahinang sabi ni Orlinda, ngunit haslatang dismayado. Agad na umakto si Sheila na parang walang alam. Tinakpan niya nang madiin ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri, nagkunwaring gulat.‘’Hala! Pa'no nangyari ‘yon?’’ Kinuha niya mula sa kamay ni Orlinda ang piraso ng te
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib
"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb
‘’Hindi mo dapat basta-basta sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’’Nag-angat ng ulo si Orlinda. Sumalubong sa kanya ang matalim na pagtitig sa kanya ni Christian.Bahagya siyang nagtaka dahil ito ang unang beses na sabihan siya ng ganoon ng bayaw.Bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Christia







