Share

Kabanata 7

Author: 4STARS
last update publish date: 2026-06-19 20:46:56

Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.

Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.

Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.

Napahimas siya sa kanyang dibdib matapos maglakas-loob na sumagot sa kanyang asawa.

Hindi niya inakalang gagaan ang kalooban niya ng sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataon na masabi ang mga salitang gusto niya talagang sabihin nang hindi sumasabog sa galit si Angelo.

Dahil tapos na siyang mag-ayos ng sarili, ginawa na niya ang mga gawaing-bahay na nakaatang sa kanya.

Eksaktong alas-otso y medya na ng umaga nang matapos ni Orlinda ang lahat ng gawain niya. Iniwan na lamang niya ang maliliit na trabaho sa mga kasambahay.

Lahat ng miyembro ng pamilya Tan ay nagtatrabaho, at sa unang pagkakataon ay kasama na room si Orlinda.

Gaya ng kinagawian, bago umalis papuntang trabaho, nagpapaalam mula sila sa kanilang magulang.

Unang nagpaalam ay sina Christian at Sheila.

“Mom, aalis na kami,” ani Christian.

“Oo, Mom, aalis na kami ni Chris,” dugtong ni Sheila.

“Okay. Mag-iingat kayong dalawa,” malumanay na sabi ni Evelyn sa mag-asawa.

Si Manuel at Grace naman sumunod.

“Papasok na kami ng trabaho ni Grace, Mom,” ani Manuel.

“Bye, Mom,” maikling sabi ni Grace.

“O sige, mag-iingat kayo. Dahan-dahan sa pagmamaneho,” malambing na saad ni Evelyn sa dalawa.

At ang panghuli, sina Angelo at Orlinda.

“Mom, papasok na ‘ko,” ani Angelo.

“Mag-iingat papasok,” tugon ni Evelyn sa anak.

“Papasok na din ako, Mom.”

Pero hindi tumugon si Evelyn sa sinabi ni Orlinda.

Nanatili lamang itong tahimik, ang atensyon ay naka-focus lamang sa dyaryong hawak. Ang tanging maririnig lamang ay ang lagaslas ng dyaryong papel sa kamay ni Evelyn.

Nag-iwas ng tingin si Angelo at nagsimula ng maglakad palabas ng mansyon.

Si Orlinda naman ay nanatiling nakatayo, napakagat ng labi. Pakiramdam niya ay hindi talaga gusto ni Evelyn ang ideya na magtrabaho siya.

Dahil siguro wala siyang utusan buong araw, sabi niya sa kanyang isip. Noon pa man, mutyatya na ang tingin niya sa ‘kin.

Hindi na nagsalita pang muli si Orlinda at yumuko na lamang tsaka naglakad palabas ng mansyon.

Sa labas, nakaparada ang mga naggagandahang mga sasakyan.

Unang pumasok sa sasakyang nakaparada ay ang mag-asawang Christian at Sheila.

Ang susunod ay ang mag-asawang Manuel at Grace kaya lang ay parang nag-iba ang pagkilos nito. Kita ni Orlinda ang pagkataranta sa mukha ni Manuel.

“Sa ibang kotse ka na lang sumakay. Mauuna na ako sa ‘yo dahil tumawag ang nurse na may emergency na nangyari sa pasyente ko!” nagmamadaling sabi ni Manuel na isinara agad ang pintuan ng kotse sa sandaling makapasok ito.

Mabilis na pinaandar ni Manuel ang kotse paalis.

Si Grace ay naiwang nagsisigaw, tinatawag ang kotseng lulan ang asawa.

“Sandali! Manuel! Manuel! Hintayin mo ko! Sabay na tayo! Manuel!”

Pero nagpatuloy lamang ang sasakyan sa pag-alis papalayo.

Papasok na rin ng sasakyan si Angelo nang biglang sumingit si Grace at sumakay sa kotse ni Angelo ng walang pasabi.

Sandaling nabigla si Angelo.

“Sasabay na ko sa ‘yo, Angelo. Parehas lang naman tayo ng direksyong pupuntahan. At saka, mauuna muna ang law firm bago ang opisina,” wika ni Grace.

Hindi na nagsalita pa si Angelo at hinayaan na lamang si Grace.

Pumasok na ng kotse si Angelo at pinaandar ang makina ng sasakyan.

Sa sandaling paandarin ang kotse ay nabigla si Angelo nang biglang may kumatok ng malakas sa salamin ng kotse dahilan para mapatapak sa preno ng madiin. Sabay sila ni Grace na napalingon.

Ibinaba ni Angelo sandali ang salamin ng kotse.

“Ano bang kailangan mo?!” galit na sabi ni Angelo.

Napatalon sa takot si Orlinda sa sandaling magsalita ang asawa. Pero sa kabila ng takot na nararamdaman, naglakas-loob siyang magsalita.

“Angelo, pwede din ba ko makisabay sa ‘yo? Parehas lang naman din siguro tayo ng direksyong—”

“Hindi!” putol ni Angelo. “Pumara ka na lang ng taxi d’yan.”

Hindi na hinintay pa ni Angelo ang kung anong sasabihin ng asawa. Agad niyang itinaas muli ang salamin tsaka mabilis na pinaandar ang kotse paalis, naiwan si Orlinda na pinagmamasdan ang papalayong kotse hanggang sa mawala sa paningin nito ang sasakyan.

“Taxi?” mahina niyang usal. Umikot ang paningin niya. “Saan naman ako makakakuha ng taxi? Baka ma-late na ako kakahintay ng taxi.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
BalingasaEmelita
pls update
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update bhe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 74

    Nanlaki ang mga bilugang mata ni Djiwa sa hindi makapaniwala nang makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Ang dating itim na hibla ng kanyang buhok ay mayroon nang blonde highlights matapos itong i-bleach, dahilan upang mas magmukha siyang isang babaeng may lahing mestiza.Hindi agad nakapagsalita si Orlinda pero kita naman sa kanyang mukha ang malinaw na reaksyon—ang paghanga.‘’Ano'ng… Ano'ng tawag sa ginawa mo sa buhok ko, France?’’ curious niyang tanong, ramdam ang pagkamangha. Si France, na nakatayo sa likuran niya, ay napangiti nang may kasiyahan habang kinukuskos ang dulo ng buhok ni Orlinda gamit ng curling iron. ‘’Ang tawag dito ay Partial Highlights, my dear. Ang kombinasyon ng itim at blonde ay eleganteng tingnan.’’ Tiningnan ni France si Orlinda sa salamin. ‘’Tingnan mo, Linda. Bagay na bagay sa ‘yo. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa buhok mo?’’ Kumurap si Orlinda ng ilang beses, nakatitig sa kanyang repleksyon—hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.‘’Gustong-gus

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 72

    Naunang pumasok sa loob ng salon si Orlinda nang pagbuksan siya ng pinto ni Christian. Gaya ng unang beses siyang makapasok sa salon, ganoon pa rin ang itsura ng salon sa ikalawang pagbisita niya rito.Sa sandaling makapasok na silang dalawa ay sabay silang napalingon sa direksyon ng may sumigaw. ‘’Tian Tian!’’Ang sumigaw ay isang matangkad na lalaki, halos kasing-tangkad ni Christian, maaliwalas ang mukha, hindi kagwapuhan gaya ni Christian pero ma-appeal. Kapansin-pansin lang ang paggalaw ng lalaki, malambot ang paglakad gaya ng isang babae. Tumayo ang lalaki sa harapan ng dalawa. Iniuwang nito ang bibig para magsalita nang mapansin nito si Orlinda. ‘’Hello, Miss,’’ masayang bati ng lalaki kay Orlinda.Gumanti ng pagbati si Orlinda na may matamis na ngiti sa labi. ‘’Hello din po, Sir.’’‘’Sir?’’ ulit ng lalaki, napahawak sa dibdib niya na para bang labis na nasaktan. ‘’H'wag mo akong tawaging ‘Sir’. Ako si France. Pwede mo akong tawaging Fran o simpleng France na lang. Bahala k

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 72

    ‘’Ginawa mo talaga ‘yon?’’ Napatakip ng bibig si Grace, hindi makapaniwala sa ginawa ng hipag na si Sheila. ‘’Sa gan'on mo siya ginantihanda?’’ Suminghal si Sheila, habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. ‘’Oo! Kung makikita mo lang ang mukha ng Linda na ‘yon. Asang-asa talaga siya na ginawan ko siya ng damit,’’ inis na sabi nito. ‘’Ba namang isumbong niya ko ng isumbong kay Chris, dapat lang ‘yan sa kanya,’’ dagdag nito. Napakagat ng labi si Grace, bakas sa mukha ang halo-halong emosyon ng gulat at takot. ‘’Paano kung malaman ‘to ni Mom at magalit sa ‘yo? Alam mo naman na sa ‘yo niya ipinagkatiwala ang damit na isusuot nating lahat,’’ aniya, bakas ang pagkakaalala sa tono nito. Sandaling tumikhim si Grace bago nagpatuloy. ‘’O, baka naman… Tinatago mo lang talaga yung damit ni Linda para magmukha lang siyang t*nga sa paghahanap?’’ Mabilis na umiling ang ulo ni Sheila, nakangisi. ‘’Hindi ‘no. Matapos akong pagalitan ng ilang beses ni Chris tapos gagawan ko pa siya ng damit?

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 71

    Habang nasa malalim na pag-iisip kung paano tutugon ay narinig niyang magsalita si Christian. ‘’Sheila, hinahanap ka ni Linda. Mukhang may problema sa damit na ibinigay mo sa kanya,’’ sabi nito. Natuyo ang lalamunan ni Sheila. Pero pinilit niyang ngumiti—isang pilit at kabadong ngiti.‘’Anong problema, Linda? May problema ba sa damit na itinahi ko para sa ‘yo? Masyado ba ‘tong malaki? O… Mali ang sukat kaya maliit?’’Huminga nang malalim si Orlinda bago inilabas ang laman ng paper bag. Hindi isang yaring-damit ang laman kundi ilang piraso lang ng tela na ginupit-gupit at mukhang hindi man lang nahawakan ng karayom.‘’Gusto ko lang ibalik sa ‘yo’ to, Ate Sheila. Mukhang namali ka ng nalagay sa paper bag,’’ mahinang sabi ni Orlinda, ngunit haslatang dismayado. Agad na umakto si Sheila na parang walang alam. Tinakpan niya nang madiin ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri, nagkunwaring gulat.‘’Hala! Pa'no nangyari ‘yon?’’ Kinuha niya mula sa kamay ni Orlinda ang piraso ng te

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 70

    “Ano bang tinatawa-tawa mo mag-isa, Sheila?’’ Dahil sa matinding gulat, napatalon sa kinauupuan si Sheila. Mabilis siyang napalingon.Agad na sumimangot si Sheila. ‘’Don’t you ever knock?’’ she demanded.Sandaling nanlaki ang mata ni Christian nang marinig sinabi ng asawa bago ito magtaas ng isang kilay.“Why would I knock on my own bedroom door?” he questioned back.‘’Ba’t ba kasi ang tahimik mo at hindi mo man lang sinabi na kasama pala kita sa kwarto natin?’’ muling tanong ni Sheila sa asawa, may inis pa rin ang tono. ‘’Kakapasok ko lang naman,’’ sagot ni Christian. ‘’Pumasok ako dahil sa labas pa lang ng kwarto natin ay naririnig ko ng tumatawa ka. Akala ko kausap mo si Grace kaya ka masaya pero nang silipin ko mag-isa ka lang,’’ dagdag nito.‘’Ganoon ba…’’ aniya.Maya-maya, mahinang humagikgik si Sheila bago nagsalita muli. ‘’Kaya ako tumatawa kasi kakatapos ko lang kausapin sa cellphone ang kaibigan ko. Tapos na kami mag-usap pero hindi pa rin makalimutan ang ikinuwento niya s

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 69

    Dahil nakuha na ang damit na para sa kanya, hindi na nagtagal sa sala si Orlinda at umakyat na ng hagdan pabalik sa sariling silid-tulugan.Hindi na siya nagpaalam pa kay Evelyn na pabalik na rin sa kwarto nito.Isa-isa ring umalis ang iba pang miyembro ng pamilya.Si Angelo na naroon din ay nagdesisyon na ring bumalik sa kwarto. Sumabay na siya sa asawa niyang si Orlinda nang makita itong paalis.Pagpasok nilang mag-asawa sa kanilang kwarto, nagtanong si Orlinda.“Angelo, may problema ba sa hotel?” Agad na natigilan si Angelo nang marinig ang sinabi ng misis. Umikot siya para harapin ito.“Bakit mo naitanong?” balik-tanong niya, nakakunot ang noo.“Na-curious lang kasi ako… Kaya natanong ko,” sagot niya. “Kanina kasi—sa sala—napansin kong nakatitig ka kay Ate Grace. Kaya napaisip ako na baka may problema sa hotel,’’ dagdag niya.Natahimik si Angelo. Mariin itong nakatitig sa mukha ng asawa, binabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Binabasa niya kung may alam na ba si Orlinda, o baka n

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 4

    ‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 3

    ‘’Hindi mo dapat basta-basta sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’’Nag-angat ng ulo si Orlinda. Sumalubong sa kanya ang matalim na pagtitig sa kanya ni Christian.Bahagya siyang nagtaka dahil ito ang unang beses na sabihan siya ng ganoon ng bayaw.Bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Christia

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 6

    Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 5

    "Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status