เข้าสู่ระบบ"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"
Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala naman naging problema sa tuwing pinuputulan niya ng kuko si Evelyn. Kaya labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lamang nag-react nang ganoon ang biyenan gayong labis naman ang kanyang pag-iingat.
Palipat-lipat ang tingin ni Christian kay Orlinda na bakas ang gulat sa mukha, at sa kanyang ina na halata namang umaarte lamang habang madramang hawak ang sariling kamay.
Nanatiling blangko at walang ekspresyon ang mukha ni Christian, walang kahit isang emosyon ang mababasa.
Samantala, lihim na nakangiti si Sheila. Tila tuwang-tuwa siya na makitang sinisigaw-sigawan si Orlinda. Sumulyap siya kay Evelyn—gusto niyang matawa sa pag-arte ng biyenan ngunit pinigilan niya ang sarili dahil baka pagalitan na naman siyang muli ng mister niyang si Christian.
Binitawan ni Erica ang mga laruang hawak bago tumayo. Nang makitang tumumba si Orlinda ay akma siyang tatakbo papunta sa kanyang Tiyahin nang bigla siyang pagsabihan ng ina.
Si Sheila na napansing lalapitan ng anak niya si Orlinda ay agad niya itong pinagsabihan. ‘’D’yan ka lang. Maupo ka lang d’yan, Erica,’’ mariing utos nito sa anak.
Sandaling sinalubong ng bata ang titig ng ina bago muling naupo sa carpet, pinulot ang mga laruan at nagkunwaring naglalaro—bagaman ang kanyang mga mata ay nakasulyap pa din sa kanyang Tiyahin. Bakas sa mukha ang pag-aalala.
‘’Pasensiya na, Mom…’’ mahinang sabi ni Orlinda habang nagmamadaling tumayo at malalim na yumuko. ‘’Hindi ko talaga sinasadya—’’
‘’Hindi sinasadya?’’ inis na ulit ni Evelyn. ‘’Nasaktan mo na nga ako, tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya? Huwag mo nga akong gag*hin, Linda! Ang sabihin mo, intensyon mo talagang saktan ako!’’ Tumaas ang tono ng boses ni Evelyn.
‘’Hindi, Mom! Hindi ‘yan totoo!’’ depensa ni Orlinda sa sarili. ‘’Siguro, medyo pagod lang ako kaya…’’
Nang marinig ang rason ni Orlinda ay muli na namang umusok sa galit si Evelyn. ‘’Ano’ng ibig mong sabihin? Sinasabi mo bang pagod ka na sa mga gawain mo?’’
Muling magsasalita si Orlinda para depensahan ang sarili niya ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan siya ni Evelyn. Mas mabagsik at mas mapangutya ang mga sumunod na sinabi ng biyenan.
"Hoy, Linda!" galit na bulalas ni Evelyn. "Sinabi ko na sa 'yo sa simula pa lang na dapat alam mo ang lugar mo sa pamamahay na ito! Dahil wala ka namang kahit na anong ambag sa pamilyang ito, pwes, dapat ay marunong ka man lang magkaroon ng delikadesa! At 'yon ay ang pagsilbihan kami bilang kabayaran sa pagpapalamon sa 'yo, pagpapatira sa 'yo sa mansyon namin, at higit sa lahat, kung hindi dahil sa pamilya namin na nagbabayad sa hospital bills ng Lolo mo, baka patay noon pa man ay patay na ang matanda na ‘yon!"
Wala ng nagawa si Orlinda kundi ang tumango na lamang at sundin ang lahat ng mga sinasabi ni Evelyn. Ano pa nga ba ang silbi ng pagmamatigas niya na depensahan ang sarili niya kung ang tanging tingin lang sa kanya ni Evelyn ay hamak na utusan lamang at hindi manugang.
Sa patio ng mansyon, tahimik na nakatanaw sa kapaligiran si Orlinda habang blangko ang mukha.
Huminga siya nang malalim, nagbabakasaling maibsan ang nagpupuyos na bigat sa kanyang dibdib.
Matapos ang eksena kanina, nais sana niyang magpahinga. Subalit sa tindi ng mga nangyari, kahit gaano niya katagal ipikit ang kanyang mga mata at pilitin ang sarili na matulog, tila ayaw siyang dalawin ng antok.
Kinuha niya ang walis sa gilid at nagsimulang maglinis. Ito na lamang ang naisip niyang gawin upang unti-unti niyang makalimutan ang pangungutya ni Evelyn, ang kawalang respeto nina Sheila at Grace, at higit sa lahat, ang pagtulak ni Angelo sa kanya na magpabuntis sa ibang lalaki.
Habang abala sa paglilinis ay napaigtad siya sa gulat nang bigla na lamang may tumawag sa pangalan niya.
‘’Linda.’’
Mabilis siyang napalingon sa kanyang likuran. Sa sandaling makita niya kung sino ang tumawag ay agad siyang napayuko ng ulo. Umiwas ng tingin.
‘’Hanggang kailan ka mananatiling ganyan? Wala ka man lang bang balak na maghanap ng trabaho?’’
Nang marinig ang sinabi nito ay naglakas-loob si Orlinda na iangat ang ulo niya at tingnan sa mata si Christian na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
‘’Hi-hindi ko alam,’’ nauutal niyang sagot, tsaka siya muling nagyuko ng ulo. Mas humigpit ang hawak niya sa walis, inihahanda ang sarili para sa susunod na kritisismo na sasabihin ng bayaw.
Pero taliwas sa inaasahan niya, iba ang sunod na sinabi ni Christian. ‘’ Nasa sa ‘yo pa ba ang diploma mo?’’ tanong muli nito, nanatiling mahina ang boses at walang anumang emosyon ang mukha.
Bahagyang tumango si Orlinda. ‘’Oo. Bakit mo natanong?’’ balik-tanong niya, puno ng pagtataka.
‘’Mabuti kung gan’on. Naka-maternity leave ngayon ang sekretarya ko at naghahanap ako ng papalit sa kanya pansamantala. Gusto mo bang magtrabaho bilang sekretarya ko?,’’ paliwanag ni Christian.
Nag-angat ng ulo si Orlinda, tahimik na pinakinggan ang paliwanag ng bayaw.
‘’Se-seryoso ba ‘yan, Chris? Inaalok mo ko ng trabaho?’’ aniya, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Hindi sinagot ni Christian ang tanong niya at mariing nakatitig lamang kay Orlinda.
Ilang saglit na tinitigan ni Orlinda ang seryosong mukha ni Christian. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Tanging tahimik lamang na nakatitig sa kanya. Doon na niya napagtanto na hindi nagbibiro sa kanya si Christian.
‘’Pero Chris…’’ Bakas ang kanyang pag-aalinlangan. ‘’Highschool Diploma lang ang mayroon ako. Puwede ba ‘yon?’’
‘’Ako ang may-ari ng kumpanya kaya hindi mo na kailangan alalahanin pa ang bagay na ‘yan,’’ walang emosyong sagot ni Christian.
Nang marinig ang sinabi nito, nagliwanag ang mga mata ni Orlinda. Ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay ito na ang pagkakataong mabago niya ang takbo ng kanyang buhay. Kung magsisimula siyang magtrabaho, baka magbago na ang pagtrato sa kanya. Hindi na siya sasabihan ng walang silbi at walang ambag.
Sa sandali ring iyon, tuluyang nag-iba ang pagtingin ni Orlinda sa kanyang bayaw. Sa kabila ng pagiging malamig at walang ekspresyon ng lalaki, napagtanto niya na ito ay isang mabuting tao. Mula sa kaibuturan ng kanyang puso, labis-labis ang pasasalamat niya kay Christian.
‘’Kung gan’on, pumapayag ako. Gusto kong magtrabaho sa kumpanya mo, Chris!’’ aniya, halos hindi na maikubli ang nag-uumapaw niyang kasiyahan.
‘’Bukas ay pwede ka na magsimula.’’
Kinagabihan, muling nagtipon-tipon ang lahat sa harap ng hapag-kainan upang sabay-sabay na maghapunan ang buong pamilya.
Kagaya ng dati, tahimik at walang nagsasalita habang kumakain. Tanging kalansing ng kubyertos lang na kanilang mga hawak ang maririnig.
Nabasag lamang ang nakakabinging katahimikan ng magsalita si Chrisitian na siyang nakapukaw ng atensyon ng lahat ng naroon.
‘’May sasabihin ako,’’ aniya, mahinahon ngunit matatag ang boses.
Sumulyap si Christian sa paligid—sa kanyang inang si Evelyn, sa kanyang asawang si Sheila at sa dalawa nilang anak, at kay Orlinda na kasalukuyang nasa tabi ng bunso niyang kapatid na si Angelo.
‘’Tungkol saan naman ang sasabihin mo, Chris?’’ walang kabuhay-buhay na sabi ni Evelyn, patuloy lamang nakatuon ang paningin sa kanyang kinakain.
Tumikhim muna si Chrisitan sa kanyang tsaa at pinunasan ng napkin ang gilid ng kanyang bibig bago nagsimula.
‘’Simula bukas, si Linda ay magtatrabaho na sa opisina ko. Naka-maternity leave ang sekretarya ko kaya siya muna pansanmatalang papalit.’’
Nang marinig ang sinabi ni Christian, natigilan si Angelo, napahinto sa pagnguya, si Sheila naman ay bigla na lamang napaubo—kagaya ni Grace na muntik ng mabilaukan dahil sa pagkabigla.
Si Evelyn naman ay tahimik na natigilan. Dahan-dahan niyang nginuya ang pagkain na nasa bibig habang nag-iisip ng kung anong ipupuna sa biglaang desisyon ng anak.
Muling naging tahimik ang hapag-kainan pero nabalot naman ito ng mabigat na tensyon matapos ang anunsyo ni Christian. Sa kabila nito, nanatiling kalmado si Christian, malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. Walang puwang para sa anumang negosasyon.
Sa wakas ay may naglakas-loob na magsalita, si Grace. ‘’Chris, seryoso ka ba?’’
Dahil may naunang naglakas-loob na magsalita, sumunod si Sheila na naglabas ng kanyang saloobin. ‘’Uhm… Chris, sigurado ka ba talagang papayagan mo na magtrabaho sa Golden Tan Corporation si Linda? Nahihibang ka na ba? Highschool graduate lang naman ang natapos niya!’’
Sumunod na naglabas ng opinyon ay si Evelyn, naningkit ang mga mata. ‘’Chris, huwag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo. Isang malaking pagkakamali na pahintulutan mong magtrabaho ang babaeng ‘yan sa kumpanya natin! Chris, marami pa ang mas bagay na maging sekretarya mo. Bukod pa—’’
‘’Pinal na ang desisyon ko,’’ mabilis na putol ni Christian sa opinyon ng kanyang ina.
Natigilan si Evelyn sa biglang pagputol ni Christian sa mga sinasabi niya. Labis siyang nagulat dahil ito ang unang pagkakataon na may nangahas na gumawa n’on sa kanya, lalo na ang kontrahin siya.
Dahil hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng panganay na anak na makipag-argumento, ibinaling niya ang atensyon kay Orlinda na kanina pa tahimik na nakikinig sa mainit na palitan nila.
‘’Linda, sigurado ka na ba sa desisyon mong magtrabaho? Baka naman gumawa ka lang ng gulo d’on,’’ inis na sabi ni Evelyn.
Si Angelo na kanina pa tahimik at nakikinig lang ay kumunot ang noo ng marinig ang sinabi ng ina. Hindi siya natutuwa na malamang magtatrabaho si Orlinda sa kumpanya para lamang gumawa ng problemang at ipapahiya siya, hindi lang sa buong pamilya niya, pati sa ibang tao. Ngunit hindi siya nangahas na nagsalita nang mapansin niya ang matalim na pagtitig sa kanya ng nakatatandang kapatid na si Christian.
Sa paraan ng pagtitig nito ay parang sinasabihan siya na manahimik lang.
Relax na sumandal sa sandalan ng upuan si Christian. ‘’Hindi ko pipiliin si Linda kung hindi ako sigurado sa kanya. Kung sa tingin ko ay kaya niya, kaya niya,’’ aniya.
Natahimik ang lahat.
Si Linda ay tahimik na nagalak sa sinabi ni Christian. Hindi niya akalain na ganito pala ang tingin sa kanya ng kanyang bayaw. Pakiramdam niya tuloy na ang mga binitawang salita ni Christian ay proteksyon laban sa mga taong kinokondena ang desisyon niyang magtrabaho.
Pero kahit pa buo na ang desisyon ni Christian ay hindi pa din ito tanggap ni Sheila.
‘’Chris, naka-maternity leave lang naman ang sekretarya mo. Ilang buwan lang naman ‘yon, bakit si Linda pa ang pinili mo? Napakarami mo namang mga empleyado na mas kwalipikado kaysa sa mangmang na ‘yan!’’ inis na sabi ni Sheila, sa tono nito ay parang gusto na nito magwala.
Matalim na tinitigan ni Christian ang kanyang asawa. ‘’Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Pansamantala lamang niyang papalitan ang sekretarya ko,’’ aniya, bawat salitang bitiwan ay may diin. Ipinararamdam kay Sheila na hindi na dapat nito kinekwestyon ang desisyon niya.
Tumawa ng mahina si Sheila. ‘’Kahit pa pansamantala lang ‘yon, hindi pa rin ‘yon sapat para palitan mo ang sekretarya mo na tapos ng Master’s Degree ng isang kagaya ni Linda na Highschool graduate lang! Ano ba ang alam niya sa pagtatrabaho sa opisina? Taga-timpla ng kape?’’ sarkastikong sabi ni Sheila.
Ibinuka ni Christian ang kanyang bibig para magsalita nang maunahan siya ni Sheila na nagpatuloy sa pagsasalita ng kung anong masasakit na salita kay Orlinda.
‘’Chris, ang tanging talento lang ng mangmang na ‘yan ay ang maging katulong. Ano bang inaasahan mong gawin n’yan doon?’’
Sa pagkakataong ito ay hindi na natagalan pa ni Christian ang mga salitang lumalabas sa bunganga ni Sheila. Nagdilim ang mukha ni Christian, malamig at mariin ang pagtitig sa kanyang misis.
‘’Sheila, huwag mong isukat ang kakayanan ng isang tao base lamang sa kitid ng utak na mayroon ka! Hindi lahat kagaya mo na mababa ang pananaw!’’
“Ch-Chris…?”“Tulungan na kita magsukat,” wika ni Christian. Nagbaba ng tingin para tignan ang numero na siyang sukat ng dibdib ng babae bago pulutin ang papel at ballpen na inilapag ni Orlinda sa sahig para isulat ang sukat ng babae.“Kanina ka pa ba nariyan?” malumanay na tanong ni Orlinda.Agad na umiling si Christian. “Ngayon-ngayon lang. May ginawa lang ako sandali sa labas kani-kanina lang,” paliwanag nito.“Ganoon ba…” aniya, dahan-dahang napatango si Orlinda.Habang ang atensyon ni Christian ay nasa pagsusukat ng katawan niya.Tumayo ng tuwid si Orlinda. Tahimik niyang pinanood ang bayaw na sukatin siya.Maya-maya, may naisip siya bigla kaya napatanong siya. “Kuya Chris, alam mo pala mga parte na kailangan sukatan para gumawa ng damit?”Hindi agad sinagot ni Christian ang katanungan niya. Tinapos muna nito ang pagsusulat sa papel matapos magsukat.Nag-angat ng tingin si Christian. “Hindi naman gan’on kahirap alamin kung anong mga sukat ang kailangan,” sagot nito.Noon pa man,
“Gandahan mo yung disenyo ng damit na susuotin ko, Sheila, ah? Gusto ko magandang-maganda ako kagaya mo,” sabi ni Grace habang nagpapaikot-ikot sa harap ng mahabang salamin, sinisipat ang bawat anggulo ng kanyang pigura na parang feeling niya ay isa siyang modelo.Hindi sumagot si Sheila dahil abala siya sa pagtatala ng mga sukat na kinuha niya hindi lamang kay Grace, pati na sa iba pang miyembro ng pamilya Tan.Nang gabing iyon, nagtipon ang buong pamilya para lang magsukat ng damit. Sinukat ni Sheila ang bawat miyembro ng pamilya.Mga isang linggo na lang bago ang kaganapan. Ilang araw pa pero abalang-abala na agad si Sheila. Paano ba naman? Siya ang inatasan ni Evelyn na magtahi ng kanilang damit na susuotin.Sa pagsukat pa lamang, parang napapagod na siya.Matapos magsulat ng mga sukat at mag-ukit ng naisip na disenyo sa papel, nagtaas siya ng tingin.“Wala ka na bang iba pang idadagdag o papalitan, Grace?” walang kabuhay-buhay niyang tanon, medyo inaantok na kasi siya.Umiling si
“Talaga?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Leon. “Hindi ba’t si Ana ang sekretarya mo? ‘Yong nasa 40s na?” muling tanong nito.Tumango muli si Christian. “Pansamantalang nasa maternity leave ngayon si Ana kaya pinalitan muna siya ni Orlinda,” sagot niya.“Gan’on ba,” napapatangong wika ni Leon. “Huling tanong, gaano na ba katagal na nagtatrabaho sa ‘yo ang sekretarya mo?”“Mahigit tatlong linggo pa lang,” sagot naman ni Christian.“Totoo ba ‘yan?” muling nagulat sa nalaman si Leon. “Saang prestihiyosong eskwelahan o unibersidad ba nagtapos ang sekretarya mo?” usisa nito.Bahagyang ngumiti si Christian, umiiling. "Hindi nakatungtong ng kolehiyo si Orlinda. Highschool graduate lang ang natapos niya," sagot niya.Muling nabigla si Leon sa isinagot ni Christian. "Totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" gulat na tanong nito. "Mr. Tan, maitanong ko lang. Bakit mo siya kinuha bilang sekretarya mo?"Akmang magsasalita na si Christian nang magbuka siya ng bibig nang marinig ang huling tanong ng la
Eksaktong alas-singko ng hapon dumating ang panauhing hinihintay ni Christian.Isang lalaki na kasing-edad ni Christian ang pumasok—si Leon Avendino—naglalakad sa tabi nito ay isang matikas na babae.Agad na lumapit si Christian para batiin ang mga panauhin. Si Orlinda ay mabilis na sumunod at ginaya ang amo.“Maligayang pagdating, Director Avendino,” magalang na bati Christian, iniabot ang kamay sa panauhin.Malugod na tinaggap ni Leon Avendino ang pakikipagkamay kay Christian, nakangiti.Matapos makipagkamay, una munang ipinakilala ni Leon ang babaeng nasa tabi nito.“By the way, I would like to introduce to you my wife—Julie Avendino,” masayang pagpapakilala ni Leon sa kanyang misis.Marahang ngumiti si Julie.Nakahanda na si Christian na batiin ang asawa ni Leon pero nang makitang nagtaas ito ng kamay at nagsenyas, sandali siyang natigilan.Gaya ng ginawa ni Julie, nagtaas din ng kamay si Orlinda at nagsenyas na nangangahulugan ng pagbati sa babaeng panauhin. Mabilis pero malinaw
Dalawang beses na kumatok si Joel bago pumasok sa loob ng opisina ng amo.Sa loob, agad niyang naramdaman ang mababang temperatura sa sandaling humakbang siya papasok.Mabilis na umikot ang kanyang paningin. Napansin niya ang basag na mouse na pamilyar na pamilyar sa kanya na ginagamit ng amo.Nang mag-angat siya ng tingin, napaigtad siya sa pagkabigla ng makitang nakatitig ng matalim sa kanya si Christian, nakapangalong-baba.Joel composed himself right away, keeping professionalism like what he taught Orlinda should always do.He walked forward, stopped and stood in front of Christian before speaking his reason.“Sir, may meeting ka mamayang hapon with Director Avendino,” wika ni Joel. “Pinalinis ko na din ang guest room ahead of time in case the Director arrives earlier than we expected,” he added.“Hmm,” Christian responded shortly with a hum.Matapos sabihin ito ay aalis na siya agad pero nang maalala ang basag na mouse sa sahig, nilinis na muna nito baho lumabas ng opisina.Pagl
“Ano, Grace? Handa ka bang diborsyohin ang kapatid ko para sa ‘kin?” muling tanong ni Angelo.Napakagat ng labi si Grace, hindi niya alam kung tama ba ang sasabihin niya.Kung um-oo siya ng sagot, dapat nakahanda nga talaga siya sa mga consequences na maaring mangyari pagkatapos niyang diborsyohin si Manuel.Habang napapaisip, biglang pumasok sa isip niya ang isang imahe kung saan masayang-masaya ang mga magulang niya sa tuwing nakikita nito si Manuel na kasama siya para dumalaw sa kanilang tahanan.Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga magulang niya kay Manuel.May biglang pumasok muli sa kanyang isip. Ang imahe ng galit niyang mga magulang matapos niyang hiwalayan si Manuel.Bigla siyang nakaramdam ng takot.Lalo na ng isa pang imahe ang pumasok sa kanyang isip, ang malaman ng lahat ang lihim na affair nila ni Angelo.Dito na nagsimulang manginig ang buong katawan ni Grace sa matinding takot.Bilang abogado, isang kahihiyan at nakakababa ng kredibilidad kapag nalaman na siya mis
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib
Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb
‘’Hindi mo dapat basta-basta sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’’Nag-angat ng ulo si Orlinda. Sumalubong sa kanya ang matalim na pagtitig sa kanya ni Christian.Bahagya siyang nagtaka dahil ito ang unang beses na sabihan siya ng ganoon ng bayaw.Bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Christia







