Accueil / Romance / Sa Haplos Ng Kaaway / Chapter 87 : A Place Called Home

Partager

Chapter 87 : A Place Called Home

Auteur: BelleNocturne
last update Date de publication: 2026-11-05 14:33:26

"Hindi ko siya tinalikuran, Ethan. Pinili ko lang iligtas ang mga taong umaasa sa akin. Pero sa mata ni Sebastian, doon nagsimula ang pagtataksil ko sa kanya."

Naiwan sa library ng De Vega Mansion ang linya na iyon ni Eduardo habang hawak pa rin niya ang lumang litrato. Si Ethan nakatingin sa ama niya at hindi agad nakasagot.

Kinabukasan, unang umaga ni Alyannah sa De Vega Mansion.

Nagising si Alyannah na nalilito kung nasaan siya. Puting kisame ang nakita niya at malambot na kama na hindi k
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 101 : The Voice In The Dark

    "Welcome back, Sebastian."Walang sumagot. Nanigas ang buong sala ng De Vega Mansion. Naka-speaker pa rin ang cellphone sa ibabaw ng mesa na nanginginig pa sa kamay ni Sebastian. Nakatingin lang sina Ethan, Eduardo, Marco, Anthony, at ang CIDG General sa aparatong iyon na tila biglang naging mas mabigat kaysa baril.Si Sebastian ang unang umurong. Parang nawala ang kulay sa mukha niya at namutla at napahawak sa sofa para hindi matumba."Impossible..." halos hindi niya maibulong at nanginginig ang labi. "Hindi puwedeng ikaw... hindi puwede..."Muling tumawa ang lalaki sa kabilang linya. Isang mahinahon, kontrolado, at malamig na tawang walang pagmamadali. Yung tawa ng taong alam niyang hawak niya ang lahat."Dalawampu't limang taon na... pero natatandaan mo pa rin ang boses ko, Sebastian. Hindi mo pala ako nakalimutan," sabi ng boses na mas matanda at kalmado.Hindi gumalaw si Ethan. Isininyas niya kay Anthony na huwag magsalita at huwag mag-ingay. Habang si Marco ay dahan-dahang nagla

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 100 : The Mind Behind Vincent

    "...Akala ko... patay na siya." Parang huminto ang oras, walang makapagsalita sa kanila. Nakatingin lang sina Ethan, Marco, Eduardo, at ang CIDG General kay Sebastian na nanginginig ang buong katawan at nakatitig sa lumang susi na nahulog sa mesa at umiikot pa sa sahig na marmol. Si Eduardo ang unang lumapit at hinawakan ang balikat ni Sebastian para hindi ito matumba. "Sebastian..." mahinahon niyang tawag at tinitigan ang kaibigan. "Sino ang tinutukoy mo? Sino ang akala mong patay na?" Napapikit si Sebastian at nanginginig ang labi. Ilang segundo siyang hindi makapagsalita at pinipigilan ang paghinga. Pagmulat niya ng mata, bakas ang takot na hindi pa nakita ni Eduardo kahit noong mga panahong nalulong siya sa kasakiman at sa sugal. "Ang taong nagturo kay Vincent..." mahina niyang sabi at halos pabulong. "...hindi si Vincent ang unang halimaw. Si Vincent... estudyante lang." Umupo si Sebastian sa sofa at hawak pa rin ang ulo niya na parang nahihilo. "Nung nagsisimula pa lang k

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 99 : The Price Of Pride

    "Bakit ka bumalik?"Matatag ang boses ni Eduardo, pero walang galit. Wala ring lambing. Dalawampu't limang taon ang pagitan ng tanong na iyon.Walang maririnig na kahit anong ingay sa buong sala ng De Vega Mansion. Pinaalis ni Eduardo ang lahat ng kasambahay kanina pa. Si Mang Tony lang ang naiwan sa labas ng pintuan kasama si Ramon Cruz na agad namang inaasikaso ng family physician ng De Vega na tinawagan ni Ethan.Sa loob ng sala, dalawang lalaking minsang itinuring na magkapatid ang magkatapat ngayon. Pareho nang may uban sa buhok. Pareho nang pagod ang mata. Pareho nang maraming nawala sa buhay.Nanatiling nakatayo si Sebastian sa may pintuan. Basang-basa pa rin ang damit niya sa ulan at may dugo pa sa manggas at nanginginig ang mga kamay at maputik ang sapatos. Hindi siya makatingin kay Eduardo."Pwede ba akong... humingi ng tawad?" mahinang sabi ni Sebastian na halos pabulong at basag ang boses.Mahabang katahimikan, walang nagsalita agad. Rinig lang ang patak ng ulan sa bintana

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 98 : The Escape

    "May pinatay na."Tila may malamig na hangin na dumaan sa buong conference room. Hindi agad gumalaw si Ethan. Hawak pa rin niya ang cellphone na putol na ang linya at nanginginig ang kamay. Si Marco, si Anthony, at ang buong legal team ay nakatingin lang sa kanya at nag-aantay mg sasabihin niya.Si Marco ang unang nagsalita at lumapit kay Ethan."Ethan, huwag tayong magpadala sa emosyon. Huminga ka muna," sabi ni Marco na mahinahon pero seryoso.Si Ethan nakatingin pa rin sa cellphone na parang hindi makapaniwala sa narinig na putok."Kung si Vincent nga ang nasa likod nito at kung siya nga ang may hawak kay Ramon, gusto niyang padalos-dalos tayong kumilos. Gusto niyang sugurin natin agad ang warehouse nang walang plano. Doon tayo mamamatay," dagdag ni Marco.Napatingin si Ethan kay Marco at huminga nang malalim."Ano ang suggestion mo?" tanong ni Ethan."Humingi tayo ng tulong sa PNP at CIDG. Hindi na ito negosyo, Ethan. Kidnapping na ito. May baril na, may boses ng matandang humihin

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 97 : Too late to Beg

    "Boss... pakiusap... huwag siya..."Nakatitig lang si Vincent sa lalaking halos gumapang na sa sahig sa sobrang pagsusumamo. Nakaluhod si Sebastian sa malamig na semento ng warehouse at hawak pa rin ang brown envelope na may litrato ni Alyannah. Nanginginig ang buong katawan niya at basang-basa ng pawis ang likod."Sebastian," malamig na sabi ni Vincent habang nakatayo pa rin sa harap niya at nakatingin pababa na parang basura lang ang tingin sa kanya, "dalawampu't limang taon kitang binuhay. Binayaran ko ang lahat ng utang mo. Huwag mong sayangin ang natitira mong dignidad sa pagmamakaawa. Nakakahiya ka."Tumigil siya sandali at tumingin sa dalawang tauhan na nakatayo sa gilid ng bakal na pinto."Ipasok ninyo," utos ni Vincent na malamig.Dahan-dahang bumukas ang bakal na pinto ng warehouse na maingay at kinalawang. Malamig na hangin ang pumasok at may narinig na kaladkaran sa semento.Pumasok ang dalawang armadong lalaki habang may hinihilang isang matandang lalaki na nakaposas ang

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 96 : Price of Silence

    "Lumuhod ka."Huminto si Sebastian sa mismong bungad ng warehouse. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay narinig na niya ang malamig na utos mula sa kadiliman. Amoy kalawang, alikabok at lumang langis ang buong paligid at tanging mahinang ilaw lang mula sa kisame ang bumubukas na parang kumukurap-kurap pa at mahina ang buga. Malaki ang warehouse pero halos walang laman, puro lumang kahon, bakal at isang lamesang may bote ng alak at ashtray na puno ng upos ng sigarilyo.Nanigas ang buong katawan ni Sebastian. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin at nanginginig ang labi. May isang lalaking nakaupo sa malaking swivel chair sa gitna ng warehouse habang nakatalikod sa kanya. Hindi makita ang mukha dahil madilim at tanging usok ng sigarilyo ang umaangat sa hangin na parang mabagal na gumagalaw.Muling nagsalita ang lalaki, mas mabigat at mas malapit na parang nasa tenga na niya."Narinig mo ako, Sebastian. Lumuhod ka. Huwag mo akong paghintayin. Alam mong ayokong inuulit ang sinasabi k

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status