Share

Chance

Author: Elise
last update publish date: 2026-11-13 04:22:33

“Ano ba naman ‘yan?!” bulyaw ni Klarise at dinuro pa si Mia na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan—kahit napakaingat naman ng babae sa kaniyang ginagawa.

“Mali-mali ang paggupit mo ng kuko ko! Ano ba?!”

Tumahimik ang buong paligid, maliban na lang sa malakas na kabog ng dibdib ni Mia mula sa loob.

Saglit lamang na napatingin si Keen—sapat lang para makitang nakaluhod si Mia habang si Klarise ay hawak ang daliri at nag-iinarte pa. Nanatiling blanko ang mukha ni Keen at walang mababasang emosyon dito. Samantalang si Marize naman ay ngumisi pa nang bahagya; malinaw sa mga mata niya na alam niyang hindi iyon aksidente at sadyang nagdradrama lamang ang kaniyang biyenan.

Si Angela, ang limang taong gulang na bata, ay kusang tumayo mula sa sahig, bakas sa mukha ang pag-alala nang makita si Mia na natumba. Akmang lalapit na sana ito, pero pinigilan ng kaniyang ina.

“Maupo ka, Angela.” Malamig at pinal ang tono ni Marize.

Natigilan naman ang bata sa narinig, sinulyapan pa muna ang ina bago bumalik sa pagkakaupo at nagpanggap na naglalaro—kahit panay pa rin ang sulyap kay Mia na kitang-kita ang pag-aalala.

“Pasensya na po, Mommy...” mahinang sambit ni Mia habang nagmamadaling tumayo at yumuko. “Hindi ko po sinasadya, Mommy.”

“Hindi sinasadya? Ang sabihin mo, pabaya ka, Mia! O baka naman sinadya mong saktan ako?” Tumaas ang boses ni Klarise.

“Hindi po, Mommy! Wala po akong intensyong ganoon!” pagtatanggol ni Mia habang hirap na lumulon. “Baka po medyo napagod lang po ako ngayong araw, kaya—”

Agaran namang itong pinutol ni Klarise.

“Anong ibig mong sabihin? Gusto mong palabasin dito na pagod ka sa mga gawaing bahay? Eh responsibilidad mo naman talaga ‘yon!”

Bago pa man maibuka ang bibig para makasagot ay mas mabilis na sumingit si Marize na may halong pandidiri.

“Huy, Mia!” aniya sa mapang-uyam na tono. “Dapat alam mo sa sarili mo kung sino ka. Kung hindi ka ipinanganak na mayaman, aba’y matuto ka namang makisama at hindi ‘yung parang wala ka pang modo.”

Yumuko ito nang kaunti, sapat na para tignan si Mia gamit ang matalim at nakakainsultong mga mata. “Ayusin mo ang trabaho mo, huwag kang puro dahilan. Nasa bahay ka ng mga mayaman, hindi sa pugad ng manok ha.”

Kinagat ni Mia ang kaniyang labi upang pigilan ang kirot na bumabara sa kaniyang lalamunan. Nakayuko siya ngunit ramdam na ramdam ang matalim na tingin ng kaniyang hipag na agad namang nagbigay-init sa kaniyang dibdib.

Malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Mia habang nasa malayo ang tingin sa malawak na hardin ng mansiyon ng mga Montecastro. Kailan pa ba siya makakalaya sa kulungang ito?

Kung kanina ang tanging gusto niya lang ay magpahinga kahit saglit—humiga at pakalmahin ang mabilis na tibok ng kaniyang dibdib—paano siyang makakapagpahinga kung ang utak niya ay binabagabag ng mga pang-aalipusta ng mga hipag, panlalamig ng biyenan, at ng hiling ng sariling asawa na magpabuntis siya sa iba? Dahil sa isiping iyon ay parang pinipiga ang kaniyang tiyan at mas lalo pang nanuyo ang kaniyang lalamunan.

Kinuha ni Mia ang walis-tingting na nakasandal sa pader. Sinimulan niyang walisin ang bakuran, hindi dahil obligasyon niya ‘yon, kundi dahil iyon na lang ang tanging paraan para hindi tuluyang sumabog ang kaniyang isip. Kahit pa sa maikling sandali ay pinapakalma siya ng tunog ng mga tuyong dahon.

“Mia.” Ang malalim na boses na iyon ay tumawag sa kaniya, mahinahon ngunit may diin.

Awtomatikong lumingon si Mia at nakita si Keen na hindi kalayuan—suot ang pormal na kasuotan, nakapamulsang naglalakad, pero blanko pa rin ang mukha tulad ng dati.

“Bakit po, Kuya?” lumapit si Mia habang hawak pa rin ang walis-tingting. Nakatayo na ito sa harap ni Keen, pilit pinatitibay ang mga tuhod na bahagyang nanginginig.

“Hanggang kailan ka walang trabaho at magpapaalipin dito?”

Walang trabaho? Magpapaalipin?

Napatungo si Mia sa narinig. Sa isang iglap, para na naman siyang sinasakal. Lahat ng ginagawa niya—ang paglilinis, pagluluto, pag-aalaga sa biyenan, pati ang pagiging sunud-sunuran—ay higit pa sa ginagawa ng isang kasambahay. Pero alam niyang hindi iyon ang tinutukoy ni Keen; ang ibig sabihin nito ay ang totoong trabaho sa labas, ‘yung may sahod, may posisyon, at may sariling pangalan.

“Hindi ko po alam, Kuya,” mahinang sagot ni Mia. Mas hinigpitan niya ang hawak sa walis-tingting, naghahanda sa kung anumang puna ang ibabato nito sa kaniya.

“Nasa sa iyo pa ba ang mga diploma mo?” tanong ulit ni Keen, kalmado pero walang kabuhay-buhay ang tono.

Bahagya namang tumango si Mia. “Opo, Kuya. Nandito pa po.”

“Kung ganoon, ikaw muna ang magiging sekretarya ko. Kasalukuyang naka-maternity leave ang sa akin ngayon.”

Nakahanda na si Mia sa anumang pagmamaliit na itataboy sana sa kaniya ni Keen, subalit natigilan ito nang marinig ang sinabi ng lalaki. Itinaas niya ang kaniyang mukha at gulat na tiningnan ang bayaw.

“Se-seryoso po ba kayo, Kuya?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Mia.

Hindi sumagot si Keen sa tanong ni Mia, ngunit sapat na para patunayang seryoso ang lalaki sa sinabi nito nang hindi niya inalis ang mga mata sa babae.

“Pero Kuya... vocational degree lang ang mayroon ako. Kaya ko po ba iyon?” Kasalukuyang nakahawak ang mga kamay ni Mia sa kaniyang dibdib, umaasang hindi ito tuluyang mawala dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

“Ako naman ang nagmamay-ari ng kompaniya,” simpleng sagot ni Keen. Ang maikling pangungusap na iyon ay nagpapatunay na walang puwang para sa pagtatalo sa kanilang dalawa.

Biglang kumislap ang mga mata ni Mia. Matapos ang isang taon ng pagiging utusan sa paningin ng lahat, ang oportunidad na ito ay isang hulog ng langit para sa kaniya.

“Kung pwede po, Kuya... gusto ko po! Gustong-gusto ko po!” hindi na maitago ang kagalakan sa boses ni Mia.

Tipid naman na tinanguan ito ni Keen.

“Kung gusto mo talaga ay p’wede ka na pumasok bukas.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   No Choice

    Nang gabing iyon ay parang iba ang naging hangin sa hapag-kainan ng pamilya Montecastro. Walang ingay na maririnig maliban sa pagtama ng mga kubyertos. Naputol naman ang katahimikan nang ibinaba ni Keen ang kaniyang baso na lumikha ng mahinang tunog, sapat na para mapalingon ang lahat sa kaniya.Binalingan ni Keen si Klarise, at saglit na sinulyapan si Mia na nakaupo sa tabi ni Haze. Tumikhim muna si Keen matapos ipatong ang tasa ng kape sa mesa.“May gusto lang sana akong sabihin,” aniya, seryoso at may awtoridad, na agaran namang nagpatahimik sa buong hapag.Agad na napatingin si Klarise sa kaniya, gayundin sina Marize, Leo, at Farah. Sandaling namayani ang katahimikan habang naghihintay ang lahat sa kung anuman ang sasabihin ng panganay na anak ng mga Montecastro.“Ano iyon, Keen?” tanong ni Klarise dito.Pinunasan muna ni Keen ang gilid ng kaniyang labi gamit ang napkin bago magsalita. “Simula bukas ay magtatrabaho na sa opisina si Mia. Siya muna ang pansamantalang magiging sekret

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Chance

    “Ano ba naman ‘yan?!” bulyaw ni Klarise at dinuro pa si Mia na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan—kahit napakaingat naman ng babae sa kaniyang ginagawa.“Mali-mali ang paggupit mo ng kuko ko! Ano ba?!”Tumahimik ang buong paligid, maliban na lang sa malakas na kabog ng dibdib ni Mia mula sa loob.Saglit lamang na napatingin si Keen—sapat lang para makitang nakaluhod si Mia habang si Klarise ay hawak ang daliri at nag-iinarte pa. Nanatiling blanko ang mukha ni Keen at walang mababasang emosyon dito. Samantalang si Marize naman ay ngumisi pa nang bahagya; malinaw sa mga mata niya na alam niyang hindi iyon aksidente at sadyang nagdradrama lamang ang kaniyang biyenan.Si Angela, ang limang taong gulang na bata, ay kusang tumayo mula sa sahig, bakas sa mukha ang pag-alala nang makita si Mia na natumba. Akmang lalapit na sana ito, pero pinigilan ng kaniyang ina.“Maupo ka, Angela.” Malamig at pinal ang tono ni Marize.Natigilan naman ang bata sa narinig, sinulyapan pa muna an

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Hate

    “Haze...” nanginginig ang boses na daing ni Mia habang tumatayo mula sa pagkakaupo, nanginginig ang mga kamay na pinulot ang calling card.“Bakit kailangang pag-usapan natin ulit ito, Haze?”“Bakit?” mas lalong tumalim ang tingin ni Haze sa asawa. “Oh...akala mo ba ay nagbibiro lang ako kaninang umaga? Akala mo siguro nagsisinungaling ako tungkol sa pagtigil ko sa pagtustos ng gastusin sa ospital ng lolo mo, no?”Dismayadong napayuko si Mia sa narinig, halos magusot na rin ang hawak niyang calling card dahil sa mariin niyang pagkakuyom dito.“Haze, pero...hindi ko kaya,” basag ang boses ni Mia habang sinasabi niya ito.“Hindi ko kayang gawin ang gusto mo.”Lumapit si Haze sa kinatatayuan ng asawa, kalmado ngunit mapanganib ang mga hakbang nito papalapit hanggang sa wala nang pagitan sa kanilang nilang dalawa.“Kailangan mong kayanin,” malamig nitong sambit. “Dahil wala ka ng iba pang mamagawa.”Mula sa pagkayuko ay inangat ni Mia ang kaniyang mukha, puno rin ng luha ang kaniyang mga

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Care

    “Hindi mo dapat palaging sinusunod ang mga sinasabi ng ibang tao.” Itinaas ni Mia ang kaniyang ulo upang salubungin ang mga mata ni Keen, bahagya pa siyang nagulat dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagtanggol sa kaniya.Ngunit bago pa man niya maunawaan ang ibig sabihin nito ay mas lalong lumapit si Keen sa kaniya. Ganoon pa rin ang ekspresyon sa mukha nito… sobrang lamig.“Huwag mong hayaang tratuhin ka nilang parang utusan. Parte ka na pamilyang ‘to dahil asawa ka ni Haze.”Mabilis na yumuko si Mia at pinagkrus ang mga daliri nito. “O-opo, kuya,” halos hindi marinig ang boses ni Mia dahil sa kaba.Humakbang pa papalapit si Keen, sapat na para mapatalon ang natutulog na puso ni Mia. Mukha rin itong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang lapit ni Keen sa kaniya.Ang mga mata ng kaniyang bayaw ay napakalamig, na tila ba’y lumulusot hanggang sa kaluluwa niya. Ang mapanuri nitong titig na tila binabasa ang buong pagkatao ni Mia, pati na rin ang mga bagay na pinipilit niya

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Tension

    Matapos ang nag-uumapaw na tensyon sa almusal ng pamilya ay nagtungo na si Mia sa kusina para simulan na ang paghuhugas ng pinagkainan nila. Mariing idiniin ni Mia ang sponge sa plato na para bang katumbas ng pagtanggal niya ng mga mantsa roon ay matatanggal din ang sakit ng mga panlalait ng kaniyang biyenan sa kaniya.Ang kaniyang mga luhang pumatak ay humalo sa mga bula ng sabon. Mahina siyang humikbi habang naghuhugas at hindi na mapigilan ang sarili na manginig sa bigat ng mga utos ng mga Montecastro at ang tatlong buwang palugit sa kaniya para mabuntis.Habang siyang naghuhugas ay may bigla na lamang isang banayad na haplos ang naramdaman niya sa kaniyang likuran. Bahagya namang nagulat si Mia at nagmadaling pinunasan ang mga luha gamit ang manggas ng kaniyang damit.“Ma’am Mia....” Boses ito ni Paula, ang mayordoma ng pamilya. Maririnig mo rito ang pinaghalong awa at pait nito kay Mia. Marahan din nitong hinahaplos ang braso ng babae.“Tama na, Ma’am. Huwag ka nang umiyak. Ma

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Conflict

    “Maghanap ka ng lalaking bubuntis sa’yo, Mia.”Ito ang bungad ni Haze sa bagong gising na si Mia. Namilog naman ang mga mata ng babae sa gulat. Para ring nilamukos ang puso niya nang marinig ito sa asawa at tila ba’y hindi siya makahinga. Paano nito nakakayang sabihin sa kaniya na parang wala lang?“Se-seryoso ka ba sa s-sinasabi mo Haze?” Pabulong at nauutal na sambit ni Mia. “Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako magpapabuntis sa ibang lalaki?” dagdag na tanong ni Mia.Napabungtong hininga naman si Haze sa sunod-sunod na tanong ng asawa.“Pagod na ako! Palagi nalang akong tinatanong ni Mommy kung kailan siya magkakaapo. Nakakapagod na. Tanong din siya nang tanong kung kailan ka mabubuntis.”Para namang may bumabalakid sa lalamunan ni Mia at nahihirapan siyang lumunok. “Kung ganoon…bakit hindi nalang sa’yo, Haze? Asawa kita, kaya bakit mo ako pinagtutulukang maghanap ng ibang lalaki?” Naguguluhang tanong ni Mia. “Ikaw? Huwag ka ngang magbiro! Hinding-hindi ko sasayangin ang gabi ko sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status