Share

Tension

Author: Elise
last update publish date: 2026-11-10 16:15:41

Matapos ang nag-uumapaw na tensyon sa almusal ng pamilya ay nagtungo na si Mia sa kusina para simulan na ang paghuhugas ng pinagkainan nila. 

Mariing idiniin ni Mia ang sponge sa plato na para bang katumbas ng pagtanggal niya ng mga mantsa roon ay matatanggal din ang sakit ng mga panlalait ng kaniyang biyenan sa kaniya.

Ang kaniyang mga luhang pumatak ay humalo sa mga bula ng sabon. Mahina siyang humikbi habang naghuhugas at hindi na mapigilan ang sarili na manginig sa bigat ng mga utos ng mga Montecastro at ang tatlong buwang palugit sa kaniya para mabuntis.

Habang siyang naghuhugas ay may bigla na lamang isang banayad na haplos ang naramdaman niya sa kaniyang likuran. 

Bahagya namang nagulat si Mia at nagmadaling pinunasan ang mga luha gamit ang manggas ng kaniyang damit.

“Ma’am Mia....” 

Boses ito ni Paula, ang mayordoma ng pamilya. Maririnig mo rito ang pinaghalong awa at pait nito kay Mia. Marahan din nitong hinahaplos ang braso ng babae.

“Tama na, Ma’am. Huwag ka nang umiyak. Masyadong mahal ang mga luha mo para iyakan ang mga salita nila,” bulong ni Paula habang hinahatak ang plato mula sa kamay ni Mia.

“Ako na, hayaan mo nang ako na ang magpatulo nito,” alok ng kasambahay habang inaagaw ang gawain sa kamay ni Mia.

Gayunpaman ay hinila pabalik ni Mia ang plato.

“Huwag na po, Nay Paula, ako na po ang tatapos.”

“Huwag na, anak. Hayaan mo na ako rito,” giit ni Paula. 

“Ibiba mo na muna ‘yan at ako na ang magpapatuloy mamaya. Mas mabuti pang magpahinga ka na muna at sigurado akong pagod ka na,” malumanay niyang bulong.

Wala nang nagawa pa si Mia at tuluyang ibinaba ang mga pinggan sa lababo, bago hugasan ang kaniyang mga kamay sa gripo. 

Mas lumapit naman si Paula sa gawi ni Mia at tinulungan nitong tuyuin ang mga kamay gamit ang isang malinis na tuwalya. Pagkatapos ay niyakap niya ang dalaga nang mahigpit na parang yakap ng isang mapagmahal na ina sa sarili nitong anak.

Tulad ng nakaugalian ay pinilit na pinatili ni Mia ang ngiti sa kaniyang labi, na para bang walang nangyari. Kahit pa alam na alam na ni Paula ang mga naganap sa hapag-kainan kanina.

“Magpakatatag ka ‘nak, ha? Huwag mong dibdibin ang mga sinasabi nila” pagsisimula ni Paula sa usapan.

Pinilit pa rin ng dalaga na maging matatag, isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang magandang mukha. 

“Opo, Nay Paula. Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po ako.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasaksihan ni Paula na laitin, saktan at tratuhing parang utusan si Mia sa bahay na ito.

Anuman ang mangyari, ay mananatiling manugang ng pamilyang Montecastro si Mia kahit pa kailanman ay hindi naging pantay ang kaniyang estado sa dalawang hipag niya.

“Matalas talaga ang dila ni Madame, Mia. Huwag kang mag-alala, sisingilin din siya ng karma balang-araw,” bulong ni Paula. 

“‘Nak, huwag na huwag mong maramdamang nag-iisa ka, ha? Nandito ako para sa’yo.”

Bahagyang tumango si Mia, habang mahigpit na hinahawakan ni Paula ang kaniyang kamay na parang nagbibigay ng lakas upang makayanan ang mga pagsubok ng babae sa bahay na ito.

“Magpakatatag ka, Mia,” pagpapatuloy nito. 

“Naniniwala ako na balang araw...kapag naipanganak mo ang tagapagmanang lalaki ng pamilyang ito ay makikita ka na rin ng donya bilang isang karapat-dapat na manugang.”

Gumaan man ang pakiramdam ni Mia dahil sa mga haplos ni Paula, subalit ang mga katagang sinabi nito tungkol sa pag-aanak ay hindi man lang nagbigay ng ngiti sa labi niya.

Alam naman ni Mia na ang gusto lamang mangyari ni Paula ay patahanin siya at hindi naman talaga ito nagdedemand na magsilang siya ng isang lalaking tagapagmana ng pamilya.

Pero kahit ganoon ay patuloy na sumisikip ang dibdib ni Mia. Dahil hanggang sa sandaling ito ay naguguluhan pa rin siya kung paano siya magdadalang-tao kung ayaw namang makipagtalik sa kaniya ng asawa.

“O sige na, Mia. Ako na ang magpapatuloy sa paghuhugas ng mga ito at magpahinga ka na sa ‘yong kuwarto. Ang kailangan mo ngayon ay pahinga at oras para makapag-isip,” wika ni Paula.

Bahagya namang yumuko si Mia at mahina ang boses na nagsalita.

“Pasensya na po... kung nadagdagan ko pa ang mga pasanin ninyo.”

“Naku, bakit ka humihingi ng tawad?” Tiningnan ni Paula si Mia nang may kabaitan. 

“Trabaho ko naman ito. Sige na, magpahinga ka na. Kung magpapatuloy tayo sa pagkukuwentuhan ay kailan ka pa makakapagpahinga?” Magaan na sambit ni Paula.

Ngumiti si Mia sa narinig…isang sinserong ngiti sa mabigat niyang buong umaga. 

“Sige po, mauuna na ako Nay, ha? Maraming-maraming salamat sa tulong niyo.”

“Oh sige na, walang anuman. Magpahinga ka lang.”

Bahagya namang tinanguan ito ng dalaga. Bago dahan-dahang lumabas sa maruming kusina patungo sa kaniyang silid. Dahil madadaanan niya ang sala ay nakita niya si Marize at ang panganay na anak nito.

“Mama...,” ang tawag ni Angela habang tumatakbo papalapit sa ina na may dalang pares ng medyas at sapatos. 

“Tulungan mo nga ako, Ma.”

Nakaupo sa sofa sa sala si Marize habang nakatitig sa screen ng kaniyang tablet. Tinitignan kasi nito ang bago niyang designs sa boutique.

“Kaya mo na ‘yan, Gel.” malamig ang tono ng boses ni Marize. Ni hindi niya ring magawang sulyapan ang anak.

“Hindi ko po kaya, Mama....” daing ng limang taong gulang na bata.

Tch.

Marahas na pumalatak si Marize at malamig na tiningnan ang anak. Syaka lumipat ang paningin kay Mia na kalalabas lang mula sa kusina.

“Mia,” tawag nito sa malakas na tono, dahilan para mapahinto at lumingon si Mia. 

“Halika rito,” seninyasan din niya ang babae.

“Bakit po, Ate?” tanong ni Mia nang makalapit na siya.

Sinulyapan ng babae ang anak bago nagsalita.

“Suotan mo ng medyas at sapatos si Angela,” malamig nitong utos na tila ba’y nag-uutos ito sa isang kasambahay.

Natulala naman si Mia sa narinig. Dahil matapos siyang tawagin nitong baog sa almusal nila kanina, ay napakadali na lang kay Marize na utusan siyang asikasuhin ang anak nito.

Wala ba talagang hiya ang babaeng ito?

Ayaw na niyang makipagtalo, o sa madaling salita ay dahil likas na mahiyain at takot sa lahat ng miyembro ng pamilya si Mia ay mas pinili nitong sundin ang utos ng hipag.

“Opo, Ate,” ang huli nitong sagot, habang si Marize ay nanatiling nakatutok sa screen ng kaniyang tablet. 

“Halika, bunso. Tutulungan ka na ni Tita na masuot ‘yang sapatos mo.”

Matamis namang ngumiti si Mia sa bata at inabot ang kanang kamay para hilahin ang braso ni Angela patungo sa isa pang sofa. Pinaupo niya roon ang bata bago siya lumuhod sa harap nito.

Ang tagpong iyon ay nagbigay ng ngiti sa mga labi ni Marize, na palihim pala siyang pinapanood. Masayang-masaya ito dahil napasunod niya kaagad si Mia sa kaniyang mga utos.

Ang mga ngiti ni Mia ay nawala nang malakas na umubos si Marize at nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kaniya.

“Bilisan mo na nga diyan, Mia. Bakit ba ang bagal-bagal mong kumilos!” bulyaw nito.

“Ayan, tapos na Gel,” wika ni Mia kay Angela matapos maisuot ang mga sapatos sa bata at syaka tumayo.

Masaya namang sinulyapan ni Angela ang kaniyang mga paa.

“Maraming salamat po, tita Mia,” magalang nitong sambit.

Ngumiti nang bahagya si Mia at inabot ang kamay upang haplusin ang ulo ng bata. 

“Walang anuman, Gel.”

“Ang dami mo talagang talento, Mia,” panlait ni Marize. 

“Bagay kang utusan, bagay ka ring babysitter. Mayroon pa bang hindi mo kayang gawin?”

Nanatiling tahimik si Mia habang nagpapatuloy naman sa pagpapahiya sa kaniya si Marize. 

“Ah, oo nga pala. Kung ganoon, mamaya ay tulungan mo na rin si Paula na magbantay kay Bea.”

Nakangising sinuksok ni Marize ang tablet sa kaniyang mamahaling bag. 

“Mahilig ka naman sa mga bata eh. Mabuti na ring nagsasanay ka nang mag-alaga ng bata simula ngayon.”

Bago pa makasagot si Mia ay pinutol na ito kaagad ng hipag.

“Well… ‘yon ay kung hindi ka naman talaga baog. Pero kung totoo palang baog ka, aba... edi habang-buhay mong aalagaan ang mga anak ng iba. Ang mga anak ko, ang mga anak ni Farah,” nangunguyam na dagdag ni Marize.

Nanatiling tikom ang bibig ni Mia. Walang lumabas na mga salita sa kaniyang bibig at piniling nakatungo pa rin ang kaniyang mukha sa mga paa ni Angela. Ito ang kaniyang munting paraan ng pagpigil sa sarili upang hindi tuluyang sumabog sa harap ng hipag.

Saglit siyang sinulyapan ni Marize at natawa nang walang makuhang sagot sa kaniya.

“Mamayang tanghali ay ipagtimpla mo ng gatas si Bea, pakainin mo na rin, tapos palitan mo ang diaper niya, ha,” kaswal na utos ni Marize sa babae. 

Si Bea ay ang pangalawang anak nina Marize at Keen, anim na buwang gulang na ito ngauyon. Ang pagbubuntis ni Marize ay labis na tinutukan ng buong pamilya Montecastro. 

Dahil ito sa pag-aakalang isang lalaking tagapagmana ng pamilya ang kaniyang dinadala, ngunit nadismaya ang lahat nang malamang babae ulit ang pinagbubuntis niya.

Iyon ang nag-udyok kay Klarise upang pilitin si Mia na magbuntis, umaasahang magkaroon ito ng apong lalaki. Ayaw rin nitong piliting magbuntis pa ulit si Marize dahil baka babae na naman ang lumabas sa huli.

“Mabilis ka namang matuto sa mga ganiyan. Ayaw ko pa naman sanang inaalagaan ng ibang tao ang mga anak ko. Pero dahil ikaw ‘yan, kaya ayos lang sa’kin,” dagdag pa nito.

Tinanguan lang ito ni Mia bago sumagot ng, “Opo, Ate.”

Mas lumawak naman ang ngiti sa mga labi ni Marize sa inasal ni Mia.

“Aba, ganyan nga! Gustong-gusto ko talaga ang mga sagutan mo eh, mukha kang masunuring tuta—”

“Marize.”

Isang mabigat, malalim, at awtoridad na boses ang pumutol sa sasabihin pa sana ni Marize. Ang maskuladong boses na iyon ay nagmula kay Keen, na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kaniyang asawa.

Sa isang iglap ay sumulyap ang mga mata ng lalaki kay Mia at kay Angela bago ibinalik ang matalim na tingin nito kay Marize. 

“Anong sinabi mo?” tanong nito sa matigas na tono.

Nahirapan sa paglunok si Marize nang makita ang matalim na tingin ng kaniyang asawa.

“A-ano bang sinabi ko, darling?” nauutal nitong tanong habang mahigpit na hinahawakan ang strap ng kaniyang bag.

“Huwag ka nang magmaang-maangan pa,” malamig na sagot ni Keen.

“Bakit mo pinagsasalitaan nang masama si Mia?” Umigting ang mga panga nito sa pagpipigil.

“Hindi, darling!” depensa ni Marize, nagtatangkang ipagtanggol ang sarili. 

“Wala akong masamang intensyon. Masyado ka namang sensitive.”

“Sensitive?” nagsalubong ang makakapal na kilay ni Keen sa narinig sa asawa. 

“Huwag mong isiping hindi ko alam kung anong klase kang tao, Rize. Mahiya ka naman nang kaonti. Ikaw na nga ang humingi ng tulong kay Mia, tapos mamaliitin mo pa ang tao.”

Natigilan si Marize sa inasal ng asawa. Pinagsabihan ba naman siya sa harap mismo ni Mia, ang taong pinagsasabihan niya kanina nang masama. Ngunit ngayon, siya pa ang napahiya nang husto sa harap ng asawa.

“Papa… Mama….” mahinang tawag ni Angela na kanina pa tahimik na nanonood sa sagutan ng kaniyang mga magulang.

Saglit na sinulyapan ni Keen ang anak at ibinalik ang malamig na titig sa asawa.

“Humingi ka ng tawad kay Mia,” mariing utos ni Keen. Ang tono ng boses nito ay pinal at hindi na p’wede pang baliin pa.

Dahil sadyang makapal ang mukha ni Marize ay hinding-hindi niya kayang gawin ang inuutos sa kaniyang asawa.

Dahil sa labis na inis ay hinila ni Marize ang braso ni Angela at marahas itong hinila palabas ng mansiyon.

Pagkasara na pagkasara ng malaking p***o ay hindi na nagsalita pa si Keen. Kaya ang tanging maririnig mo lamang sa sala ay ang marahang paghinga lamang ni Mia.

Nakatayo naman si Keen sa harapan ng babae, tuwid ang katawan, at ang kaniyang malamig na mga matang karaniwang mahirap basahin ay diretsong nakatuon kay Mia. Pinili namang hindi gumalaw ni Mia sa kaniyang p’westo.

“Hindi mo dapat palaging sinusunod ang mga sinasabi ng ibang tao,” sambit ni Keen gamit ang mababa nitong boses. Ngunit sapat na ito para patigilin ng ilang segundo ang tibok ng puso ni Mia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   No Choice

    Nang gabing iyon ay parang iba ang naging hangin sa hapag-kainan ng pamilya Montecastro. Walang ingay na maririnig maliban sa pagtama ng mga kubyertos. Naputol naman ang katahimikan nang ibinaba ni Keen ang kaniyang baso na lumikha ng mahinang tunog, sapat na para mapalingon ang lahat sa kaniya.Binalingan ni Keen si Klarise, at saglit na sinulyapan si Mia na nakaupo sa tabi ni Haze. Tumikhim muna si Keen matapos ipatong ang tasa ng kape sa mesa.“May gusto lang sana akong sabihin,” aniya, seryoso at may awtoridad, na agaran namang nagpatahimik sa buong hapag.Agad na napatingin si Klarise sa kaniya, gayundin sina Marize, Leo, at Farah. Sandaling namayani ang katahimikan habang naghihintay ang lahat sa kung anuman ang sasabihin ng panganay na anak ng mga Montecastro.“Ano iyon, Keen?” tanong ni Klarise dito.Pinunasan muna ni Keen ang gilid ng kaniyang labi gamit ang napkin bago magsalita. “Simula bukas ay magtatrabaho na sa opisina si Mia. Siya muna ang pansamantalang magiging sekret

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Chance

    “Ano ba naman ‘yan?!” bulyaw ni Klarise at dinuro pa si Mia na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan—kahit napakaingat naman ng babae sa kaniyang ginagawa.“Mali-mali ang paggupit mo ng kuko ko! Ano ba?!”Tumahimik ang buong paligid, maliban na lang sa malakas na kabog ng dibdib ni Mia mula sa loob.Saglit lamang na napatingin si Keen—sapat lang para makitang nakaluhod si Mia habang si Klarise ay hawak ang daliri at nag-iinarte pa. Nanatiling blanko ang mukha ni Keen at walang mababasang emosyon dito. Samantalang si Marize naman ay ngumisi pa nang bahagya; malinaw sa mga mata niya na alam niyang hindi iyon aksidente at sadyang nagdradrama lamang ang kaniyang biyenan.Si Angela, ang limang taong gulang na bata, ay kusang tumayo mula sa sahig, bakas sa mukha ang pag-alala nang makita si Mia na natumba. Akmang lalapit na sana ito, pero pinigilan ng kaniyang ina.“Maupo ka, Angela.” Malamig at pinal ang tono ni Marize.Natigilan naman ang bata sa narinig, sinulyapan pa muna an

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Hate

    “Haze...” nanginginig ang boses na daing ni Mia habang tumatayo mula sa pagkakaupo, nanginginig ang mga kamay na pinulot ang calling card.“Bakit kailangang pag-usapan natin ulit ito, Haze?”“Bakit?” mas lalong tumalim ang tingin ni Haze sa asawa. “Oh...akala mo ba ay nagbibiro lang ako kaninang umaga? Akala mo siguro nagsisinungaling ako tungkol sa pagtigil ko sa pagtustos ng gastusin sa ospital ng lolo mo, no?”Dismayadong napayuko si Mia sa narinig, halos magusot na rin ang hawak niyang calling card dahil sa mariin niyang pagkakuyom dito.“Haze, pero...hindi ko kaya,” basag ang boses ni Mia habang sinasabi niya ito.“Hindi ko kayang gawin ang gusto mo.”Lumapit si Haze sa kinatatayuan ng asawa, kalmado ngunit mapanganib ang mga hakbang nito papalapit hanggang sa wala nang pagitan sa kanilang nilang dalawa.“Kailangan mong kayanin,” malamig nitong sambit. “Dahil wala ka ng iba pang mamagawa.”Mula sa pagkayuko ay inangat ni Mia ang kaniyang mukha, puno rin ng luha ang kaniyang mga

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Care

    “Hindi mo dapat palaging sinusunod ang mga sinasabi ng ibang tao.” Itinaas ni Mia ang kaniyang ulo upang salubungin ang mga mata ni Keen, bahagya pa siyang nagulat dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagtanggol sa kaniya.Ngunit bago pa man niya maunawaan ang ibig sabihin nito ay mas lalong lumapit si Keen sa kaniya. Ganoon pa rin ang ekspresyon sa mukha nito… sobrang lamig.“Huwag mong hayaang tratuhin ka nilang parang utusan. Parte ka na pamilyang ‘to dahil asawa ka ni Haze.”Mabilis na yumuko si Mia at pinagkrus ang mga daliri nito. “O-opo, kuya,” halos hindi marinig ang boses ni Mia dahil sa kaba.Humakbang pa papalapit si Keen, sapat na para mapatalon ang natutulog na puso ni Mia. Mukha rin itong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang lapit ni Keen sa kaniya.Ang mga mata ng kaniyang bayaw ay napakalamig, na tila ba’y lumulusot hanggang sa kaluluwa niya. Ang mapanuri nitong titig na tila binabasa ang buong pagkatao ni Mia, pati na rin ang mga bagay na pinipilit niya

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Tension

    Matapos ang nag-uumapaw na tensyon sa almusal ng pamilya ay nagtungo na si Mia sa kusina para simulan na ang paghuhugas ng pinagkainan nila. Mariing idiniin ni Mia ang sponge sa plato na para bang katumbas ng pagtanggal niya ng mga mantsa roon ay matatanggal din ang sakit ng mga panlalait ng kaniyang biyenan sa kaniya.Ang kaniyang mga luhang pumatak ay humalo sa mga bula ng sabon. Mahina siyang humikbi habang naghuhugas at hindi na mapigilan ang sarili na manginig sa bigat ng mga utos ng mga Montecastro at ang tatlong buwang palugit sa kaniya para mabuntis.Habang siyang naghuhugas ay may bigla na lamang isang banayad na haplos ang naramdaman niya sa kaniyang likuran. Bahagya namang nagulat si Mia at nagmadaling pinunasan ang mga luha gamit ang manggas ng kaniyang damit.“Ma’am Mia....” Boses ito ni Paula, ang mayordoma ng pamilya. Maririnig mo rito ang pinaghalong awa at pait nito kay Mia. Marahan din nitong hinahaplos ang braso ng babae.“Tama na, Ma’am. Huwag ka nang umiyak. Ma

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Conflict

    “Maghanap ka ng lalaking bubuntis sa’yo, Mia.”Ito ang bungad ni Haze sa bagong gising na si Mia. Namilog naman ang mga mata ng babae sa gulat. Para ring nilamukos ang puso niya nang marinig ito sa asawa at tila ba’y hindi siya makahinga. Paano nito nakakayang sabihin sa kaniya na parang wala lang?“Se-seryoso ka ba sa s-sinasabi mo Haze?” Pabulong at nauutal na sambit ni Mia. “Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako magpapabuntis sa ibang lalaki?” dagdag na tanong ni Mia.Napabungtong hininga naman si Haze sa sunod-sunod na tanong ng asawa.“Pagod na ako! Palagi nalang akong tinatanong ni Mommy kung kailan siya magkakaapo. Nakakapagod na. Tanong din siya nang tanong kung kailan ka mabubuntis.”Para namang may bumabalakid sa lalamunan ni Mia at nahihirapan siyang lumunok. “Kung ganoon…bakit hindi nalang sa’yo, Haze? Asawa kita, kaya bakit mo ako pinagtutulukang maghanap ng ibang lalaki?” Naguguluhang tanong ni Mia. “Ikaw? Huwag ka ngang magbiro! Hinding-hindi ko sasayangin ang gabi ko sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status