Share

No Choice

Author: Elise
last update publish date: 2026-11-13 04:22:41

Nang gabing iyon ay parang iba ang naging hangin sa hapag-kainan ng pamilya Montecastro. Walang ingay na maririnig maliban sa pagtama ng mga kubyertos. Naputol naman ang katahimikan nang ibinaba ni Keen ang kaniyang baso na lumikha ng mahinang tunog, sapat na para mapalingon ang lahat sa kaniya.

Binalingan ni Keen si Klarise, at saglit na sinulyapan si Mia na nakaupo sa tabi ni Haze. Tumikhim muna si Keen matapos ipatong ang tasa ng kape sa mesa.

“May gusto lang sana akong sabihin,” aniya, seryoso at may awtoridad, na agaran namang nagpatahimik sa buong hapag.

Agad na napatingin si Klarise sa kaniya, gayundin sina Marize, Leo, at Farah. Sandaling namayani ang katahimikan habang naghihintay ang lahat sa kung anuman ang sasabihin ng panganay na anak ng mga Montecastro.

“Ano iyon, Keen?” tanong ni Klarise dito.

Pinunasan muna ni Keen ang gilid ng kaniyang labi gamit ang napkin bago magsalita. “Simula bukas ay magtatrabaho na sa opisina si Mia. Siya muna ang pansamantalang magiging sekretarya ko habang naka-maternity leave si Lauren ngayon.”

Halos mabitawan ni Haze ang hawak na kubyertos habang si Marize ay bahagyang napaubo sa gulat, gayundin si Farah na napatingin sa bayaw nito. Si Klarise ay napatigil sa paggalaw at napatuwid ng upo bago tiningnan si Keen na para bang may sinabi itong kamangha-mangha at hindi katanggap-tanggap.

Bumigat ang hangin sa paligid pero nanatiling kalmado si Keen, ganoon pa rin ang mukha nitong walang ekspresyon at parang nagpapahiwatag na wala siyang kinatatakutan.

Hindi nakapagpigil si Farah at binasag ang sandaling katahimikan. “Kuya Keen... seryoso po ba kayo?”

Sumingit naman si Marize na may kasamang sarkastikong tawa. “Ha? Teka lang... si Mia? Magtatrabaho sa Montecastro Corporation? Bilang sekretarya pa talaga?”

Sinipat ng masamang tingin ni Klarise si Mia. “Keen, huwag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo. Maraming aplikante na mas may karanasan kaysa sa kaniya. Isa pa—”

“My decision is final,” malamig na putol ni Keen sa ina, dahilan para mapatahimik si Klarise—bihirang-bihira lang kasing maputol ang sinasabi nito. Ngunit kay Keen, walang may lakas ng loob na sumuway.

Si Mia naman, na kanina pa nakayuko at halos hindi makahinga, ay mahigpit na kinuyom ang laylayan ng kaniyang damit. Ramdam na ramdam niya ang mga matatalim na matang nakatutok sa kaniya. Pero si Keen... ni minsan ay hindi siya tinapunan ng tingin. Nanatili rin itong walang emosyon.

Binalingan muli ni Klarise si Mia. “Sigurado ka bang kaya mo? Baka kahihiyan ang matamo mo roon.”

Napalunok naman si Haze sa sinabi ng ina, halatang hindi sang-ayon dahil baka mapahiya na naman siya sa mga kapatid sakaling magkamali si Mia, ngunit wala siyang lakas ng loob para tumutol sa kuya niya.

Sa huli ay sumandal si Keen sa kaniyang upuan at muling nagsalita nang may diin. “Hindi ako kumukuha ng empleyado nang basta-basta lang. Kung sinabi kong kaya niya, ibig sabihin ay kaya niya.”

Nanahamik ang lahat sa maawtoridad na boses ni Keen. Tanging ang bilis ng tibok lamang ng puso ni Mia ang naririnig niya sa mga oras na ‘yon—halo-halong takot, kaba, at munting pag-asa. Dahil sa unang pagkakataon sa buong buhay niya sa bahay na ito ay may nagtanggol at kumampi sa kaniya.

Kahit hindi siya tiningnan ni Keen, ang mga salitang iyon ay nagsilbing proteksiyon laban sa mga mapanghusgang tingin sa kaniya ng mga tao sa hapag.

Nagpatuloy ang hapunan nang parang may bigat na pinapasan ang lahat. Wala nang naglakas-loob na tumutol kapag ang panganay na ang nagsalita—pati ang sarili nilang ina ay tikom ang bibig dito.

“Seryoso ka ba, darling? Gagawin mong sekretarya si Mia?” tanong ni Marize nang masara na ang p***o ng kanilang silid pagkatapos ng hapunan.

“Pansamantala lang,” maikling sagot ni Keen habang dire-diretsong naglakad patungo sa tokador para ilapag ang mamahaling relo nito.

Pagak namang natawa si Marize sa sagot ng asawa.

“Pansamantala man o hindi… grabe naman.” Itinaas nito ang kilay nang may pang-uuyam. “Vocational degree lang ang mayroon siya, Keen. Ano namang aasahan mo sa kakayahan niya? Ha?”

Lumapit ito nang kaunti at mas lalong binaba ang boses para mas maibaba pa si Mia. “Yung pinalitan niya nga, college graduate eh. Tapos ngayon, ibababa mo ang standard mo para kay Mia?”

Umiling-iling si Marize na parang hindi makapaniwala. “Ang kaya lang naman nitong gawin ay magluto, maghugas ng plato, at maglinis ng bahay. Para sa trabahong pang-opisina? Hindi siya nababagay doon!”

Nanatiling tahimik si Keen. Walang tinanggap o pinansin sa mga sinabi ng asawa; malamig niya lamang itong sinulyapan mula sa salamin habang tinatanggal ang kaniyang relo.

“Huwag mong husgahan ang kakayahan ng ibang tao gamit ang makitid mong pananaw,” malamig na sambit ni Keen na nagpatahimik kay Marize.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   No Choice

    Nang gabing iyon ay parang iba ang naging hangin sa hapag-kainan ng pamilya Montecastro. Walang ingay na maririnig maliban sa pagtama ng mga kubyertos. Naputol naman ang katahimikan nang ibinaba ni Keen ang kaniyang baso na lumikha ng mahinang tunog, sapat na para mapalingon ang lahat sa kaniya.Binalingan ni Keen si Klarise, at saglit na sinulyapan si Mia na nakaupo sa tabi ni Haze. Tumikhim muna si Keen matapos ipatong ang tasa ng kape sa mesa.“May gusto lang sana akong sabihin,” aniya, seryoso at may awtoridad, na agaran namang nagpatahimik sa buong hapag.Agad na napatingin si Klarise sa kaniya, gayundin sina Marize, Leo, at Farah. Sandaling namayani ang katahimikan habang naghihintay ang lahat sa kung anuman ang sasabihin ng panganay na anak ng mga Montecastro.“Ano iyon, Keen?” tanong ni Klarise dito.Pinunasan muna ni Keen ang gilid ng kaniyang labi gamit ang napkin bago magsalita. “Simula bukas ay magtatrabaho na sa opisina si Mia. Siya muna ang pansamantalang magiging sekret

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Chance

    “Ano ba naman ‘yan?!” bulyaw ni Klarise at dinuro pa si Mia na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan—kahit napakaingat naman ng babae sa kaniyang ginagawa.“Mali-mali ang paggupit mo ng kuko ko! Ano ba?!”Tumahimik ang buong paligid, maliban na lang sa malakas na kabog ng dibdib ni Mia mula sa loob.Saglit lamang na napatingin si Keen—sapat lang para makitang nakaluhod si Mia habang si Klarise ay hawak ang daliri at nag-iinarte pa. Nanatiling blanko ang mukha ni Keen at walang mababasang emosyon dito. Samantalang si Marize naman ay ngumisi pa nang bahagya; malinaw sa mga mata niya na alam niyang hindi iyon aksidente at sadyang nagdradrama lamang ang kaniyang biyenan.Si Angela, ang limang taong gulang na bata, ay kusang tumayo mula sa sahig, bakas sa mukha ang pag-alala nang makita si Mia na natumba. Akmang lalapit na sana ito, pero pinigilan ng kaniyang ina.“Maupo ka, Angela.” Malamig at pinal ang tono ni Marize.Natigilan naman ang bata sa narinig, sinulyapan pa muna an

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Hate

    “Haze...” nanginginig ang boses na daing ni Mia habang tumatayo mula sa pagkakaupo, nanginginig ang mga kamay na pinulot ang calling card.“Bakit kailangang pag-usapan natin ulit ito, Haze?”“Bakit?” mas lalong tumalim ang tingin ni Haze sa asawa. “Oh...akala mo ba ay nagbibiro lang ako kaninang umaga? Akala mo siguro nagsisinungaling ako tungkol sa pagtigil ko sa pagtustos ng gastusin sa ospital ng lolo mo, no?”Dismayadong napayuko si Mia sa narinig, halos magusot na rin ang hawak niyang calling card dahil sa mariin niyang pagkakuyom dito.“Haze, pero...hindi ko kaya,” basag ang boses ni Mia habang sinasabi niya ito.“Hindi ko kayang gawin ang gusto mo.”Lumapit si Haze sa kinatatayuan ng asawa, kalmado ngunit mapanganib ang mga hakbang nito papalapit hanggang sa wala nang pagitan sa kanilang nilang dalawa.“Kailangan mong kayanin,” malamig nitong sambit. “Dahil wala ka ng iba pang mamagawa.”Mula sa pagkayuko ay inangat ni Mia ang kaniyang mukha, puno rin ng luha ang kaniyang mga

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Care

    “Hindi mo dapat palaging sinusunod ang mga sinasabi ng ibang tao.” Itinaas ni Mia ang kaniyang ulo upang salubungin ang mga mata ni Keen, bahagya pa siyang nagulat dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagtanggol sa kaniya.Ngunit bago pa man niya maunawaan ang ibig sabihin nito ay mas lalong lumapit si Keen sa kaniya. Ganoon pa rin ang ekspresyon sa mukha nito… sobrang lamig.“Huwag mong hayaang tratuhin ka nilang parang utusan. Parte ka na pamilyang ‘to dahil asawa ka ni Haze.”Mabilis na yumuko si Mia at pinagkrus ang mga daliri nito. “O-opo, kuya,” halos hindi marinig ang boses ni Mia dahil sa kaba.Humakbang pa papalapit si Keen, sapat na para mapatalon ang natutulog na puso ni Mia. Mukha rin itong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang lapit ni Keen sa kaniya.Ang mga mata ng kaniyang bayaw ay napakalamig, na tila ba’y lumulusot hanggang sa kaluluwa niya. Ang mapanuri nitong titig na tila binabasa ang buong pagkatao ni Mia, pati na rin ang mga bagay na pinipilit niya

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Tension

    Matapos ang nag-uumapaw na tensyon sa almusal ng pamilya ay nagtungo na si Mia sa kusina para simulan na ang paghuhugas ng pinagkainan nila. Mariing idiniin ni Mia ang sponge sa plato na para bang katumbas ng pagtanggal niya ng mga mantsa roon ay matatanggal din ang sakit ng mga panlalait ng kaniyang biyenan sa kaniya.Ang kaniyang mga luhang pumatak ay humalo sa mga bula ng sabon. Mahina siyang humikbi habang naghuhugas at hindi na mapigilan ang sarili na manginig sa bigat ng mga utos ng mga Montecastro at ang tatlong buwang palugit sa kaniya para mabuntis.Habang siyang naghuhugas ay may bigla na lamang isang banayad na haplos ang naramdaman niya sa kaniyang likuran. Bahagya namang nagulat si Mia at nagmadaling pinunasan ang mga luha gamit ang manggas ng kaniyang damit.“Ma’am Mia....” Boses ito ni Paula, ang mayordoma ng pamilya. Maririnig mo rito ang pinaghalong awa at pait nito kay Mia. Marahan din nitong hinahaplos ang braso ng babae.“Tama na, Ma’am. Huwag ka nang umiyak. Ma

  • Sa Piling ni Brother-In-Law   Conflict

    “Maghanap ka ng lalaking bubuntis sa’yo, Mia.”Ito ang bungad ni Haze sa bagong gising na si Mia. Namilog naman ang mga mata ng babae sa gulat. Para ring nilamukos ang puso niya nang marinig ito sa asawa at tila ba’y hindi siya makahinga. Paano nito nakakayang sabihin sa kaniya na parang wala lang?“Se-seryoso ka ba sa s-sinasabi mo Haze?” Pabulong at nauutal na sambit ni Mia. “Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako magpapabuntis sa ibang lalaki?” dagdag na tanong ni Mia.Napabungtong hininga naman si Haze sa sunod-sunod na tanong ng asawa.“Pagod na ako! Palagi nalang akong tinatanong ni Mommy kung kailan siya magkakaapo. Nakakapagod na. Tanong din siya nang tanong kung kailan ka mabubuntis.”Para namang may bumabalakid sa lalamunan ni Mia at nahihirapan siyang lumunok. “Kung ganoon…bakit hindi nalang sa’yo, Haze? Asawa kita, kaya bakit mo ako pinagtutulukang maghanap ng ibang lalaki?” Naguguluhang tanong ni Mia. “Ikaw? Huwag ka ngang magbiro! Hinding-hindi ko sasayangin ang gabi ko sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status