Chapter: No ChoiceNang gabing iyon ay parang iba ang naging hangin sa hapag-kainan ng pamilya Montecastro. Walang ingay na maririnig maliban sa pagtama ng mga kubyertos. Naputol naman ang katahimikan nang ibinaba ni Keen ang kaniyang baso na lumikha ng mahinang tunog, sapat na para mapalingon ang lahat sa kaniya.Binalingan ni Keen si Klarise, at saglit na sinulyapan si Mia na nakaupo sa tabi ni Haze. Tumikhim muna si Keen matapos ipatong ang tasa ng kape sa mesa.“May gusto lang sana akong sabihin,” aniya, seryoso at may awtoridad, na agaran namang nagpatahimik sa buong hapag.Agad na napatingin si Klarise sa kaniya, gayundin sina Marize, Leo, at Farah. Sandaling namayani ang katahimikan habang naghihintay ang lahat sa kung anuman ang sasabihin ng panganay na anak ng mga Montecastro.“Ano iyon, Keen?” tanong ni Klarise dito.Pinunasan muna ni Keen ang gilid ng kaniyang labi gamit ang napkin bago magsalita. “Simula bukas ay magtatrabaho na sa opisina si Mia. Siya muna ang pansamantalang magiging sekret
Last Updated: 2026-11-13
Chapter: Chance“Ano ba naman ‘yan?!” bulyaw ni Klarise at dinuro pa si Mia na para bang may ginawa itong napakalaking kasalanan—kahit napakaingat naman ng babae sa kaniyang ginagawa.“Mali-mali ang paggupit mo ng kuko ko! Ano ba?!”Tumahimik ang buong paligid, maliban na lang sa malakas na kabog ng dibdib ni Mia mula sa loob.Saglit lamang na napatingin si Keen—sapat lang para makitang nakaluhod si Mia habang si Klarise ay hawak ang daliri at nag-iinarte pa. Nanatiling blanko ang mukha ni Keen at walang mababasang emosyon dito. Samantalang si Marize naman ay ngumisi pa nang bahagya; malinaw sa mga mata niya na alam niyang hindi iyon aksidente at sadyang nagdradrama lamang ang kaniyang biyenan.Si Angela, ang limang taong gulang na bata, ay kusang tumayo mula sa sahig, bakas sa mukha ang pag-alala nang makita si Mia na natumba. Akmang lalapit na sana ito, pero pinigilan ng kaniyang ina.“Maupo ka, Angela.” Malamig at pinal ang tono ni Marize.Natigilan naman ang bata sa narinig, sinulyapan pa muna an
Last Updated: 2026-11-13
Chapter: Hate“Haze...” nanginginig ang boses na daing ni Mia habang tumatayo mula sa pagkakaupo, nanginginig ang mga kamay na pinulot ang calling card.“Bakit kailangang pag-usapan natin ulit ito, Haze?”“Bakit?” mas lalong tumalim ang tingin ni Haze sa asawa. “Oh...akala mo ba ay nagbibiro lang ako kaninang umaga? Akala mo siguro nagsisinungaling ako tungkol sa pagtigil ko sa pagtustos ng gastusin sa ospital ng lolo mo, no?”Dismayadong napayuko si Mia sa narinig, halos magusot na rin ang hawak niyang calling card dahil sa mariin niyang pagkakuyom dito.“Haze, pero...hindi ko kaya,” basag ang boses ni Mia habang sinasabi niya ito.“Hindi ko kayang gawin ang gusto mo.”Lumapit si Haze sa kinatatayuan ng asawa, kalmado ngunit mapanganib ang mga hakbang nito papalapit hanggang sa wala nang pagitan sa kanilang nilang dalawa.“Kailangan mong kayanin,” malamig nitong sambit. “Dahil wala ka ng iba pang mamagawa.”Mula sa pagkayuko ay inangat ni Mia ang kaniyang mukha, puno rin ng luha ang kaniyang mga
Last Updated: 2026-11-10
Chapter: Care“Hindi mo dapat palaging sinusunod ang mga sinasabi ng ibang tao.” Itinaas ni Mia ang kaniyang ulo upang salubungin ang mga mata ni Keen, bahagya pa siyang nagulat dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagtanggol sa kaniya.Ngunit bago pa man niya maunawaan ang ibig sabihin nito ay mas lalong lumapit si Keen sa kaniya. Ganoon pa rin ang ekspresyon sa mukha nito… sobrang lamig.“Huwag mong hayaang tratuhin ka nilang parang utusan. Parte ka na pamilyang ‘to dahil asawa ka ni Haze.”Mabilis na yumuko si Mia at pinagkrus ang mga daliri nito. “O-opo, kuya,” halos hindi marinig ang boses ni Mia dahil sa kaba.Humakbang pa papalapit si Keen, sapat na para mapatalon ang natutulog na puso ni Mia. Mukha rin itong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang lapit ni Keen sa kaniya.Ang mga mata ng kaniyang bayaw ay napakalamig, na tila ba’y lumulusot hanggang sa kaluluwa niya. Ang mapanuri nitong titig na tila binabasa ang buong pagkatao ni Mia, pati na rin ang mga bagay na pinipilit niya
Last Updated: 2026-11-10
Chapter: TensionMatapos ang nag-uumapaw na tensyon sa almusal ng pamilya ay nagtungo na si Mia sa kusina para simulan na ang paghuhugas ng pinagkainan nila. Mariing idiniin ni Mia ang sponge sa plato na para bang katumbas ng pagtanggal niya ng mga mantsa roon ay matatanggal din ang sakit ng mga panlalait ng kaniyang biyenan sa kaniya.Ang kaniyang mga luhang pumatak ay humalo sa mga bula ng sabon. Mahina siyang humikbi habang naghuhugas at hindi na mapigilan ang sarili na manginig sa bigat ng mga utos ng mga Montecastro at ang tatlong buwang palugit sa kaniya para mabuntis.Habang siyang naghuhugas ay may bigla na lamang isang banayad na haplos ang naramdaman niya sa kaniyang likuran. Bahagya namang nagulat si Mia at nagmadaling pinunasan ang mga luha gamit ang manggas ng kaniyang damit.“Ma’am Mia....” Boses ito ni Paula, ang mayordoma ng pamilya. Maririnig mo rito ang pinaghalong awa at pait nito kay Mia. Marahan din nitong hinahaplos ang braso ng babae.“Tama na, Ma’am. Huwag ka nang umiyak. Ma
Last Updated: 2026-11-10
Chapter: Conflict“Maghanap ka ng lalaking bubuntis sa’yo, Mia.”Ito ang bungad ni Haze sa bagong gising na si Mia. Namilog naman ang mga mata ng babae sa gulat. Para ring nilamukos ang puso niya nang marinig ito sa asawa at tila ba’y hindi siya makahinga. Paano nito nakakayang sabihin sa kaniya na parang wala lang?“Se-seryoso ka ba sa s-sinasabi mo Haze?” Pabulong at nauutal na sambit ni Mia. “Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako magpapabuntis sa ibang lalaki?” dagdag na tanong ni Mia.Napabungtong hininga naman si Haze sa sunod-sunod na tanong ng asawa.“Pagod na ako! Palagi nalang akong tinatanong ni Mommy kung kailan siya magkakaapo. Nakakapagod na. Tanong din siya nang tanong kung kailan ka mabubuntis.”Para namang may bumabalakid sa lalamunan ni Mia at nahihirapan siyang lumunok. “Kung ganoon…bakit hindi nalang sa’yo, Haze? Asawa kita, kaya bakit mo ako pinagtutulukang maghanap ng ibang lalaki?” Naguguluhang tanong ni Mia. “Ikaw? Huwag ka ngang magbiro! Hinding-hindi ko sasayangin ang gabi ko sa
Last Updated: 2026-11-10