LOGINJinah Salazar's Point of View"Anong—?" "Oo, Jinah," agaran niyang putol saakin. "Sa mundo mo, ako si Midenna."Kasunod ng kaniyang pagbanggit sa pangalang Midenna ay ang pagdulot nang kakaibang liwanag sa aming paligid. Namilog ang mata ko nang mapagtanto kong nasa ibang lugar na kami. "Nasaan tayo?" naguguluhan kong lingon sa kaniya. Hindi niya agad ako sinagot kung kaya pinili kong ilibot ang aking paningin sa paligid. Nasa isang mabatong lugar kami at sobrang dilim ng paligid. Tanging ang liwanag ng buwan mula sa kalangitan ang nagsisilbing ilaw sa kinaroroonan namin ngayon. I was taken aback when I saw a group of people standing in front of us. Dalawang lalaking malalaki ang katawan habang ang kanilang kasuotan ay puro itim. May pinapagitnaan silang isa pang lalaki na nakasuot ng kung hindi ako nagkakamali ay uniporme ng isang highschool student. "D*mn it!" napatakip ako sa aking bibig nang may sumulpot na babaeng kamukha ko mula sa gilid nila. Walang makitang kahit anong
"Who are you?" kinakabahan kong tugon kahit sa aking isipan ay alam ko na ang kasagutan. Hindi klaro ang kaniyang mukha dahil sa dilim ng kaniyang pigura, subalit kapansin-pansin ang ngising nakasilay sa kaniyang labi."Huwag kang lalapit!" tapang-tapangan kong babala habang nakayakap ako sa aking sarili. "Sabing huwag kang lalapit, eh!" asik ko nang humakbang siya ng isang beses. Hindi siya nagpatinag at nagpatuloy siya sa paglapit sa akin habang ako'y tuloy lang sa pag-atras.Oh, My God!"Sino ka ba talaga?!" Muli, hindi niya ako sinagot, ngunit nanatili pa rin ang kaniyang nakakakilabot na ngisi habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa akin. Nangangatog na ang aking tuhod sa pinapakita niyang kilos sa akin ngayon. Natutop ako saaking kinatatayuan nang maramdaman ko sa aking likuran ang pader, hudyat na wala na akong aatrasan pa. "Stay there!" muli kong banta sa kaniya. Saglit akong nakahinga nang maluwag nang tumigil siya. Hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon at m
Naibaling ko ang tingin ko sa harap nang maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Nilingon ako ni Midenna saka binigyan nang pampakalmang ngiti. Bumuntong-hininga ako bilang sukli sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng kaniyang ama sa tabi bago ito kumalas sa kaniyang seatbelt at nagmadaling lumabas.Bago ko pa mapihit palabas ang pintuan ay nabuksan na ito ni Midenna galing sa labas. Suminghap ako saka ako kumapit sa kaniyang braso. Tumigil kami sa isang kulay itim na matayog na gate. Madaming magagarang kotse na nakaparada sa gilid. Hindi na rin namin matanaw ang kaniyang ama dahil sa dami ng tao dito sa labas. Batid ko ay mga kamag-anak nila.Pinigilan ako ni Midenna sa paghakbang papasok na aking ipinagtaka. Napahigpit ang kapit ko sa kaniyang braso nang makita ko ang takot at pangamba sa kaniyang mukha. "I have to tell you something," bigkas niya na mas lalong nagpangamba saakin. "Balik tayo sa kotse." Hindi na ako nakaapela pa nang higitin na niya ako pabalik sa kot
Jinah Salazar's Point of ViewNapatakip ako ng bibig habang namimilog ang aking mata sa sobrang gulat. Holy God! Did I hear it wrong, right?Nilipat ko ang aking tingin kay Midenna na ngayon ay hindi na kumukurap. Nakatitig lang siya sa kaniyang ama na tila hindi pa nagproseso sa kaniya ang nabalitaan. Maski ang kaniyang ama ay ganoon din."Paanong..." hindi niya matuloy-tuloy na bigkas sa kaniyang ama na ngayon ay nakaupo sa kama. Pakiramdam ko, natutop na ako sa aking kinatatayuan. Ayaw at hindi matanggap ng aking tainga ang narinig. Paanong natagpuang patay si Pablo, eh, kagagaling lang niya saakin kahapon? D*mn. "Hindi pa matukoy ng mga pulis ang dahilan. Walang bahid ng gasgas o ano pa man ang kaniyang kotse at imposible naman daw na nabangga siya… Hindi ko na alam, anak," bigong-bigong iling ng tatay ni Midenna. Oh, My God!Lahat sila ay napatingin sa akin sa biglaan kong pag-upo sa sahig. Nilapitan ako ni Midenna, ngunit hindi ko siya magawang lingunin. Malakas ang pakiram
Inayos ko ang disente kong damit saka ako naupo sa harapan nila. Magkatabi silang nakaharap sa akin. Kunot na kunot ang noo ng aking ama na nakatingin saakin habang ang Papa naman ni Midenna ay sobrang lapad ng ngiting nakatingin saakin. No doubt he's his father."Anong ginagawa mo dito, anak?" takang tanong ng aking ama. Muli akong lumunok bago ko siya binigyan ng ngiti na hindi pinapahalata ang namumuong hiya sa loob ko. "Kaibigan ko ho si Midenna," kalmado kong sagot. "May sakit daw ho siya kaya dinadalaw ko.""Yung anak ko talaga!"Sabay kaming napalingon ni Papa sa kaniyang katabi sa biglaan nitong pagsingit. Tuwang-tuwang mukha ng Papa ni Midenna na nakatingin sa akin at nang ilipat niya ang kaniyang tingin saaking Papa ay iniba niya ang kaniyang ekspresyon. "Bakit?" patay-malisya niyang tugon saaking ama. Sa halip na sagutin siya ni Papa ay sa akin ito tumingin. "Nasa taas ang kwarto ni Midenna," muling sabat ng Papa ni Midenna. Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo saka ako
Pumasok ako sa loob nang makaalis na ang kanilang sasakyan. Muli na naman nanumbalik ang kaba sa aking dibdib nang malingunan ko ang nakasabit kong orasan sa gilid ng aking pintuan. Malapit na naman gumabi. Sana sa pagtulog ko mamaya, walang Midnight ulit na magpaparamdam. I let out a deep sigh, trying to stop myself from overthinking. Kailangan kong pagurin ulit ang sarili ko para makatulog ako ng walang iniisip. Inilagay ko sa tabi ang aking bag saka ko tinupi hanggang siko ang mahabang manggas ng aking damit. Dumampot ako ng walis at dustpan saka sinimulan nang walisan ang buong loob ng bahay kahit wala namang kalat.Hindi pa ako nakontento kaya maski ang mga plato kong malinis na ay hindi ko pinalagpas. Tahimik kong nilagay lahat sa lababo saka sinimulan nang hugasan isa-isa. Napangiti ako nang makaramdam ako ng pagod at antok pagkatapos ko.Nagpunas ako ng pawis bago ko hinayaang ihulog ang sarili ko sa aking kama. Naging matiwasay ang tulog ko tulad ng inaasahan ko. Walang na
Halos hindi ko na malasahan ang steak na nginunguya ko habang siya'y halos patapos na. Para akong kumakain ng papel habang panakaw-nakaw ang tingin sa kaniya. Grabe. Normal na normal na siguro sa kaniya ’yung ganito. ’Yung magha-hire ng gagawing parausan, tapos kapag magsawa ay hahanap na naman ng
Halos tumigil ang paghinga ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi man ako nakatingin sa kaniya'y ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin.Parausan tuwing gabi…Hindi ako t*nga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Sa café pa lang ay quotang quota na ako sa ilang pambabastos
Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.Bukod sa wala kami
Medyo natagalan bago ako nakabangon mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang lagkit sa buong katawan ko pero mas nangingibabaw ang hapdi. Pagkaapak pa lang ng paa ko sa sahig ay muntik na akong mabuwal. Literal na nangangatog ang tuhod ko."Ten minutes, Ika. I'm counting," dinig kong sabi ni Ymilio mula







