ログイン"Single pa ako, Ika..."Halos mag-umaga na pero ang linyang iyon ni Jace ay ayaw mawala sa utak ko. Nakakainis! Bakit ba kailangan niya pang sabihin iyon? Ano naman kung single siya? Wala akong pakialam kung single siya o may asawa na siya o may sampung girlfriend siya!Bumuntong-hininga ako at napatingin sa mahimbing na natutulog na si Zeus sa tabi ko. Kailangan na talaga naming umalis. Kung tatagal pa kami rito, baka masiraan na ako ng bait. Wala lagi sa wisyo ang kaba ko. Maayos na ako, e. Kaya wala dapat makasira sa peace of mind ko!Kinabukasan, maaga akong bumaba kasama si Zeus para mag-almusal, kahit halos wala akong tulog. Naabutan namin sina Ymilio at Donya sa malaking hapag-kainan. Agad na tumakbo si Zeus papunta kay Ymilio kaya nakangiti siyang binuhat nito at pinaupo sa silyang katabi niya."Good morning, Hija. Kamusta ang tulog niyo?" bati sa akin ni Donya habang humihigop ng kape."Ayos naman po," tipid kong sagot bago naupo sa tapat ni Ymilio.Tahimik kaming kumakain. T
Huminga muna ako nang malalim bago ko piniling tapusin ang pag-iisip sa loob ng cubicle. Pinagpagan ko nang kaunti ang suot kong gown, inayos ang aking buhok, at akmang maglalakad na sana patungo sa lababo para maghugas ng kamay nang parang biglang tumalon ang puso ko palabas ng aking dibdib.Paano ba naman, pag-angat ko ng tingin, si Jace ang bumungad sa akin. Nakatayo siya sa tapat ng malaking salamin, pormal na pormal sa kaniyang tuxedo, habang pinupunasan ang kaniyang mga kamay gamit ang isang paper towel. Pareho kaming natigilan at halatang pareho naming hindi inaasahan ang presensya ng isa't isa dito. Awtomatiko akong napaatras ng isang hakbang para sana bumalik sa loob ng cubicle para magtago, kaso…"Why are you here?" tanong niya agad. Walang bahid ng anumang emosyon ang mukha niya pero ang mga mata niya ay nakatitig nang mariin sa akin.Napakurap-kurap ako bago awtomatikong napakunot ang noo ko. Ano'ng klaseng tanong iyon? Nasa banyo kami, ano pa ba ang ginagawa ng tao sa ba
“Please, take a rest. Good night, Bless…” ani Ymilio matapos niya akong yakapin.Nginitian ko siya. “Ikaw rin. Goodnight." Pumasok na kami ni Zeus sa kwarto pagkatapos n'un at doon ko na ginugol ang buong gabi ko sa pag-iisip. Kung bakit hindi man lang kami pinansin ni Jace kanina. Galit ba siya? Siguro, oo, malamang. Pero bakit parang apektadong apektado ako?Ewan. Bahala na. Basta pagkatapos ng kasal, ipapaalam ko kina Donya na babalik kami ni Zeus sa States. Mas okay doon. Payapa.Sa mga sumunod na araw ay naging okay naman ang pananatili namin dito ni Zeus. Si Ymilio ang lagi kong nakakausap dahil naging abala na talaga ang lahat sa mangyayaring kasal."So what's your plan after the wedding?” mayamayang tanong sa akin ni Ymilio.Nasa garden area kami ngayon, magkatabing pinapanood si Zeus na pinaglalaruan ang ibang mga halaman. Humigop muna ako sa aking kape bago ko sagutin si Ymilio. "Babalik sa States. Ikaw? Ano na pala ang pinagkakaabalahan mo?” kaswal kong tanong. Nagkibit
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Mula sa itaas ng hagdan, naramdaman ko ang lamig na unti-unting gumapang sa aking katawan habang nakatitig sa lalaking apat na taon kong hindi nakita. Malaki ang ipinagbago niya. Malaki na ang katawan niya kumpara noon. Ang kaniyang balikat ay kapansin-pansin ang pagkakalapad ngayon. At ang dating pilyong aura niya ay napalitan ng isang seryosong awtoridad na hindi ko nakasanayan noon.Titig na titig siya kay Ymilio at Zeus. Pero mayamaya lang din ay binalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Nagkatinginan na naman kami kaya lihim akong napalunok. Inaasahan kong makikitaan ko siya ng kahit anong emosyon na pamilyar sa akin. Pero wala. Malamig at blangko lang ang kaniyang mga mata, tila ba isa lamang akong hangin sa kaniyang paningin."Ah, ganoon ba, Manang?" baling niya kay Manang Maria, tuluyan nang iniwas ang tingin sa amin na parang wala lang. Bahagya niya pang inayos ang kaniyang amerikana. "Sige po, hahabol na lang ako sa ka
Hindi na ako nakasagot kay Ymilio dahil mabilis na siyang naglakad pabalik sa sala. Naiwan akong nakatayo malapit sa hallway, tulala at pilit na ipinoproseso ang bawat salitang binitawan niya. Ang kaniyang pag-amin na nangidnap siya ng babae dahil lang sa akin, at ang akusasyon niyang si Jace ang pinili ko, ay nag-iwan ng matinding bigat sa dibdib ko.Gusto ko siyang habulin at sabihin na mali siya ng inakala. Na sa kaniya naman talaga ako nagkagusto noon, pero ano pang saysay? May anak na ako ngayon, at ang ama ay ang kaniyang pinsan.Pinakalma ko na ang aking sarili bago bumalik sa sala. Doon ay naabutan ko si Zeus na kandong na ni Don Ymael habang si Chelsea naman ay panay ang pakita ng mga laruan sa tablet nito. Ang saya nila tingnan lahat. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikita kong gustong-gusto nila ang anak ko. Kinabukasan, maagang naging abala ang buong mansyon. Rinig ko ang boses ni Manang Maria mula sa ibaba na nag-aayos ng mga gagamitin para sa tanghalian. Ayon kay Dony
Marahang hinawakan ni Ymilio ang siko ko at iginiya ako patungo sa dulo ng pasilyo, malapit sa hallway patungo sa pool area kung saan walang makakarining sa amin. Ewan pero medyo nakaramdam ako ng kaba habang nakasunod ako sa kaniya. Marahil dahil ngayon pa lang kami mag-uusap tapos sobrang seryoso pa ng kaniyang mukha. Malayo sa pilyong mukha niya na ipinakita niya kay Zeus kanina sa loob ng sasakyan.Nang tuluyan kaming makalayo sa sala ay huminto siya at humarap sa akin. Sumandal siya sa pader habang nakapamulsa ang isang kamay."Sino’ng ipapakilala mo?" tanong ko agad habang nakakrus ang aking mga braso.Hindi agad siya sumagot. Sa halip ay kinapa niya ang kaniyang bulsa at inilabas ang kaniyang cellphone. May pinindot siya roon bago iharap sa akin ang screen.Awtomatikong napako ang tingin ko sa larawang naroon. Isang babae ang nakadisplay sa screen. Maganda siya, may katamtamang pangangatawan, at nakasuot ng isang simpleng kasuotan. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang kani
Naitikom ko ang bibig ko. Ang bawat salitang binitawan niya ay parang sampal sa mukha ko na nagpabalik sa akin sa realidad. Pero mas lalo akong hindi nakaimik nang bitawan niya ang sunod pa niyang sinabi."Pero naiintindihan kita. Ganyan din ako, e. Bāliw na bāliw kay Chelsea kahit alam ko na bawal
"Kung gusto mo... tayo na lang ang magbakasyon sa sembreak," panukala niya sa malambing pa ring boses. "Isasama natin si Chelsea. Para... para maging malapit na rin kayo sa isa't isa."Medyo hilaw akong napangiti doon, saglit siyang binalingan mula sa likuran ko. “Hindi ba 'yun nakakailang? Ang dat
"Rachelle, sandali!" tawag ko, akmang tatayo sana ako para habulin siya pero huli na dahil mabilis na itong nakalayo sa pasilyo. Napabuga na lang ako ng hangin saka ko nilingon si Jace. Prente siyang nakaupo habang may ngisi na sa labing nakatingin sa akin. Dahil doon ay sinamaan ko siya ng tingin
Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan na kaming makalabas ni Jace sa mansyon. Pagkapasok ko sa kaniyang kotse ay stress akong napasandal sa upuan, pilit pinakalma ang kaninang kinakabahan kong dibdib. Habang nakatingin ako sa bintana, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ak

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





