Share

CHAPTER 21

Agad na niyuko ni Josh ang kaliwang kamay ni Analyn. Nakahawak iyon sa strap ng kanyang shoulder bag dahilan para malantad sa paningin nito ang kanyang mga daliri. Partikular na natuon ang mga mata ng dati niyang kasintahan sa kanyang palasingsingan kung saan suot niya ang patunay na may asawa na siya, na kasal na sila ni Romano.

Nagdikit nga ang mga kilay ni Josh at mas tumiim pa ang mukha. Nagagalit na ito kanina bago pa man sila lapitan ni Romano, ngunit ngayon ay mas dumoble pa iyon. Kung wala lang sigurong ingay sa paligid nila ay baka narinig na niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito dahil sa galit na nadarama.

Naramdaman pa ni Analyn ang tuluyang paglapit ni Romano sa kanyang tabi. Agad siya nitong hinapit sa kanyang baywang saka marahang hinila palapit dito na wari ba ay sadyang inilalayo siya kay Josh.

"I saw what you were planning to do, Mr. Medina. Ano ang karapatan mong gawin iyon sa asawa ko?" seryosong sabi ni Romano. Hindi nito hinihiwalayan ng tingin ang dati niyang ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status