Share

CHAPTER 26

last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-13 20:46:38

Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.

Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?

Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.

Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
isang update pa
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
Galing mo Laica niligtas mo ang matanda sa kapamahakan good job kaso delekado karin sana walang mangyari saying masama.
goodnovel comment avatar
Suzette Cabingas
more update Ms A
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 27

    Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 26

    Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 25

    Ilang minuto nang sinisipat ni Laica ang kanyang sarili sa harap ng salamin upang masiguro kung ayos na ba ang hitsura niya. Nakaayos na ang kanyang buhok at nakapaglagay na ng makeup sa kanyang mukha ngunit wari bang hindi pa rin siya kontento sa kanyang hitsura. Lahat ng anggulo ay parang nais niyang siguraduhing wala nang problema.Hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos nang magarbo. Sa tuwing papasok sa trabaho o ‘di kaya’y may gig na nakuha ay simple lang naman ang gayak niya. Manipis na makeup nga lang ang inilalagay niya sa kanyang mukha, minsan ay wala pa.Pero iba sa pagkakataong iyon. Iba sa gabing iyon.Ngayon ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Montañez Group of Companies. Sanhi iyon kaya kahit hindi siya sanay sa mga ganoong pagtitipon ay kailangan niyang mag-ayos ng kanyang sarili. At hindi lang basta simpleng pag-aayos. She should be glamorously dressed for tonight’s event. Panigurado kasing hindi mga simpleng tao ang bisita ng mga Montañez. Alam niyang lahat ng dadalo

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   Author's Note

    Hi, guys... Gusto ko lang po mag-thank you sa lahat ng nagbabasa ng Savage Billionaire Series 7:Hendrick Montañez at sa lahat ng stories under ng series na 'to... Sa mga nabibitin dahil hindi daily update ang story nina Hendrick at Laica, pasensiya po. May isang story pa po kasi akong sinusulat kaya alternate po ang pag-update ko sa kanila. Anyway, sana ay mabasa ninyo rin po ang ongoing series ko dito sa Goodnovel. HIS HEART SERIES *His Heart Series 1:His Scarred Heart (complete na po dito sa Goodnovel) *His Heart Series 2:His Stone Heart (ongoing pa po as of now (May 2025) at alternate kong ina-update with Hendrick's story) ***ang ibang stories sa series na ito ay mailalagay pa sa Goodnovel soon*** Maraming salamat po...

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 24

    Tuloy-tuloy na humakbang si Hendrick patungo sa may komedor ng bahay ng kanyang Lolo Benedicto. Ayon sa katulong na nakasalubong niya kanina ay naroon daw ang kanyang abuelo na kanina pa naghihintay sa kanya. Dumaan nga siya sa bahay nito nang makatanggap siya ng mensahe mula matandang lalaki na nagsasabing magtungo siya roon.Sa entrada pa lang ng komedor ay nakita na niya agad ang lolo niya. Nakaupo ito sa may kabisera ng mesa at kasalukuyan nang pinaghahain ng private nurse nitong si Mikael. Agad pa ngang napatingin sa kanya ang dalawa nang humakbang na siya palapit.“Lolo, I received your message. Bakit mo ako gustong makausap?” walang pasakalyeng saad niya rito.Mula sa diyaryo nitong binabasa ay tuluyang natuon ang atensyon ng matanda sa kanya. “Good morning too, Hendrick,” sarkastiko nitong bati sa kanya. “Kararating mo lang at sa halip na batiin mo ako ay iyan agad ang bungad mo sa akin.”Hendrick heaved out a deep sigh. Maaga pa nga ngunit dahil sa natanggap na mensahe mula s

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 23

    Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica kasabay ng paggala niya ulit ng kanyang paningin sa paligid. Karamihan sa mga taong naroon ay sa direksiyon na nila nakatutok ang mga mata. Samu’t saring emosyon na ang bumabalot sa kanya dahil doon at kung posible lang na magpalamon na lamang sa lupa ay ginawa na niya.Everyone was looking at them with so much curiosity. Maging ang mga kaharap ni Hendrick ay ganoon din ang naging reaksyon. Tanging ang kanyang asawa at si Tracey lamang ang may naiibang emosyong nakalarawan sa mga mukha. Kay Tracey ay pagkabigla. Waring hindi nito inaasahang makikita siya roon. Samantalang si Hendrick, habang mataman itong nakatingin sa kanya at sa lalaking nakabungguan niya ay hindi nakaligtas sa paningin ni Laica ang pagtiim ng mukha nito. Kung sa kanya o sa lalaking kaharap niya ito nagagalit ay hindi niya sigurado.“You ruined my suit!” pasinghal pang sabi ng lalaki sanhi para mapalingon ulit dito si Laica.Hindi maitago ang galit sa mukha nito. Basang-ba

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 22

    Mula sa pagtitig sa mga pinipritong hotdog ay napabaling ang mga mata ni Laica sa may entrada ng kusina nang sumulpot doon si Hendrick. Halatang kagigising pa lamang nito, tanging boxer shorts ang suot at may tuwalyang nakasabit sa kanang balikat.Hindi niya pa mapigilang disimuladong pagmasdan ang maskulado nitong katawan. Nang lumabas siya kanina mula sa silid nito ay saglit niya pa itong sinilip sa may sala at nakitang balot ng kumot habang mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ito inistorbo pa at tumuloy na lamang sa kusina para maghanda ng almusal. Matapos ng naging pagtatalo nila kagabi ay ni hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon. Ni hindi na siya lumabas pa ng silid kagabi dahilan para lumipas ang magdamag na hindi maayos ang lahat sa kanilang dalawa.Well, kailan ba naging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa? Laging nauuwi lang sa bangayan ang bawat pag-uusap na namamagitan sa kanilang dalawa. Mas maigi pa yatang maging abala sila sa kanya-kanyang trabaho para h

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 21

    “Where the hell have I been?” ulit ni Laica sa tanong ni Hendrick habang inilalapag sa ibabaw ng isang bureau ang dala niyang bag. “Kung impiyerno ang tawag mo sa trabaho ko, puwes doon ako galing.”Hindi niya itinago ang inis sa kanyang tinig. Simula nang magkita sila ulit ni Hendrick ay wala pa siyang natatandaang nagkausap silang dalawa sa maayos na paraan. Galit at pang-iinsulto ang lagi niyang nakukuha mula rito. Katulad na naman sa gabing iyon. Pagod na siya’t lahat-lahat pero ganoon pa ang salubong nito sa kanya. Couldn’t they talk like two civilized persons? Iyong kahit hindi maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay may kaunti pa rin sanang respeto?She sighed heavily. Malabo yatang makatanggap siya niyon mula sa kanyang asawa.“Napag-usapan na natin ito, hindi ba? You are not working anymore, Laica,” mariing saad ni Hendrick na agad nagpalingon sa kanya.“Tama ka, Hendrick. Napag-usapan na natin ito at nasabi ko na rin sa iyo na hindi ako hihinto sa pagtatrabaho. Pinapag-

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 20

    Mula sa pagbabasa ng ilang mahahalagang dokumento ay napaangat ng ulo si Hendrick nang biglang bumukas ang pinto ng opisinang kinaroroonan niya. Napaupo siya nang tuwid nang makita ang kanyang Lolo Benedicto na inaalalayan ng private nurse nito sa paglalakad palapit sa kanya.“Lolo...” saad niya.“Should I be thankful that my grandson is here in my company and managing it?” anito. Hindi niya alam kung natutuwa ba talaga ito o nang-uuyam.“Are you here because you’re checking on me?” buwelta niya naman. Ni hindi niya rin itinago ang sarkasmo sa kanyang tinig.Alam niyang iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Gusto lamang nitong siguraduhin kung ginagawa niya nga ba ang trabaho niya sa Montañez Group of Companies. Dahil sa ilang linggo mula sa araw na iyon ay uupo na siya bilang presidente ng nasabing kompanya, alam niyang oobligahin na talaga siya ng kanyang abuelo na palagian nang magtungo roon.But it was something that he couldn’t do. Hindi niya rin naman maaaring pabayaan ang Montañe

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status